Ang 'syota kong promdi COMPLE...

By SapphiresPage

183K 3.4K 73

Teaser Si Danica ay galawgaw, matapang, palaban pero malambing at may malaking puso. Pero ang katangian niyan... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Ang 'syota kong promdi-teaser
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 Part 1
Chapter 11 Part 2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Special Edition
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue {COMPLETE}

Chapter 31

5.3K 84 8
By SapphiresPage

Ang syota kong promdi

By Ms Sapphire

FINAL CHAPTER (31)

"The LORD gave, and the LORD has taken away; Blessed be the name of the LORD.” Job 1:20

              Nang sumunod na araw ay masaya silang nag-agahang apat sa may pool nang tumunog ang kaniyang cellphone.

“Hello?” sagot niya sa kabilang linya.

“Mrs Tramblay?”

“Yes?”

“This is Doctor Ho from Camden Medical Clinic here in Singapore” pakilala ng Doctor sa kaniya na may accent ang english “I’m calling in behalf of your husband Pierre Trambley. I believe he will be home in an hour by a private plane. He was sent home two weeks ago by his primary care Doctor from France but Mr Trambley don’t want to and demanded us to pursue more test of his cancer.”

‘Cancer?’ ulit niya sa kaniyang isipan.

“Is this some kind of a prank?” sigaw niya sa kabilang linya.

“No No Mrs Trambley I am telling the truth. Your husband is dying of brain cancer and he only have two weeks to live.”

“NO!!!!!” sigaw niya sa pamamagitan ng pag-iyak. “Tell me this isn’t true!!!!”

Tumayo si Jake sa kaniyang pagkaka-upo at dinaluhan siya. “Danica what’s wrong?”

“Mommy??” umiiyak na tawag sa kaniya ng kambal.

“Yaya! Pakipasok ng mga bata sa kuwarto nila please.” Utos ni Jake sa katulong.

“Opo Sir”

“Danica speak to me”

Humagulhol pa rin siya ng iyak. “No this isn’t happening!!!”

“What? Tell me!” niyugyog ni Jake ang kaniyang balikat.

“P-pierre is dying.”

Jake went silent.

“That was the Doctor from Singapore and he said he’ll be home in an hour” tiningnan niya si Jake “Jake please tell me this is just a dream? Please? Hindi siya puwedeng mamatay, he’s so young and healthy. Bakit ba nangyari sa kaniya ito?”

Tahimik pa rin si Jake.

NASA tarmac na sila at naghihintay sa pagdating ng private jet plane ni Pierre. Hindi pa rin siya matigil sa pag-iyak. Nasa tabi pa rin niya si Jake at nakaakbay lang ang isang braso nito sa kaniya. Mula pa kanina ay hindi pa rin ito nagsasalita. Siguro gaya niya ay nasa stage of shock pa rin ito. Nakita na nila ang papalapag na jet plane na may naka sulat na ‘My Chere’ sa gilid nito. Umikot muna ang eroplano bago humito sa nakatokang puwesto nito. Tatakbuhin na sana niya ang kinaroroonan ng erpoplano nang pigilan siya ni Jake sa kaniyang siko.

“I’m Sorry” wika ni Jake.

“Thank You Jake” naluluhang sagot niya dito.

“I mean it Im Sorry.”

“Alam ko. Hindi mo naman kasalanan e kaya okay lang.” hindi pa rin matigil ang kaniyang pagluha.

Tumingala si Jake sa langit na parang nahihirapang ilabas ang nasa dibdib nito. “What I mean is… I’m sorry I have to keep his secret.”

“W-hat do you mean Jake?” naguguluhang tanong niya dito.

“Pierre came over to my place and told me to take care of you while he’s gone. He then told me he’s dying of cancer and only have few months to live.”

Pain registered on her face.

“WALANG HIYA KA!!!!” sigaw niya kay Jake sabay suntok sa dibdib nito. “Bakit mo ‘to nagawa sa akin? HA!!!” pakiramdam niya mawawalan na siya ng boses dahil sa kakaiyak tapos sininghalan pa niya si Jake.  “Bakit ka pumayag na ilihim sa akin ang kalayagan ng asawa ko?” lumuluhang tanong niya dito?

“SUMAGOT KA!!!” sigaw na naman niya dito sabay sampal sa magkabilang pisngi ng lalaki.

