He's My Fiancé?! --- COMPLETED

By MariaClaraWannabe

1.3M 22.1K 261

[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their c... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Epilogue
Author's Final Note [edited]

Chapter 2

34.7K 425 3
By MariaClaraWannabe

"Yah! Ji Min-ah! Wake up!"

Narinig kong sigaw ni unni habang inaalog-alog ako sa kama.

"Ugh! Sandali lang! Inaantok pa 'ko eh!"

Tinakpan ko ng kumot ang mukha ko para hindi na mang-istorbo 'tong si Madam Hitler. Istorbo kasi masyado eh, natutulog pa yung tao. Naramdaman ko na lang na may biglang humalbot ng kumot ko.

"Hoy! Tanghali na po mahal na prinsesa!"

Sigaw na naman ulit ni unni.

 "Ugh! Anong oras na ba?"

Sabi ko sa kanya habang naka-pikit parin ang mga mata at naka-higa.

"12:30  na po ng hapon."

Narinig kong sabi ni unni with a sarcastic voice. 12:30? Nako naman o! Ang aga—12:30!! Bumangon kaagad ako nung sinabi ni unni na 12:30 na. Kinuha ko yung cellphone at nakita kong may 38 messages. Grabe naman! Tiningnan ko rin yung oras sa cellphone ko, 12:30 na nga! Patay! Ano ba naman yan! Ang aga ko naman natulog kagabi ha, mga 6pm yun! Ba't ang tagal kong nagising?! Aissh!

"Grabe! Anong oras ka ba natulog kagabi? Ba't tanghaling tapat ka na nagising?"

Tanong ni unni sa 'kin habang naka-pameywang.

"Patay! May lakad pa 'ko ngayon!"

Sabi ko habang kumakamot ng ulo.

"Ano?"

Pagtataka ni unni sa sinabi ko.

"Unni, may lunch na bang nakahanda?"

"Tapos na kong mag lunch. Yung lunch mo kanina pa nakahanda. Pati nga breakfast mo nakahanda na eh. Kanina pa."

Sarcastic ulit na sinabi ni unni. Hindi ko na pinansin yung sinabi ni unni at tumayo na ko kaagad at  tumakbo papunta sa cr ng room ko.

"Aba! Hoy!"

Sigaw ni unni sa 'kin.

"Maliligo lang ako sandali!"

Pagkapasok na pagkapasok ko sa shower room eh agad-agad na 'kong naligo. Pagkatapos kong maligo, nagmadali na 'kong nagbihis ng isusuot ko. Tiningnan ko ulit yung oras, 12:35 pa lang. Bumaba na ko kaagad pagkatapos kong magbihis.

 "Kumain ka na ng lunch."

Sabi sa 'kin ni unni habang naghuhugas ng plato. Nung humarap siya sa 'kin, nagtanong kaagad siya kung sa'n ako pupunta.

"Bumalik na galing U.S. si Amy. Magkikita daw kami ngayon."

Sagot ko na naman sa tanong ni unni habang naka-upo na at nagsasandok na ng kanin.

"Talaga? Kailan lang?"

"Kahapon."

"Ahh. Anong oras naman kayo magkikita?"

"1pm"

"20 minutes before 1pm. Bilisan mo ng kumain jan. Ba't kasi ang tagal gumising eh."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun eh lumabas na siya ng dining area. Aissh! Opo Prinsesa Yanni, magmamadali na po. 'Pag nabilaukan ako dito, siya sisisihin ko. Anyway, kailangan ko naman talagang magmadali eh. Nag-promise pa naman ako kay Amy na hindi ako male-late ngayon kahit 1 second lang. Dapat pala hindi na lang ako nag-promise, tss. Hala patay! Yung apple! Hindi pa 'ko nakabili! Aaaaaah! Kainis naman o! Pagkatapos kong kumain, nagmadali na kong nag-toothbrush, tapos nagmadali na naman akong pumunta sa kwarto ko para mag-ayos. Nag-suklay na lang ako at nag lagay ng face powder. Tapos kinuha ko na yung bag ko at nagmadali na kong umalis.

"Ikaw na mag-sabi kay papa, unni!"

Sigaw ko kay unni habang tumatakbo palabas.

"Ayoko nga."

Napatigil ako sa pagtakbo at hinarap si unni.

"UNNI!"

