When she entered Adonis Acade...

By chabilicious06

630K 20.4K 4.2K

What will happen if a SHE entered in an all boys school? More

When she entered Adonis Academy (adonis academy sequel)
Chapter 1: Bad
Chapter 2: ang cute mo pare
Chapter 3: dibdib
Chapter 4: Sasapakin na kita!
Chapter 5: Pokpoks
Chapter 6: Lovers in Paris
Chapter 8: peace be with you
Chapter 9: BLOCK
Chapter 10: Seduce
Chapter 11: pogi-er
Chapter 12: Chocolates
Chapter 13: Shit Pare!
Chapter 14: sales lady
Chapter 15: Acquaintance Party
Chapter 16: Acquaintance Party (continuation)
Chapter 17: Gory
Chapter 18: txt txt
Chapter 19: :(
Chapter 20: masamang intensyon
Chapter 21: I want you
Chapter 22: School fest (part 1)
Chapter 23: School Fest (part 2)
Chapter 24: Tutol
Chapter 25: Kiss me
Chapter 26: Soon
Chapter 27: the notebook
Chapter 28: selfish
Chapter 29: Identification Card
Chapter 30: revealed
Chapter 31: Nomu Saranghe
Chapter 32: m-magmamakaawa sayo
Chapter 33: movie marathon
Chapter 34: End of the month
Chapter 35: Cupid strikes
Chapter 36: Dengue. Bar. Drugs
Chapter 37: General Cleaning
Chapter 38: Virgin
Chapter 39: holy shhh...t
Chapter 40: Bitch
Chapter 41: explanations
Chapter 42: Trauma
Chapter 43: Missing
Chapter 44: Call
Chapter 45: I love you...
Chapter 46: Clingy
Chapter 47: partnership
Chapter 48: Let's See
Chapter 49: Lunch out
Chapter 50: Last words
Epilogue

Chapter 7: first crush

12.7K 422 74
By chabilicious06

Chapter 7: first crush

LOUISE'S POINT OF VIEW

Sa isang linggo kong pamamalagi sa loob ng Academy, marami akong napagtanto.

At isa na dun ang lumolobong populasyon ng mga bakla sa club ko.

Kaya hindi na ko magtataka kung balang araw, isa na din dun si V.

Sa kinikilos palang nya ngayon at sa pagtrato nya sakin, parang bading na!

Hindi naman sya yung bading na kumekendeng pag naglalakad. Hindi din sya beki kung magsalita at ni minsan ay hindi ko nakitang nakatirik yung hinliliit na daliri nya pero kasi, iba yung dating sakin ng galaw nya.

Lalo na yung pagiging clingy nya.

Kagaya ngayon...

"samahan mo na kooo. Please pare!!!"      

Nasa dorm ko sya at kinukulit nya ko.

Ako lang! Hindi si Jin, hindi kami ni Jin! Ako lang talaga ang niyayaya nyang sumama sa kanya.

Nabadtrip ata si Couz dahil hindi sya niyayaya nitong si V kaya ayun, nagwalk out ang gaga.

Kung bakit ba naman kasi ako pa ang gustong isama!

"ayoko sabiiiiiii"

Pinagpatuloy ko lang yung paglalaro ng NBA sa Laptop ko.

BAHALA SYA.

hindi ko sya sasamahan.

"dali naaa. Mag eenjoy ka! Promise! Masaya dun!"

Nagtaas lang ako ng kilay habang nakaharap sa laptop. Hindi ko sya tinitignan kasi busy nga ako sa paglalaro.

"atsaka para maexperience mo na ring gumala sa kabilang building."

Iniimbitahan nya kasi akong samahan sya sa kabilang building. Sa may World of fun daw. Mag drudrum daw sya.

Eh ano namang paki ko sa pagdadrum nya?

At hindi ba sya marunong pumunta dun ng mag isa?

Kailangang naka escort pa ko talaga?

“ayaw!”

Naakakainis naman tong nilalaro ko! bakit ba di maagaw yung bola?!

           

“libre kita! Dun ka nalang magbasketball”

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya at naabutan kong nakangiti sya.

Dun ko lang napagtantong nakaupo sya sa tabi ko at nakatukod ang kamay sa kama at halos dikit na sa puwet ko!

Jusko namaaaan!

Lalaki nga pala ko at hindi dapat nagrereact sa ganito kasimpleng bagay kaya binaliwala ko nalang yung kamay nya.

“magkano ililibre mo? Baka mamaya isang token lang yan!”

           

Ngumisi sya dahil naisip nya na sigurong ‘Sasama na ko’

“100 tokens kung gusto mo”

Napanganga ko.

Iniisip ko palang kung pano ko yun uubusin, nastrestress na ko.

