Chapter V

10.8K 262 46
                                    

* Gray 

" Pare... andito ka lang pala. " 

Napalingon ako sa boses na kumakausap sa akin mula sa aking likuran. Nakita ko si Trey, hingal na hingal at hawak ang dibdib, hinahabol ang hininga. Pagkatapos mabawi ang lakas, kaagad siyang tumabi sa akin at saka ako tiningnan ng may pagtataka. 

" Ano 'to Par? Naglalasing ka? " tiningnan ko lang siya na sinasabing 'obvious ba'.

" Ah. Sabi ko nga. Sunget naman nito. " 

Ilang minuto rin ang lumipas na walang umiimik sa aming dalawa. Matapos ko kasing marinig mula mismo sa bibig niya 'yung mga salitang lumalabas na sila, hindi ko na napigilan 'yung emosyon ko. Parang 'yung konting pag-asa na natitira sa puso na pwede pa kaming bumalik sa dati ay nawala na. Basta ang alam ko lang, kailangan kong makalimot. At wala na akong ibang paraang alam para makalimot kundi lunurin 'yung sarili ko sa alak. Sino namang dadamay sa akin? Sinong handang makinig sa akin? Sila? Sina Miko? Ayoko na silang guluhin. Hindi naman kasi sila kasali sa problema ko. Pangalawa, ako naman ang may gawa nito eh. 

" Ang sakit pala, Trey. Siguro ganito 'yung naramdaman niya 'nung nalaman niyang niloloko namin siya. Mali... mas triple pa siguro dito. " biglang lumabas sa bibig ko out of the blue.

" Ikaw kasi tol eh. Sabi mo, mahal mo. Ba't mo niloko? Ba't 'di ka nakuntento? " tanong niya sa akin.

Bakit nga ba? Ba't hindi ko nagawang makuntento sa pagmamahal niya? 

" Ewan ko tol. Kilala mo naman ako eh, kahit noong hindi pa niya ako nakikilala, malibog na talaga ako. Diba nga kalahating gag* kalahating malibog ako? " nagkatinginan kami at saka bahagyang natawa.

" Aaminin ko, tol. Nasarapan kasi ako eh. " 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now