She's My Man(girlxgirl)

By YourNotMyType14

346K 13K 2.4K

WARNING: this story is GxG, I repeat GIRL TO GIRL po ito. So, kung ayaw niyo po sa ganitong storya o hindi ka... More

PROLOGO
Prologo 2
Poging Danica
Dani's Friends
Cassandra Del Rio
Read This.. thanks!
First Time
Nice One Danica!
The Revenge Plan
Her Revenge
S.H.I.T Day!
S.H.I.T Day( continuation)
Weird Feelings
Hatred
Won
Guilt
Invitation
House Party
The Characters
Jealous or Not?
Clarisse Reyes
Her feelings
Si Bruhang Maarte
He knows
The Favor
Favor 2
School Anniversary 1
School Anniversary 2
School Anniversary 3
School Anniversary 4(The Party)
School Anniversary(The Party 2)
Her POV
Her POV 2
Her POV 3
Her Confession
His Ex
AVOIDANCE
Ang CR
Grace Plan
MatMat
Road to tagaytay
Beach Please!
Beach Please!(Part2)
Beach Party
Kiss and Touch
Last
CHANGES
Oh No!
Her and Her
Her and Her 2
Trouble!
Two of us
Don't care
Can you be mine?
AUTHOR'S NOTE
Memories

Selfishness

5.2K 200 154
By YourNotMyType14

CASSANDRA'S POV

"Cassandra.. can you be mine?"

Ano daw?
Tama ba talaga ang narinig ko?
Baka panaginip lang 'to? o baka nabingi lang ako?

"W-what?" pinaulit ko pa talaga sa kanya yung mga sinabi niya.

I dunno kung ano mafefeel ko.

"i said, can you be mine?"

Hindi nga ako nagkamali! tama nga ang pagkakarinig ko!

sht! yung puso ko, eto na naman ulit. Ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang gusto ko na atang atakihin.

Napakaseryoso ng mukha niya na titig na titig sakin at naghihintay sa sagot ko.

Omg. So this is it? totoo na ba talaga to? ang dating lalaking nagugustuhan ko ay gusto na din ako?

Ano ba dapat isagot ko?
dapat pa bang ligawan pa niya ako bago ko siya sagutin?

of course! babae pa din naman ako, ayokong isipin niyang easy-to-get lang ang isang cassandra del rio!

"n-no." tipid kong sagot sa kanya.

Biglang kumunot ang noo niya sa narinig.

Ba! Kahit alam niyang gusto ko siya kampante na siyang sagutin ko siya tss!

"no?" kunot noong inulit niya pa yung sagot ko.

"yes no! ligawan mo muna ako dani, di porke gusto kita ay di muna ako liligawan.." napacross arms na ako ng sabihin ko 'yon.

Pero aaminin kong napakasaya ko nang sabihin niya iyon sakin. Hays, di ko talaga alam kung bakit nagustuhan ko to eh!

Kita kong napakamot siya sa ulo tsaka niya ako nginitian..

"ok cassandra, i will do that and i will do anything para masabi mo sakin ang matatamis mong oo" sabi niya pa.

Corny. pero cute.

Napangiti na lamang ako bigla sa sinabi niya at hindi ko mapigilang lumapit sa kanya at yakapin siya dahil na rin sa saya na nararamdaman ko, kanina ko pa gustong gawin to pero pinipigilan ko lang.

Halatang nagulat siya nong una pero niyakap niya rin ako.

"hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon dani" ngiti kong sabi habang yakap yakap ko pa din siya.

*

"Oh em geeee! Really girl? is it real?!!!" Oa na reaction ni dianne matapos kong sabihin sa kanila ni grace ang mga nangyari at yung panliligaw sakin ni dani.

Yie! sa tuwing naiisip ko yon, kinikilig akooooooo! 😍

Andito kami sa classroom ngayon at hinihintay ang english teacher namin kanina ko pa pinauwi yung pinsan ko kasi wala naman siyang gagawin dito,  may tinanong lang siya kay dani at umalis na din.

