Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

Par Invalidatedman

495K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ Plus

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XXII

8K 223 46
Par Invalidatedman

Note: Laaa. Hindi ko po alam kung paano ko sisimulan 'tong chapter na 'to. Parang medyo nawawalan na din ako ng gana. Ewan ko kung bakit. Siguro tatapusin ko na lang muna 'tong story na 'to. 

* Reggo

Nilinaw ko na lahat sa sarili ko. Talagang itinanim ko na sa isip at puso ko na si Nixon na lang talaga 'yung lalaking paglalaanan ko ng atensyon ko. Mahirap. Oo. Dahil ako mismo, hindi ko alam kung bakit ako nahihirapang ibigay ng buo sa kanya 'yung sarili ko. 

Ang tagal na nito. Ang tagal ng paulit-ulit at paikot-ikot nitong issue na 'to sa utak ko pero hanggang ngayon, bigo pa rin akong makakuha ng sagot. O baka naman, alam ko naman talaga 'yung sagot. Hindi ko lang talaga gustong tanggapin na 'yun 'yung sagot. 

Matapos naming magbati pagkatapos ng away naming 'yun, hindi na kami nag-away. I mean, hindi na kami nag-away to the point na paabutin pa namin ng halos isang linggo. Nag-aaway pa rin kami pero after a minute, magbabati rin kami. Nakakatuwa lang. Sinisimulan ko na rin 'yung pangako ko sa sarili ko na siya na lang talaga. Nagiging madaya na kasi ako. Isa pa, sabi nga nila, hindi dahil tinapik ka ng nakaraan mo at nilingon mo ito, hindi ibig sabihin mananatili ka na lang doon parati. Hindi masayang tambayan ang past. Kaya nga past na eh, natapos na at may dahilan kaya ito natapos. Maaring alam natin 'yung dahilan o hindi. Pero either way, hindi pa rin naman natin maiintindihan. Ganyan kamisteryoso ang buhay.

Hindi naglaon ay may narinig akong tunog ng kotse na pumarada malapit sa bahay namin. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko. Ito na, andito na 'yung hinihintay ko. Agad akong lumapit sa salamin at ng masigurado kong maayos at kaiga-igaya na 'yung hitsura ko, humarap ako sa gawi kung nasaan ang pintuan.

Doon ko siya nakita. Halos mapako 'yung mata ko sa kanya ngayong gabi. Hindi naman sa sinasabi kong ngayong gabi lang siya nagmukhang tao, pero mas lalong gumwapo 'yung Bae ko ngayong gabi. 'Yung maroon niyang tuxedo at pants, bumagay sa kanya. 'Yung style ng buhok niya, swabeng swabe lang talaga. 'Yung pabango niya na umaabong buong bahay, mas lalong nakakainlove. Isama mo pa 'yung ngiti niyang hindi matatawaran. Kahit sino yata magpapakamatay maging dahilan lang ng pagngiti niya eh. 

" Tapos mo na akong titigan? " minsan talaga may pagka-conceited din 'tong taong 'to eh. Pasalamat siya, gwapo siya. 

" Yung outfit mo 'yung nagdala. Seryoso. " pagbibiro ko dito habang inaayos 'yung tuxedo niya. 

Nakita ko namang nagpout siya at tinapunan ako ng masamang titig. Mas lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko kapag ipinapakita niya 'yung ganyang side niya sa'kin. 

" 'Yun lang? 'Yun lang talaga? " tumango naman ako bilang sagot. " Yari sa'kin 'yung pinsan kong 'yon. Pasabi-sabi pang baka daw magmakaawa ka ng pakasalan kita kapag nakita mo akong ganito ang suot ko tapos pangit naman palang tingnan. Suntok 'yun sa'kin. " 

Natatawa naman akong lumapit sa kanya. Misan talaga may pagka-uto-uto 'tong boyfriend ko. That's what make him even more cuter in my eyes. 

" Joke lang. Siyempre, kahit basahan naman yata isuot mo, bagay sa'yo eh. " pagbawi ko naman dito. 

" Ahh... niloloko mo ako ha? " tumingin siya sa labas at kumagat siya sa lower lip niya at saka bumuntong hininga ng malalim. " 'Yan nga ding suot mong tuxedo... hindi bagay sa'yo. " seryoso niyang sabi. 