"Oo na, oo na"

"Ok. Gomawo. Alis na ko."[Gomawo – Thanks]

Ta's humarap na ulit ako sa may bandang pinto at nagmadali ng umalis. Before ako pumunta sa Starbucks, pumunta muna ako sa grocery para bumili ng apple. Pagkatapos kong bumili, umalis na kaagad ako, nag-hanap ng taxi at sumakay. Nung nakarating na 'ko, nakita kong nandun na silang lahat. Aaaah! Ano ba yan! Ako na lang pala yung hinihintay nila. Tumakbo ako papunta sa entrance. Hindi pa ko nakakapasok sa may bandang entrance nun ng may nabangga akong lalaki at nahulog yung apple na binili ko.

"Naku, sorry."

Sabi ko dun sa nabangga ko. Kukunin ko na sana yung apple pero kinuha na niya. Pagkatapos niyang kinuha yung apple, nilinis niya gamit yung dulo ng damit niya tapos inaabot niya sa 'kin. Kinuha ko naman yung apple mula sa kanya.

"Thank You."

Pagte-thank you ko sa nakabangga sa 'kin na pumulot rin ng apple na binili ko para kay Amy.

"Sa susunod, mag-ingat ka."

Sabi nung lalaking nabangga ko.

"Ha?! Ah okay."

Sabi ko. Tapos umalis na siya. Hindi ko na rin nakita yung mukha niya kasi nakayuko ako. Yung likod na lang niya ang nakita ko ng tumalikod ako para makita sana yung mukha niya. Ano yun? Tss. Weird ha. Naku! Oo nga pala. Kailangan ko nang umalis. Tumakbo na naman ako papasok sa entrance ng Starbucks. Pagpasok ko, nakita kong nagtatawanan na sila. Tss, ayos lang naman pala sila kung hindi na 'ko dumating eh.

"O, Althiya! Dito!"

Narinig kong sigaw ni Ahriya sa 'kin. Nakita ko siyang nagsa-sign na lumapit sa kanila. Lumapit naman  'ko sa table kung nasan sila.

"20 minutes ka ng late ha. Akala namin hindi ka na dadating."

Sabi sa 'kin ni Andrea ng nakarating na 'ko sa table nila.

"Hindi pala male-late ng kahit 1 second lang ha."

Pagrereklamo sa 'kin ni Amy. Naalala niyo yung nag-promise ako sa kanya na hindi ako male-late kahit 1 second? Ayan, siguro tampo na naman 'to sa 'kin.

"Sorry kung late ako. 12:30 na kasi ako nagising eh. Amy, ito yung apple oh. Sorry na. Please."

Pagso-sorry ko kay Amy habang naka-puppy eyes at inaabot yung apple sa kanya. 

"Wow Amy! Nanghingi ka pa ng apple ha." (Andi)

Tumawa naman si Amy.

"Bumili ka talaga Althiya." (Amy)

"Sabi mo bigyan kita ng apple eh. So ano, apology accepted na?" (Althiya)

"Ano ka ba. Kahapon pa accepted ang apology mo 'no. Sinubukan lang kita eh. Pero, thanks pa rin sa apple Althiya."

Tumawa ulit si Amy sabay kuha sa apple.

"Aissh! Amy!"

Walangjo! Nagmadali pa naman talaga ako para makabili lang ng apple na hinihingi niya. May nabangga pa akong lalake. TAPOS APOLOGY ACCEPTED NA PALA?! Hay naku talaga 'tong si Amy oh

"I told you before diba na 'wag kang magpadala sa mga patibong ng babaeng 'yan."

Pagakatapos sabihin yun ni Alex eh nagtawanan silang lahat.

"Ba't kayo tumatawa? Nagsabwatan kayo 'no?!"

Tanong ko sa kanila habang patuloy pa rin sa pagtawa.

"Hala, wala akong kinalaman jan ha." (Alex)

"Hoy! Anong wala! Ikaw nga nag-suggest sa 'kin eh." (Amy)

"Sinuggest ko lang naman 'no, hindi ko naman sinabing gawin mo." (Alex)

Aissh! Nakakainis tong dalawang 'to ha. Nagsabwatan para pakabahin ako. Ano ba yan! Kaibigan ko ba talaga 'to?!

"Umupo ka na dito."

