OWNED BY KHALEX MONTENEGRO

By blacklydian_6

832K 26.9K 11.1K

Khaizer Alex Montenegro More

Reminder
OWNED BY KHALEX MONTENEGRO
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Notice
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Montenegro & Montemayor
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Kabanata 86
Kabanata 87
Kabanata 88
Kabanata 89
Kabanata 90
Kabanata 91
Kabanata 92
Kabanata 93
Kabanata 94
Kabanata 95
Kabanata 96

Kabanata 74

7.1K 295 364
By blacklydian_6

Kabanata 74

Pabi's Pov

"Magkaibigan si Mommy at Tito Harrold.Hindi ko na nakilala yung totoong tatay ko dahil tinakbuhan daw niya si Mommy dati"

Bumuntong hininga si Everly.Mahigpit na hinawakan ni Evan ang kamay niya.

"Buong pusong tinanggap nila Tito Harrold at Tita Elly si Mommy dahil walang wala siyang mapuntahan no'n.Pinagbubuntis niya ako kaya hindi nagdalawang isip sila Tito na patuluyin si Mommy.."

"Noong panahon na yon ay buntis din si Tita Elly at si Evan yon.Nung nanganak na sila ni Mommy ay dito parin kami tumira kasi hindi naman sinasabi ni Mommy kung nasaan yung mga magulang niya.."

"Namatay si Tita Elly nung bata palang kami,kinalaunan ay sinabi ni Mommy na kailangan niyang umalis at baka matagal na panahon pa bago siya bumalik."nangangatog ang labi niya na para bang pinipigilan niya lang na umiyak.

Alam ko ang pakiramdam na hindi kasama ang nanay,mahirap,malungkot,masakit at parang may malaking bagay na kulang sa buhay mo.

"Naguguluhan ako non at iyak ng iyak.Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya akong iwan,para siyang laging takot at may tinataguan.Kailangan daw niya akong protektahan,gulong gulo na'ko noon"

Tumulo ang luha sa mata niya habang nakatingin sa kamay nilang magkahawak.Hinaplos haplos ni Evan ang likod ni Everly para paganin ang loob nito.

'Buong akala ko talaga ay magkapatid sila!'

"Hindi daw nila pwedeng malaman na may anak siya kasi pati ako ay mapapahamak daw.Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya pero hinintay ko siya at hinihintay ko siya hanggang ngayon,pero.."

Humagulgol siya ng iyak,gusto ko siyang i comfort pero sapat na siguro si Evan na pinapatahan siya.

"Humingi ng tulong si Tita Patricia kay daddy"biglang sabi ni Evan kaya sakaniya napunta ang paningin namin."Kailangan daw mabago ang apelyido ni Everlyze"seryosong sabi ni Evan.

"Kahit bata palang kami ay alam na naming gusto namin ang isa't isa.Halos sabay na kaming lumaki,magkasama kami sa lahat ng bagay at lagi naming naasahan ang isa't isa.Nakita iyon ni daddy kaya naisip niya na i arrange marriage kami."tumingin sa malayo si Evan.Siguro ay inaalala niya iyong mga panahon na yon.

"Oh my gosh!"natakpan ni Sephora ang bibig niya sa sobrang gulat.

"Pumayag ako dahil ayoko siyang pakawalan at siya lang ang babaeng gusto kong makasama"

'Awww'

"Pinagkasundo kaming ikasal sa legal na edad namin pero dahil bata pa kami no'n ay inadopt muna siya ni Daddy para maging Leondale siya at mapalitan ang apelyido niya, sa kagustuhan ni Tita Patricia"

Lahat kami ay natahimik dahil sa nalaman naming katotohanan.Hindi makapaniwala na ang akala naming magkapatid ay mag-asawa at nag-iibigan pala.

Hinawakan ni Everly ang kamay namin ni Sephora,nakikiusap ang mata habang nahikbi.

"Walang pwedeng makaalam nito"tiningala niya sila Kei at Khalex na nasa likod ng couch na inuupuan namin ni Sephora."Mga Montenegro,nakikiusap ako.."

"Gustong gusto namin aminin ni Evan sainyo yung relasyon namin dahil nahihirapan na din kaming itago yon.Buong akala niyong lahat ay magkapatid kami kaya sa harap niyong lahat ay umaarte kaming magkapatid pero.. "

"Naiintindihan ko,Everlyze"tinignan ko si Evan."Evan,nangangako akong magiging sikreto ko yon"

Biglang inalis ni Sephora ang kamay ni Everly."Kung asawa mo siya,sino yung boyfriend na ka LQ mo?noong nakaraang linggo"mataray na sabi ni Sephora.