“Sige! Call!” pero umoo parin ako. Sayang din yung libre! Haha

“yes! Tara na pare!”

Sya na ang kusang nagtiklop ng laptop ko bago ako hinatak patayo.

Magrereklamo pa sana ako sa hindi nya pagshushut down ng laptop ko pero di ko na tinuloy.

Nagpahatak lang ako sa kanya palabas ng dorm.

Ang laki laki ng ngiti nya.

Para syang baliw.

Pero sa isang linggo kong pamamalagi sa school na to, napagtanto kong… Sadyang ganto lang sya.

Weirdo. Masayahin. Makulit. Energetic. Papansin in a cute way!

 

Mejo nawala na din ang ilang ko sa kanya kasi napansin kong ganto din nya itrato yung ibang estudyante. Pero hindi parin mabubura sa isip ko na posibleng bading sya!

 

“here’s your Tokenssssss”  with a lot of S yung pagkakasabi nya.

Napatingin ako dun sa ballot ballot na token sa palad ko sunod ay tinignan ko ang nakapaskil na presyo nito.

Nanlumo ako bigla.

P 25 pesos ang isa! 25!!!! Lintris!

Limang piso lang to sa SM!

Bakit ang mahal dito?!

Tapos 100 pa ang binili nya sakin!

Bale 2,500 ang nagastos nya para sa Token ko?                    

“V----” pangalan nya palang ang nababanggit ko at hindi ko pa nasasabing isauli ang kalahati ng token ko nung hinatak nya na ko.

“a-ang mahal ng mga token! Isauli mo yung 50!”

Nakokonsensya naman ako. Napagastos pa sya dahil sakin.

“okay lang. Tara. Upo ka muna dito”

Tumigil na pala sya sa paghatak sakin at pinaupo ako sa isang upuan.          

Umupo naman ako dun bago sya umupo sa tabi ko.

Nasa tapat sya ng isang machine na may mga drum.

 

“samahan mo muna ko dito bago tayo maglaro ng basketball mo ha!”

Tinanguan ko nalang sya at pinanuod.

Seryosong seryoso ang mukha nya habang nagpupupukpok sa drum.

Ang lakas ng music nung nilalaro nya at talagang nakakadala.

Dalang dala na nga sya actually.

Bahagyang nagalaw ang katawan nya na parang sinasabayan ang bawat beat nung tugtog.

Nakita ko pang kinagat nya ang labi nya kaya napa awang ang bibig ko pero agad ko ding tinikom.

“gusto mong i-try?” aniya ng hindi inaalis sa nilalaro ang paningin.

 

“p-pwede rin”

Hindi ko alam kung bakit ako nautal at hindi ko din alam kung bakit sya napangiti.

He’s such a pretty man. Hindi na ko magtataka kung sikat tong mokong na to sa Outside world.

But on the other hand, yeah. sikat nga pala sya.

Naalala ko kasi bigla yung mga babaeng naglalaway nung nakita kami sa mall.

I’m so so so sure na yung iba sa kanila, si V ang pinapantasya.

Napangiwi si V nung magsunod sunod yung ‘poor’ nya sa game.

May lumalabas lang na poor pag nagsasala ang pukpok mo pero agad din naman syang nakabawi at nagsunod sunod na ang ‘perfect’

 

Magaling sya magdrum.

Infact, ang cool nyang tignan pag nagdadrum. Marunong kaya talaga sya mag play ng tunay na drum?

“your turn”

Nabalik ako sa realidad nung magsalita sya at iabot sakin yung drum sticks. Umupo ako sa kaninang inuupuan nya bago nagpupukpok dun.

“p-pano ba to.” Napakamot ako sa ulo ko kasi naman, kanina pa ko pumupukpok pero hanggang ngayon hindi ko parin makita kung nasan yung song list.

 

“haha. Sige. Ipipili nalang kita.”

Umusod sya papalapit sakin at kinuha yung drum sticks sa kamay ko.

Nakatingin lang ako sa kanya habang namimili sya ng kanta. Nagrereflect na nga sa mga mata nya yung monitor nung machine.

“yan nalang. Madali lang yan. Binagalan ko na din para di ka mahirapan”

 

“h-ha?”

Shet. Ano daw sabi nya?

Hindi ko narinig.

Anong sinabi nyaaaa?

Narinig ko yung pag hagikhik nya.

“next time, do not stare at me too much”

Nalaglag ang panga ko.

“Gago! ASA KA!”

Nag iwas na ko ng tingin bago pabalag na inagaw sa kanya yung dalwang drum stick.

Gagawin pa kong bading ng mongoloid na to!

Note to self: wag titignan si V ng lalampas sa 5 seconds. Hanggang 4.999999 seconds lang. hahaha

Nagsimula na yung laro at nagpapanic na kaagad ako.