Sabi ni Amy sa 'kin. Hindi ko pinakinggan si Amy. Nakatingin lang ako ng masama sa kanila.

"Hoy Althiya! Umupo ka na dito."

Hindi ko pa rin pinakinggan si Amy.

"Hoy! Ano ka ba! 'Wag ka ng magtampo sa 'kin. Joke lang naman yun eh."

Hindi ko pa rin siya pinakinggan. Kaya tumayo na lang siya at pinaupo ako. Tapos binack-hug niya ko.

"Sorry na Althiya. Hindi ko naman akalain na magtatampo ka ng ganito eh."

Pagso-sorry ni Amy sa 'kin.

"Kanina, si Althiya ang humihingi ng sorry sa'yo. Ngayon, ikaw naman humihingi ng sorry sa kanya. Nakakatawa kayong dalawa ha." Sabi ni Andi sabay tawa.

"Sows! Parang 'di ka na nasanay. Lagi namang nakakatawa yang dalawang yan eh." (Andrea)

"Oo nga. Diba nga silang dalawa yung clown ng Miss A." (Ahriya)

"Psst! Mamaya na kayo sumingit. Althiya, sorry na."

Sabi sa 'kin ni Amy pagkatapos nag-smile siya.

"Sige na nga. Pasalamat ka kaibigan kita."

"Thank you Althiya!"

Pagte-thank you sa 'kin ni Amy. Pagkatapos ng madamdaming pagso-sorry namin sa isa't-isa, umorder na kami ng frappe. Teka, na-kwento ko na ba sa inyu ang tungkol sa grupo namin? Kung hindi pa, okay ike-kwento ko. Kami nila Andrea, Amy, Ahriya, Andi, Alex, at ako, tawag sa 'min sa school is "Miss A". Parang k-pop group lang 'no, pero hindi kami k-pop group. Hindi naman kami nagpangalan niyan eh. Yung mga schoolmates namin. Puro daw kasi "A" ang start ng mga pangalan namin. Tinatawag nila kaming Miss A kapag nagkakasama kami. Kahit nga yung mga teachers namin eh tinatawag na rin kaming Miss A. At dahil nga lagi na nila kaming tinatawag na Miss A, nasanay na rin kami. Tinanggap na namin na Miss A ang group name namin! Before nila ako nakilala, close na talaga silang lima. Silang lima rin yung first kong nakilala nung bago pa ko sa school. Sila lang yung kilala ko at that time kaya naging close na rin ako sa kanila. Natawag lang rin silang Miss A nung nakasama na ko sa grupo nila. Hahaha! Si Andrea, naalala niyo yung tinawag ko siya na "Yelong Prinsesa"? Tawag kasi namin sa kanya is "Crazy Ice Princess". Minsan kasi lumuluwag turnilyo nyan sa utak eh, pero lagi talaga 'yang yelo. Alam niyo na ibig kong sabihin, okay? Singer rin si Andrea kaso hindi niya inaamin sa sarili niya na magaling siyang kumanta. Tss, pa-humble pa eh! Si Amy, Ahriya, at Andi ang pinaka-habulin sa 'min. Si Amy, katulad ni Alex, black beauty rin. Si Amy lang rin yata normal sa 'ming anim eh. Hahaha! Pero minsan rin abnormal 'yan. Si Ahriya, ang dancer ng grupo. Ang galing niyan sumayaw lalo na pag hip-hop. Si Andi, magaling sa instruments lalo na sa guitar. Si Alex naman ang black beauty sa 'min na puro gwapong lalaki ang iniisip. At ako, ewan. 'Di ko ma-describe sarili ko eh. Kayo na bahalang humusga!

Anyway, 'yan na ang history ng Miss A. Kaya iko-continue ko na. Habang umiinum kami ng coffee, kinikwento naman ni Amy yung experience niya sa U.S. Sabi niya wala naman daw nagbago dun, ganun pa rin daw itsura nung last summer na pumunta siya dun. Then sinabi niya sa 'min na may nakilala daw siyang "cute" na guy sa U.S.

"Talaga?! May nakilala kang cute na guy sa U.S.?! Ano name niya Amy?"

Tanong ni Alex kay Amy. Haay! 'Tong babae na 'to talaga oh. Kapag cute boys na yung pinag-uusapan namin, abot langit ang ngiti.

