When she entered Adonis Acade...

By chabilicious06

630K 20.4K 4.2K

What will happen if a SHE entered in an all boys school? More

When she entered Adonis Academy (adonis academy sequel)
Chapter 1: Bad
Chapter 3: dibdib
Chapter 4: Sasapakin na kita!
Chapter 5: Pokpoks
Chapter 6: Lovers in Paris
Chapter 7: first crush
Chapter 8: peace be with you
Chapter 9: BLOCK
Chapter 10: Seduce
Chapter 11: pogi-er
Chapter 12: Chocolates
Chapter 13: Shit Pare!
Chapter 14: sales lady
Chapter 15: Acquaintance Party
Chapter 16: Acquaintance Party (continuation)
Chapter 17: Gory
Chapter 18: txt txt
Chapter 19: :(
Chapter 20: masamang intensyon
Chapter 21: I want you
Chapter 22: School fest (part 1)
Chapter 23: School Fest (part 2)
Chapter 24: Tutol
Chapter 25: Kiss me
Chapter 26: Soon
Chapter 27: the notebook
Chapter 28: selfish
Chapter 29: Identification Card
Chapter 30: revealed
Chapter 31: Nomu Saranghe
Chapter 32: m-magmamakaawa sayo
Chapter 33: movie marathon
Chapter 34: End of the month
Chapter 35: Cupid strikes
Chapter 36: Dengue. Bar. Drugs
Chapter 37: General Cleaning
Chapter 38: Virgin
Chapter 39: holy shhh...t
Chapter 40: Bitch
Chapter 41: explanations
Chapter 42: Trauma
Chapter 43: Missing
Chapter 44: Call
Chapter 45: I love you...
Chapter 46: Clingy
Chapter 47: partnership
Chapter 48: Let's See
Chapter 49: Lunch out
Chapter 50: Last words
Epilogue

Chapter 2: ang cute mo pare

22.9K 663 175
By chabilicious06

Chapter 2: ang cute mo pare

LOUISE’S P.O.V

                                          

“uso ba ang sabunutan sa mga boys?” tanong ko kay Jin habang nag aayos ako ng bonnet ko sa harap ng salamin. Mas maganda kasi kung magbobonnet ako. Mas safe para sa wig ko.

“hindi. Pero sakin, uso yun!” siniringan nya ko bigla.

Haaaay naku. Ang hirap naman pakisamahan ng pinsan kong to. Pano na yan? Dorm mate pa naman kami.. baka magkarambola pa kami. Tsk.

 “pshh” inirapan ko nalang sya bago ako lumabas ng dorm.

                                                                                        

Di naman kami mag kaaway. Sadyang ganto lang namin itrato ang isa’t isa.

Super close kaya kami.

Baka nastrestress lang sya sa mga desisyon ko. At yun ay ang desisyon kong pag aaral sa school na to.

Anyway.

Palabas ako ngayon ng Adonis Academy.

Pasukan na bukas kaya hanggang ngayong araw lang makakalabas ang mga estudyante, then tomorrow, bartolina na kami sa klase.

Ganto naman kasi sa school na to. Once a month lang daw nakakalabas ang mga students then the rest, ayun, focus sa pag aaral, kahit di halatang mga nag aaral sila -____-

Hindi nga halata pero magagaling mga estudyante dito.

Nag aral din kasi dito dati si Kuya.

I have a Brother. His name is Luis Pilares! He’s the Real Luis and I a’m LOUISE! Kailangan ko munang nakawin ang identity nya para makapag aral ako sa school na to. 11 months lang naman ang agwat namin. January sya tapos December naman ako.

Well. Wala syang alam na dito ako nag aaral. Dinala kasi sya nila papa sa Australia. Dun na sila nakatira habang ako, heto at wala silang kaide ideya kung anong pinasok ko.

I don’t have more time para ikweto ang buhay ko. Hindi to MMK, wattpad to!