"Boyfriend?"nakakunot ang noong tanong ni Evan at hinila paupo si Everlyze sa tabi niya."Sino yon?"nakasimangot na tanong ni Evan.

'Jealous hubby,aww'

Nakaka tangina lang na wala akong kaalam alam, hindi ko napansin na may  relasyon pala sila.Ang galing nilang umarte,taena.

"Nung may LQ tayo,wala akong mapagsabihan.Inis na inis ako sayo kaya  nagkwento ako sakanila.Kung sasabihin kong may LQ kami ng asawa ko edi nabuko na tayo syempre yung boyfriend ang sasabihin ko"iritang sabi ni Everlyze at kumuha ng tissue para suminga."Ang slow mo namang bobo ka"

'Ang sweet niya grabe'

"Bobo ka den!"bawi ni Evan.

"Basta ang sikreto mo ay mananatiling sikreto,kapatid"sabi ni Keiren na lumapit kay Evan para akbayan ito."Kaya pala tinatanggihan mo ang mga chix na nirereto ko sayo,hmmm"

"Sapat na si Everlyze sa'kin"

"Awww"kinikilig na sabi ko at hinampas hampas si Sephora.

Nagpipigil ng ngiti ang bruhang si Everly."Sapat sapat ka diyan,bolero ka.."bakas sa muka ni Everly ang saya.Para bang nabunutan na siya ng tinik,naiintindihan ko dahil mahirap ang sitwasyon niya kaya hindi niya pwedeng ibunyag ang sikreto nila.

Gayong sabi niya din na delikado ang buhay niya noon at naglihim sila para sa kaligtasan niya kaya irerespeto at pangangalagaan ko yong sikreto pati narin ang relasyon nila.

"Ano nga bang dati mong apelyido bago ka maging Leondale?"nagtatakang tanong ni Sephora.

Tumingin sa paligid si Everlyze bago tumingin sa'min."Secret ulit 'to ha!"bulong niya.

Tumango kami ni Sephora.

"Montemayor.."

Nangunot ang noo ko at inalala kung sino ang Montemayor na kilala ko.

"Monte-what?"gulat na gulat na tanong ni Khalex.Napatingin naman kami sakaniya.

"M-Montemayor,Khalex"

"No way.."gulat na sabi ni Keiren.

"Bakit?"takang tanong ko kay Keiren.Tumingin siya kay Khalex,para silang nag-uusap gamit ang mata nila.

"Mapapahamak daw ako kapag may nakaalam na Montemayor ako"sabi ni Everlyze.

Bigla kong naalala ang Montemayor na kilala ko."Tito Skyler was a Montemayor.."

Nagliwanag ang muka ni Everly at excited na hinawakan ang magkabilang balikat ko."Nasan siya?Mabait ba siya?!Baka kilala niya si Mommy Patricia.Baka alam niya kung nasaan ang nanay ko.."punong puno ng pag-asa ang boses niya.

Nilingon ko si Keiren at Khalex."Sabi ni daddy,masama ang mga Montemayor"bulong ni Khalex.

"Pero wala naman siyang alam Khalex"si Kei.

"May alam kayo sa mga Montemayor?"tanong ni Everly."Please,gusto kong makausap yung Skyler, baka alam niya kung nasaan ang nanay ko"pakiusap niya."Gusto ko ng makita ang nanay ko Khalex"

"Nasaan ba si Tito Skyler?"tanong ko.

"Nasa Greece na siya"sabi ni Kei kaya bumagsak ang balikat ni Everly at napaupo sa couch.

"Everlyze.."hinawakan ni Evan ang kamay niya.

"Gusto ko ng makita si Mommy,Evan"malungkot na sabi ni Everly at may dinukot sa bulsa niya na isang locket.

Hinaplos haplos niya ang kakaibang letra na naroon bago iyon yakapin.

"Sigurado ba kayo?Baka busy si daddy"sabi ko pagkababa namin sa tapat ng kompanya ni daddy.

"We'll ask.."

Hinawakan ni Khalex ang bewang ko at hinila palapit sakaniya ng makita niyang madadali ako nung lalaking may buhat na kahon.