"Yup! Grabe, cute talaga siya. Ui Althiya, alam mo bang half Korean siya." (Amy)

"Really?" (Althiya)

"Yes. Teka, may picture ako niya."

Kinuha ni Amy yung picture mula sa bag. Nung hawak-hawak na ni Amy yung picture, kinuha kaagad ito ni Alex sa kamay ni Amy.

"OH GOD! Ang cute niya Amy! I wanna know him. What's his name? May fb ba siya? Skype? Yahoo? Twitter? Ano?!"

Sabi ni Alex with sparkling, shimmering eyes. Kinuha naman bigla ni Andrea yung pic ng guy mula sa kamay ni Alex. O sige, magkuhaan na lang kayo ng picture jan.

"Hey!"

Pagrereklamo ni Alex.

"Patingin rin kami."

Sinabi ni Andrea kay Alex with a cold voice.

"Hmp! Ice Princess talaga 'tong babaeng 'to!"

Sabi ni Alex kay Andrea sabay cross arms. Hindi pinansin ni Andrea yung sinabi ni Alex at tinignan na lang ang picture.

"In fairness, cute nga siya."

Comment ni Andrea sa picture.

"Amy, what's his name ba?"

Tanong ni Alex kay Amy.

"His name is Charles, Charles Park."

Nabilaukan ako bigla nung sinabi ni Amy yung name ng guy. Umiinum kasi ako nang frappe nun eh.

"O, are you alright Althiya?"

Pag-aalalang sabi sa 'kin ni Andrea habang hinihimas-himas ang likod ko.

"Uh, y-yes. A-ano ulit yung name ng g-guy Amy?"

Pautal-utal na tanong ko kay Amy. Baka kasi nabibingi lang ako at mali yung narinig kong binaggit na name ni Amy eh.

"Charles Park."

UWAAA! Tama nga narinig ko! Kinuha ko yung picture ng guy mula kay Andrea. Nanlaki yung mata ko nung nakita ko yung picture nung guy!

"O, ba't parang nagulat ka? Do you know that guy?" (Andi)

"Oo nga Althiya. Kilala mo ba yan?"

Tanong ni Alex sa 'kin with a big smile.

"H-hindi ko siya kilala."

Sagot ko sa kanila sabay lagay nung picture sa mesa at tinuloy ang pag-imon ko ng coffee. Napansin ko naman na biglang napalingon sa 'kin si Andrea at binigyan ako ng wee-'di-nga-look.

"Ai, I thought you know that guy. So ano, may fb ba siya Amy?" (Alex)

"Tingnan mo yang likod ng picture. Diyan nakalagay yung fb and skype account niya and his number." (Amy)

"Really?! OH MY! Hihingin ko 'to lahat ha." (Alex)

"Hoy! Hindi ko pa nakikita yang picture. Patingin muna ako." (Ahriya)

"Sandali lang 'to, maya mo na tingnan." (Alex)

"Haay! Bilisan mo!" (Ahriya)

"Opo!" (Alex)

"Kwento ka pa tungkol sa vacation mo sa U.S. Amy." (Andrea)

"Oo nga. Ano pa nangyari sa vacation mo?" (Andi)

"Ok, ito pa ..."

Pinagpatuloy na nga ni Amy yung pagkekwento niya. Habang nagkukwento pa si Amy tungkol sa vacation niya sa U.S., ako naman lumilipad yung utak. Aissh! Bakit nakilala ni Amy yung lalaking yun! Ano ba naman yan! Naalala ko tuloy yung nangyari sa 'kin sa U.S. nung nakakasama ko pa siya. Haay! I promised to myself na dapat kalimutan ko na yang lalaking yan eh. Hindi ko na lang pinakinggan yung pagkukwento ni Amy tungkol sa kanya. Lumingon-lingon na lang ako sa paligid. Mukha nga akong tanga dun eh kasi palingun-lingun lang ako na parang may hinahanap pero wala naman.

"Hui! Anong nangyayari sa'yo? Ba't kung saan-saan ka tumitingin? May hinahanap ka ba?"

Bulong sa 'kin ni Andrea. Magkatabi kasi kami kaya siguro na pansin niya na lingon lang ako ng lingon kung saan-saan.

"Ha? Ah, wala."

Sagot ko kay Andrea.

"Tss! Hoy! Kayong apat, pansinin niyo naman to si Althiya o. Parang may mga sarili kayong mundo diyan ha."