"Of course yes! sino ba naman ang hindi mgkakagusto sa ganda kong to?" may halong pagmamayabang na sabi ko sa kanila.

"talaga lang ha?" ewan ko kung may pagkasarcastic yung pagkasabi ni grace pero di ko na lang ito pinansin dahil maganda talaga mood ko ngayong araw😇 pero pansin ko lang, di man lang nagulat tong bruha nato sa balita ko?

"of course! hey grace, bakit di ka man lang nagulat katulad ni dianne? hindi ka ba masaya para sakin?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.

"I'm happy, pero di na talaga ako nagulat eh, nahahalata ko naman talaga na may gusto si delima sayo noon pa" walang kabuhay buhay niyang sagot sakin.

"me too girl! napansin ko na din yon, pero nagulat pa din ako noh? gossssshhhhh! magkakalovelife ka na! I'm so happy for you girl! Congratssss! naging successful pala lahat ng plano natin noon, akala ko di na gagana" singit namn ni dianne at nagpapalakpak pa ito.

"I know right" napangisi ako matapaos kong marinig iyon kay dianne.

After all na ginawa ko, sa wakas at nagustuhan na rin niya ako😍 Pero ayoko muna siyang sagutin sa ngayon noh! syempre, ayaw kong sabihin niyang easy to get akong babae 🙄 sa ganda kong to!?

Danica's POV

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

"A-ano?!" Napatayo na lang si kiko sa kinauupuan niya matapos niyang marinig ang sinabi ko.

Andito kami sa isang coffee shop malapit sa school, niyaya ko si kiko na lumabas muna ng school at dito maglulunch, nong una nagtataka pa ito pero pumayag din naman.

Napayuko na lamang ako, hindi ko alam kung ijujudge at mandiri siya sa pagkatao ko ngayon at sa ginawa ko, pero kasi nagustuhan ko na siya, alam ko sa sarili ko yon. Gusto ko lang isipin na muna sarili ko, gusto ko munang unahin ko nararamdaman ko.

Oo, sinabi ko na sa kanya lahat, yung nagustuhan ko na si cassandra, at yung panliligaw ko sa kanya. Gusto kong sabihin ito kay kiko dahil siya lang yung may alam na babae talaga ako.

"are you crazy danica?!" sabi niya sakin habang nakatayo pa din.

Inangat ko ang ulo at sabay ko siyang tiningnan sa mata.
Oo nga, baliw na siguro ako.

"kiko, hayaan mo muna akong magsalita." Sabi ko rito sa totoong boses ko.

Nakita kong bumuntong hininga siya tsaka siya bumalik sa pagkakaupo.

"now danica, tell me" seryoso niyang sabi.

Ngayon ko lang nakitang seryoso siya ng ganyan na nakaharap sakin. Napalunok muna ako ng maraming laway tsaka ako nagsalitang muli...

"K-kiko, a-alam kong mali ito. Mali na... magustuhan ko siya, d-dahil pareho kaming babae pero andito na eh, kahit ilang ulit ko pang pigilan kiko, ang hirap eh! Pinigilan ko nato, pero di eh, di ko talaga kaya kiko. Babae ako, alam ko yon pero sa tuwing nakakaharap ko si cassandra, nag iiba yung damdamin ko, nag iiba ako, Ibang iba yung tibok ng puso ko" napayuko muli ako. Shjt! bakit ako naiiyak?

Kasi naman eh, hindi ko alam kung bakit ganito, kung bakit sa kanya pa, kung bakit sa babae pa.

"Sana sinabi mo muna sakin lahat danica, dapat inamin mo muna sakin yang nararamdaman mo. Baka nagkamali ka lang ng nararamdaman." ngayon mahinahon na siyang nagsasalita sakin.

No, Alam kong sure na ako. Gusto ko na talaga si cassandra, ilang beses na akong nagpipigil, ilang beses na akong nag isip na di ko siya gusto dahil mali ito, pero di talaga, di ko kayang pigilan.