Bigla namang nanlaki 'yung mata ko. Hala? Talaga? Dali-dali akong pumunta sa salamin at tiningan ko 'yung postura ko.

" Ok naman ah? Hindi naman malaki sa'kin. Sakto lang 'yun... " maya-maya'y nakaramdam na lamang ako ng pares ng mga braso na pumulupot sa baywang ko kaya nahinto ako sa pagsasalita. Naramdaman ko 'yung bibig niya sa may tenga ko. Dama ko 'yung init ng hininga niya. 

" Hindi bagay 'yung tuxedo mo sa'yo kasi... ako lang ang bagay sa'yo.sabi niya sa akin habang nakatingin sa reflection namin sa salamin. 

Wala na akong ibang nagawa kundi tanggaping nakikita niya akong namumula. Masyadong mahigpit 'yung pagkakayakap niya sa akin para mag-pumiglas pa ako. Isa pa, masisira lang 'yung damit naming pareho kung magugusot. Ipinikit ko na lang 'yung mata ko para hindi ko makita 'yung reaksyon niya habang pinagtatawanan 'yung pamumula ko.

***

" Gwapo mo ngayon ah. " bungad sa akin ni Gray.

" Maliit na bagay. " saka ko siya inirapan at naglakad papasok sa loob.

Ganito talaga kaming magtratuhan nung kolokoy na 'yun. Masanay na kayo. 

Taon-taon kasi, bago sumapit ang pasko, nagkakaroon ng night ang iba't ibang colleges dito sa amin. Ngayong gabi, College of Arts and Sciences night at Star Magic Ball ang tema. Marami ng tao, may red carpet din. Akala mo totong Star Magic Ball eh. Kita ko namang pinaghandaan talaga ng Student Council ng CAS itong event na 'to. Siguro gusto lang nilang bumawi sa masamang pamamalakad noong isang taon.

Naupo kami ni Nixon kung saan nauupo 'yung barkada. Bago ako tuluyang lumapat ang katawan ko sa upuan ay isang tingin muna ang ipinukol ko kay Gray. Wala. Natutuwa lang ako sa outfit niya ngayon. Bagay kasi sa kanya. Kahit isang simpleng gray tuxedo lang tapos royal blue na necktie... pasok na agad. Pakiramdam ko nga siya 'yung makukuhang face of the night eh. Pero sa hindi nga naman inaasahang pagkakataon, nahuli niya akong nakatingin sa kanya at ngumisi lang siya ng pang-asar. Maya-maya pa'y nakaramdam ako ng pagvibrate ng cellphone ko. Alam ko na naman kung sino 'to.

Nakit ko 'yon. Yie. Ikaw ha. Nagagwapuhan ka sa'kin 'no? ;)

Sent by: Gray

Kaagad ko namang ibinaba 'yung cellphone ko at idenelete 'yung message mo. Humarap ako sa kanya at saka nagmake face na siya namang ikinatawa niya ng bahagya. Gustong gusto niya talagang iniinis ako eh.  

Lumipas ang oras. Madaming naganap. Nagkaroon ng tribute para sa mga fourth years, sa mga passer ng licensure exam at kung anu-ano pa. Marami ding games na inihanda na talaga namang naenjoy namin. Pero bilang mga kabataan, siyempre, nabitin kami. Kaya napagpasyahan na lamang namin na ituloy sa bahay nina Miko 'yung kasiyahan tutal, wala naman daw 'yung mga magulang niya doon. 

" Tol! Ang gwapo mo talaga! Dalawang kapit... ikaw ang face of the night. Ikaw na! " sabi ni Trey. 

" Gwapo din naman ako ah. " sabat ni Miko habang nagdadrive. 

" Uy... nagseselos. " kantsaw ng barkada kay Miko. 

Nakakatuwa lang talaga silang tingnan. Parang dati, halos mamatay sila sa pagtanggi na wala silang nararamdaman sa isa't isa. Tapos ngayon, sila 'tong kung makapagpahayag ng nararamdaman nila sa isa't isa, kahit sa maraming tao, wala talagang patawad. 