Nagpara kaagad ako ng Jeep na byaheng SM at nagbayad ng bente.

 

“ilan sa bente?” tanong ni manong tsuper.

“dalwa hong ½” sabi ko. napakamot naman si kuya ng ulo.

Di pa ata alam kung ilan ang dalawa ng kalahati. Tsk.

Bumaba ako ng hindi nasusuklian. Sinabi ko kasi kay kuya na keep the change nalang. Galante kasi ako!

“ang pogi” tumaas ang kilay ko nung marinig yung  babaeng nakasalubong ko.

Dirediretso lang ako ng lakad kaya di ko na narinig yung kadugtong pa ng usapan nila. Wala na akong pakielam. Ang Goal ko lang ngayon ay makapag shopping ng mga gamit sa school at personal stuffs like briefs at iba pang kachurvaloohan ng mga lalaki. Baka kasi maubusan ako. Alangan namang manghiram ako kay Jin?! Baka mapektusan lang ako nun sa fallopian tube!

“tignan mo bes!” tinignan ko sa gilid ng mga mata ko yung babaeng nakaupo sa labas ng Kfc. Nakamulaga sya sakin na animo’y nasa dream land sya at nakakita ng walking rainbow.

“ang gwapo” mahinang bulong naman nung katabi nya pero sapat na para marinig ko.

Sakin sila nakatingin kaya nagtaka naman ako.

Ako ba ang sinasabihan nilang gwapo?

Napalingon ako sa tabi ko dahil baka may kasabay lang ako na papables pero wala naman.

Nagkibit balikat nalang ako at nagdirediretso patungong National Book Store.

Alam kong sobrang gwapo ko. nagpapahumble lang ako. HAHAHA.

Joke!

Actually, di pa ko sanay na pinagtitinginan ng mga babae.

I mean, noon, tumitingin sakin ang mga babae para pag aralan ang fashion sense ko. full of insecurities ang mga mata nila pag nakikita ako pero ibang iba ngayon. Tumitingin sila sakin na akala mo’y rumarampa ako sa ‘The Naked Truth’ ng naka boxers lang.

Grabe yung tingin nila. Parang hinuhubadan ako.

Never pa naman akong naglaway sa lalaki.

Humahanga lang ako sa kagwapuhan pero hindi pa kumikislap ng ganyan ang mata ko noh!

Masyadong maraming mata ang nanunuod sa bawat kilos ko kaya naiilang ako.

Magkamukha lang naman kami ni kuya kaya ganto siguro ang pinagdadaanan nya sa mata ng mga babae! haha. Lupet!

Kumuha ako ng sandamakmak na ballpen para itarak sa mata ng mga nakatingin sakin.

Choss!

Kumuha lang ako ng 12 na techpen. Isa kada bwan. Sampung buwan ang klase. Bonus na yung dalawa! Hehe. Kumuha na din ako ng mga notebook, papel, at marami pa! kailangan ko pa bang isa isahin?

Matapos yun, dumiretso na ko sa counter at nagbayad.

Next destination, Penshoppe.

Kailangan kong bumili ng mga brief, boxers, polo, pants, jersey short, towel at pabango na rin.

Kahit nakakahilo yung mga panlalaking pabango, Go lang!

For the sake of pagpapanggap!

Tinignan ko muna yung picture ni Mario Maurer sa wall ng penshoppe bago ako lumabas.

Eh bakit ba? Ang gwapo nya kaya! Haha.

Hindi ko maalis ang paningin ko sa picture nya habang paatras akong lumalabas ng store nung may madanggil ako.

“ay Sorry!” mabuti nalang at aware ako! Nagawa ko kaagad panlalaki ang boses ko.

“Tsk! Di kasi nag iingat!” sabi nung babae bago tinignan yung kasama nyang natapunan nung hawak nyang drinks sa damit. “okay ka lang sweetie?” dun lang nabaling ang atensyon ko sa lalaking naatrasan ko kanina at halos mabitawan ko lahat ng pinamili ko sa sobrang gulat.

