Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

بواسطة Invalidatedman

496K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ المزيد

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XXVI

7.5K 209 35
بواسطة Invalidatedman

Note: Ang tumal ng net 'no? Ang tumal din ng dating ng ideas sa isip ko. :( Pagpasensyahan niyo na 'to. POV po ito ni Nixon hanggang sa next chapter. Sinimulan ko 'yung POV niya mula sa Book 1 kasama na 'yung mga hidden chapters ng buhay niya kaya pagpasensyahan niyo na kung panay narration ito ha? 

* Nixon

Ito na. Ito na 'yung araw na pinaghandaan ko ng matagal na panahon, pinag-isipan ko ng halos ilang libong oras. 

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa kabuuan. Ang laki na ng pinagbago ko simula nung huli kong tingnan ng masinsinan 'yung sarili ko. Akalain mo 'yun? Parang kahapon lang, ako 'yung payatot na batang laging hindi isinasali ng mga kalaro ko sa mga laro nila kasi lampa daw ako, isa pa, sakitin ako. Pero tingnan mo naman ngayon, ang laki na ng pinagbago ko hindi lamang sa panlabas, maging sa panloob. 

Maya-maya'y biglang tumunog 'yung cellphone ko at nabasa ko 'yung text ni Jed. 

From: Jed

Pare, ok na. 7PM Sharp, pupunta siya sa hotel. 'Yun lang ang sinabi kong detalye. Pa'no? Happy first monthsary na lang. Sana magtagal pa kayo. Stay strong. 

... Sana magtagal pa kayo. Stay strong. 

... Sana magtagal pa kayo. Stay strong. 

... Sana magtagal pa kayo. Stay strong. 

Napangiti na lang ako. 

Alas Dos (2:00) pa lang ng hapon. Medyo matagal-tagal pa rin. Hinayaan ko lang na bumagsak 'yung katawan ko sa kama ko. Matagal-tagal na rin naman bago ako nakatulog ng mahimbing at maayos ng katulad ng sa kanina. Abalang abala kasi ako sa pag-aaral, isama mo pa 'yung paghahandang ginawa ko para sa first monthsary namin. 

Talagang memorable at itetreasure ko itong kauna-unahang monthsary namin bilang magpartenr ni Reggo. Kasi maraming dahilan para pahalagahan ko siya. Una, siya 'yung kauna-unahang tao na nagparamdama sa akin na kaya kong makabangon sa kabila ng mga kamalian ko sa buhay. Tanda niyo pa ba 'yung gulong ginawa ko noon? Matapos sumabog sa mukha naming lahat 'yung gulong kinasangkutan nila ni Gray noon, may kumurot sa puso ko't nagsabing mali iyon. Pilit kong itinangging nag-guguilty ako, ang inisip ko lang... para sa'kin din naman 'to. Pagkatapos nito, ako naman ang kikilalanin. Pero gabi-gabi akong hindi pinapatulog ng konsensya ko kaya humantong ako sa desisyong harapin lahat ng gulong ginawa ko. Pangalawa, siya yung pumuno sa mga pagkukulang nga mga mahahalagang tao sa buhay ko at pangatlo, malay mo, baka huling monthsary na namin 'to diba? Who knows?

Pumunta ako sa America dahil na rin sa kagustuhan ng aking mga magulang. Gusto ko mang harapin 'yung gulong ginawa ko't tulungan silang magkabalikan ulit, hindi ko na nagawa. Hindi daw maganda para sa imahe ko sabi ng aking mga magulang. Ano na lang daw ang sasabihin ng mga tao sa oras na ihandle ko ang kumpanya namin. Wala daw lihim na hindi nabubunyag lalong lalo na kapag media ang umungkat nito kaya gustuhin ko mang ituwid ang pagkakamali ko noon, wala. Wala na akong nagawa. 

Habang lulan ako ng isang eroplanong maghahatid sa akin sa bansang America noong mga oras na iyon ay biglang pumasok sa isip ko ang isang insidenteng pilit ko ng kinalimutan matagal na panahon na ang nakalipas. 

" Nixon! Hindi pwede! Alam mong hindi namin papayagan ng Papa mong mangyari iyan! " galit na bulyaw sa akin ng aking ina noong ako ay third year highschool pa lamang. 

