Chapter XX

7.1K 214 26
                                    

Note: Yaa! Sorry. Ok. Ang tagal kong mag-update. Eh aksi ang daming requirements sa degree program na kinukuha ko. Siyempre, may major na eh. Baka nga pala hindi na ako ganoon kadalas mag-update katulad ng dati. Sana maintindihan niyo :) 

 Sabaw! Sabaw 'tong Update na 'to. Boring! Pero intay intay lang kay, malapit na ulit tayong dumating doon sa nakakatense na part :)

* Reggo

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil panibagong umaga na naman o malulungkot ako dahil wala si Nixon sa tabi ko. Simula na nga pala ng pangalawang semestre dito. At heto, naghahanda na ako sa pagpasok. Pinilit ko namang maging masigla at maging normal dahilan sa first day ko ito. Parang ang pangit naman kasi kung sisimulan ko 'yung first day ko ng parang biyernes santo diba? Pero alam niyo 'yun? 'Yung may kulang? Hindi na kasi ako sanay ng wala siya sa tabi ko. 

Naiisip ko, ito na kaya 'yon? Mahal ko na kaya talaga siya? I mean... oo mahal ko naman talaga siya, kaya ko nga siya sa sinagot. Pero siyempre, may issue pa ako noon sa past ko at alam kong hindi ganoon kabuo 'yung pagmamahal ko sa kanya noong mga panahong sinagot ko siya. Alam kong mahal ko pa rin si Gray noon, at para maggantihan siya, sinagot ko si Nixon. Noon. Pero ngayon... hindi ko na maintindihan eh. Natatakot ako kapag wala siya sa tabi ko. Hinahanap-hanap ko siya pati 'yung pangungulit niya.   

Pumasok ako sa classroom na naka-assign sa akin. Irregular student ako kasi transferee ako. May mga units dito na hindi ko nakuha sa America, katulad ng Rizal. Ok lang naman sa akin, madali namang mag-adjust. Pagkapasok ko sa isang classroom ay agad may nakita agad akong isang kamay na kumakayaway at tila pinalalapit ako nito sa kanya. Tiningan ko kung sinong may-ari nito.

" Reggo! Dito ka! Tabi tayo. " energetic niyang sabi.

Ako naman, since wala naman akong kakilala dito ay lumapit na ako sa inaalok niyang bakanteng upuan kahit medyo awkward. Atleast, kahit papaano ay may makakausap ako. May pinagsamahan naman kasi kami ni Gray kahit hindi maganda 'yung kinahinatnan.

" Salamat. " simpleng tugon ko dito.

" Walang anuman. Ang galing 'no? Parang 'yung dati lang. " napangiti lang ako ng bahagya. Naalala ko kung gaano ako kasabik dating pumasok. Siya 'yung isa sa mga dahilan 'nun. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Where stories live. Discover now