“Luis?” gulat ding sabi ni Cedrick.

Napabukas ang bibig ko at magsasalita sana pero naitikom ko din kaagad sa kaba. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Shet lang na hinayupak to! Bakit kailangang magkita pa ulit kaming dalawa?! pakshert namern!!!

At talagang may panibagong bitbit nanaman ang mokong!

Wow lang! Amazing!

“Luis!” sinanggi nya yung kamay nung babae sa braso nya at bigla akong kinapitan sa magkabilang balikat. “sabihin mo sakin kung nasan si Louise. Please. Sabihin mo kung nasan ang kapatid mo”

 

Napalunok ako. Nadala na ata ng lunok ko yung dila ko dahil di ako makapagsalita.

Natatameme ako bigla.

“sweety”

Kakapit sana ulit yung babae sa braso nya pero agad nya itong hinawi.

“shut up!” sabi nya.

Gusto kong humagalpak sa tawa dahil napahiya yung babae! Sarap nilang hambalusing dalawa. eh mukhang sobrang sweet nila kanina kung di lang nila ako nakita. Tapos ano to ngayon?

Anong drama to ngayon Cedrick??!!!

“Wala ka nang karapatan sa kapatid ko kaya kung ako sayo, lalayuan ko na sya. Tinarantado mo sya kaya please lang, umalis ka na sa buhay nya” tsaka ko sya tinalikuran.

Natahimik sya at hindi na ako sinundan.

Mabuti na yun kesa naman guluhin pa nya ko.

Pero bakit ganto tong puso ko?!

Pumikit ako ng mariin bago lumiko papasok ng department store.

Galit na galit ako sa kanya dahil sinaktan nya ko.

Niloko nya ko. Pinaglaruan nya lang ako!

Pasalamat nga sya at buhay pa sya hanggang ngayon. Tsk!

BASTA LOUISE! Never say die! Tomorrow is another Guy! Tandaan mo yan!

Pakamatay na yang Cedrick na yan! Di ko sya kailangan!

Itinuon ko nalang ang buong atensyon ko sa pamimili ng rubber shoes.

Kailangan ko ng maraming stock. Hindi ako pwedeng naka dollshoes, edi nabuking ako!

Umupo ako para abutin yung black Air 21 na rubber shoes sa baba nung  may makita akong paa na tumigil sa tabi ko. Di ko nalang yun pinansin, basta chineck ko ng ayos yung rubber shoes na hawak ko, pero bigla nya kong kinausap.

“Hi Luis!”

Tumaas muna ang kilay ko bago ko sya tiningala.

Akala ko kung sino. Si V lang pala! Yung parang mongoloid na sumingit sa pila ng registrar.

“Hi” maikling sagot ko bago tumayo dala dala yung sapatos

 

“bakit mag isa ka lang? wala kang kasama?”

Nakangiti nanaman sya. Yung rectangle na form ng bibig nya pag nagsmasmile sya,  grabe, ang cute! Pero ang weird nya kasi palaging malaki ang ngiti nya! ganto ba talaga to? Parating mukhang Hyper?

“ikaw din naman. Walang kasama” I retorted.

“hindi ah!” pumihit sya sa gilid nya at tumingin sa di kalayuan. Sinundan ko naman ang tinitignan nya at nakakita ako ng anim na lalaking nagpupukpukan ng rubber shoes sa ulo.

 

“what the----“ napanganga talaga ako sa nasaksihan ko. At mas lalong nagpabagsak ng panga ko nung makita si Jin na kasama nila.

 

“haha. Para silang mga tanga noh? Hahaha” napangiwi naman ako sa komento ni V

Sabagay. Mukhang tanga nga naman sila. Sa halip na pillow fight ang gawin, rubber shoe fight ang napapagtripan

 

Parepareho lang ata silang mga weird.