" Pero Ma! Mahal ko siya! Mahal ko si Aliya at hindi ko pinagsisihan lahat ng nangyari. Hindi ko pinagsisihang may naging bunga 'yung pagmamahalan namin. Ma! Pananagutan ko siya. Pananagutan ko siya ka-- " 

Nakatanggap ako ng isang malutong na sampal mula sa aking Ama noon. 

" Wala kang gagawin. Dito ka lang sa bahay at hinding hindi mo na kakasuapin ang babaeng iyon. Wala kang pananagutan dahil wala kang anak sa malanding iyon. " matigas na utos ni Papa.

Oo, sa murang eded, dapat ay ama na ako. Pero hindi na ito nangyari dahil hindi ko na nakita pa si Aliya, ang ina ng anak ko. Noong huli ko siyang dalawin sa kanila'y hindi ko na siya naabutan. Basta't ang sabi ng mga kapitbahay nila, umalis daw ito ng walang pasabi kasama ang kanyang pamilya. Walang nakakaalam kung saan sila lumipat. Halos gumuho ang mundo ko noon. Hindi pumasok sa isip kong wala na yung babaeng minahal ko, tangay nito ang magiging anak ko. Nagalit ako. Nagbago ang pananaw ko sa buhay noong mga panahong iyon. Pilit kong inilagay ang sarili ko kung paano magiging perfect, kung paano magiging the best. Baka sakali, baka sakali lang... kapag naging perfect ako, kapag ako na 'yung number one, hindi na ako iiwan ng mga taong mahal ko.

Minsan, may nagtanong sa akin. 

" Hindi ka pa ba masaya, Nix? Ikaw ang highest sa klase oh? Dalawa lang mali mo sa Algebra samantalang kami... " 

" Hindi. Ba't ako magiging masaya? Hindi ako magiging masaya hanggang hindi ako nakakaperfect, hindi nagiging number one. Ayokong magsettle sa mga tira-tira ng mga taong mas magaling sa'yo. Ang gusto ko ako 'yung mag-iwan ng mga tira sa mga taong susunod sa akin. " 

Tanda niyo pa 'yung kinakausap ko sa telepono noon? Noong kapanahunang tago pa 'yung relasyon ni Gray at Reggo? Mga magulang ko 'yon. Isa kasi sila sa mga stock holders ng paaralan namin kaya naman alam nila lahat ng nangyayari. Kaya noong nalaman nila na palagi na langa kong nagsesettle sa third when it comes to popularity at pagiging gwapo, gumawa sila ng move para masira si Gray at Reggo. Sila 'yung utak ko pa'no ko nagawang sirain 'yung dalawa pero in the end, ako 'yung nagsuffer.

Noong nasa America na ako'y doon pumanaw ang Mama ko. Simula noon, nawalan na ng pakialam sa akin ang tatay ko. Kahit palagi akong nasa bar, kahit palagi akong nasasangkot sa gulo, wala siyang pakialam. Samu't saring ungol ng babae ang naririnig ko tuwing nauuwi ako sa bahay namin noon. Kaya naman noong dumating si Reggo ay nagulat ako. Noong una, hindi ko akalain na papansinin niya ako. Kasi diba? Ako 'yung naging dahilan kung bakit sila nagkagulo. Pero kahit ganoon, pinansin niya pa rina ko naging matalik kaming magkaibigan. Nagtaka din ako kung bakit siya nasa America, eh nandoon 'yung boyfriend niya sa Pilipinas. Napag-alaman kong niloko pala siya nito at ng kaniyang sariling pinsan.

" Akala ko nung nalagpasan namin 'yung gulo sa mga pamilya namin, akala ko ok na eh. Akala ko matatag na kami. Pero hindi ko alam inaanay na pala kami sa loob. Sa labas lang kami matibay, pero sa loob, marupok.daing niya sa akin. 

" Bakit sa lahat?! Sa lahat ng kasalanang gagawin niya sa'kin, bakit 'yun pa?! At bakit sa pinsan ko pa?! Ang sakit lang... Tang-^&@ nila! " dagdag pa niya.

Nakita ko lahat. Narinig ko lahat ng hinaing niya. Nakita ko kung paano siya nalugmok noon sa kalungkutan at galit. Nakita ko 'yung sarili ko sa kanya noong mga panahong iyon. Naalala ko kung paano ako masaktan at umiyak tuwing naaalala ko 'yung sa amin ni Aliya noon kaya naramdaman kong kailangan ko siyang tulungan. Ako 'yung nakasama niya sa halos lahat ng oras. Alam niya lahat tungkol sa akin. Alam ko rin lahat ng tungkol sa kanya. Siya 'yung pumuno sa kakulangan ng mga magulang ko at 'di nagtagal, naramdaman kong nahuhulog na pala ako sa kanya. 