Hindi ako nagsalita bagkos napatingin ako sa nakakuyom niyang mga kamay. Bumuntong hininga muli ito at inayos ang kanyang salamin.

"danica, kung iniisip mong nandidiri ako dahil nagustuhan mo ang kapwa mo babae, nagkakamali ka. Pero, pinaalalahanan lang kita na nagpapanggap ka lang na kambal mo, nagpapanggap ka lang na lalaki, wag kang magpakaselfish sa nararamdaman mo, ang alam ni cassandra ngayon ay lalaki ka, ang alam ni cassandra ngayon ay si dani ka.. habang maaga pa , itigil mo na dahil hindi mo alam kung anong mangyayari kung malaman niya ang totoo"

Sa sinabi niyang iyon, muli akong napayuko at napaisip. Tama siya, mali nga to.

"Aish! Ano ba tong ginawa ni dani! parang hindi niya inisip ang kalagayan mo!" napahilamos ito ng mukha, ewan ko lang kung galit ba siya o ano.

"Danica, ayokong mapahamak ka okay? kaya please, itigil mo na yan, magfocus ka na lang sa pagpapanggap mo" hinawakan niya yung dalawang kamay ko at tiningnan niya ako sa mata. Ewan ko pero, bakit parang may kakaiba sa mga tingin niya?

Dapat ko ba siyang sundin? o dapat kong sundin tong puso ko?

*

"hoy, kayong dalawa bakit bigla na lang kayong nawala?" bungad tanong ni alfred samin ni kiko matapos naming pumasok ng classroom namin.

Matapos kasi naming mag usap kanina ay napagdesisyonan naming bumalik na sa school baka kasi malate kami sa Filipino subject namin.

"ahhh, nagpasama ako kay dani sa labas pumunta kaming bookstore, may bibilhin sana ako kaso wala don eh" kamot na palusot ni kiko. May malapit din kasing bookstore rito sa school.

"nga pala dani, si ms. cassandra hinahanap ka niya nong nasa cafeteria kami mukha atang galit yon eh nong sinabi naming di namin alam kung san ka" bigla namang singit ni James.

Muli kong tiningnan si kiko at napansin kong nakatitig din pala siya sakin. Pero tingin ko may kahulugan yong mga titig niya, parang sinasabi niyang *itigil ko na kung anong ginagawa ko*.

Napabuntong hininga ako, naguguluhan na ako kung anong gagawin ko😔

Napatigil ako nang maalala kong baka nagtxt si cassandra sakin, kinuha ko agad ang phone sa bulsa ko, at hindi nga ako nagkakamali, andaming txt messages at missed calls galing sa kanya. Nkasilent lang kasi yong phone ko ngayon.

Babasahin ko na sana ito ngunit bigla namang pumasok yung filipino teacher namin kaya nagsibalikan na kami sa mga upuan namin.

*
*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggggg!

Natapos ang buong klase namin na wala namang nangyari, binigyan lang kami ng assignment sa Math subject namin.

"Guys, nga pala sa susunod na araw punta kayo sa bahay, birthday ng sister ko, lalo ka na dani, dapat andoon ka, special person ka ng kapatid ko. Crush na crush ka non!" nakangising sabi ni nico samin, naglalakad na kami ngayon papunta ng parking area.

"Oo naman bro!" sagot ko na lang dito. Naalala ko nga pala may crush yung kapatid niya sa kambal ko, ano nga ulit pangalan nong batang yon? Nica? oo tama, nica nga.

Hays! naalala ko tuloy yung niyakap niya ako sa Anniversary party ng school😅😌

Nang makarating na kami ng parking area napansin kong may nakatayong babae doon sa may sasakyan ko. Nakilala ko naman iyon kahit di ko pa titigan ng mabuti halata naman kasi sa hubog ng katawan nito.

"oy, si ms. cassandra 'yon dba?" sabi ni france ng mapansin din niya.