 

“halika. Ipapakilala kita”

Magdadalawang isip pa sana ako kung sasama ako kaso naisip kong ‘ano kaya ang reaction ng juding kong pinsan pag nakita ako?’

Priceless siguro!

Maaasar ko sya mamaya! Hahaha.

Ganto pala sya pag kasama ang mga tropa nya!

Lalaking lalaki umasta at parang mongoloid din! Parang si V lang!

Tatalon talon na parang fairy si V habang papalapit sa mga kasama nya.

Nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan sya.

‘May sayad yata to! Nalintikan na!’

 

“mga pare! Tigil na!” aniya. Tumatawa naman yung mga kaibigan nya habang binabalik sa patungan yung mga sapatos. “may ipapakilala ako sa inyo” sabi nya. Sakto namang dating ko sa likod nya.

Tumingin silang lahat sakin nang hindi nawawala ang ngiti.

Bukod tanging si Jin lang ang napanganga.

Napangisi tuloy ako.

Hihihihi.

Ang kyut ni Couz magulat!

 

“L-louisa!” biglang sabi ni Jin. Nangunot naman ang noo nila V.

Shet lang!!! nakakainis si Jin!!! Madudulas na nga lang, ganito pa kaaga! Mabubuking na ba kaagad ako? Di manlang ako nakaabot sa first day of class?! Tsk

Pinandilatan ko sya ng mata at pansin ko ang paglunok nya.

“anong sabi mo?” tanong ni V.

“sabi ko… ano… LUIS---Ah!” bigla syang sumigaw at napahawak sa tapat nung pare nya sa baba.!

Tinignan namin syang lahat na para bang sinasapian sya.

“a-aray. May langgam ata sa brip ko” at tinalikuran nya na kami bago tumakbo sa powder room.

 

‘Ano daw???’

“pfffffffft”

Pigil pigil ko ang tawa ko dahil sa dahilan nya.

Bwahahaha.

Makalusot lang, kahit ano, idadahilan nya na! hahaha.

Nasindak ata sa nanlilisik kong mga mata kanina. LULS!

 

“nababaliw na ata yun!” umiling si V.

Makapagsalita naman toh! Akala mo hindi sya baliw!

“anyway. Sya nga pala si----“

 

“Jin Pilares” pagtutuloy ko. natigilan naman sya. “pinsan ko” dugtong ko bago namulsa at cool na cool na tinanguan sila.

                                                                                           

‘ow’

They mouthed.

“hi Luis! Ako si suga” (BTS-SUGA) nakipag hi-5 sakin yung maputing singkit.

Singkit ba to? O wala lang talagang mata? Haha. Nakakakita pa kaya sya?

“I’m Jay pre!” (BTS-J-Hope) umapir din sakin yung lalaking mejo may kahabaan ng mukha pero gwapo parin! Lahat naman sila, gwapo. Lalong lalo na tong mongoloid na si V!

Tinanguan ko din sya bago tumingin dun sa pangatlo. “Ralph dude!” (BTS-RAPMON) nagsalute sakin yung lalaking puti ang buhok. Nginitian ko naman sya ng tipid.

“Jimmy at your service!” (BTS-JIMIN) nakipag fist bump sakin yung mejo may kaliitang lalaki pero may biceps at ABS! Pano ko nasabing meron?

Hehe! Di nyo na kailangan malaman!

“teka! Ikaw yung lalaki sa unahan ni V sa pila!” tinuro nya ko at natameme naman ako.

Tama! Sya yung lumapit kay V noon at pinipilit na sumingit na si V! sya yung bad influence!

“oo! At ikaw yung bad influence na nagpupumilit paunahin sya!” napaatras yung mukha nya.

“woaaah woaaah. Sorry naman pare!” ngumiti nalang sya at nag peace sign.