Si Gray? Ok naman kami ni Gray. Casual lang. Noong una, talagang naiilang kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit ako naiilang sa kanya. Pero habang lumilipas 'yung panahon, 'yung oras, nagiging ok naman kami hanggang sa dumating kami doon sa punto na nakakapagkulitan na ulit kami. Although hindi na namin pinag-uusapan 'yung mga bagay-bagay na may kinalaman sa nakaraan namin... dahil siguro tanggap na namin sa mga sarili namin 'yung literal na meaning ng past is past. Madalas, 'yung kasabihan na 'yan, gasgas na at ina-underestimate. Pero kung titingnan, kung maraming tao lang talaga 'yung susunod sa diwa nung kasabihan na 'yan, maraming masaya ngayon. 

" Parang ang dami mo yatang iniisip? " tapos inakbayan niya ako. Si Nixon. Sino pa ba? 

" Bakit? Marami ka ba? " 

Alam kong nagulat siya sa isinagot dahil unti-unti na lang, bigla biglang tumaas 'yung dugo niya papunta sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong gagawin hanggang sa napatingin na lang siya sa labas. Ang cute, lintek. 'Yung mga kasamahan naman namin, halos matumba na 'yung kotse namin sa daan dahil sa pagkabigla sa sinabi ko. Parang icinelbrate nila 'yung pagbanat ko. Bakit? Ngayon lang ba nila ako nakinig bumanat ng ganun? Pati si Gray nakikita ko, nakikitawa na rin. Sa katunayan, isa siya sa unang nakipag-asaran nung marining niya 'yun. Nakakatuwa. Nakakatuwa nga ba? Ewan. Parang sa loob ko, parang ayaw ko siyang makitang natutuwa. 

Aish. Napailing na lang ako. Umaatake na naman 'yung pagkaselfish ko. 

'Di nagtagal nakarating kami sa bahay nina Miko. Agad na nag-assemble ng mga gagamitn ang tropa sa garden nila. Malaki rin kasi 'yung bahay ng kolokoy na 'to. At mukhang prepared pa! Ang dami niyang pagkaing inilabas. At siyempre pa, hindi mawawala jan 'yung alak. Naglagay din sila ng speaker. 

Luamalim ang gabi at parang halos lahat ay may tama na. Tila naubusan na ng pagkukwentuhan at pagkakaingayan ang mga loko kaya naman parang nadaanan kami ng anghel na hubad. Ang tahimik. Hanggang sa marinig ko 'yung kantang " My Destiny. " Isa 'yung talaga sa mga pinakapaborito kong kanta. Wala. Nakakainlove kasi eh. Naramdaman kong may daliring kumakalibot sa may bahaging siko ko. Nang tingnan ko kung kaninong daliri iyon, nakita ko na si Nixon pala ang kumakalabit sa'kin. Tingnan ko siya na para banag nagtatanong kung bakit. 

" Sayaw tayo?kaagad siyang tumayo at inilahad ang kamay niya.

Ako nama'y mistulang nahiya. Para naman akong babae nitong inaaya sa pagsasayaw eh. 

" 'Yun oh! Galawang Nixon 'yan eh. " sigaw ni Gray tapos nag-apiran silang lahat. Ako naman, hindi ko alam ang gagawin ko. Nakakahiya. 

" Kunin mo na! Pavirgin pa eh! " hirit naman ni Jam. Sinamaan ko lang siya ng tingin. 

" Ano na? Nangangalay na ang prince charming mo. " tapos nagtiptoe pa siya. 

Bumigay din naman ako. Sa buong saliw ng kanta, sumasayaw lang kami. 'Yung iba naming mga kasama nagsisayaw na rin. Ginaya kami. Pero si Gray, hindi ko alam pero nadudurog 'yung puso ko sa nakikita ko. Kita ko naman eh, kita kong nakangiti siya at sumisigaw sigaw pa nga. Siya 'yung pangunahing tagapag-paingay sa amin pero alam mo 'yun, kita ko rin sa mata niya na hindi siya malungkot. Parang ang saklap lang. Siya lang kasi 'yung nakaupo. 

" Upo na tayo? " nasabi ko na lamang pagkatapos tumugtog nung kanta.

Pero imbis na alalayan ako pag-upo, inalalayan niya ako papunta kay Gray. Nagulat ako. Hindi ko alam kung bakit niya 'to ginagawa. Aware naman siyang ex ko si Gray diba? Aware siyang may feelings pa 'tong taong 'to sa'kin pero bakit ganito? 