Lumingon ako kay kiko kung anong magiging reaksyon niya at nakatingin na pala ito sakin. Naalala ko yung pag uusap namin kanina nong lunch, hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako, lumipat naman ang paningin ko sa katabi niyang babae na si frenzy, oo kasama namin siya palagi ngayon. Ewan ko lang pero hindi tlaga nagsasalita paminsanan na lang. Nakangiti ito sakin na para bang may kahulugan yung mga ngiti niya, hindi ko na lamang ito pinansin dahil ganun naman talaga siya at baka tarayan niya ako kahit alam kong mabait na yung pakikitungo niya sakin this past few days.

Bumuntong hininga muna ako, dapat ko na bang itigil?

"S-sge guys, kakausapin ko muna siya" paalam ko sa kanila, tiningnan ko ulit si kiko, seryoso lang itong nakatingin sakin bago na ako nagpatuloy sa paglalakad papalapit kay cassandra.

Nang mapansin niya atang papalapit ako umayos ito sa pagkakatayo pero yung mukha niya nakasimangot at nakataas ang kilay.

Imbes na kabahan ako, napangiti pa ako dahil sa hitsura niya. Shjt! eto na naman! Iba na naman tong pakiramdam ko, pano ko ititigil kung kaharap ko siya nag iiba na tibok ng puso ko? bakit parang ang hirap?

Dapat ko na ba talagang itigil ito?

Inalis ko agad yung ngiti ko nang makarating na ako sa harapan niya.

"What are you doing here d-del rio?" tanong ko dito. Shjt naman! ang hirap pigilan yung nararamdaman ko!

Napansin kong mas lalong napataas ang kilay niya.

"del rio? at ibinalik mo na naman yung dating tawag mo sakin huh?" mataray niyang sabi sakin.

Napalunok ako ng laway, ewan ko lang kung anong sasabihin ko ngayon, ang hiraaaaaap!

"bakit hindi mo man lang ako nireplyan sa mga txt ko? ang dami kong tinxt sayo pero walang niisang reply? tumawag ako pero di mo sinasagot? at saan ka ba kanina ng lunch ha? hinanap kita kasi gusto kong magsabay tayo ng lunch dani pero wala ka, di ka man lang nagpaalam sakin kung saan ka pumunta, akala ko ba nanliligaw ka? damn! di ka ba marunong manligaw ha?" Habang nagsasalita siya di ko mapigilan titigan ang mukha niya at pinakiramdaman ko ang puso ko.

Ibang iba talaga yung tibok nito.

"hoy dani! nakikinig ka ba?!" bigla naman akong natauhan ng marinig ko yong huli niyang sinabi.

"h-ha? ah o-oo nakikinig ako. Ano kasi, lumabas kami ni kiko kanina.. nagpasama kasi siya sakin may binili siya" sagot ko agad sa kanya.

"oh tapos? bakit hindi ka nagpaalam sakin?" taas kilay ulit niyang tanong ulit.

Pasekreto kong ikinuyom yung dalawang kamay ko at muli kong naalala ang pag uusap namin ni kiko kanina.

Dapat ko bang sabihin sa kanya na ititigil ko na? Pero bakit di ko kaya? di ko kayang sabihin , ayoko siyang masaktan ulit, ayokong makita siya ulit na nasasaktan at ayokong makita uli na pagmamay ari na ulit siya ng iba.

"ano na dani? sasagot ka ba o hi–" hindi ko na pinatapos yung pagsasalita niya at agad ko siyang niyakap.

Bullshjt! Ang hirap! bakit ang hiraaaap!😩

Pwede bang unahin ko muna sarili ko ngayon? Ayoko munang isipin yung mangyayari.

Gusto ko nga talaga siya, gustong gusto ko na talaga si del rio.










To be continued....



YourNotMyType14 💖

Typo errors ✓✓✓

Don't forget to follow me😘



Continue Reading

You'll Also Like

35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.9M 95.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...