Phoenix Series #10: My Innoce...

By RosasVhiie

3.2M 106K 15.4K

MATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#10: Ethan Davidson "Hindi nababase ang pagmamahal sa mukha. Everyone de... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

Chapter 37

83.6K 2.4K 169
By RosasVhiie

I tried to update and I succeed.🤣 One update lang po ito. See you again on my day off which is Saturday. Happy reading and goodnight everyone.💛

Be ready to say goodbye to our dearest Hanna and Ethan. Ugh! Napakahalaga nila sa puso ko.😍

So ayun nga, enjoy reading. I'll sleep na. Hehe. Goodnight.😘

CHAPTER 37

HABANG pabalik sa hotel room kung saan ko dinala si Ethan kagabi ay kumakabog ng husto ang puso ko. Hinahanda ko ang sarili sa mga sasabihin nito.

Bago ako umalis kanina ay nag-iwan ako ng note na lalabas ako para bumili ng puwede nitong inumin para sa hangover nito. Pero mukhang pinagsisihan ko ang pag-alis kanina. Paano kung sa pagbalik ko ay wala na ito? Paano kung ayaw na ulit ako nitong tanggapin sa buhay nito?

Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko habang nasa loob ako ng elevator. Nang bumukas ang elevator ay natigilan ako nang si Ethan ang bumungad sa akin. Tila kanina pa ako nito hinihintay doon.

"U-Uuwi ka na?" Nag-aalangang tanong ko.

Hindi ito kumibo. Sa halip ay mataman lang ako nitong tinitigan. Napalunok ako, kabadong-kabado. Lumabas ako mula sa elevator at inabot ang dala kong paper bag na may lamang gamot na binili ko sa labas.

"Para sa hangover mo. Inumin mo muna bago ka umuwi. Bumili din ako ng almusal mo. Hindi na ako nagpa-deliver dito sa hotel dahil baka hindi mo magustuhan ang pagkain kaya personal akong bumili sa labas. I know your favorites. And..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko, pinagpapawisan ako ng husto sa sobrang kaba. Sa klase pa lang ng tingin nito sa akin ay parang nanlalambot na ako. Aaminin kong natatakot ako lalo pa at hindi ito nagsasalita.

Hindi nito inabot ang paper bag na dala ko kaya dahan-dahan ko iyong itinago sa likod ko. Walang salitang tumalikod ito. Pumasok ito sa hotel room. Kaagad akong sumunod at sinara ang pinto.

Nakaupo ito sa sofa paharap sa akin.

"I'll let you explain before I leave." Walang kasing-lamig ang boses nito.

Kaagad akong tumango. Naglakad ako patungo dito at kapagkuwan ay ipinatong sa maliit na mesa ang dala kong paper bag. Akmang uupo ako sa sofa na nasa harapan nito nang bigla itong nagsalita.

"You're not gonna sit there." Napangiwi ako sa lamig ng boses nito.

"S-Saan ako uupo?" Mahinang tanong ko.

Sa halip na sagutin ako ay hinawakan ako nito sa pulsuhan at diretsong pinaupo sa kandungan nito.

"E-Ethan..." Hindi ko alam ang sasabihin. Titig na titig ito sa mga mata ko.

"Do you still love me?" Mahinang tanong nito.

Kaagad akong tumango.

"I always love you, Ethan." Mabilis na tugon ko.

"Kung gano'n..." Bumaba ang tingin nito sa labi ko. ",prove it to me."

"A-Anong gusto mong gawin ko?"

Muling bumalik ang tingin nito sa mga mata ko. Ang kamay nito ay tinungo ang tiyan ko.

"Puwede ko bang lagyan ng laman 'to?" Paos ang boses na tanong nito.

I gulped and nodded.

"B-Baka nga may laman na kagabi pa." Mahina at nahihiyang sambit ko.

"I want to make sure." He whispered as he slowly caressing my lower lip with his thumb.

"What do you mean by-"

"Make love to me, everyday. Every night." Agaw nito sa sasabihin ko.

"Ethan..." Napatitig ako sa mga mata nito.

Masuyo nitong hinaplos ang pisngi ko. Buong mukha ko ay pinakatitigan nito.

"I have a friend. She's the best surgeon. Nilapitan ko siya para ibalik sa dati ang mukha ko." Awtomatikong paliwanag ko nang makita ang tanong sa mga mata nito.

Ilang sandali pa ako nitong tinitigan bago tumango.

"I clearly remember your face the first time I saw you on that island." Anito habang kinakabisado ang buong mukha ko.

"D-Don't you like it?" Nag-aalalang tanong ko.

"Not that I don't like it. Ayos lang sa'kin kahit ano ang mukha mo. Alam mo kung bakit at paano kitang minahal. Hindi ako nagbabase sa mukhang meron ka. Pero kung ito ang makakapagpasaya sa'yo, masaya na rin ako, Hanna." Hinapit ako nito sa beywang at ibinaon ang mukha sa leeg ko.

"Just...don't leave me again. Please." Nahihirapan at nakikiusap ang boses nito.

Awtomatiko ko itong niyakap.

"I won't. I'll stay by your side, Ethan. Hinding-hindi na kita iiwan. Pangako." Puno ng pangako ang boses ko.

Hindi ito umimik. Nanatiling nakabaon ang mukha nito sa leeg ko.

"Nangako ako sa'yo noon. Babalikan kita, hindi ba? Ikaw ang una kong hinanap. Hindi ka nawala sa puso ko habang kinukumpleto ko ang sarili ko, Ethan. Ikaw lang ang laman nito mula noon hanggang ngayon." Madamdaming sambit ko.

Tinignan ako nito at kapagkuwan ay sinapo ang mukha ko. Maluha-luha ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

"Don't hurt me again." Pakiusap nito.

"I won't."

"Stay with me."

"I will."

"Love me. Only me."

"Yes, of course."

"Marry me, baby."

"Yes I will-"

Natigilan ako nang mapagtanto ang sinabi nito. Ngumiti ito.

"Marry me. Please?"

Napatitig ako sa nakikiusap na mga mata nito.

"We are already married." Natigilan ito at kapagkuwan ay parang batang napakamot sa ulo.

"Alam mong-"

"Yes, alam ko. Alam kong kasal tayo. Narinig ko kayo ni Prince noong nasa ospital ako. You called me wife." Nakangiting sambit ko.

"H-Hindi ka galit?" May pag-aalangan sa mukha nito, takot na baka magalit ako.

"Ano pa ba ang magagawa ko? Tinali mo na ako sa'yo. I'm not even registered as Hanna Boiser anymore. Nagka-problema pa ako sa passport ko noong umalis ako. Doon ko mas nakumpirmang iba na pala ang apelyido ko. Mabilis ko lang pinaasikaso sa kakilala kong may mataas na posisyon sa gobyerno." Nakangiting sinapo ko ang mukha nito.

"Hindi kailanman pumasok sa isip ko na pipikutin mo ako." Naiiling na patuloy ko.

Mahina itong natawa.

"I'm sorry but not sorry. Ikaw lang ang may karapatang dalhin ang apelyido ko. Sa'yo lang nababagay." Tila tinunaw ang puso ko sa sinabi nito.

Nagkatitigan kaming dalawa.

"I love you."

"I love you."

Sabay kaming natawa sa mga sarili. Muli naming sinambit kung gaano namin kamahal ang isa't-isa bago nito inumpisahang pagpiyestahan ang katawan ko.

Natagpuan ko ang sariling nakasandal sa mahabang sofa, hubo't-hubad, nakabuka ang mga hita habang ang ulo ng asawa ko ay nakabaon sa pagitan ng mga hita ko. Nakaluhod ito sa harapan ko, kinakain at pinapaligaya ako.

He made me moan his name over and over again. Hanggang sa rumagasa ang napakasarap kong orgasmo. Sinulit namin ang mahigit isang taong pagkawalay sa isa't-isa. Pareho kaming uhaw na uhaw at sabik na sabik sa isa't-isa. Ilang beses naming inangkin ang isa't-isa sa napakasarap na paraan.

Nang parehong mapagod ay magkayakap kami sa kama, parehong nakasandal sa headboard. Kinuwento ko ang lahat ng nangyari sa akin noong mga panahong lumayo ako dito. Natawa pa ito nang sinabi kong nalaman kong kaya ako nitong hanapin ng walang kahirap-hirap dahil sa kuwentas na binigay nito sa'kin. Itinago ko iyon.

Marahil ay hindi tama para sa iba ang desisyon kong paglayo noon mula kay Ethan. Halo-halo ang mga emosyon ko. Nasasaktan ako at nagagalit kaya mas pinili kong lumayo para muling hanapin ang dating ako. Para mabuo ko ang sarili ko nang walang tulong galing sa mga taong importante sa buhay ko.

Minsan kailangan nating lumayo hindi para mang-iwan kundi para mas lalong pagtibayin ang mga sarili natin mula sa mga masasakit na pinagdaanan natin. Sa paglayong iyon, dala-dala natin ang pangakong muling haharapin ang kinabukasan ng buong tapang, 'yong napapagod pero hindi sumusuko. Kailangan nating linisin ang ating mga puso at buksan ang bagong pahina ng buhay.

Handa na akong harapin ang lahat kasama ang lalaking pinakamamahal ko. Mag-uumpisa kami sa tama, nararapat at tahimik na paraan. Meron mang nawala sa akin, hindi iyon hadlang para buksan ang pintong para sa akin. Ang pintong pilit kong iniiwasan noon- pagmamahal, pagtanggap sa sarili at sa mga bagay na sinaktan tayo ng sobra. Kailangang buksan ko lang ang pintong iyon para sa mas maliwanag na kinabukasan, kasama ang lalaking mahal ko- si Ethan.

Nag-umpisa kaming mamuhay ng magkasama. Si Daddy ang nagpatuloy ng kompanya nito. Inayos nito ang lahat. Pinalitan ang mga board members. Tinanggal ang mga gahaman.

Hiniling nitong hawakan ang kompanya ng tatlo pang taon bago nito ipapasa ang kompanya sa akin. I just let him. Hindi ko rin naman ito mapipilit. Kung saan ito masaya at habang malakas pa ito ay hahayaan ko ito.

"Anak, kain ka ng kain. Baka hindi na kakasya ang wedding gown mo sa'yo." Natatawang sambit ng ama ko nang makita ako nitong kumakain ng chocolate.

"I can buy her another one." Awtomatiko akong napalingon kay Ethan nang marinig itong nagsalita mula sa likod ko.

Naiiling na iniwan kami ni Daddy.

Alanganin kong nginitian si Ethan at ibinaba ang chocolate na hawak ko.

"I'm sorry, I'll stop eating chocolates na." Sambit ko at napabuntong-hininga.

Ethan chuckled.

Lumapit ito sa akin, hinapit ako sa beywang at inilipat ang bibig sa tenga ko.

"Seems like my wife is pregnant." He whispered. Dumausdos ang kamay nito patungo sa tiyan ko, mabagal na hinimas ang tiyan ko. Tila siguradong-sigurado ito base pa lang sa magandang ngiti na nakaguhit sa mga labi nito.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Paano kang nakakasigurado na-"

"You've been craving for chocolates for almost three weeks now. Madalas din kitang naririnig na nagrereklamo kay Dad na nahihilo. Nang minsan nakita kitang nagsusuka. That's the symptoms of pregnancy right, baby?" Kumikislap ang mga mata nito, halata ang excitement.

Natatawang pinisil ko ang matangos na ilong nito.

"Let's have a check-up, then." Nakangiting sambit ko.

"Sasama ako, please." Parang batang pakiusap nito. Hindi halatang excited ang loko.

"No. Ako lang. 'Wag ka nang sumama." Kaagad itong nalungkot. Gusto ko tuloy itong pagtawanan.

"Baby..." Tila batang nakikiusap ang mga mata nito.

"Biro lang." Natatawang sambit ko at hinawakan ko ang kamay nito. "Let's go to the hospital right now for confirmation." Napatili ako nang bigla ako nitong binuhat.

"No need for confirmation, mahal ko. Sigurado akong buntis ka so let's celebrate, hmm? Bukas na tayo magpapacheck-up." May pilyong ngiti sa mga labi nito habang naglalakad patungo sa kuwarto naming dalawa.

Ang celebration na sinasabi nito ay talaga namang napakainit at napakasarap. Hinding-hindi na yata kami magsasawa habang nagpapaangkin sa isa't-isa ng paulit-ulit.

Hinding-hindi mauubos ang pagmamahal ko sa lalaking ito. Ito lang ang kaya kong mahalin, ang pangarap kong makasama hanggang sa kabilang buhay at ang magiging ama ng mga anak ko. Si Ethan lang...wala ng iba.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

122K 4.9K 36
[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story
7.6K 517 20
The last thing Elamarie Calma wanted was a controlling freak of a boyfriend. She's a strong, independent, career-oriented woman. She's used to giving...
154K 8.6K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.1M 89.4K 41
MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#6: Rein Sandoval "I can hear my own hearbeat and it shouts your name." - Rein Sandoval