" Isayaw mo naman si Bae ko. " nakangiting sabi ni Nixon kay Gray.

Si Gray naman, nagpalipat-lipat lang ang tingin sa akin at kay Nixon. 

" A...ako? Ba...bakit? " kahit ako, hindi ko rin maintindihan kung bakit niya 'to ginagawa.

" Wala. Bakit? Masama na bang isayaw ang kaibigan? Sige na. Minsan lang naman 'to eh. " tapos lumingon siya sa'kin. " Promise, hindi ako magseselos. " 

Kita ko rin 'yung mukha ng mga tao sa paligid namin, halatang nashock din sila nasaksihan nila pero bilang ayaw nilang masira ang mood eh idinaan na lamang nila sa pangungulit sa amin.

" Sige na! Aarte pa eh. " nangungunang sigaw ni Jed.

" Pachicks pa si Gray dun oh. " na ikinatawa naman ng lahat. 

'Di nagtagal ay kinuha din ni Gray 'yung kamay ko at sabay kaming pumunta sa gitna.

Naninibago ako. Para akong nakukuryente. Hinawakan pa lang niya 'yung kamay ko, parang ilang boltahe ng kuryente ang pumapasok sa katawan ko. Namamawis din 'yung kamay ko at sa tuwing nagdidikit 'yung mga balat namin, para akong nakukuryente. Ano ba 'to? Hindi ko 'to pwedeng ipakita dito. 

" Namamawis 'yung kamay mo. Kinakabahan ka ba? " tanong niya sa akin ng makapunta kami ng gitna at nagharap. Tumango lang ako bilang pagtugon. " Ako din naman eh. Hindi ko nga maintindihan 'yung boyfriend mo kung bakit niya ginawa 'to. Hindi ba siya natatakot na baka agawin kita sa kanya?

Natigil naman ako sa sinabi niya. Diba dapat magalit ako? Kasi kapag ginawa niya 'yun, magkakasira kami ni Nixon. Pero bakit hindi ko magawang tumutol? Bakit walang mga salitang lumalabas sa bibig ko para ipagtanggol ko 'yung relasyon namin. 

" Uy, joke lang 'yun. Ikaw naman. Mas lalo kang nagiging cute kapag nagugulat eh. " 

Nangingilig kong inilagay 'yung dalawang kamay ko sa balikat niya habang hindi ko maalis 'yung pagkakatitig ko sa kanyang mga mata. Dama ko eh. Kita ko kung gaano siya kasaya. 'Yung mga ngiti sa labi niya, hindi maalis. Ako? Hindi ko maintindihan 'yung nararamdaman ko. Hindi ako masaya. Hindi dapat ako masaya. Hindi ko dapat nararamdaman 'to. Parang nagtataksil ako sa boyfriend lalo pa't nasa tabi lang siya. Pero hindi ko magawang kontrolin 'yung puso ko eh. Kusang tumatalon, kusang tumatalbog. 'Yung katawan ko, may sariling isip at sumabay sa bawat tyempo ng tugtog.

* A/n: Paki-play po 'yung kanta sa Multimedia section. *


Para bang tumigil 'yung mundo nung mga oras na 'yon. Nawala 'yung mga kuliglig. Nawala 'yung mga ingay. Talagang kalabog lang 'nung puso ko 'yung nararamdaman ko. Normal ba 'to? Normal lang banag maramdaman 'to ng isang tao kapag nakasayaw niya 'yung ex niya? Ganito rin ba ang nararamdaman niya? Halos malunod din ba siya sa kaba kagaya ko? 

Hindi bumubuka 'yung mga labi namin. Pero 'yung mga mata lang namin 'yung nag-uusap. Gusto ko ng kumalas mula sa pagkakatitig niya dahil nalulunog ako pero hindi ko magawa. Sinasabi ng isip ko na tama na, pero 'yung puso ko... sa tuwing maiisip kong bumitiw, pumapagitna 'yung puso ko. 

'Yung pakiramdam na parang nasa alapaap? 'Yung mga pakiramdam ng mga bida telenovela't mga babasahin kapag naiinlove sila? Totoo! Totoo pala! Simula sa pagiging wild ng mga paru-paro sa loob ng mga tiyan nila hanggang sa pagtunog ng tila ba tambol ang kanilang mga puso at ang pagtibok nito na mas matulin pa sa kabayong nangangarera. Lahat 'yun! Lahat 'yun nararamdaman ko! Pero sa maling tao. Hindi ko dapat maramdaman 'to sa kanya. Dapat sa boyfriend ko ito maramdaman. Dapat...