"Nanlalgkit na'ko buwiset"bulong ni Kei.Nakita niya ang kamay ni Khalex sa bewang ko kaya inalis niya iyon.

Nakatanggap siya ng masamang tingin kay Khalex.

"Anak yan ni Sir"bulong nung guard,nakita ko yung guard na humarang sakin dati.Nakatungo lang ito at hindi makatingin sakin.

Pagkapasok namin ay dumapo ang paningin nila samin lalo na sa kambal.Lumapit samin si Secretary Natty or should i still call her that? ngayong nakabalik na dito si Tito Klyde.

"Where's my father?"pormal na tanong ni Khalex.

"Sa office niya Sir Khalex"

Tumango tango si Khalex at namulsa."Busy ba?"

"I don't know Sir, Mr.Cortez was his secretary now,"

"Hmm"sinulyapan lang ni Khalex si Ms.Natty bago naglakad.

"Feeling CEO"bulong sakin ni Keiren.

"Siya naman ang mamahala dito kapag nag retired na si daddy ah?"sabi ko,pinagmasdan ko ang malawak at malinis na pasilyo.

"Sabagay.Magiging famous macho dancer naman ako paglaki ko 'e"mayabang na sabi niya kaya natatawang hinampas ko ang braso niya at sumeryoso.

"Ayaw paawat,sa public place niyo pa ginawa yun.Hindi ba kayo nahihiya"

Napaisip naman siya sa kung anong sinasabi ko bago ngumiwi."Pinilit niya ko 'e"nakangusong sabi niya."Hirap tuloy siyang maglakad pauwi"

Naisip ko bigla kung gaano ba ka laki ang ari niya para maging ganon yung babae.

"Uy,iniisip niya kung gaano ka laki yung akin"pang-aasar niya kaya nag-init ang buong muka ko.

"H-hindi a-ah"

'Shit! bat ako nautal? Lalo niya lang akong aasarin 'e'

Pumasok kami sa elevator habang ngingisi ngisi si Keiren sakin.Lumapit siya sa tabi ko at may ibinulong sa tenga ko."7 inchessss"parang dimonyong bulong niya."6 centimeters wideeee"

"KEIREN!"sigaw ko at hinampas ang braso niya.Nahihiya ako dahil mukang nahuli niya ngang iniisip ko yon.Tumawa siya ng malakas kaya napatingin na samin yung mga katabi namin.

"What do you think Phoebe Alisha?"nang-aasar na sabi niya."Seventeen palang ako niyan"

Pagkapasok namin sa opisina ng CEO ay naabutan namin si daddy na nagpu-pull ups sa bar na hindi ko alam na meron pala.

Nakatalikod siya samin habang inaangat niya ang sarili niya kung saan mas lalong nafe-flex ang biceps niya.Topless siya at tanging black slacks at leather shoes ang suot niya.

"Get the fuck out Klyde"

"Daddy.."napatigil si daddy sa pagpu-pull ups ng magsalita si Khalex.

Ini-side view ni daddy ang muka niya para siguro tignan kami.Kitang kita ko ang perpekektong panga niya at ang matangos niyang ilong.

"What?"binalik niya ang paningin sa harapan at nag pull ups pa ng isang beses bago bumaba sa sahig.

Nilingon niya kami at kinuha ang puting twalya sa lamesa niya.Ipinunas niya iyon sa muka niya,doon ko napagmasdan ang katawan ni daddy.

His hard chest looks hot with his dripping sweat down to his perfect built in 6 pack abs.His biceps were flexing and his perfect v-line was showing.

The tattoo located in his arms and shoulder looks so damn hot.He's in 40s i guess but damn!Ang sarap niyang maging sugar daddy.

Napalunok ako.

Wtf?

Sinampay ni daddy ang twalya sa magkabilang balikat niya.He looked at me and tilted his head."Wag mo'kong tignan ng ganyan Phoebe Alisha"nakangising sabi ni daddy kaya bigla akong nahiya.

Umupo siya sa lamesa at pinunasan ang leeg niya."What's the agenda?"tumingin siya sa relo niya.

"Do you know Patricia Montemayor?"deretsong tanong ni Khalex.

Nangunot ang noo ni daddy."Monte-what?"

"Montemayor.."

Sumeryoso bigla si daddy.