" Paa... " tawag ko ng maabutan ko siya sa kanyang opisina. 

" Ano? " tugon niya ng hindi man lang ako nililingon. 

Pero nag-alangan ako kung ipagtatapat ko ba 'yung nasa sa loob ko o hindi. 

" Bilisan mo, ano ba?! Hindi libre ang oras ko. " may kataasan sa boses niya noon na nagdulot ng takot sa akin. 

" Pa, ano... nagkakagusto po ako sa kaibigan ko. Pa, mahal ko po 'yung kaibigan ko. " panimula ko. 

" Oh? Tapos? Natural lang na magkagusto ka at magustuhan ka. Tanga ka ba? " napayuko na lang ako. 

" Pa... mahal ko na po 'yung kaibigan ko. Mahal ko 'yung kaibigan kong lalaki, Pa. Mahal ko na po si Reggo. " napatigil siya ng pagsusulat at tinitigan ako. Hindi ko mabasa 'yung mga tingin niya. " Pa, sorry po. Pero mahal ko na talaga siya. Kung bakla po ang tawag dito, bakla po ako. Pero talagang mahal ko po siya, Pa. "

" 'Yun lang ba ang sasabihin mo? " malamig niyang tugon.

" 'Yun lang, Pa?! Pa! Ano ka ba! Bakla ako. Bakla ang unico hijo niyo! Hindi niyo ba ako bubugbugin? " 

" Hahaha. 'Yun ba? Bakit naman kita pag-aaksayahan ng lakas para saktan? Eh 'yan ka eh 'di 'yan ka! Isa pa, wala akong pakialam kung ano ka pa. Basta siguraduhin mo lang nag magkakaanak ka ng lalaki bago mo ipagpatuloy 'yung kalandian mong 'yan para may papalit sa'yo sa negosyo kung sakaling mas piliin mong magtayo ng parlor kesa pamunuan ang negosyo natin. Makakaalis ka na. " 

Patakbo akong lumabas ng silid niya at nagkulong sa kwarto ko. Dito ko man napatunayan na wala siyang ibang pakialam kundi kung paano lalago ang negosyo niya. Maging ang kaniyang sariling apo, kahit 'wag na ako eh, 'yung apo na lang niya... maging 'yung kaniyang apo, kaya niyang gamitin para lang sa kapakanan ng negosyo niya. Dito nagsimula kung paano ako naging independent at hindi na umasa sa tulong na Papa ko. 

Ipinagtapat ko ito kay Reggo kasabay ng pagtatapat ko ng damdamin ko sa kanya.

" Ano... hindi ko alam ang sasabihin ko, Nixon. " wika niya noong malaman niya ang nararamdaman ko. 

" Wala ka namang kailangang sabihin eh. Hayaan mo lang ako na iparamdam ko sa'yo 'yung pagmamahal ko. Kaya ko namang maghintay eh. " tugon ko naman.

" 'Wag! 'Wag kang maghintay. Walang kasiguraduhan kung may hinihintay ka. " 

Sa kabila ng mga pagtutol niya'y itinuloy ko pa rin ang aking panliligaw. Ipinakita ko sa kanyang karapat dapat akong hawakan ang puso niya. Araw-araw kaming magkasabay pumasok sa eskwela, tuwing walang ginagawa, palagi kaming magkasama. Ginawa ko lahat ng makakapagpakilig sa kanya. Ginawa ko lahat para makalimutan niya si Gray. Sa maiksing panahon ay nagawa ako't nagtagumpay ako. At hindi nagtagal, ayun nga, pumayag siya na ligawan ko siya. 