" Salamat. " bulong niya sa'kin. 

" Ha? " napabalik ako sa ulirat ko ng wala sa oras.

" Tapos na kasi 'yung kanta. Hahaha. At saka gustuhin ko mang isayaw ka pa, baka bugbugin na ako ng boyfriend mo. " at saka niya inginuso sa akin si Nixon na nagtetext at parang may kinakalikot sa cellphone niya. 

Lumakad na kami papunta sa dati kong upuan. Habang papaupo, napatingin ako sa mga kamay namin. Hawak pa rin niya 'yung mga kamay ko hanggang sa makaupo ako at unti-unti kong naramdaman 'yung pagbitaw niya, 'yung paghihiwalay ng mga kamay namin. Tila slow motion sa mga mata ko ang pangayyaring 'yun. Parang gusto ko ulit iyon hawakan. Parang ayaw ko ng matapos ang sandaling iyon. Pero naramdaman ko naman ang isang pares ng kamay na pumisil sa kabilang kamay ko na parang nagsasabing ang kamay niya dapat ang hawak ko. 

* Gray

" Pre, Cr lang ako saglit ha. Kanina pa ako najijingle eh. " paalam ko at saka pumasok sa bahay nila. 

Gusto kong mag-assume. Gusto kong isipin na mahal pa niya ako dahil 'yun ang nakikita ko sa mga mata niya noong mga oras na kasayaw ko siya. Pero ayoko. Hindi dapat. Nangako akong hindi na manggugulo sa kanila. Kuntento na naman ako sa pagtingin sa kanya kahit sa malayuan diba? Isa pa, atleast ngayon hindi na niya ako iniiwasan. Kinikibo't kinakausap na niya ako hindi tulad ng dati. Ito na nga lang 'yung mayroon kami, hindi ko na hahayang mawala pa iyon. 

Nakarating ako sa CR at umihi. Sabi nila, kapag umihi ka daw habang nag-iinom, lasing ka na daw. Lasing na nga siguro ako. Pero hindi sa alak. Lasing na lasing ako sa kasiyahang nararamdaman at bumabalot sa puso ko ngayon. Alam niyo na naman kung bakit diba? Kaya matapos kong umihi, lumabas na ako. Laking gulat ko ng makita ko si Nixon sa labas ng CR na nagyoyosi at tila ba hinihintay talaga ako. 

" Brad, nagyoyosi ka pala? Alam ba ni Reggo 'yan? " tanong ko.

" Hindi. Stress lang talaga kaya ko ginawa. " casual niyang sagot. 

" Ah... sige. Salamat nga pala dun sa kanina ha? 'Wag kang mag-alala, hindi kita isusumbong. " at saka ko itinaas baba 'yung kilay ko at humakbang papalayo sa kanya ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. 

" Gray. " 

Lumingon naman ako dito at nakita kong lumakad din siya papalapit sa akin. May kung ano sa mata niya na hindi ko maipaliwanag. Mukhang seryoso 'tong pag-uusapan namin ah. 

" Gray, pwede ba akong magtanong? " panimula niya. Tumango na lang ako. Ni-oo walang lumabas sa bibig ko dahil kinakabahan ako. Bakit pakiramdam ko hindi maganda 'tong ibabalita niya sa'kin? " Mahal mo pa ba siya? " 

Napako naman ako sa kinatatayuan ko. Tila nanigas ako't binuhusan ng isang timbang tubig na punong puno ng yelo. Alam ko, alam kong mahal ko pa rin si Reggo pero parang ang awkward naman kung mismong sa boyfriend niya pa ako aamin 'no? Tila din nalumod ko 'yung dila ko dahil ni-ha walang lumalabas dito. 

" A..ano u...ulit 'yon? " 

" Mahal mo pa ang boyfriend ko? Mahal mo pa si Reggo? " 

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

Loving My Housemate Par VeeJay

Roman pour Adolescents

200K 7.9K 27
In order to take revenge from those who bullied him during his junior days, Lexus Ethan Alvarez must live with his moody, mysterous and alluring hous...
615K 22.3K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
777K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...