"Wala"aniya."Walang Patricia sa mga Montemayor"

"Pero-"tumingin sakin si daddy."Ayun po yung pangalan ng nanay ni Everlyze"

"Leondale?"

Tumango ako.

"Harrold Leondale married a Montemayor?"may dinukot siyang sigarilyo sa bulsa ng slacks niya.Inipit niya iyon sa bibig niya at handa na sanang sindihan kaso ay napatingin siya sakin kaya inalis niya na iyon.

"No"ako na ang sumagot.Tinanong ko si Everly kung pwedeng ikuwento kay daddy,pumayag siya dahil baka makatulong si daddy.Ikinuwento ko kay daddy yung sikreto ni Everlyze."Everlyze was Evan's wife.."

"What the fuck.."gulat na sabi ni daddy.

"Daddy,secret po yon ha! Baka po mapahamak si Everly"

Tumango si daddy at tumingin sa malayo parang malalim ang iniisip.Umupo ako sa couch na katabi ni Keiren na natingin sa For Him Magazine.

"Liit ng boobs.."bulong niya kaya napatingin ako sakaniya.

"Uhhh!shit"pinisil niya ang ibabang labi niya habang ang mata niya ay patuloy nakamasid sa magazine.

"What are your plans now?"dinig kong bulong ni Khalex."Everly was a good person and she only wanted to see her mother,"

"I'll call Skyler.Maybe he knew this Patricia"

Kinabukasan ay pumunta kami sa Cebu,napag-usapan na namin iyon sa hapag kainan kagabi.Pupunta daw kami ng Sitio Mapurok kung saan sila nakatira dati.

Hindi naman ako makasali sa usapan nila dahil hindi ko kilala yung mga binabanggit nilang pangalan maliban kay Kuya Luke,Kuya Marco at Ate Sabel na kapatid ni Drei.Taga doon kasi sila.

Lagi ng bukambibig ni Keiren yung Sitio Mapurok noon,maganda at mapayapa daw doon.Marami din daw siyang kaibigan na gustong makita,ang alam ko ay doon sila tumira nung bata pa sila ni Khalex.

Gusto kong makita ang lifestyle nila dati bago maging marangya ang buhay nila.

"Ilang araw po ba tayo doon?"nakasimangot na tanong ni Kairen na ayaw sanang sumama kaso lang ay walang nagawa dahil lahat kami ay sasama.

"3 days i guess"sabi ni mommy at inayos ang maliit niyang maleta."Pina-excuse ko na kayo kay Andrei,siya na din ang bahalang magsabi sa adviser mo"

"Bakit 3 daysss"naiiyak na naiiritang sabi ni Kairen at sinipa sipa yung upuan ni Keiren."Ayoko dooon"humikbi si Kairen at mas nilakasan ang pagsipa sa upuan ni Kei.

"A-Araaay!Kukutusan kita!"inis na sabi ni Kei.

Iritang nagkabit ng headphones ang katabi kong si Khalex.Naiingayan siguro sa dalawa lalo na kay Kairen.

"Ayokoo nga 'e! Ayaw kooooo"lumakas ang iyak ni Kairen na nakaupo na sa lapag ng private plane ni Mommy Lexi.

"Saglit lang naman yung 3 days,anak"mahinahong sabi ni mommy.She massage the bridge of her nose probably making herself more calm.

"Matagal yooon 'e! Matagal! Matagal!"malakas na sigaw niya kaya napangiwi ako.

"Ayaw mo bang makita kung saan nakatira sila mommy dati?"tanong ko kay Kairen na mahinahon at malambing na tono."Maganda naman daw doon sabi ni Kuya Keiren mo"

"Ayokoooo doon! Ayoko nga"sigaw niya kaya napangiwi ako at humalukipkip.

'Spoiled brat'

"Ano bang nangyayari?"biglang tanong ni daddy na kakaakyat lang sa eroplano,nagpameywang siya at tumingin kay Kairen na naiyak parin."Why is she crying?"

"Ayaw sumama sa Cebu"iritang sabi ni Kei.

"Kanina pa nga yan Kaizer.Nagpipigil lang ng iyak sa sasakyan"sabi ni mommy.

"Ayoko doon daddy"humikbi si Kairen at pinunasan ang muka niya.