Pinagtitinginan na tuloy sila ng mga empleyado ng Airport at iilan sa mga pasahero na nasa di kalayuan at pasakay na ng commercial plane.

“Ilang araw akong nag-iisp kung kumusta na kaya ang kalayagan niya. Kung nasa maayos lang ba siya. Pero wala akong narinig. Tapos ngayon malalaman ko lang na naghihirap ang kalagayan niya sa malayo habang ako ay nagpapakasasa sa sa ‘yo? PAREHO PALA KAYONG TIMANG e!!!! Anong tingin ninyo sa akin? Malaki na ako at kaya ko nang alagaan ang sarili ko.”

“Danica im sorry.” Hahawakan na sana ni Jake ang braso niya ng bigla siyang lumayo dito.

“Huwag mo akong hawakan!” umatras siya at patakbong pinuntahan ang nakabukas na na eroplano.

Tumango sa kaniya ang pilot ng eroplano pagkakita sa kaniya. Nagmamadali siyang pumasok sa loob para makita niya ang asawa niya. Napahinto siya sa kaniyang kinatatayuan dahil ibang Pierre na ang kanyang nakikita. Lumubo ang katawan nito at wala na ang may kahabaan nitong buhok na lagi niyang inaamoy.

Tumulo ulit ang kaniyang mga luha.

“Pierre”

Matabang ngumiti si Pierre sa kaniya. Naka-upo ito sa tabi ng bintana kung nasaan ay tanaw na tanaw nito ang eksena nilang dalawa ni Jake kanina. Napakagat labi siya para pigilan ang paglabas ng kaniyang boses. Gusto niyang magpakatatag para dito. Hindi kase makakatulong sa kalagayan ni Pierre kapag naging pasanin pa siya nito. Lumuhod siya sa tabi ni Pierre at hinawakan ang kamay nito na nasa arm chair.

“I miss you.” Tanging katagang lumabas sa kaniyang bibig.

Hinalikan siya ni Pierre sa kaniyang ulo. “Im sorry I failed my love. I swear to God I tried and tried and tried but my body kept failing me.”

Tumulo na rin ang luha ni Pierre.

“Nandito lang ako sa tabi mo Mahal.” Hinawakan niya ang pisngi nito bago niya hinalikan ang labi ni Pierre.

~~~~~~~~~~~~~~~~

MABILIS ang pagpapatakbo ni Jake ng sasakyan pabalik sa kaniyang condo. Galit siya sa sarili niya. Galit siya dahil galit si Danica sa kaniya. Okay na sana silang dalawa kasama ang mga anka nila pero hindi dapat dahil may paninidigan si Danica sa asawa nitong may sakit. Pinasibasib pa niya lalo ang kaniyangsasakyan hanggang sa umabot na ito ng 120mph. Wala siyang paki-alam kung masundan man siya ng pulis. Hindi na niya inaalala ang mga anak niya.

‘Anak?’ napahinto siya sa tabi ng daan matapos niyang maalala ang mga kambal.

Hindi dapat siya bibigay. Dapat siyang magpakatatag dahil kailangan pa siya ng mga bata. Malakas niyang sinuntok ang steering wheel ng sasakyan.

~~~~~~~~~~~~~~~

               Isang maulap na umaga sa Baranggay Malansa ng araw na iyon. Lahat ng mga mandaragat ay nasa laot at nag-aabang sa lambat ng mga ito. Ang mga ibon naman ay paroo’t parito sa ibabaw ng dagat para manguha ng isdang makakain. May iilang mga batang nagtatakbuhan at naglalaro ng buhangin. Mga dalaga’t binata na umaga pa lang ay nagliligawan na. Ito ang ritwal ng mga tao sa Barangga nila tuwing umaga. Tahimik at mapayapa.

Lumabas siya sa veranda para lapitan ang kaniyang asawa na nagpapahinga sa isang rocking chair. Ang sabi sa kaniya ng Doctor ni Pierre ay baka hindi na raw ito aabot ng isang linggo dahil sa pagkalat ng cancer sa buo nitong katawan.

“Pierre,” tawag niya dito.

Nangangayayat na ang mukha nito dahil sa sakit taliwas sa unang araw ng pagbabalik nito. Halos wala na itong kulay dahil sa kakulangan ng sustansya sa katawan. Hininto na rin nila ang mga gamot ni Pierre, sa kagustuhan na rin ng lalaki. Tuwing nag-uusap silang dalawa ng masinsinan ay sinasabi nitong….