Noong mga oras na nagpasya siyang bumalik ng Pilipinas, aaminin ko, nabahala ako. Gusto ko siyang pigilan dahil baka magkita ulit sila ni Gray. Kaso naisip ko, hindi ba parang nagiging makasarili ako? Isa pa, hindi pa naman kami tapos umaasta ako ng ganito? Kaya wala na akong nagawa kung hindi pumayag. Ang tanging magagawa ko lang ay samahan siya. Isa pa, hindi naman kami magtatagal dito. Bakasyon lang. Pero nagbago ang ihip ng hangin, Hindi ko alam ang gagawin ko ng malaman kong dito na siya mag-aaral. Nabahala ako. Lalo pa't madalas silang magtagpo ng landas ni Gray. Kaya naman gumawa ako ng move. Dito na rin ako nag-aral at hindi naman ako nagsisisi. Doo'y sinagot na niya ako. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki noon sa buong mundo. 

Maganda naman 'yung naging takbo ng relasyon namin. Nakikita ko namang ginagawa niya 'yung part niya, and in return, ginagawa ko rin 'yung part ko. Pero parang isang malaking sampal sa akin 'yung nangyari noong party, noong nagsayaw silang dalawa. Oo, ako nga 'yung nag-initiate diba? Siyempre! Kaibigan niya pa rin 'yun. Bilang boyfriend, ayoko naman siyang tagkalan ng karapatang makipagkaibigan lalo na sa mga taong nag-alaga sa kanya ng mga panahong hindi ko pa siya nakikilala. Pero nagulat ako sa nakita ko sa kanila. Kung paano sila magtitigan, kung paano sila mag-tapunan ng tingin. Kung paano nila hawakan ang katawan ng isa't isa, at kung paano sila mag-ngitian. Mga bagay na hindi kayang gawin sa akin ni Reggo. 

" Selos lang 'yan. Selos lang 'yan. " bulong ko sa sarili ko. Pumikit ako't nag-iiling. 

" Ok ka lang, chong? " tanong sa akin ni Miko.

" Oo brad. Sumakit lang 'yung ulo ko. " 

Pagkatapos noo'y ibinalik ko 'yung tingin ko sa kanila. Hindi ako namamalik mata. Talagang kakaiba ang tinginan nila. Doon ko narealize na talo ako, na talo pa rin ako. Masakit. Gustuhin ko mang magalit, hindi ko naman kaya at hindi ko magawa. Ako 'yung nag-initiate diba? Isa pa, kita ko naman kung paano iwasan, kung paano barahin at itratong parang hangin ni Reggo si Gray. Pero sadyang natural lang na lumalabas sa kanila 'yung pagmamahal na ayaw nilang bigyang pansin at pilit na idinideny. 

Nakita kong pumunta sa restroom si Gray noon. May bumulong sa akin para sundan siya. 

" Brad, nagyoyosi ka pala? Alam ba ni Reggo 'yan? " tanong niya sa akin ng makita niya ako sa labas ng CR.

" Hindi. Stress lang talaga kaya ko ginawa. " pinipilit kong maging normal ang lahat pero sa isip isip ko, gusto ko na siyang upakan.

Bakit kasi ikaw pa?! Bakit hanggang ngayon mahal ka pa rin ni Reggo? Ako 'yung boyfriend pero ikaw 'yung mahal?! 

Pero pinigil ko 'yung sarili ko. 

" Ah... sige. Salamat nga pala dun sa kanina ha? 'Wag kang mag-alala, hindi kita isusumbong. " aktong aalis na siya kaya naman tinawag ko siya. 

" Gray. " 

" Gray, pwede ba akong magtanong? " gusto ko lang makasigurado. " Mahal mo pa ba siya? " dagdag ko.

Nakita kong napa-stiff siya ng tayo at tila naging uneasy. Sa reaksyon pa lang niya, bingo na! Pero gusto ko mismo, sa bibig niya mismo manggaling. Kahit masakit, titiisin ko, kakayanin ko. Una, hindi niya sinagot 'yung tanong ko. Nauutal pa nga siya noong tinanong niya kung ano ulit 'yung itinanong ko kaya naman inulit ko 'yung tanong ko. Hinanda ko 'yung sarili ko para sa isang sagot na tiyak na makakagimbal sa buong pagkatao ko. Pero sa likod nito'y umaasa pa rin ako na ayaw na niya kay Reggo at hahayaan na lang niya kaming dalawang maging masaya. 

" 'Yung totoo pare? Oo. Mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal. Gusto ko nga siyang agawin sa'yo eh. " namuo naman 'yung kamao ko noong oras na 'yun. " Pero nakikita ko namang masaya siya sa'yo at alam kong mahal mo rin siya at ganun din siya. Basta ba, 'wag mo na lang gayahin ha? " tapos tinapik niya ang balikat ko't tuluyan ng umalis. Tama ako, mahal niya pa rin talaga siya. 