"3 days wasn't that long enough"tumaas ang kilay ni daddy at humalukipkip."Kailangan ko ding bisitahin yung isang branch doon"

"Pero daddy"humikbi si Kairen,maya maya lang ay umiyak nanaman ng malakas."Gusto ko lang sa Manila"pinadyak padyak niya ang paa niya at gumulong gulong sa sahig.

"Kaizer..."mukang nauubusan na ng pasensya si mommy.

"AYOKONG UMALIS"

"Anong gusto mo?"seryosong tanong ni daddy kaya napatigil si Kairen at humikbi lang ng humikbi.

"Umupo ka sa tabi ng mommy mo"utos ni daddy,hindi niya alam kung susunod siya kay daddy o hindi."Kairen!"banta ni daddy.

Hindi sumunod si Kairen at nanatiling nakaupo sa sahig habang masama ang tingin sa malayo."Where's my belt?"pagkasabi ni daddy non ay mabilis na umupo si Kairen sa tabi ni mommy habang nagpipigil ng iyak.

"Isang iyak, isang palo"sabi ni daddy at umupo sa tabi ni Kairen.

Naging tahimik na ang byahe namin papuntang Cebu dahil nakatulog na si Kairen kakahikbi.

Napayakap ako sa sarili ko ng lumamig sa loob ng eroplano,tumingin sakin si Khalex na balot na balot ng comforter.Hindi siya nagsalita at basta nalang ibinalot sakin yung kalahati ng comforter niya.

Nanoot sa ilong ko ang pabango ni Khalex na pakiramdam ko ay humawa nadin sa damit ko."You feel warm?"bulong niya,tumango ako at bahagyang ngumiti.

Tumingin siya kila daddy bago hilahin ang bewang ko palapit sakaniya.Muntikan na'kong mapatili dahil doon.Naramdaman ko ang mainit niyang bisig na bumalot sa bewang ko.

Parang nakikipagkarera ang puso ko sa bilis nito.The feeling of his arms around my waist feels so comfortable and warm.

Sobrang higpit ng yakap niya sa'kin na para bang ayaw niya akong pakawalan.Nakasandal ang likod ko sa dibdib niya kung saan ay damang dama ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya.

"You can sleep if you want"bulong niya."I won't mind"

And by that words,i slowly feel sleepy.Inilagay ko ang lahat ng bigat ko sakaniya at hindi siya nagreklamo.

Nagising ako ng maramdaman kong lumapag na ang eroplano.Ganun padin ang posisyon ko at naisip ko bigla kung nabibigatan na ba si Khalex sa'kin.

Tinignan ko siya,mariin siyang nakatingin sa bintana habang may maliit na ngiti sakaniyang labi.Umalis ako sa pagkakahiga ko sa dibdib niya kaya napatingin siya sakin.

"Sorry,nabigatan ka ata sa'kin"

"Hindi naman"

Bumaba kami sa eroplano dala dala ang maliit naming lagguages.Napahinga ako ng malalim sa sariwang hangin na sumalubong sakin,nilipad nito ang buhok ko

"Finally! Cebu"masayang sabi ni Keiren.

Nagpameywang ako at tumingin sa airport,hinihintay ko kasi sila mommy para matulungan siya sa bag niya.

"Phoebe Alisha"tawag sakin ni Khalex kaya agad siyang hinanap ng mata ko.Nakita ko siyang nakatayo hindi kalayuan sa pwesto ko.

Bigla kong naalala,doon mismo sa lugar na tinatayuan niya ay doon ko siya unang beses na nakita.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang sa isang iglap ay nakita ko ang batang Khalex na nakatitig sakin habang nakaawang ang mapupulang labi.

Ang matataba at mapupula niyang pisngi,ang medyo singkit niyang mata na parang nagniningning habang nakatingin sa'kin at ang mamula mula niyang balat.

Muling bumalik ang paningin ko sa binatang Khalex na malaki na ang pinagbago.Nakangiti siya habang nagniningning ang mata niya.

Unti unti siyang naglakad palapit sakin kasabay ang nakakarinding tibok ng puso ko.Nang tumigil siya sa harapan ko ay hinawakan niya ang kamay ko."This was the place when i first saw you.You're beautiful back then and nothing change Pabi,you're still my sweet,caring and beautiful Phoebe Alisha,"

Tumigil ang sasakyan namin sa isang malaking signage na ang nakasulat ay 'SITIO MAPUROK'

Nagmamadaling bumaba si Keiren dala dala ang maleta niya,kasunod niya si Khalex na pinagmamasdan maigi ang lugar.