Pagsaway ni Andrea sa apat.

"Ay! Oo nga pala. Si Althiya."

Ano ba yang sinabi ni Amy. Parang nakalimutan talaga ako nitong mga 'to eh 'no

"Oh my! Sorry Althiya." (Alex)

"Sorry Althiya kung hindi ka namin na pansin. Nalibang lang kasi kami sa pakikinig sa kwento ni Amy eh." (Andi)

"Ah basta ako, nandito lang ako. Hindi ko pa nakikita yung picture kaya hindi pa ko interested."

Confident na confident na sinabi ni Ahriya sabay tawa.

"Ayos lang. Hindi rin naman ako interested sa pinag-uusapan niyo eh."

Actually, hindi siya maayos. Bakit kasi yung Charles pa na yun ang topic nila eh -____-

"Ha? Hindi ka interested?!"

Sabay na tanong sa 'kin nila Amy, Alex, at Andi. Uhm, may mali ba sa sinabi ko? Kailangan ba talagang maging interested ako sa topic ng mga babaitang ito? Hindi naman talaga ko interested eh. Ayokong marinig yang kwento ni Amy about sa lalaking yan

"Ano ba naman kayo! Alam niyo naman na hindi interested si Althiya pagdating sa mga boys 'di ba. Hindi naman siya katulad ni Alex eh."

Right Ahriya! Isa rin yan sa dahilan kung bakit hindi ako interesado sa pinag-uusapan nila.

"Ay oo nga pala. Edi kung ganun, okay lang kung mao-OP ka sa pinag-uusapan namin. Sige tuloy mo na Amy."

Hala! Mas pinili pa ni Alex yung Charles na yun na hindi niya pa nakikita kaysa sa akin na halos 1 year niya ng nakikita at nakikilala? Aba, kaibigan ko ba talaga tong si Alex? Natawa na lang kaming lima sa sinabi ni Alex. At wala na ngang nagawa pa si Amy kundi ituloy yung kwento niya. Pilit ng pilit kasi tong si Alex eh. Wala na ring nagawa ang apat kundi makinig na lang. Ako naman, wala, dedma lang sa pinag-uusapan nila, total wala naman daw akong interest sa mga boys eh.

Ginawa ko na lang yung kanina ko pang ginagawa. Ang lumingon-lingon kung saan-saan. Aissh, wala naman akong nakikitang interesting dito eh. Ay, teka, ano yun?

May nakikita ako ngayong isang lalaki na parang, umiiyak? Oo, umiiyak nga siya. Siya lang mag-isa sa table niya. Iniwan ba siya ng girlfriend niya? Hiniwalayan? Yung katabi niyang table tinititigan na siya, pero dedma lang yung guy sa kanila, wow ha! Tsaka, ang weird ng ginagawa niya. Iniikot-ikot niya lang yung straw ng coffee niya, at tyaka mukhang hindi niya pa iniinuman. Nagtutubig na nga yung plastic cup eh. Umiiyak lang talaga siya habang iniikot niya yung straw. Anong klaseng tao toh? Mmm, weird guy.

Tinititigan ko lang talaga siya. Alam mo yung titig na ganito ang mukhang nagtataka rin? Ganun.

Langya, natatawa ako sa itsura ko kahit 'di ko nakikita. Sira lang ako 'no? Biglang lumingon sa 'kin yung guy kaya napalingon rin ako bigla kanila Alex. WTF! Na bigla ako dun ha! Nakita niya kaya ako na nakatitig sa kanya? Aissh, sana hindi

Dahan-dahan akong lumingon ulit dun sa guy. Nung nasa kanya na yung mata ko, nakita kung ginawa niya na naman yung ginagawa niya kanina, yung iniikot-ikot ang straw. Ang weird talaga ng guy na yan. Nagulat na naman ako nung bigla na naman siyang na palingon sa akin. Ano ba naman yang lalaking yan, pa bigla-bigla, di ba pwedeng sumenyas muna? Hindi nako naka-iwas sa mga tingin niya, kaya nag-smile na lang ako. Wala na 'kong maisip gawin eh, ang lagkit kasi ng mga tingin niya, nakakatunaw! In fairness naman kasi, ang ganda ng mata niya ha, at okay aaminin ko na rin na gwapo 'tong si weird guy.