Simula palang kasi, puro sala na ako.

Walang tumatama! Hala ano ba to??!!!

 

“hahaha” tumawa na sya.

Gusto ko syang sakalin!

Anong karapatan nyang tawanan ako?

Porket expert na sya sa larong to GANON?

“shut up! Sa hindi ako marunong eh!”

Ang sama na ng tingin ko sa screen.

Parang gusto ko na tuloy sa screen ipukpok yung mga stick sa sobrang inis ko.

“sira naman ata to!!!” inis kong singhal pero tumawa lang uli sya.


“isakto mo kasi”
tumayo sya at lumipat sa likod ko.

Nagulat nalang ako nung makita ko yung ulo nya sa may balikat ko at yung mga kamay nya na biglang humawak sa magkabilang kamay ko.

At that very moment, naging abno nanaman ang heartbeat ko.

Hindi na yung beat nung drum ang naririnig ko kundi yung dagungdong ng dibdib ko.

Takte! Anong kalokohan ang ginagawa ng puso ko at bakit parang hingal na hingal sya?

“yan oh! Tumatama na” dinig na dinig ko yung bulong nya dahil sobrang lapit nya nga sakin. Pati narin yung paggalaw ng katawan nya nung tumawa sya, nadama ko din.

Mukha tuloy kaming magjowa sa pwesto namin.

Mukha kaming------

O_O

Naitulak ko sya papalayo sakin nung marealize kong ang sagwa ng position namin.

“why?”

Nagtatakang tanong nya.

“a-ako na ang maglalaro. Ang daya mo! Token ko to!” pagdadahilan ko nalang.

“tinuturuan lang naman kita” ngumuso sya bago umupo sa kaninang upuan nya.

Yeah. at hindi ka effective teacher kasi distructing ang way mo ng pagtuturo!

Naghulog ulit ako ng panibagong token para macredit para pagkatapos ng larong to, makakapaglaro pa ko ng isa pa. nagulat lang ako nung may makasabay ako sa paghuhulog. Akala ko si V pero nagkamali ako nung tingalain ko kung sino.

Naramdaman ko yung pagtakas ng dugo sa mukha ko nung mamukhaan ko yung lalaking maghuhulog din ng token kagaya ko.

Just like me, gulat din syang makita ako.

!#$#@%2Whatthefck#!@$#@%

Samu’t saring mura na ang nasabi ko sa loob ng utak ko.

Nakikilala nya ba ko?

Nagulat ba sya kasi kilala nya ko?

Magkakilala ba sila ni Kuya?

Shiiiiiiiit!

 

“B-basty” I cursed myself dahil di ko napigilan ang bunganga ko sa pagbanggit ng pangalan nya.

“Luis?” nakakunot ang noo nya at halatang hindi makapaniwalang nakikita nya ko.

I gulped my whole existence.

Charat!

“I thought…..”

Hindi nya matuloy ang sasabihin nya.

Sobrang kaba ko naman sa muling pagkikita namin.

He’s my first Crush!

Sobrang patay na patay ako sa kanya noon pero hindi nya ko pinapansin until I met Cedrick. My first boyfriend..

Nawala nalang sya bigla at hindi na nagpakita kaya naman gulat na gulat ako ngayong nakikita ko sya.

 

“Ayan! Game over na!” biglang sigaw ni V kaya pareho kaming napatingin sa kanya.

Nakakunot ang noo nya bago padabog na tumayo at dumaan sa gitna namin ni Basty.

“excuse me!”

Nagsalubong ang kilay ko sa inasta nya pero binaliwala ko nalang.

Masyado akong occupied sa presensya ni Basty.

 

“Luis!” tawag sakin ni V nung mejo malayo na sya. “tara! Magbabasketball pa tayo”

 

Hindi ko alam kung dapat ba akong tumakbo papalapit sa kanya dahil honestly, natatakot akong baka tanungin ako ng kung anu-ano nitong si Basty pero nakakahiya naman kung iiwan ko tong si Basty dito.

Mukhang kilala nya pa naman ako.

I mean, ang kuya ko pala!

Pero sa huli, I chose the safest decision.

Tatakbo na sana ako papunta kay V nung pigilan ako ni Basty.

“wait” napalingon ako sa kanya. “we have to talk”

Ang seryoso ng mukha nya.

Nakakapangilabot yung tingin nya at para bang pinag aaralan nya yung kabuuan ko.

Juice colored.

Bakit ganyan sya makatingin?

Mahahatulan nap o ba ko?

“ahhh kasi----“ magdadahilan pa sana ko nung hatakin nya ko sa may pulso ko.

Napasinghap ako sa hawak nya.