Sumunod ako habang hila hila ang maleta ko.Tinignan ko ang paligid kung saan ang lupa ay may iilang nasementuhan na.

Maraming puno sa paligid ng malinis at rumaragasang ilog,mula sa malayo ay nakikita ko kung gaano iyon kalinis at kalinaw dahil miski ang maliit at malalaking bato gayun din ang mga isda ay kitang kita kong lumalangoy.

Dumapo ang paningin ko sa kabilang side kung saan maraming bahay ang nakatayo,karamihan dito ay gawa sa kahoy at kawayan.Typikal na bahay ng mga taga probinsya pero meron din namang mangilan ngilan na gawa sa semento.

Nakita ko si Khalex at Kei na papunta sa isang malaking kubo medyo may kalapitan sa ilog.Sumunod ako sakanila dahil baka maligaw ako dito.

Nagtahulan ang mga aso dahilan kung bakit naglabasan ang ilang resedente sa Sitio Marupok.

Lumapit si Kei sa matandang babae na puro puti na ang buhok,muka na itong mahina pero nagagawa parin nitong magwalis."Kapitana Rosa!"masayang sabi ni Keiren.

"Aba sino ka hijo?!Kilala ba kita?"nagtatakang tanong nito at tumiwid ng tayo, pinagmasdan niya kami nila Khalex na katabi ko na ngayon.

Nagsuot si Kapitana Rosa 'daw' ng salamin at siningkitan pa ang mata."Ano't may napadpad na dalaga at mga binata dito"

"Kapitana Rosa naman, ako po ito si Kei"magiliw na sabi ni Keiren.

"Kei? Sinong Kei?"tumingin si Kapitana Rosa sa lupa na para bang nag-iisip."Ang alam kong Kei ay yung anak ng mayamang Montenegro,yung batang hambog"

"Kapitana naman"napanguso pa si Kei.Parang may humahaplos sa puso ko habang pinapanood si Keiren.Muka at halatang hambog lang siya pero mabait ang kalooban niya at kaya kong patunayan yon.

"Ikaw ba si Kei?"nakangiwing tanong ni Kapitana,masayang tumango si Kei."Ahh"tumango tango ito at tumalikod  samin paakyat sa kubo pero bigla itong lumingon.

"KEIREN?"

Natawa ako sa reaksyon ni Kapitana parang ngayon niya lang nakilala ang kanina pang nagpapakilalang si Kei.

"KAPITANA"sigaw ni Kei at niyakap ang matanda.Agad gumanti ng yakap si Kapitana habang nanggigilid ang luha.

"Pasensya ka na at nakalimutan kita. Napaka laki mo na"naluluhang hinaplos ni Kapitana ang muka ni Kei."Binatang binata na ang batang lagi kong pinapagalitan,napaka gwapo mo na"

"Ako pa ba Kapitana"

Natawa si Kapitana at humarap sa dereksyon namin ni Khalex."Khaizer Alex"binuksan ni Kapitana ang braso niya at hinihintay na yakapin siya ni Khalex.

"Kapitana"masayang lumapit si Khalex at niyakap si Kapitana.

"Nako! Ang panganay ni Lexi na napaka sungit, napakalaki mo na.Kay gandang lalaki,parehas kayo ng iyong amang si Kaizer Montenegro"

Napatingin sakin si Kapitana kaya malapad akong ngumiti."Magandang umaga ho"

"Sino ang nobyo mo dito sa dalawang Montenegro,hija?"nakangiting tanong ni Kapitana kaya napasinghal si Keiren."Napakaganda mo namang dalaga,muka kang manika"

"Kapatid ho namin siya sa ama,"sabi ni Keiren kaya parang nadissapoint si Kapitana.

"Ganun ba?!Nakikita kong bagay sila ni Khalex 'e"

Namula ang pisngi ko at napatingin kay Khalex na nagpipigil ng ngiti habang nakatingin sa malayo.

"Nako po! Nako po!"umiling iling si Keiren at inalalayang si Kapitanang lumapit sakin,naglakad nadin ako palapit para hindi siya mahirapan."Siya po si Phoebe Alisha,Kapitana.Pabi nalang po ang tawag niyo sakaniya..."nakangiting pagpapakilala ni Kei.