Nung naka-smile na ako sa kanya, biglang nag-iba yung mukha niya. Yung parang nagtataka. Then biglang nanlaki yung mata niya. Tapos may biglang tumulong luha sa mata niya, ulit. WTF! Ano ginawa ko? Nag-smile lang naman ako sa kanya ha! Ano ba yung smile ko, nakakasilaw kaya napa-iyak siya? Assuming lang te? Anyway nung nakita ko nang tumulo yung luha niya, hindi ko na naman alam ang gagawin ko kaya iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya at uminom ng frappe, bigla kung nalunok yung frappe ko kaya nabilaukan ako

"O Althiya, are you okay?"

Pag-aalalang tanong sa 'kin ni Ahriya.

"Yes *caugh* I-I'm ok."

Nauubo kong sagot kay Ahriya

"Magdahan-dahan ka kasi sa pag-inum. Kanina ka pa nabibilaukan eh."

Medyo galit na sinabi sa 'kin ni Andrea. Tss, sorry na po

"Oh yes, before I forgot, Amy, diba sabi mo na mag-shoshopping tayo sa mall niyo ngayon?"

Ano ba naman 'tong si Alex, na bilaukan na nga 'ko shopping pa rin ang iniisip? Aissh! Nagtataka na talaga ako kung kaibigan ko nga ba 'tong si Alex.

"Ikaw talaga Alex. Oo na mag-shoshopping na tayo." Natatawa namang sagot ni Amy

"Sige, mag-shopping na tayo."

Halatang nagulat yung lima sa sinabi ko kasi bigla silang napalingun sa 'kin nung sinabi ko yun eh.

"O! Althiya, dati-rati hindi ka naman interested sa pag-shoshopping ha. Nagbago na ba taste mo ngayon? Naging shopaholic ka na rin ba like me?"

Tanong sa 'kin ni Alex. Hindi 'no! Hindi pa nagbabago taste ko. At imposibleng maging shopaholic ako. Wala lang akong maisip na dahilan para maka-alis dito. Baka kasi ayaw nung guy na tinititigan siya kaya baka galit sa 'kin yun. At tyaka, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon, na hindi naman dapat kasi wala naman akong ginawang masama.

"Uhm, medyo?"

Nung sinabi ko yun, biglang lumawak ang ngiti sa mga labi ni Alex. Aissh, hindi nakakaintindi ng "medyo"? 

"REALLY?! YEEEES!! May karamay na rin ako sa Miss A's!!"

Tuwang-tuwa na sinabi ni Alex. Siya lang kasi ang shopaholic sa grupo eh, kaya ganyan ka-saya nung nalaman na niya na "medyo" shopaholic na rin "daw" ako

"Teka, med—"

Hindi pa nga ako tapos mag-salita eh hinila na kaagad ako ni Alex palabas ng Starbucks.

"Let's go na!"

Sabi ni Alex sa 'kin habang hila-hila ako. Aissh! Medyo lang naman eh. Hindi naman over-over to the highest level in a major major way! O.A. lang din na expression yun ha? Pero mabuti na rin 'to 'no. Kung alam niyo lang talaga yung tingin niya sa 'kin, hindi naman nakakatakot pero nakakakaba. Pero nakaka-awa rin kasi umiiyak siya. Na weird din. Ay basta! Yun na yun! Pagkalabas namin, naka-abang na kaagad yung Pajero nila Amy.

"Let's go guys."

Pagyayaya ni Amy sa 'min.

"Yehey! Shopping, Althiya and I are coming!"

"Althiya and I are coming"? Okay sige na, tayo ng dalawa ang makikipagkita kay shopping, Alex. Kung sabagay, sinabi ko rin naman sa kaniya na "medyo" shopaholic na rin ako. Haaaaaaaaaay! Parang gusto ko nang bawiin yung sinabi ko kay Alex ha. Hay, wag na lang. Baka mag-tampo ang girl mo te. Binuksan na nung driver ni Amy ang pintuan ng Pajero then pumasok na kaming anim.

"Manong, punta tayo sa mall ni dad."

Sabi ni Amy sa driver.

"Yes miss."

Pina-andar na nung driver ang Pajero then umalis na kami.

"Teka, hinahabol ba tayo ng guy na yun?"