Wala na rin naman akong magagawa dahil tapos na ang pangyayari yung kaya wag nang balikan.

Nagpatuloy na sila sa pagpapakilala.

“ako si Kookie” (BTS-JUNGKOOK) nakangiting pakilala nung isa pang mala anghel ang kagwapuhan! Sobrang pogi! Ano ba to!

 

“at ako!” tinignan ko si V nung ituro nya ang sarili nya. “ako ay kilala mo na! hahaha”

Parang ulaga talaga to. “welcome sa group pare!” bigla akong hinatak ni Jimmy  at isiniksik sa kilikili nya.

Tropa ka na namin ha! Dagdag pa nya bago ginulo ang buhok ko!

Sht! Buti nalang talaga at naka bonnet ako! Jusko! Katakot takot ang aabutin ko sa mga to!

“he-he! Geh” pinakitaan ko sila ng ngiting aso.

Nag daan pa ang ilang sandali na magkakasama kaming walo sa mall.

Ofcourse, kasama na ang pinsan ko. nakalabas na kasi sya sa banyo. Haha.

At eto ngayon sya. Katabi ko.

Mas safe ako kung sya ang katabi ko at malayo ako kay jimmy.

Baka mamaya, mapagtripan nung hugutin ang bonnet ko, mahuli pang nakawig lang ako.

“Oh my gosh! Ang gwapo gwapo talaga nila!!!” heto nanaman tayo. Hindi ba matatapos ang araw na to ng hindi kami pagbubulungan ng mga tao?

Kung ako naman, makakita ng gwapo, sa isip ko lang sila sasambahin! Hindi yung ganto! Halata mong nagpapapansin!

“sino yung nakabonnet sa dulo? O.M.G! ang pogi din nya!!!!”

Sigaw pa nung isa.

“tssss” umismid nalang ako. Narinig ko pa ang paghagikhik ni Jin at sigurado akong ako ang tinatawanan nya.

“oo nga. Kaso payat sya pero ang hot parin nyang tignan” pag sang ayon naman nung kasama nung babae!

Actually, kilala ko sila.

Schoolmate ko sila noon. Di ko lang sure anong pangalan nila. Basta namumukhaan ko sila.

 

“pare, sinasamba nanaman tayo ng mga chix!” nakangising sabi ni Jay at nagpantig naman ang tenga ko sa narinig ko.

Ganto ba ang mga lalaki? Pag napansin nilang pinagtitinginan sila, literal nilang aamining sinasamba sila? Di ba pwedeng magpakeme muna?

 

“oo nga pre! Kaso mukhang trip na trip nila si Luis! Haha. Dinaig na tayo!” sagot naman ni Suga.

Nginitian ko nalang sila ng fake.

“he-he” sabi ko pa.

Wala naman kasi akong paki kahit ako ang magustuhan ng mga babaeng yan.

Nag iwas nalang ako ng tingin at pinagmasdan ang mga dress na nakadisplay sa mga glass window.

Napatigil ako sa paglalakad nung may makita akong super gandang dress!

OO! Napatigil talaga ako at napatulala dun. Di ko napigilan eh! Ang ganda nya talaga! I wanna buy it kaso di ko naman masusuot.

Pero isang parte ng utak ko ang nagsasabing bilhin ko yun bago pa ko maunahan ng iba kaya naman….

“sandali lang” mahinang sabi ko bago lumiko papasok dun sa boutique.

Ramdam ko ang pagsunod nila sakin, ako naman, diretso lang dun sa mannequin.

Biglang tumabi sakin si Jin at bumulong. “what the hell Luis?” di makapaniwalang aniya.

“shhhh” sabi ko lang.

“bahala ka”

Binaliwala ko yung sinabi nya. hinawakan ko lang yung laylayan nung dress bago tinawag yung sales lady.

“kunin ko na to” sabi ko.

Tumango lang si ate bago kinuha yung damit.

