OWNED BY KHALEX MONTENEGRO

By blacklydian_6

832K 26.9K 11.1K

Khaizer Alex Montenegro More

Reminder
OWNED BY KHALEX MONTENEGRO
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Notice
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Montenegro & Montemayor
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Kabanata 86
Kabanata 87
Kabanata 88
Kabanata 89
Kabanata 90
Kabanata 91
Kabanata 92
Kabanata 93
Kabanata 94
Kabanata 95
Kabanata 96

Kabanata 76

5.8K 262 139
By blacklydian_6


~Set a goal,work hard to achieve it. Do not give up on it! The beauty is in the struggle~
-Shehryaar Asif

Kabanata 76

Pabi's Pov

He took my wish for granted. I sighed deeply as i watch him, flirting again with other girls.

It was like tomorrow, he was with two sexy girls and now two new girls was with him right now.

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng sinabi ko sakaniya ang mga salitang iyon. At lahat ng yon ay tinupad niya, napayuko ako at napahilamos sa muka ko.

Wala na'kong ibang maramdaman kundi ang sakit, mas masakit pa'to sa break up namin ni Tasher.

Parang nawalan na'ko ng gana sa lahat ng bagay, sobrang sakit ng bawat tibok ng puso ko, para akong pinapahirapang huminga, pinapahirapan akong gawin ang mga bagay bagay.

Hindi ko alam, pero parang mas pinalala ko siya. Kung dati, bearable pa yung coldness niya. Ngayon ay hindi ko na kinakaya, para bang sa tuwing nagkakasalubong kami ay hindi ako nag-eexist sa harapan niya.

Hindi siya sumasabay samin ng pagkain, napapansin ko nalang na kapag papasok na ko sa kwarto atsaka siya lalabas para kumain. Parang ayaw na ayaw niya akong nakikita.

Hindi niya na ako sinasabay sa kotse niya.Malamang, nirequest mong layuan ka niya diba?At siguro ay sa dalawang araw na nakalipas ay dalawang beses na siyang nag-uuwi ng babae sa bahay.katulad ng nirequest kong humanap siya ng babaeng mas bagay sakaniya.

"My gosh! I heard Khalex was a playboy now?"

"This is our chance, Emily"

"Baka mapaibig natin siya"

"Chance na natin 'to para maging Montenegro"

Nagmamadaling naglapitan ang mga kinikilig na babae kay Khalex. Mapaglarong ngumiti si Khalex sa mga babae at nakangiting inentertain ang mga iyon.

Umiwas ako ng tingin. Namumuo nanaman ang luha sa mata ko kaya pumikit ako at pinilit huminga ng malalim,pinipigilan ko ang paghikbi, pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko dahil gusto ko 'to at eto ang nararapat.

"Pabi.."ng narinig ko ang mababang boses ni Keiren ay naidilat ko ang mata ko kasabay ang luhang lumandas sa magkabilang pisngi ko.

Nakita ko ang mata niyang puno ng pagkaawa sakin,hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinuyo ang aking luha gamit ang kaniyang hinlalaki.

"A-ayos lang ako"pumipiyok na sabi ko habang nakangiti,muli nanaman tumulo ang luha sa mata ko kaya tumawa ako."N-napuwing ako K-Keiren,m-malaking bato hehehe"pagpapatawa ko sakaniya.

Hindi siya tumawa o miski ngumiti, mariin lang siyang nakatingin sakin habang ang labi niya ay nangangatal,pinipigilan sigurong magsalita.

"Ayos lang ako"suminghap ako at tumango tango para masigurado siyang totoo ang sinasabi ko.Tumayo siya at inalok saakin ang kamay niya,nakangiting tinanggap ko yon kahit sa totoo lang ay nagbabara na ang lalamunan ko at gusto ko ng humagulgol ng umiyak sa harapan niya

"S-Saan tayo pupunta?"nakangiting tanong ko, hindi niya ako sinagot at basta hinigit nalang ang kamay ko.

Habang naglalakad kami ay nakatulala ako, pakiramdam ko ay parang wala na kong ibang maramdaman kundi ang sakit.Ginusto ko ang lahat ng ito! At eto ang tama! Kahit nahulog na'ko sakaniya ay babaliwalain ko na ang nararamdaman ko dahil iyon ang tama.