Tinuro ni Andi yung side mirror, yung nasa right side. May tumatakbong isang guy na familiar ang mukha. Teka, siya yung

WEIRD GUY!!! OMO!!! [Oh My God]

"Ui, infairness, ang gwapo niya ha."

Comment ni Alex kay weird guy. O sige, gwapo na siya. Kaso weird nga lang talaga. Tingnan niyo naman, hinahabol yung sinasakyan namin!

"Bakit hinahabol niya yung sinasakyan natin?" (Ahriya)

"Siguro nakita niya 'ko kanina sa coffee shop tapos gusto niya kong makilala kaya hinabol niya ko. Awh! Ang sweet naman niya"

Kinikilig na sinabi ni Alex. Naku, Alex, kung alam mo lang na ako talaga ang hinahabol niyan. Pero hindi dahil sa gusto niya kong makilala, kundi dahil .... WAAAAAAAH!! Ano nga kaya gagawin niya sa 'kin?

Susuntukin?

Hindi naman siguro, kalalaki niyang tao manununtok siya sa isang cute girl na gaya ko. Sayang pagkagwapo niya kung ganun nga.

Eh pano kung, irarape niya ko?

Ew! Hindi naman siguro. Over naman kung ganun nga. Sayang pagkagwapo niya kung rapest kakahantungan niya.

Haaaaay! Ewan, siguro pagsasabihan niya lang ako. Ano rin naman kaya sasabihin niya sa 'kin? Na ayaw niya na tinititigan siya? Ang babaw naman nun. Tss!

"Manong, bilisan niyo po yung pagda-drive."

Utos ni Amy sa driver niya.

"Yes ma'am"

At binilisan nga nung driver ang pagda-drive.

"Teka, bakit?"

Pagtatanong ni Alex.

"Ano ba Alex, baka may gawin 'yan sa atin 'no."

Pagsaway ni Andrea kay Alex.

"Ha?! Yang mukhang yan, mananakit?! Tss, hello! At tyaka, kung sasaktan man tayo niyan eh, nandyan naman si Manong Driver para iligtas tayo. Diba manong?"

Sabi ni Alex kay Manong Driver. Natawa na lang si manong driver sa sinabi ni Alex.

"Ui Alex, mukhang maginoo yan pero baka gangster rin 'yan. Hindi na natin alam mga tao ngayon 'no." (Ahriya)

"Teka, tumigil na siya. Tingnan niyo oh."

Nung sinabi yun ni Andi, tumingin kaming lahat sa right side mirror. Tumigil na nga siya sa pagtakbo. Siguro napagod na siya at siguro napansin rin niya na bumilis yung takbo ng sasakyan. YEEEEEEEES!! LIGTAS NA 'KO!! *evil laugh*

"Mabuti naman at tumigil na siya." (Amy)

"Ai, bakit siya tumigil? 'Kala ko pa naman, ipaglalaban niya 'ko." (Alex)

"Ipaglalaban?!"

Sabay na sinabi ng apat (Andi, Amy, Andrea, Ahriya). As in, in chorus talaga.

"Diyos ko! Kahit kailan ka talaga Alex." (Andi)

HAAAAAAAY!! Salamat naman at mabilis mag-drive 'tong driver nila Amy. Grabe talaga kaba ko nung hinabol niya yung kotse, ganun talaga siya ka-irita sa akin 'no? Para titigan lang eh. Aissh! This is a good and bad day for me. Good kasi napatawad na 'ko ni Amy. Teka, plano pala nila yun. Aissh! Bad kasi dahil sa weird guy na 'yun. Kung maka habol, WAGAS! Haaaaaay, sana hindi ko na makita ulit pagmumukha ng lalaking yun, dahil kung hindi ......

AISSH! BAHALA NA SI BATMAN!

Continue Reading

You'll Also Like

2M 58.3K 25
At the young age, Yelena Altamonte already knew what she wants for her life. She has been yearning for freedom to achieve her dreams. Given the life...
596 21 61
"I'm Jewel. James' ex. And I'm totally, absolutely, 100% over him... I think." All Jewel wanted was to be the classy, unbothered ex. Smile sa group h...
9.5K 223 20
(Plan to rewrite) "After he left we never met anymore" aniya. "Pa'no pag nag kita ulit kayo maalala mo pa ba kaya yung mukha nya pagka-tapos mong ka...
1.1M 1.5K 27
R18
Wattpad App - Unlock exclusive features