“You’ll be okay, my chere”

Hindi niya naiintindihan kung paano siya magiging okay kung mawawala na ito sa piling nilang mag-ina. Halos gabi-gabi siyang umiiyak dahil sa kalagayan nito. Tinatagalan na rin niya ang kaniyang pagdadasal para dinggin lang ng Panginoon ang kaniyang hiling na bigyan ng mahabang buhay si Pierre. Hindi naman siya magagalit kung saka-sakali mang hindi tutuparin ng Diyos ang hinihingi niya. Magtatampo lang siya dito.

Tumabi siya sa kaniyang asawa at hinilig niya ang kaniyang ulo sa balikat nito. Nakagawian na nilang dalawa na pagmasdan ang ulap tuwing umaga. Siya na rin ang humiling dito na huwag na munang bumalik ng France at dito nalang sa bayan nila mamahinga. Bumalik na rin sa bakasyon sina Keery at Sandra na ngayon ay pinapasyal ang kambal sa bahay nina Lemuel. Sa murang edad ng kambal ay alam ng mga itong mawawala na ang kinikilala nitong ama.

“My chere, when I get to heaven… I will ask God to watch you and the kids. I will ask him to give you another husband so that you’ll never be lonely.”

Umiiyak siyang nakikinig sa pinagsasabi nito.

“Don’t worry I will watch you all the time, my love. You know I will always take good care of you and the kids. There will be no day or night that I won’t be watching you.” Patuloy ni Pierre. “I Love you Danica. I had always been.”

Humihikbi pa rin siya habang nakikinig dito. Pinulupot niya ang kaniyang braso sa bewang ni Pierre habang ang kaniyang ulo ay nakahilig pa rin sa dibdib nito. Naririnig niya ang mabilis na pagtibok ng puso ni Pierre. Narinig niya nag mahinang pagbuntonghininga nito. Naramdaman niya ang pagtigas ng buong katawan nito tanda ng nararamdamang sakit dahil sa cancer. Pumikit siya ng napakadiin para hindi atleast maibsan ang sakit na nararamdaman niya para kay Pierre.

“Magpahinga ka na Mahal.” Bulong niya dito.

Lumuwag ang pagkakayakap ni Pierre sa kaniya hanggang sa hindi na niya narinig ang tibok ng puso nito. Ayaw niyang kumilos sa pagkakayakap sa walang malay na si Pierre. Parang ayaw niyang umusad ang oras dahil pakiramdam niya ay hindi pa siya handang harapin ang susunod na mangyayari. Naduduwag siyang harapin ang bukas nilang mag-ina na wala ang kaniyang asawa.

“Daddy?” naluluhang iyak ni Daphne na nasa may pintuan.

“Dad?” patakbong lumapit si Miguel.

Kasunod ng mga ito ay sina Keery at Sandra na umiiyak na rin. Yumakap na rin ang kambal sa katawan ni Pierre habang umiiyak.

“Daddy don’t leave me,” Palahaw ni Daphne “I will miss you dada.”

Mas lalo tuloy siyang naiyak dahil sa naririnig niya mula sa mga bata. Sumunod na dumating ang Tatay niya kasama si Lemuel. Kinausap ni Pierre ang dalawa kung ano ang gagawin kapag dumating ang araw na ito. Umalis sandali si Lemuel para kontakin ang right hand ni Pierre sa France.

Hinayaan lang silang tatlo ng tatay niyang yakapin ang walang malay na katawan ni Pierre. Siguro mas mabuti na rin itong winakasan na ng Panginoon ang buhay niya kesa sa patuloy na maghirap si Pierre tuwing sumasakit ang ulo nito. Napaka selfish naman niya kung hihilingin niyang pahabain nito ang buhay ng asawa niyang siyang nasasaktan at hindi siya. Naalala niya pagdating nila dito sa bayan nila nung isang araw. Tanghaling tapat iyon at nakahanda na lahat ng pagkain sa mesa kaya kaniya-kaniya nang dumulog ang lahat maliban sa kanila ni Pierre. Madalas silang nasa balcony at magkayakap lang na tinatanaw ang dagat.

{Fast forward 2 days before Pierre’s death}

“Mahal, gutom na ako.” Reklamo niya kay Pierre.