Nahihiyang tumango ako at nilahad ang kamay ko."Nice meeting you po.."imbis na tanggapin ang kamay ko ay niyakap niya lang ako kaya gumanti ako habang nakangiti.

"Kay gandang dilag.."

Nang dumating sina Mommy at Daddy buhat buhat si Kairen ay sila naman ang nilapitan ni Kapitana.Bakas sa muka ni Kapitana ang saya habang yakap niya si Mommy Lexi.

Ipinasok ni daddy si Kairen sa isang maliit na bahay.Gawa ito sa kahoy at pinagtagpi tagping plywood,ang bubuong ay may manipis at kinakalawang na yero.Mukang luma na ito at matagal na walang tumitira.

'Hindi kaya diyan tumira sila Mommy Lexi? 9 years ago?'

Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdang maiigi ang munting bahay.Kinayang tumira dito nila Khalex? Ano kayang pakiramdam nila habang nakatira dito?

Paano naligaw ang anak at asawa ni Kaizer Montenegro sa ganitong klaseng lugar?Hindi naman sa minamaliit ko ang Sitio Mapurok pero hindi lang ako makapaniwala na ang mayamang tulad nila ay kinayang tumira sa ganitong lugar.

"Si Lexi mga kapitbahay!"sigaw ng isang lalaki na nakadamit pang tanod,bakas sa muka nito ang saya at excitement.

Ang konting taong nakamasid kanina ay dumami,lahat sila ay masaya sa pagbabalik dito nila Mommy Lexi.

"Buti talaga't naisipan niyong bumisita dito ni Keiren"masayang sabi nung tanod na kaakbay si Keiren."Nakakamiss ang ligalig ng bunganga nitong si Keiren"

"Nako! Ayaw niyo lang aminin na mas gumwapo ako"nakangising sabi ni Keiren.

"Hindi parin nagbabago ang batang hambog"natatawang sabi nung isa pang tanod.

Pansin ko ang mga dalaga at dalagitang namamanghang nakatingin sa kambal samantalang may mga binata namang nakatingin sakin kaya medyo nailang ako.

"Sino ba yung magandang babaeng yon Ate Lexi?"biglang may nagtanong doon sa mga lalaking nakatingin sakin,tinuro pa ko nito kaya sakin napunta ang paningin ng lahat.

Nailang ako at nahihiyang ngumiti.

"Buboy, si Phoebe Alisha yan.Anak din siya ni Kaizer"sinenyasan ako ni Mommy na lumapit sakaniya kaya tumalima ako.

"H-hi po"nahihiyang sabi ko dahil nakatitig talaga sila sakin,parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko sa sobrang hiya.

Mabuti nalang ay dumating si Daddy kaya sakaniya natuon ang atensyon ng lahat.

Napagdesisyunan nilang magsalo salong kumain,boodle fight.Lahat ay busy sa pagluluto at pag-aayos ng mga kakainan.

Tumulong ako sa paghuhugas ng dahon ng saging sa ilong dahil ayun lang ang nakikita kong maitutulong ko sakanila.

"Maayong buntag,Khalex"kinikilig na bati ng babaeng kay Khalex na nakapamulsa habang nakatingin sa ilog.

"Maayong buntag"bahagyang ngimiti si Khalex,aalis na sana niya sa pwesto niya kaso ay nagsalita muli yung babae at hinawakan ang braso niya.

Lumapit na din ang ibang dalaga sakaniya kaya nangunot ang noo ko at napangiwi.

"Gwapo kaayo.."

"Ganahan nako siya"

"Ako ra usab"

'Ano daw?'

"Khalex,naa kay uyab?"tanong ng isa sa mga babae na lumapit sakaniya na nagpapacute pa.Ngumiti si Khalex at tumango.

"Gwapa kaayo.."

'Edi ikaw na marunong mag bisaya.Ikaw na ang perfect!'

Iritang binasa ko yung dahon ng saging at inis na kinuskos yon ng kamay ko.Biglang may kumuha no'n sa kamay ko kaya tiningala ko iyon at nakita kong si Khalex.

"Doon ka nalang sa kubo,naiinitan ka na dito"mahinahong sabi niya,hindi ko alam kung bakit ako naiirita.Parang may mabigat na kung anong nakadagan sa dibdib ko.

'Ano ba kasing pinag-uusapan nila?'

Inirapan ko siya at padabog na naglakad papuntang kubo.Akala ko ay susundan niya ako dahil nung nilingon ko siya ay kausap nanaman niya yung babae kanina.