This is the first time that he touch me.

Well, this is the first time that he notice me!

“Pare” si V naman ang humawak sa kabilang pulso ko nung malagpasan namin sya kaya napatigil kami. “san ka pupunta?”

“mag uusap lang kami V” si Basty na ang sumagot para sakin tsaka walang anu anong hinila nya muli ako.

Nakarating kami sa rooftop ng building na ito nang hindi sya nagsasabi kahit isang word mula nung makalabas kami ng World of Fun.

Sobrang seryoso nya at talagang kinakabahan na ko dito ng husto.

He’s not saying anything gayunpaman, nasisiguro kong hindi maganda ang kalalabasan ng magiging pag uusap namin.

Nakasandal yung likod nya sa railing ng roof top habang nakatingin naman ako sa baba.

Hindi ko sya magawang tignan kasi natatakot ako.

Hindi ko magawang magsalita kasi pakiramdam ko, bibigay ako.

Baka nga nakakahalata na syang iba ako sa kilala nyang Luis!

 

“Your not Luis”

Pakiramdam ko, tumigil ang mundo. Tanging malakas na hangin lang ang kumikilos at madadala pa ko.

Nanghina kasi ako sa sinabi nya.

Mabuti nalang at nakakapit ako sa railings.

“a-anong sinasabi mo jan?”

Pinilit ko paring magboses lalaki kahit 50-50 na ang chance na mapaniwala ko sya.

 

“kaka-video chat lang natin kanina”

Nalaglag ang panga ko sa narinig ko.

Kalmado ang mukha nya pero seryosong seryoso sya.

Natatakot na talaga ako.

 

“diba may chickenpox ka ?”

Dun nanaman nagimbala ang mundo ko.

Hindi sinabi sakin ni kuya na may Chickepox sya!

 

“hindi ikaw sya kasi iba ka sa nakavideochat ko kanina”

Yumuko ako.

Yun nalang ang tanging naisip kong gawin dahil huling huli na ko.

“i-I’m sorry”

Hindi ko alam kung bakit nagsosorry ako. Basta bigla nalang itong lumabas sa bibig ko.

“Louise right?”

Naiangat ko ang paningin ko nung banggitin nya ang pangalan ko.

Kilala nya ko?

KILALA NYA KO!

Nasabi nya nga ang pangalan ko eh!

Pinigil ko ang ngiti ko bago tumango.

“yah. I’m sorry. I’m just pretending as my brother. He doesn’t have any idea of me doing this. Please don’t tell him”

Hindi nagbago ang facial expression nya at hindi din nya inaalis ang mapanuring titig nya.

“why do you have to do this?”

Should I tell him?

Pag sinabi ko ba, makukumbinsi ko syang wag sabihin kay kuya?

“i… i…” pano ko ba dudugtungan ang sasabihin ko?

 

 

“at hinayaan ka ni Cedrick gawin to?”

My jaw dropped upon hearing my ex-boyfriend’s name.

“y-you know him?”

Nag iwas sya ng tingin bago umayos ng tayo at tumingin na rin sa baba.

“he’s your boyfriend. Why wouldn’t I know his name?”

Kilala nya ba talaga ako?

Pati naging boyfriend ko, kilala nya?

Pero hindi nya ko noon pinansin!

“not anymore” sagot ko.

Tinignan nya ko at ganun din ako.

Ngayong alam nya nang nagpapanggap lang ako, I guess, hindi ko na kailangang umastang lalaki sa harap nya.

Binalik ko na sa pagiging babae ang boses ko.

“I’m avoiding him kaya pumasok ako dito”

Alam nya na ang lihim ko kay okay lang kung sabihin ko sa kanya ang rason ko.

“ikaw?” tinignan ko sya.

“hmmm?”

Bahagyang umaliwalas ang aura nya at nawala yung takot ko sa kanya kanina.

 

“bakit ka nag-transfer dito?”

Huminga muna sya ng malalim bago tumingin sa malayo.

“same reason” aniya.

I a’m puzzled.

Hindi ko kasi naintindihan.

 

“what do you mean?”

Suminghap sya.

“I’m also avoiding him.” Natigilan ako. “and you.”

 

Bigla syang bumaling sakin. “specially you”

Continue Reading

You'll Also Like

REPLICA II By amsterdam

Mystery / Thriller

5.3K 137 44
Determined to uncover the truth behind her father's feelings and forge a connection with him, Rejhine sets out on a journey of self-discovery that le...
145K 3.1K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
34.2K 1.5K 105
[Teen Fiction] (COMPLETED) (Editing) Princess Kylie Abarro is in love with his bestfriend--- Steve Laurence Abellana. Ginawa nya na ang lahat para la...
22.7K 1.7K 62
Ang babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what...