"Pabi,"natauhan ako ng narinig ko ang pagtawag ni Keiren sakin. Doon ko napagtanto na sa cafeteria niya pala ako dinala at nasa harapan namin ang lahat ng kaibigan niya. Mga taga last section, Si Sean, Si Evan at Everly.

"Ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong ni Everly, tumango ako at ngumiti. Binigyan kami ng space ni Marc kaya doon kami umupo ni Kei.

"Kumain ka,ibibili kita"seryosong sabi ni Kei.

"Wow naman ikaw ba yan?,"

Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako binabara, sa sinabi ko ay parang nagalit siya. Huminga siya ng malalim at tumingin sa malayo,kitang kita ko ang paggalaw ng panga niya tanda ng galit na siya.

"Anong gusto mo?"

"Ikaw bahala, basta masarap"

Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang sabayan ang trip ko, kung bakit hindi niya ako binabara na halos araw araw niyang ginagawa, o hindi kaya ay nagyayabang. Tumayo siya para umorder ng pagkain namin.

"Anong nangyari sa'yo Pabi? Bakit ang tamlay mo? May problema ba?"tanong ni Marc sakin at dahil sa tanong niya ay sakin natuon ang atensyon ng lahat.

"Ayos lang ako, ako pa ba?"tipid na ngiti ang iginawad ko sakaniya. Gusto niya pang magsalita pero alam kong pinipigilan niya ang sarili niya, tumango nalang siya at tinuon ang paningin sa kinakain.

"Si Sephora?"pinagtunog kong ayos lang ako habang tinatanong yon kay Everlyze. Tumigil naman siya sa pagkain at inangat ang paningin sakin."Asan siya?"

" Nasa mga booth kasama"lumunok siya at tumingin kay Sean."siya"

Tumango ako. Kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya. Maya maya ay bumalik na si Kei dala dala ang pagkain namin.

"Ubusin mo yan"aniya. Nilapag niya ang binili niyang pagkain sa harapan ko bago umupo sa tabi ko.

"Ano bang nangyari at ang tahimik mo ata, Kei?" nagtatakang tanong ni Evan. Sinulyapan lang siya ni Kei at uminom ng tubig, hindi siya nagsasalita kaya talagang nakakapanibago.

"Badmood lang yan, Evan. Hayaan na muna natin" ako na ang nagsalita, although hindi ko din alam kung anong reason ng pagiging ganyan niya.

Kumain na'ko kahit wala akong gana, ayokong maaksaya ang pera ni Keiren.
Hindi ko malasahan ang pagkain kahit ilang beses ko ng tinikman.

"Oh, Khalex,"

Natigil ako sa pagkain at napatungo, pakiramdam ko ay namumuo nanaman ang luha sa mata ko. Sobrang bilis nanaman ng puso ko, gusto kong umiyak para mabawasan ang sakit at bigat sa puso ko pero hindi ko gagawin yon.

"Hey,guys!" narinig ko ang matinis at maliit na boses ni Zsa Zsa. Umupo silang dalawa sa harap ko mismo, mas tinungo ko ang ulo ko at pilit umasta na parang wala lang ang lahat.

" Let's eat! It's your treat right?"masayang tanong ni Zsa Zsa, gusto kong umalis pero baka isipin niya ay bitter ako kaya nanatili ako sa harapan nila kahit nasasaktan ako.

"Yes,"

"Then, iutos nalang natin sa iba. You know para makapag spend tayo ng quality time together with your friends"sabi ni Zsa Zsa."Uhm, Pabi can you order for us?"

Napaangat ako ng tingin sakaniya, nakaangkla ang braso niya sa braso ni Khalex. Tumingin ako kay Khalex na malamig na nakatingin sakin, parang dinudurog ang puso ko habang nakatingin sa walang emosyon niyang mata.

"Bakit mo inuutusan ang kapatid ko?"galit na tanong ni Keiren kaya ngumiti si Zsa Zsa.

"It's because i wanted to?"maarteng sabi niya.

"E tangina mo pala 'e"biglang tumayo si Everly kaya hinila siya paupo ni Evan at sinuway.