Nakahilig pa rin ang ulo niya sa dibdib ng lalaki. Kumilos ang isang braso nito para yakapin siya ng mahigpit sa kaniyang bewang. Binigyan rin siya ng halik ni Pierre sa kaniyang noo kaya’t napatingala siya dito.

“Halika na mahal, kumain na tayo?”

“Sige”

Tumayo na silang dalawa para pumunta sa dining table. Nasa pintuan na sila nang huminto si Pierre sa harap ng isang upuan na nasa dadaanan nito.

“Can you get this chair out of my way?” naiiritang sabi ni Pierre.

“Why won’t you move it then?” sagot niya dito sa likuran nito.

“I-I don’t know how to move it.”

Nang sandaling iyon ay parang wawasak ang puso niya sa kaniyang narinig. Lahat sila ay nagkatinginan pati ang kambal na alam na ang mga nangyayari sa paligid. Tahimik lang silang kumakain nang araw na iyon, nakikiramdam, walang gustong magbukas ng usapan. Sa limang taon na itinago ni Pierre ang sakit nito, parang bumibilis ang pagkalat ng cancer nito nitong nakaraang linggo. Hindi lang kase isa ang tumubo sa ulo nito kundi lima.

{Music: How did you know by Gary Valenciano}

I remember so well

The day that you came into my life

You asked for my name

You had the most beautiful smile

My life started to change

I'd wake up each day feeling alright

With you right by my side

Makes me feel things will work out just fine

Paris, France

             DANICA sat alone in a bleacher after Pierre’s funeral, crying. She don’t want to move and she don’t want to leave Pierre alone. She remembered the first day they met at the elevator in Canada. (ASKP-13) The first time she lay her eyes on Pierre, she was starstuck. Paano ba naman kase parang kahawig ni Pierre ang idolo niyang si Antonio Banderas. May kahabaan na ang buhok ni Pierre noon pa man na bumagay naman sa itsura nito. Kahit saan ito magpunta ay ito ang unang tinatanong sa mga nakakasalubong nito “Hey how are you doing!?” he always gave them a lively voice na para bang hindi sila nagkita a minute ago and that’s the other reason why she love Pierre. He’s selfless, kindhearted and he love her kids.

Sumapit ang gabi at binasa ng abogado ni Pierre ang Last Will and Testament nito via Skype. Hindi niya pinakinggan ang lahat-lahat ng sinabi ng Abogado. Ano ba ang paki-alam niya sa yaman ng asawa niya kung wala naman ito sa tabi niya? Majority naman sa properties ni Pierre ay mapupunta sa kambal para sa kinabukasan ng dalawang bata.

May inabot na kahon si Keery sa kaniya.

“Pierre wanted me to deliver that box the day he died. He specifically told me to hand it to you after the funeral.” Sabi ng Abogado.

Binuksan niya ang kahon na may nakalagay na Danica, Miguel and Daphne. Tumambad sa kaniya ang isang CD, ang kaniyang lumang mp3 player, maliliit na boots ng kambal, isang diamond ring na para sana sa tenth year wedding anniversary nila na malabo nang mangyari.

“Daddy….” Iyak ni Miguel sa tabi niya.

Pinunasan niya ang kaniyang luha na kanina pa pala tumutulo. “Come here baby” nagyakapan silang tatlo. Sinenyasan niya ni Keery na ipasok sa CD player ang tape. Lumabas na rin ito pagkatapos nitong pindotin ang PLAY button. Bumungad sa kanila ang maputlang Pierre. Nakasuot ito ng ballcap na may nakalagay na Trambley.

“Hello everyone,” panimula ni Pierre “I don’t really know where to start.” Pierre sigh deeply “but first of all I want to say I LOVE YOU Danica, Daphne and Miguel. Don’t feel upset that I had to hide my condition. I just can’t bear the thought of hurting the three of you. But I know no matter how hard I tried to hide… I know eventually you’ll find out. My chere,” tawag nito sa kaniya sabay titig sa kaniya na para bang alam nito kung saan siya naka-upo. “you are a strong woman and you filled my heart with joy the moment I set my eyes on you. I never regret marrying you eventhough I know someone already owns your heart.” Pierre gave her a weak smile “I know he loves you too.”

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Pierre sa kaniya.

