Chapter XXXII

9.7K 194 22
                                    

* Reggo

Someone's playing with my nose. 

Baka naman panaginip lang. Hindi ko na lang pinansin. Nagbago na lang ako ng puwesto. Tumagilid na lang ako at nagfocus para matulog ulit. Ang sarap kayang matulog.

Pero parang totoo talaga eh. May nanglalaro sa ilong ko. Sinubukan kong bugawin ito kung langaw man 'yun, lamok o kung ano mang uri ng insektong sumisira sa forever namin ng kama ko. Nang maramdaman kong parang nawala naman, bumalik na ulit ako sa pagkakahimbing. Langaw lang pala. Isang bugaw ka lang. 

Sh*t! Talagang ang kulit ng hayop na...

" Good Morning Baeeee! " 

" What the F*ck?! " halos lumuwa 'yung mata ko sa nakita ko. Bakit siya nasa loob ng kwarto ko?! 

" Aww. Ang sweet ng bati mo sa'kin ha. " tapos bigla siyang nagpa-cute. 'Wag ngayon, Gray. Hindi pa nagpaprocess utak ko. 

" Ba't ka... " dali-dali kong kinuha 'yung blanket, unan at lahat ng pwedeng itakip sa katawan ko at saka humiga at tinabunan 'yung katawan ko. Naka-underwear lang kasi ako matulog kagabi. " Ba't ka nandito ha?! " 

" Eh diba may pasok tayo ngayon? Tapos sabi mo sa'kin kagabi, sunduin kita. Oh ayan, sinusundo na kita. Actually kanina pa nga ako dun sa baba eh. Mga thirty minutes na kaya nagsabi na ako kay Manang na aakyatin na kita dito. And to my surprise... may sexy na katawang nakahain sa mga mata ko. Hmmm. Yummy." he said it with very... very seductive voice. God. Tapos nag-lip bite pa siya. Sh*t! 'Wag ngayon, please! Umagang umaga ang dumi-dumi ng nasa utak ko. 

" Gag*! Manyak ka talaga. " bigla akong tumayo at saka siya itinulak palabas. " Sige na, sige na. Magbibihis na ako. Madali lang ako promise. Sige na. " pero parang wala siyang nakikinig. Sa iba siya nakatingin. Nakatingin siya sa... 

" F*ck! Labas na sabi! Labaaassss! " sigaw ko. Nakatingin pala siya sa... sa... alam niyo na! Nalimutan ko, nakaunderwear nga lang pala ako. Takte naman oh. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon