Chapter VII

9.2K 272 42
                                    

Note: Fin'lly umabot na sa 1K reads. Sana mas lalo pang tumaas 'yung reads :) 

* Gray

" Game na. Pwesto na. Pwesto na. " 

Pagkatapos kumain at magligpit ng mga pinagkainan, natipon kaming lahat doon sa gitna, sa buhanginan. May bonfire namang naka-set kaya hindi gaanong malamig. Napag-usapan kasi ng barkada na magkasayahan. As usual, may alak. Pero magkakaroon daw ng game. Ano pa ba? Cliche na naman sa isang inuman ang Truth or Dare eh. Pero napagkasunduan kasing ito na lang 'yung gawing game since ito daw 'yung pinakasafe. Isa pa, para daw mas makilala namin ang isa't isa. 

'Di nagtagal ay nagather lahat sa gitna. Nang masiguradong kumpleto na kami, kumpleto na lahat ng gagamitin ay nagsimula ng umikot 'yung tagay. 

" Mamaya tayo magsimula, kapag may mga tama na. Para masaya. " wika ni Jam bago niya nilagok ang nakalaang tagay sa kanya. Nangasim pa nga 'yung mukha niya. Halatang hindi sanay uminom. Siyempre, si Jed, andyan, to the rescue sa girlfriend niya. 

Ganito 'yung pagkakahanay ng pag-upo namin.

        Trey           Miko

Nixon                             Jandrix

                BONFIRE

Reggo                            Gray (Ako)

        Jam            Jed

Pagkaubos ng isang bote, saka napagpasyahang magsimula na ng laro. Ako nama'y medyo hindi palagay, alam kong ganoon din 'yung katapat ko. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon