Phoenix Series #10: My Innoce...

Galing kay RosasVhiie

3.2M 106K 15.4K

MATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#10: Ethan Davidson "Hindi nababase ang pagmamahal sa mukha. Everyone de... Higit pa

Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

Chapter 33

65.8K 2.1K 189
Galing kay RosasVhiie

CHAPTER 33

HINDI ko alam kung ilang minuto akong walang malay. Basta ko na lang naramdaman ang matitigas na kamay at malakas na puwersang bumuhat sa akin.

Nagmulat ako ng mga mata, pilit na inaaninag ang mukha ng kung sinumang bumuhat sa akin.

Lumapat ang likod ko sa malambot na bagay. Naramdaman ko din ang pagbaba ng katawan ko na tila ba nilalagay ako nito sa komportableng puwesto.

"Baby..."

Sobrang pamilyar ng boses na iyon. Ilang beses akong napakurap. Hilong-hilo ako pero pilit kong inaaninag ang mukhang iyon.

"E-Ethan..." Sambit ko nang tuluyang makita ang mukha nito.

Masuyo nitong sinapo ang mukha ko.

"I'm here. I'm here." Puno ng pag-iingat ang boses nito.

Inabot ko ang mukha nito, masuyo iyong hinaplos. Napaluha ako at kapagkuwan ay napangiti.

"You maybe turned your back to me but I know that you'll come back for me. I...trust you." Mahinang sambit ko.

Paulit-ulit itong tumango at kapagkuwan ay hinalikan ako sa mga labi.

"I'm sorry I had to do that. I don't want Selene to have doubts on me. I have to gain her trust." He said and deepened the kiss.

Tinugon ko iyon ng buong puso. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay pinagdikit nito ang mga noo namin.

"I'm sorry it took me so long to save you. I'm sorry." Napatitig ako sa mukha nito nang makita ang pagpatak ng mga luha nito.

Kaagad ko iyong pinunasan.

"Shhh. It's not your fault. You came just on time. D-Don't cry, please." Nanginginig ang boses ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Kitang-kita ko ang takot sa mga mata ni Ethan. Ngayon ko lang ito nakitang ganito. Ngayon ko lang nakita ang matinding takot sa mga mata nito sa kabila ng pagiging matapang nito. He is the bravest man I've ever known. At ngayong nakikita ko ang takot sa mga mata nito nang dahil sa'kin ay nagdulot ng matinding emosyon at tumatatak sa puso ko.

"Mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita. Just hang on there. Matatapos din ang lahat ng 'to. Konting hintay pa. Konting-konti na lang." Anito at hinalik-halikan ang gilid ng labi ko.

"A-Anong nangyari? Hindi ako duguan. Nakita kong binaril mo ako kanina." Nagtatakang sambit ko.

"Hindi bala ang tumama sa'yo. It was a sedative. It came from my own gun. Pinatulog lang kita." Hinaplos nito ang buhok ko.

Napatitig ako sa mukha nito.

"Kaya pala nawalan ako ng malay." Mahinang sambit ko.

Tumango ito.

"Eh 'yong putok ng baril na narinig ko? Kanino galing?" Imbes na sagutin ako ay ngumiti lang ito.

"It doesn't matter where it came from. The most important is you are safe. Kung nagkataong binaril ka ng lalaking 'yon, makakakita siya ng demonyo." Napatitig ako sa mukha nitong biglang dumilim. Nakakamangha kung gaano kabilis magbago ang emosyon sa mukha nito.

"Hawak na ni Selene ang USB mo at-"

"No. Hindi niya nakuha. The USB is still here with me." Kinuha ko ang nakatagong USB mula sa bulsa ko at pinakita iyon kay Ethan.

Napatitig ito sa akin na tila hindi makapaniwala. Nginitian ko ito.

"I'm wise, thanks to you." Sambit ko.

Mahina itong natawa.

"You just got lucky." Anito.

Sinamaan ko ito ng tingin na mas lalo nitong ikinatawa.

"I'm just kidding." Muli nitong hinaplos ang buhok ko.

Nagkatitigan kaming dalawa. Hinawakan nito ang kamay ko at pinagsiklop nito ang mga kamay namin.

"Palagi mong tatandaan, kahit nasaan ka pa, kahit malayo ka pa, darating at darating ako para iligtas ka. Kahit sa kahuli-hulihang minuto, ililigtas pa rin kita. Paulit-ulit kitang ililigtas basta't hintayin mo lang ako. Darating ako kahit anong mangyari, pangako 'yan." Punong-puno ng pangako ang mga mata nito.

Tumango ako at ngumiti.

"I trust you, Ethan. I trust you more than anyone else." Inabot ko ang labi nito at hinalikan iyon.

Inuwi ako nito sa bahay na nanghihina pa rin dahil sa sedative na ibinigay ni Ethan sa akin. He said that the sedative is harmless. Hindi niyon maaapektuhan ang nasa sinapupunan ko.

Nagdaan pa ang dalawang araw. Mamayang gabi na ang pag announce ng bagong CEO ng Boiser's Brand.

Napatitig ako sa sarili kong repleksyon sa harap ng mahabang salamin. Tonight will be the end of everything. Mababawi ko na lahat ng kinuha nila sa akin. Matatapos na ang lahat ng ito.

"Baby..."

Napalingon ako sa pintuan kung saan naroroon si Ethan. Napakaguwapo nito sa suot nitong itim na tuxedo. Awtomatiko itong ngumiti at naglakad patungo sa akin.

"Are you ready?" He asked.

Ngumiti ako at tumango. Hinaplos nito ang buhok ko.

"Keep safe, okay?" Muli ay tinanguan ko ito.

"Ikaw din, please." May pakiusap sa boses ko.

"I can handle myself, baby. Ikaw ang iniisip ko. Wala kang ibang gagawin mamaya kundi ang ipakilala at ipakita mo ang sarili sa lahat. Dapat nilang malaman na buhay ka. I will just watch you and protect you so please, be safe okay?" Patuloy nitong hinaplos ang buhok ko.

Hinaplos ko ang pisngi nito.

"I will. Kaya sana ingatan mo din sarili mo. Kahit alam kong kaya mo ang sarili mo, mag-iingat ka pa rin, Ethan. Let's go home tonight, safe and sound. Okay, baby?" Ngumiti ito, tumango at kapagkuwan ay hinalikan ang gilid ng labi ko.

Naramdaman ko ang kamay nito sa leeg ko at nang tignan ko iyon ay may suot na akong kuwentas.

"It's beautiful." Hinawakan ko iyon.

It's a flower necklace. A red rose.

"'Wag mong aalisin 'yan, okay?" Hinalikan ako nito sa noo.

"Of course. Thank you." Hinalikan ko din ito sa noo na ikinatawa nito.

Ilang sandali lang ay nauna na itong umalis. Kumaway pa ito sa akin at bumulong ng I love you sa hangin bago umalis. Kinawayan ko ito at nang mawala na ito sa paningin ko ay napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba. Wala sa sariling napahawak ako sa sariling tiyan.

"Are you nervous?" Napalingon ako sa ama ko.

"I'm not, dad." Tanggi ko.

Lumapit ito sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"Let's go and show them who's the true owner of everything they have, sweetie." Tumango ako at nginitian ito.

Hinawakan ko ito sa kamay. Sabay kaming pumasok ng kotse at nang nasa biyahe na ay hindi pa rin maalis-alis ang kaba sa dibdib ko.

Nang makarating kami sa patutunguhan ay napakaraming bisita ang naroroon. Inaasahan ko na ang pagdagsa ng mga bisita dahil sa pag-abang ng bagong CEO.

Inikot ko ang paningin, hinahanap si Ethan. Nakita ko itong katabi si Selene. Panay ang hawak ni Selene sa kamay nito at sinasadya pa minsan na matisod para alalayan ni Ethan.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay pumunta na sa gitna ang tiyuhin ko at nag-umpisang magsalita. Marami itong sinabi.

"...I feel sad until now because of my brother's death. Mas lalo akong nalungkot nang mamatay ang aking sister in law. Sumunod ang pinakamamahal kong pamangkin na si Hanna. Hanggang ngayon ay nagdudusa ako sa sobrang kalungkutan. They don't deserved it..." Suminghot-singhot ito, bahagyang naluluha.

Ikinuyom ko ang mga kamao. He is such a great pretender. Nakakasuka.

"...And I am forever thankful with my brother because he trusted his company towards me. Years ago ay napatunayan ng attorney ko na hindi ang kanyang anak na si Hanna ang pinagkatiwalaan niya sa Boiser's Brand kundi ako. I was willing to give the company to my niece...kung nabubuhay lang sana siya ngayon. Pero...namatay sa sunog ang aking pinakamamahal na pamangkin, alam niyong lahat 'yan. Isa iyong malaking dagok sa buhay ko. I really love my niece. She was like a daughter to me." Muli itong suminghot.

"...Hanna, my sweetie. Kung nasaan ka man ngayon, sana ay masaya ka kapiling ang mga magulang mo. Makakaasa ka na hinding-hindi namin pababayaan ang kompanya ng Daddy mo. At ngayon ay ipapasa ko ito sa aking anak na si Selene. Kung sana ay...nabubuhay ka lang. Sa iyo ko sana ibibigay ang kompanyang pinaghirapan ng ama mo. Ikaw sana ang nagmamay-ari. Willing akong ibigay sa'yo ang kompanya kung ikaw sana ay nabubuhay pa at-"

"Then, give it to me." Napalingon ang lahat nang magsalita ako.

Sinalubong ko ang tingin ng tiyuhin ko na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa akin.

Naglakad ako papalapit dito at kapagkuwan ay hinarap ang mga bisita.

"Do you really believe that this man is telling the truth? I am here, Hanna Boiser, alive. And Boiser's Brand is all mine. Ako lang...ang nagmamay-ari ng kompanya. But this man..." Tinignan ko ang aking tiyuhin. ",and his daughter fabricated everything, get rid of me and make you all believe that I am dead." Sinalubong ko ang gulat at masamang tingin ni Selene.

Ngumisi ako.

"Lahat ng pagmamay-ari niyo ay akin. Lahat-lahat. At kahit 'yang lalaking katabi mo ay pagmamay-ari ko." Iyon ang huling katagang sinabi ko dahil pagkatapos niyon ay sunod-sunod na nagsipasok ang mga kapulisan sa pangunguna ng kaibigan ni Ethan, Chief Adrian Perez.

Pero ang sunod na nangyari ay hindi namin lahat inaasahan. Hinarap ni Selene si Ethan at mabilis itong may itinusok sa leeg ng binata.

Kasabay ng panlalaki ng mga mata ko ay ang pagdilim ng paligid ko. Namatay ang lahat ng ilaw at bago pa man ako makakilos ay may nagtakip na sa ilong ko. Paunti-unti ay nakaramdam ako ng panghihina at nawalan ako ng malay.

Ethan.

To be continued...

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

4.8M 90.4K 38
" I'm drunk Reyna ko, I might as well use it as an excuse. 'Tong gagawin ko, kalimutan mo" He said. Nalito naman ako sa sinabi niya. Magsasalita pa s...
2M 40.3K 22
Always the princess but never his queen. Warning: This story contains scenes not suitable for young readers, read at your own discretion.
122K 4.9K 36
[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story