Phoenix Series #10: My Innoce...

By RosasVhiie

3.2M 105K 15.4K

MATURED CONTENT (R-18) Phoenix Series#10: Ethan Davidson "Hindi nababase ang pagmamahal sa mukha. Everyone de... More

Synopsis
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

Chapter 1

81.8K 2.4K 300
By RosasVhiie

CHAPTER 1

DAHAN-DAHAN akong nagmulat ng mga mata at nakita ko ang babaeng nakatunghay sa'kin. She was smiling. Pilit kong inaabot ang kamay nito pero umatras ito.

Malungkot itong ngumiti at kapagkuwan ay lumuha.

"Can you help me, please? I need your help. Please."

Napapitlag ako at biglang nagising mula sa isang panaginip.

Umayos ako ng upo at marahas na napabuntong-hininga. That dream keeps pestering me. Ilang taon na nga ba? Dalawa? Tatlo? Madalas kong napapanaginipan ang babaeng nakilala ko sa isang isla noon. A woman who saved my life. At nag-umpisa iyon mismo nang gabing umuwi ako mula sa isla na iyon ilang taon na ang nakakaraan.

That dream keeps bothering me. I even tried to go back in that island but unfortunately, I can't find that house anymore.

Ang sabi ng napagtanungan ko ay matagal nang nawala ang bahay na iyon dahil nasunog daw. Sinubukan ko ring hanapin ang address nito pero hindi ko na makita ang pangalan nito. Her name doesn't exist. Or it was just a fake name? Posibleng ganoon nga. Maaaring fake ang pangalan na binigay nito sa akin noong magpakilala ito bago ako bumalik sa Maynila.

I still remember the name that she gave. Hanna Boiser. Kung hindi nag e-exist ang pangalan na iyon, hindi ko talaga ito makikita.

Hindi lang ako matahimik dahil palagi itong nasa panaginip ko. Mas lumalala ngayon dahil sa bawat pagtulog ko ay ito ang nasa panaginip ko.

Napabuntong-hininga ako at lumingon sa paligid. Nasa loob ako ng isang cafe, sa tabi ng J'Smiths hospital. Dito ako tumatambay sa tuwing bumibisita ako sa nakababata kong kapatid na si Arriane. She's in the hospital because of her heart condition. I'm just thankful that my bestfriend, Prince, was always there for my sister. Halos ayaw na nitong umalis sa tabi ng kapatid ko kahit alam kong pagod ito. His love for my sister, I always admire it. At hindi nito iyon alam ang bagay na iyon. I always admire him the way he love his woman which is my baby little sister.

Muli akong napatingin sa paligid ko. Sa cafe na ito ako lagi umiinom ng kape. I like their coffee here. Pasalamat nga ako dahil hinahayaan ako ng mga empleyado dito kahit nakikita nilang madalas akong nakakatulog sa inuupuan ko katulad na lang ngayon. Ilang beses na yata akong nakakatulog dito.

"Sir, your coffee." Napaangat ang tingin ko sa babaeng nagsalita.

It's the same waitress who served my coffee three days ago. Mukhang baguhan lang ito dito. At ang nakakapagtaka ay ang malapad na scarf na nakatakip sa kalahating mukha nito. Hindi nito iyon inaalis. Mabuti at pinapayagan ito ng may-ari kahit nakatakip ang kalahating mukha nito.

Ipinagkibit-balikat ko iyon. It's not my business anymore. Ang importante ay ginagawa naman nito ng maayos ang trabaho nito.

"Looks like you've waited for me to wake up again." Sambit ko habang nakatitig ako sa mga mata nito.

Her eyes are beautiful. Halos mata na lang kasi nakalitaw dito. Hindi ko makita ng buo ang mukha nito.

"You've been doing that for three days now. I'm sorry again I slept here. And thank you for the coffee." Nginitian ko ito.

Bahagya itong yumuko.