"Isang sampal at ayos na'ko Evan"

Umirap lang si Zsa Zsa at ngumisi sa'kin.

"Huwag mo na siyang utusan,"tumayo si Khalex at nagpamulsa."Ako ng bibili ng kakainin natin"

"Sama na'ko, i don't trust their faces. Baka mamaya atakihin nila ako, i'm scared"nakangusong sabi ni Zsa Zsa.

"I don't trust their faces daw, e muka nga siyang si Joker"bulong nung isang babaeng kasama namin sa table.

"Mukang tubol nga 'e"

"Tara na"pinulupot ni Khalex ang braso niya kay Zsa Zsa habang naglalakad sila. Bahagya namang tumingkayad si Zsa Zsa at hinalikan ang pisngi ni Khalex bago ako lingunin, ngumisi siya ng malapad.

" Lagyan niyo ng pako yung upuan niya bili"sabi ni Everly kaya nagtawanan ang iba, tumungo ako at pilit pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

'Ginusto mo 'to diba? Eto ang tama! Hayaan mo ng masaktan ka, mukang masaya na siya kaya wag ka ng umiyak. Tama ang lahat ng ito, tama lang na naghahanap siya ng iba'

Habang kumain ang lahat, kasama sila Zsa Zsa at Khalex ay walang ni isang nagsasalita. Hindi ko alam kung paano ko nakakakayang sikmurain sila sa harapan ko.

Sinadya kong ihulog ang tinidor ko. Yumuko ako para damputin iyon, doon ako nakakuha ng pagkakataong punasan ang nagbabadyang luha sa mata ko.

Huminga ako ng malalim at pilit pinigilan ang sunod sunod na luha sa mata ko.

Nakita ko kung paano haplusin ni Khalex ang binti ni Zsa Zsa, kung paano unti unting pumasok ang kamay ni Khalex sa loob ng palda ni Zsa Zsa.

Naumpog pa'ko sa lamesa ng inangat ko ang ulo ko, napahawak ako sa ulo ko at napangiwi.

'Hutek, bakit sa harapan pa nila?'

"Are you okay? Baka lalo kang naging stupid dahil sa pagkakaumpog mo?"natatawang tanong ni Zsa Zsa.

Padabog na binitawan ni Keiren ang kutsara niya kaya napatingin ako sakaniya. Anger was visible in his face, especially in his eyes."Ikaw kaya ang iumpog ko,ngayon mismo?"galit na sabi ni Keiren.

Nawala ang ngiti sa labi ni Zsa Zsa at napalitan ng takot, hinawakan ko ang braso ni Keiren."Tama na"bulong ko,tumingin siya sakin kaya naialis ko ang kamay ko sa braso niya dahil sa nanlilisik niyang mata.

"Tara sa booth nalang tayo"yaya ni Khalex kay Zsa Zsa. Tinanaw ko silang lumabas ng magkasama, tumingin ako kay Keiren na masama parin ang tingin sakin.

"O-Okay lang naman ak-"

Natigilan ako ng malakas niyang hampasin ang lamesa at tabigin ang pagkain niya dahilan kung bakit ito natapon. "Okay lang, okay lang, puro ka okay lang"madiin niyang sabi.

"Tangina Pabi, hindi ka okay. Bakit ba sinasabi mong ayos ka lang kahit alam kong durog na durog ka na? Bakit"

Natahimik ako at nanghihinang tumingin sakaniya.Tumulo ang luha sa gilid ng mata niya kahit namumula na siya sa galit,marahas niyang pinunasan ang gilid ng mata niya.

"Bakit lagi nalang ibang tao ang iniisip mo? Bakit hindi mo iniisip ang sarili mo? Bakit lagi mong hinahayaang ikaw ang nasasaktan?"

Tumungo ako at hinayaang pumatak ang luha sa mata ko.