May isang pangyayari pa kung saan pinuntahan ko pa siya sa bahay niya. Doon ko nakita 'yung mga litrato nila ni Reggo. Mukha talagang mahal nila ang isa't isa. Doon palang, parang talo na ako. Niyaya niya akong mag-inuman at doon, nakilala ko siyang mabuti. Ang dami naming napagkwentuhan at ang dami naming nalaman sa isa't isa. 

" May gusto sana akong itanong sa'yo, Gray. Gusto ko sagutin mo ulit ako ng tapat. Natanong ko na sa iyo 'to noon. Gusto ko lang malaman kung nagbago ba. " 

" Sige... ano ba 'yan? " 

" Mahal mo pa si Reggo? " 

Hindi ko alam kung paano ko nabigkas 'yung mga salitang 'yon. 

" Oo, brad. Sorry ha? Alam kong boyfriend mo na siya pero 'yun ang totoo. Mahal ko pa rin siya. Pero 'wag kang mag-alala, hindi ko naman kayo guguluhin eh. Basta ba 'wag mo siyang sasaktan, matitikman mo 'to. " tapos itinaas pa niya 'yung kamao niya. 

Marami pa akong itinanong sa kanya na nagpatunay na mahal na mahal pa rin niya si Reggo. Doon, nabuo 'yung loob ko. 'Di nagtagal ay nagpaalam na ako sa kanya. Pero sa 'di kalayua'y may sinabi pa ako sa kanya kaso hindi naman niya narinig. 

" Gray! 'Wag kang mainip! Ibabalik ko din sa'yo si Reggo. Marunong naman akong magbalik ng hindi akin.huli na ng malaman ko kung ano ang ibig sabihin noong mga katagang iyon. Gusto ko mang bawiin ay wala na, nasabi ko na. 

" Ano ulit 'yun? " 

Nakahinga ako ng maluwag. Salamat na lamang at may pagkabingi din itong taong 'to.

" Wala! Lasing ka na. Matulog ka na. " 

Sa buong byahe ko'y hindi ko maiwasan ang hindi maluha. Alam ko naman kung sino 'yung tunay na nagmamay-ari sa'yo, Reggo. Alam ko kung sino 'yung makakapagpasaya sa'yo ng tunay. Kaso masisisi mo ba ako kung ayaw pa kitang isuko? Konting panahon lang naman ang hinihingi ko. Hintayin mo lang na maihanda ko 'yung sarili ko. Kaya pa naman niya maghintay sa'yo diba? At dapat kayanin niya kung talagang mahal ka niya. Konting panahon lang, hihiramin muna kita sa kanya. Pagkatapos, kapag tapos na 'yung oras ko, handa naman akong ibigay ka ulit sa kanya. Kahit masakit, isasauli kita. 

Naputol ang pagbabalik tanaw ko ng maramdaman ko 'yung cellphone ko na nag-vibrate. Nakalagay sa note na dapat na pala akong magbihis dahil Ala Sais (6:00) na. 

Agad naman akong tumakbo sa banyo at naligo. Siniguardo kong magiging mabango sa oras na 'to. Sinigurado kong magiging malinis ako ngayoong gabi. Isinuot ko ang pinakamagandang damit na mayroon ako at naligo ako sa pinakamabangong pabango na mayroon ako. Gusto maimpress siya sa akin. Gusto ko matuwa siya sa akin. Naglagay din ako ng wax para hindi masira 'yung buhok ko. Nang makita kong ayos na ako, bumaba na ako at kinuha 'yung susi ng kotse at binagtas 'yung daan patungo sa hotel na napag-usapan.  

" Kakayanin ko 'to. Kahit masakit, basta para sa'yo.

***

Oh, kahit papaano nagkainsight na kayo kung sino si Nixon diba? 

May kasunod pa 'to. 'Yung monthsary na nila. :)) Siguro bukas naman. 

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

200K 7.9K 27
In order to take revenge from those who bullied him during his junior days, Lexus Ethan Alvarez must live with his moody, mysterous and alluring hous...
329K 8.9K 31
Kakaibang drama ni Kash at Kylan. || HEART SERIES: Pounding Heart (boyxboy) [Completed] Copyright © All Rights Reserved.
793K 27K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...