Nahuli ko naman ang nagtatakang tingin sakin ng mga kasama ko.

“para yun sa ano.. sa kapatid kong babae. Malapit na kasi ang birthday nya” sabi ko nalang kahit di totoo.

Mukha naman silang naniwala.

Naglakad lakad pa ko sa palibot ng boutique .

Chikang ibibili ko pa ng regalo ang kapatid ko pero sa totoo lang, nangangati na talaga ang kamay kong bilhin yun lahat. Natatakot lang ako na baka isipin nilang bading ako!

 

“alam mo, kung naging babae ka, baka bagay sayo yung binili mo”

Nanigas ako sa tayo ko habang mahigpit na hawak yung hanger ng damit na tinitignan ko.

Sino ba namang di magugulat sa tinanong sakin ni V?

At isa pa. Bakit di ko napansing katabi ko na pala sya?

Nag angat ako ng tingin at tinignan ko sya mula sa repleksyon namin sa malaking salamin sa harap.

Mejo nailing pa ko sa paraan nya ng pagtingin.

Para syang inosenteng paslit na walang kamuwang muwang sa mga itinatanong nya.

Hindi nya alam kung gaano ako pinakaba ng tanong nya.

May napapansin na ba sya saking kakaiba para itanong yun?

 

“h-ha? Bakit mo naman nasabi?”

Lumaki ang ngiti nya at tinignan ako sa salamin mula ulo hanggang paa.

Potek!

Kinilabutan ako dun ah!!!!

“mukha ka kasing babae!” sagot nya na nagpanganga sakin. Namanhid ang buong katawan ko.

OH MY GAD!

Eto na ba? Mahuhuli na?

Nakakaparanoid ah!

 

“p-parang hindi naman!” ngumiti ako na animo’y natatae. Jusmiyo.

Kung anu-anong napapansin ng isang to! Di na healthy!

Tinalikuran ko sya at binalik sa pinagkuhanan ko yung damit.

Halos mapatalon nga lang ako sa gulat nung tumagilid ako at mapansin sobrang lapit nya na sakin.

Kunti nalang ay susubsob na ko sa dibdib nya.

Pero in fairness ha, ang sarap sa ilong nung pabango nya. Di nakakahilo.

“o-oy!” tinulak ko sya ng bahagya palayo.

“tignan mo yung height mo. Di katangkaran” sabi nya.

ABA’T----

Anong tingin nya sakin? Bansot!? Teka ngaaaaa. Panumbi nalang kaya?!!

“tapos yung mukha mo, parang pang manika!”

Yun! Dapat ganun lang ang sinasabi! Kung ganyan lang naman pala, aysya! Magkakasundo tayo! Haha!

“tignan mo yung labi mo! Sobrang nipis”

Namilog lang ang mga mata ko nung dumampi yung daliri nya sa ibabang labi ko.

SHUTNESS!!!

“t-teka!” natulak ko na sya.

Ngumisi lang sya at kinagat ang labi.

“para ka talagang babae! Haha. Ang cute mo pare!”

O____O

The heck?

What is wrong with him?

Di kaya….. beki din sya like JIN??!

Continue Reading

You'll Also Like

34.2K 1.5K 105
[Teen Fiction] (COMPLETED) (Editing) Princess Kylie Abarro is in love with his bestfriend--- Steve Laurence Abellana. Ginawa nya na ang lahat para la...
22.7K 1.7K 62
Ang babaeng certified wattpad at k-dramaadik and a very funny and gorgeous girl. Will you be able to handle her standards and personalities? But what...
11.2K 978 24
Not trying to fit in her new school and wanting to have a quiet place to enjoy her lunch, Almira found herself sharing lunch with her seemingly mute...
1.6K 332 106
Si Aron James Landez ay isang binata na may kilalang background ng pamilya. Siya ay anak ng kasalukuyang pinuno ng Capital State, isang posisyon na m...