"Hindi ka ba napapagod magpanggap? Lagi mong pinapamuka mo saming lahat na ayos ka lang, na wala kang problema. Pabi, alam kong durog na durog ka na ngayon pero nakukuha mo paring ngumiti na parang wala kang pinagdadaanan"

"Nakakainis yung pagiging mabait mo, lumaban ka naman. Wag mong hayaang apihin ka, naawa ako sayo, nahihirapan ako sayo"

"K-Keiren, tama na"bulong ko at tinignan siya.Mukang naagaw na namin ang atensyon ng lahat ng nasa cafeteria."W-wag kang umiyak ng dahil sakin. Ayokong nakikita kang umiiyak,hayaan mo nalang ako"

" BAKIT KITA HAHAYAAN HA?"sigaw niya."NASASAKTAN KA NA PERO HINAHAYAAN MO LANG, BAKIT GANYAN KA?"padabog siyang tumayo at mabibilis ang hakbang na umalis sa cafeteria.

"Pabi"tawag sakin ni Everly, tumingin ako sakaniya habang nakangiti. Gusto ng sumabog ng dibdib ko, sobra sobrang pinipigilan ko ang sarili kong umiyak."Anong problema mo?"malungkot na tanong niya.

Umiling ako at pinahid ang luha sa mata ko."H-hindi totoo yung sinabi ni K-Kei, mainit lang ulo non"yumuko ako para isubo ang natitira ko pang pagkain.

Kinabukasan ay wala paring nagbago,ganon parin si Khalex habang ako ay nanatiling malungkot at nasasaktan. Sinubukan akong tanungin ng lahat ng kaibigan ko at iisa lang ang naging sagot ko. Ayos lang ako.

Ayokong pati sila ay mamroblema ng dahil sakin at isa pa, hindi ko naman masasabi sakanila na may gusto ako kay Khalex at nasasaktan ako sa mga ginagawa niya ngayon kahit ako ang may gusto non.

Si Keiren lang ang nakakaalam ng lahat ng nararamdaman ko, gusto niyang kausapin si Khalex pero pinipigilan ko siya.

"Hindi pwedeng nasasaktan ka, Pabi"galit na sabi niya, hinawakan ko ang braso niya at pilit siyang inawat, gusto niyang sugudin si Khalex.

"G-ginusto k-ko 'to Kei! E-Eto ang t-tama, hindi p-p-pwedeng maging k-kami"umiiyak na sabi ko.

"Pero nasasaktan ka, hindi kita kayang makitang nasasaktan, Ate"

Hinawakan ko ang pisngi niya at humikbi."T-Tama lang ang g-ginagawa niya, Kei. Dapat n-naghahanap siya ng i-iba kasi malaking gulo k-kapag nalaman ni daddy kung m-magkakaroon kami ng relasyon"

"Pero paano ka? Paano ang nararamdaman mo?"kitang kita ko ang awa sa mata niya.

Muli akong humikbi at umiyak sa harapan niya."Wag mo na'kong isipin, hindi mo na kailangang isipin ang nararamdaman ko"

Niyakap niya ako ng mahigpit."Nasa tabi kita nung mga panahong ako ang nasasaktan, gagawin ko ang lahat para maging masaya ka.."

Napakaswerte ko kay Kei, napakabait niyang kapatid sakin. Hinding hindi ko kakalimutan hanggang sa pagtanda ko kung gaano siya kabait at mapagmahal sakin.

Kahit nasasaktan ako dahil sa kakambal niya ay nasa tabi ko siya para pilit akong pasayahin. Alam kong mahirap din para sakaniya dahil kakambal niya iyon, buong buhay niya kasama niya si Khalex pero mas pinili niyang damayan ako at kagalitan ang kakambal niya.

"Dito ka lang ha, may kakausapin lang ako"sabi ni Kei, iniwan niya ako sa harap ng kotse niya at hindi man lang naisip na papasukin muna ako sa loob ng kotse niya.

Huminga ako ng malalim at sinandal ang likod ko sa kotse niya, mahirap ang mag move on. Mahirap kalimutan ang lahat lalo na't kapag pipikit ka ay parang naaalala mo ang lahat.

Pinasaya at pinakilig ako ni Khalex at inaamin kong lahat ng yon ay gusto ko ulit maranasan pero hindi na pwede.

Sana lang ay may dumating na lalaking magpaparamdam sakin non, kapag nangyari yon ay mamahalin ko siya ng buong puso ko.