“Miguel,” tawag nito kay Miggy na naka-upo sa tabi niya. Tumango naman ang bata na para bang nakikita ito ng ni Pierre. “be a good boy okay and take good care of your sister. Always listen to you mom and….” Pierre’s voice croaked “take good care of her too.”

Nag skip ang video. Halatang pinause ni Pierre camera dahil pagbalik nito ay namumula na ang mata ng lalaki. “Daphne, baby, you’re my sweet princess. Make sure you listen to mommy too okay? I won’t be there to tuck you in at night, but don’t worry I will be with you always.” Hinawakan ni Pierre ang dibdib nito.

“Daddy…” iyak ni Daphne.

SAMANTALA, pinatay na ni Jake ang video ni Pierre. Inabot niya ang beer na kakabukas lang niya at ininom iyon. Hindi maalis-alis sa isip niya ang huling sinabi nito sa kaniya.

“Take good care of my wife.”

Tumunog ang telepono sa tabi niya.

“Hello?”

“Tito Jake?” si Daphne.

“Yes princess?”

“My Daddy’s gone…” humagulhol na naman ito.

‘Do you know I’m your real Daddy?’ nais sana niyang isatinig ito pero nagpipigil siya. Ayaw niyang makadagdag sa dinadala ng mga bata dahil sa pagkamatay ng kinikilala nitong ama.

“… ang I’m so sad.” Patuloy ni Daphne.

“Why?”

“Because mommy’s sad too. She had been crying for how many days now. Tito Jake, why do Dada have to die?” sumisinghot-singhot ang bata sa kabilan linya.

He was caught off guard. Paano ba I-explain sa limang taong gulang na bata ang naiintindihan ng mga matatanda? Ano ba ang alam niya? WALA?

“Hmm Daphne, i honestly don’t know why your Dad had to die. All I know is you still have a loving mom… and Tito Jake is here for you too, baby.”

“Oh-uh” alam niyang tumatango ito sa kabilang linya pagkasabi niyon. “I love you Tito Jake!”

“I love you too, princess.”

“Tito Jake,” tawag sa kaniya ni Daphne.

“Yes?”

“Dada, calls me princess too.” Sabi nito sabay baba ng telepono.

Parang sumikip bigla ang puso niya. Tumungga uli’t siya ng beer. Lalayo muna siya kay Danica. Hindi muna niya ito gagambalain sa pagluluksa nito.

3 months later….

                NAKABALIK na silang tatlo sa pinas at ngayon ay nasa Tagaytay silang lahat kasama sina Keery at Sandra para magbakasyon. Naisipan ni Danica na dito na sa Pilipinas manirahan at kukunin na rin niya ang Tatay niya sa probinsya para tumira sa kaniya. Tumatanda na rin kase ito at ayaw niyang walang nag-aalaga dito.

Matapos ang hapunan ay iniwan muna niya ang mga bata sa pangagalaga nina Keery at Sandra. Lumabas siya sa cottage nila at naglakad papunta sa veranda ng restaurant ng resort. Kahit dumidilim na ay maganda pa rin ang tanawin dahil sa mga tutubing umiilaw sa di kalayuan. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bigla may lumitaw na singsing sa bandang kaliwa ng mukha niya.

Kilala niya ang may-ari ng kamay na may hawak ng singsing kaya umikot kaagad siya para makita ito.

“Jake?” gulat na tanong niya.

“In flesh.” Nakangiting sagot ng lalaki.

“Paano mo nalamang nandito kami?”

Hindi na nito nasagot ang tanong dahil nakita ng peripheral vision niya ang kambal at sina Keery at Sandra na nakatanaw lang sa di kalayuan.

Ibinalik niya ang kaniyang tingin kay Jake. Gaya ng dati he’s tall and handsome pa rin.

 ‘Oh Jake. My Jake, how I missed you so much.’ Nais niyang sabihin iyon pero nagpipigil siya.

May kahabaan na ang buhok nito na tumatama na ang bangs sa mga mata nito. Naamoy din niya ang pamilyar nitong pabango na Armani perfume. Pakiramdam niya biglang nangatog ang mga tuhod niya dahila sa epekto ni Jake sa kaniya.

“A-anong ginawa mo dito?” tanong niya sa lalaki.

Tumabi ito sa kaniya sabay tingin sa view sa labas. “Magpro-propose sana kaya lang mukhang ayaw mo namang tanggapin kaya wag nalang.” Ibinalik ni Jake ang hawak na singsing sa lalagyan nito.