Umupo ako sa may kubo at humalukipkip,nawi-wierdo-han ako sa sarili ko.Habang iniisip kong may kausap siyang ibang babae tapos hahawakan yung braso niya habang kinikilig.

'Arghhh!parang tanga Phoebe Alisha! Jowa mo? Jowa mo?!'

Pumikit ako at hinilig ang ulo ko sa kawayan na sandalan ng inuupuan ko.I gently massage my sentido.

'This is not good a sign'

Ano naman sayo kung may hahawak sakaniyang ibabang babae diba?!Gwapo siya at normal na'yon sa mga gwapong katulad niya atsaka bakit ganyan ka umasta?!Hindi mo pa naman siya gusto diba?

"Tama! Kailangan kong umisip ng solusyon. Hindi ako maiinlove dahil kapatid ko siya at kailangan niyang maging masaya sa ibang babae"malalim kong hininga ang bigat sa dibdib ko at ngumiti."Baka mainlove siya doon kaya hayaan mo siyaaaaa"dinilat ko ang mata ko.

Napatalon ako ng makita ko si Keiren na weird-ong nakatingin sa'kin.Nanlalaki ang butas ng ilong,bahagyang nakangiwi at parang nangangasim ang muka.

Tumingin siya sa kaliwa't kanan bago damputin yung cellphone niya sa lamesa."Tama na pagtira ng katol"nakangiwing sabi niya."tsk!tsk!tsk! maganda nga baliw naman"

Pagkalabas niya sa kubo ay siyang pagpasok naman ni Khalex na tumingin muna kay Keiren bago lumapit sakin.

"Galit ka ba sakin?"

Nangangatog ang labi ko habang nakangiti,umiling ako."Hindi ah,may langgam kasi sa paa ko kanina kaya padabog akong maglakad"

'Ang galing kong magpalusot,shet'

Tumango siya at tinignan yung paa ko."Kinagat ka ba?"

Umiling ako at umiwas ng tingin."Bakit iniwan mo yung kausap mo?"

"Her boyfriend calls her"

'Sayang bagay pa naman sila sana'

"Ahhh.."tanging sabi ko at tumingin sa malayo.

"Khalex,Phoebe Alisha. Kakain na"tawag samin ni mommy kaya tumayo na ko at nakahalukipkip na naglakad palabas ng kubo.

"Gihigugma tika"bulong niya sa'kin bago ako unahang maglakad.

'Ano yon? Mura ba yon?'

Sinubukan kong siyang tanungin pero ayaw niyang sabihin,magse-search sana ako kaso ay mabagal ang signal.

Napakamot ako sa ulo habang iniisip yung gigma tika ba yon?nakalimutan ko na tuloy.

"Ano ba't muka kang bibe kakabusangot diyan?"tanong ni Keiren,tumabi siya sakin at kinamay yung kanin."Di ka marunong magkamay?! paputol mo na yan"

Sinamaan ko siya ng tingin at dinukot yung malaking kanin at kinagatan.

"Ano yan fried chicken?"

Nagtawanan yung mga malapit samin kaya nahiya ako.

"Paano kasi hindi ko alam yung ano ba yon-gigma tika ba 'yon?"nakasimangot na tumingin ako kay Khalex na tumingin kila mommy.

"Baka,Gihigugma tika ang ibig mong sabihin Pabi?" nangingiting tanong ni Kapitana.

"Ayy opo ayun nga po,yung sinabi mo po"

Lahat ng nasa lamesa ay napa-ayieee kaya nagtaka ako.

"What's that?"tanong ni daddy kaya may binulong si mommy sakaniya.

"May nagsabi ba sayo no'ng mga salitang yon?"ngiting ngiti si Kapitana na para bang kinikilig siya.

Tumango ako at ngumuso.

"Pabi, ineng. Ang salitang 'yon ay napaka espesyal" kinikilig na sabi nung isang tanod na katabi ni Kapitana Rosa.

"Ano po ba kasi ang ibig sabihin non?"

"Mahal kita"sabi ni Khalex habang deretsong nakatingin sakin.Pakiramdam ko ay nag-iinit ang muka ko at hindi ako makahinga sa bilis ng puso ko."Ang ibig sabihin non ay mahal kita,Phoebe Alisha"

.

Hope you enjoy :\

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 36.2K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
1.9M 74K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...