Nabigla ako ng may malambot na telang dumampi sa gilid ng mata ko, napatingin ako sa lalaking naka dilaw ,taga FIS.

"You're crying"malungkot na sabi niya."Again"

Doon ko napagtantong umiiyak nga ako,dumapo ang panyo niya sa kabilang mata ko para punasan ang luha doon."Please don't cry, girls don't deserve to cry they deserved to be happy"malapad siyang ngumiti sakin.

Pinagmasdan ko ang muka niya,gwapo siya at mukang may lahi. Nakasuot siya ng yellow tshirt, black shorts, medyo mahabang medyas at Balenciaga.

'I think he's a soccer player from FIS'

"I adore you so much, Phoebe Alisha. When the first time I saw you singing, i think i fell inlove with you"sincere na sabi niya,napaawang ang labi ko sa unexpected na confession niya.

"I'm Barron i'm Niccolo's brother, one of your competitor in the singing contest?"

Nangunot ang noo ko at pilit siyang inalala, siya yung gwapo at mabait na taga FIS."Yeah, i remember him"sabi ko.

Hindi ko man lang napansin na medyo magkamuka sila ni Niccolo, aminado akong parehas silang gwapo medyo matangkad nga lang si Barron at moreno.Napaka manly ng features niya at mukang matured na.

"I always ask him about you and he always says that you're kind and beautiful. And he's right"malapad siyang ngumiti,nakatingala ako sakaniya dahil hanggang dibdib niya lang ako.Muka siyang senior high school, inipit niya sa likod ng tenga ko ang takas na buhok sa muka ko.

"Please don't cry again, Ms.Pabi. You don't deserve to cry"

"Yow, Ron. Let's go home"may tumawag sakaniyang mga kasamahan niya sa soccer. Dumapo ang paningin nila sakin kaya kinantyawan nila si Barron.

"So that's the reason why,hmm"pangtutukso nila kay Barron,tumawa lang si Barron at umiling iling.

"Don't mind them"

Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay doon at panyo niya."Hope not to see you crying anymore"

Nabigla ako ng yakapin niya ako."Hugs can make you ease the pain in your heart, i think it will help you"bulong niya at kumalas ng yakap sakin.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sakaniya,nakakagulat ang mga kinikilos niya.Lumayo siya sakin at sumama sa mga ka team niya na binubuyo siya."Bye Ms.Pabi"sabi niya.

"Bye!"sigaw nung mga kaibigan niya habang nakaway na parang close kami, wala sa sariling kumaway ako sakanila.

"Bye din"

Pinanood ko sila hanggang sa nakalayo sila, suddenly i felt my heart calmed, parang nawala yung sakit. Tumingin ako sa panyong binigay sakin ni Barron at wala sa sariling ngumiti.

'He's so nice'

Inamoy ko yung panyo at kaamoy na kaamoy niya iyon, amoy mamahaling pabango. Ano kaya 'to? Dior? Dolce & Gabbana? Yves Saint Laurent?

Inangat ko ang paningin ko at para akong aatakihin sa puso ng makita ko si Khalex na nakatayo sa harapan ng kotse niya na katabi ng kotse ni Kei.

Nanlilisik ang mga mata niya sakin habang nagalaw ang panga niya, dumapo ang paningin niya sa panyong hawak ko bago ibalik sa muka ko.

Nangilabot ako sa sama ng tingin niya sakin, malakas na tumibok ang puso ko na halos bawian na ko ng hininga ng naglalakad siya palapit sakin.

Gusto kong tumakbo pero parang napako ang paa ko sa sahig, napapikit ako ng gumalaw ang kamay niya sa pag-aakalang sasaktan niya ako. Naramdaman ko nalang ang marahas na pagkuha niya ng panyo sa kamay ko kaya napadilat ako.

May nilabas siyang lighter at sa harap ko mismo ay sinunog yung panyo, napaawang yung labi ko habang nakatingin sa panyong unti unti ng tinutupok ng apoy.

Tumingin ako sa mata niya at puno ito ng galit at hindi ko maintindihang mga emosyon.

.

Hope you enjoy.

Continue Reading

You'll Also Like

122K 5.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
754K 26.3K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
195K 10.5K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
57.8K 3K 25
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...