“Aray!” sigaw ng lalaki matapos niyang hampasin ng malakas ang braso nito.

“Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!” bulyaw niya dito na naluluha pa rin sa sinabi nito kani-kanina lang.

“Ang sakit nun ah…” reklamo ni Jake sabay himas ng braso nito. “kaya pala hindi ka nililigawan kase battered husband ang makukuha ng mapapangasawa mo sa ‘yo.” Biro nito sa kaniya.

Natatawa na umiiyak na hinila ni Danica ang suot ni Jake na jacket. “Ikaw naman kase eh.” Ngumunguso pa si Danica kay Jake na parang bata.

“At ngayon sexual harrasment naman.” Biro pa rin ni Jake sa kaniya.

“Hmp! Bahala ka na nga sa buhay mo kahit kelan talaga binobola mo lang ako. Hindi mo talaga ako siniseryoso---hmmppp!”

Hindi na natapos ni Danica ang sasabihin nito dahil tinakpan na ni Jake ng halik ang bibig niya.

Humihingal sila pareho matapos tapusin ni Jake ang halikan nilang dalawa sa labas ng restaurant… kung nasaan pinapanood sila ng kambal, Keery, Sandra AT ang mga customers na nagdi-dinner ng gabing iyon.

Lumuhod si Jake sa harap niya sabay labas ng kaheta na kulay itim.

“Will you marry me?”

Umiyak lang siya habang tumatango.

“Anong sabi mo?” nagkukunwaring bingi si Jake.

Tumango uli’t siya.

“Hindi ko marinig e.” patuloy pa rin sa pagbibiro si Jake.

“Oo na sabi e.” padabog niyang sagot dito.

Narinig niyang sumigaw ng YEHEY ang kambal at iba pang nanonood sa kanilang dalawa. Tumayo ulit si Jake para isuot sa kaniya ang isang diamond ring.

“Danica, I Love You.” Seryosong sabi ni Jake.

“I Love You, too Jake.” Naiiyak na sabi naman niya.

Yinakap siya ni Jake. Mahigpit na mahigpit.

Sumisinghot pa rin siya habang nakayakap sa lalaking mahal niya.

“Huwag mong dumihan yang jacket ko ha makakatikim ka talaga ng halik sa akin.”

Natawa siya sa banta ni Jake sa kaniya. Kaya naisip tuloy niyang gawing pamunas ang jacket nito para gawin nito ang bantang HALIK sa kaniya….. na tinupad naman nito kaagad.

~The End~

{A/N: Abangan ang Epilogue ng story nina Jake at Danica ^___^ ~Ms Sapphire}

History about Pierre:

October 20th,2012 around 10pm a guy named Jeff died in a hospice. He’s my Pierre. For 18 months he sufferes from brain tumor. Most of the scenes in ASKP are derive from Jeff’s personal story. Just lie when he couldn’t move the chair, yes that was true. When Pierre had 5 tumors, yes that was true. When Pierre look swollen, yes that was true. We saw Jeff almost two months ago from a fund raising and he’s still the same Jeff that we all know. He will greet you like he haven’t met you before. He’s so bubbly that you don’t feel awkward talking to him. Though everyone’s first impression to Jeff was, ‘is this guy going to beat me?’ haha Jeff is a big guy with tattoos in both arms and a goatee but once you know him he’s a big teddy bear. So sweet and approachable.

 Last night, I went to his funeral (the coffin was not there) but I met his wife and daughter. I will always remember Jeff because of his character. And I will surely miss him.

Love,

Ms S xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

154K 396 2
No one knows that love will come to a Casanova like Mark Luis Martinez, ang lalaking hinahabol ng kababaihan, ay sya na ngayong naghahabol sa babaeng...
483K 10.2K 58
I thought it was a dream, a one night with my idol, I give myself to him.....I never thought that night,....everything will change......I am Aeesha B...
1.8M 33.2K 39
Alex was just a simple girl. Isang babaeng ang gusto lang ay ma-enjoy ang buhay. She was hired to be the secretary of the CEO from one of the multi-b...
124K 3.1K 42
Akala ko, magpapanggap lang ako bilang fiance nya. Naging sekreto ito. Pero, hindi ko inaasahan na pati mga magulang ko, gustong pakasalan ko sya. Na...