"Ayoko namang gisingin ka, Sir. Ang himbing kasi ng tulog mo. Sige po. Enjoy your coffee." Anito at nagpaalam.

Hindi ko alam kung bakit sinundan ko ito ng tingin. Sa unang araw na pagpasok ko pa lang sa cafe na ito ay naagaw na agad ng babaeng iyon ang atensyon ko. Maybe it was because of her scarf. I'm curious why she's hiding her face o baka trip lang nitong takpan ang mukha nito.

Napailing ako sa naisip at kapagkuwan ay sumimsim ng kape.

Napatingin ako sa sahig at nakita ang name plate. Pinulot ko iyon at binasa ang pangalan.

Hanna.

Pagmamay-ari iyon ng babae. Ilang araw ko na rin nakikita ang name plate na ito na nakasabit sa uniform nito. Maybe she didn't noticed that she drop this. Inubos ko ang kape at tumayo.

Hinanap ko ang waitress at nang makita ito ay naglakad ako papalapit dito.

"You drop this." I said and handed her the name plate.

Tila nagulat pa ito sa paglapit ko.

"T-Thank you, Sir." She said.

I noticed that she have accent. Parang pinipigilan lang nitong magsalita ng purong english. Mas lalo kong napapansing may accent ito kapag nagsasalita ito ng puro tagalog. Her voice is somehow familiar. I don't clearly remember where I heard that voice. Well, it sometimes happened. May mga boses na magkakapareho lang.

Hinugot ko ang pitaka mula sa bulsa ko.

"Are you allowed to accept tips from the customers?" I asked.

"H-Ha? Y-Yes, Sir." She answered.

I don't know why I find her cute whenever she's stuttering.

Humugot ako ng tatlong libo at hinawakan ko ang kamay nito. Pinatong ko iyon sa palad nito.

"Here's your tip. My appreciation for serving my coffee for three days." Sambit ko at hindi ko na ito binigyan ng pagkakataong makapagsalita.

Tinalikuran ko ito at diretsong lumabas.

Bumalik ako sa loob ng hospital at pumasok sa loob ng private room ni Arriane. Naabutan ko itong nakatulala sa kisame.

Nilapitan ko ito at hinawakan ang kamay nito.

"How's my baby sister?" I softly asked.

Tumingin ito sa akin at sumilay ang tipid na ngiti mula sa maputlang labi nito.

"Kuya, halos may mga asawa na 'yong mga kaibigan mo, dapat mag-asawa ka na din." Sambit nito at pinagsiklop ang mga kamay namin.

Mahina akong natawa at masuyo kong hinaplos ang buhok nito.

"Magpagaling ka muna, okay? Promise, mag-aasawa kaagad ako kapag gumaling ka na." Mahinang sambit ko.

She pouted her lips.

"We'll never know what will happen, Kuya. Gumaling man ako o hindi, mag-asawa ka pa rin. I want to see you happy with your loved one. I want you to meet your own happiness. I want you to meet a girl that you will protect with your life and to love her with all you heart. Gusto kong makita kung paanong ma-inlove ang kuya ko. Gusto kong makita kung paanong magselos ang kuya ko kasi may dumidikit sa babaeng mahal niya. I want you to be love by someone you deserve, Kuya. Gusto kong makita kung paano mong itataya ang lahat para sa babaeng mahal mo and how you accept her with all her flaws and imperfections. Gusto kong mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal mo sa'kin bilang kapatid mo." Maluha-luha ang mga mata nito habang binabanggit ang mga katagang iyon.

Yumuko ako at masuyong hinalikan ang noo nito.

"I promise to do all of that, baby girl. Kapag natagpuan ko na siya, mamahalin ko siya ng sobra. I promise you that." I said and kiss her on the cheek.

"Promise kuya, ha? Kapag natagpuan mo na ang babaeng para sa'yo , don't you ever hurt her." Mariing bilin nito.

"Yes, baby girl. I promise." Finally, she smiled.

"That's good enough, then." She said.

"Hmm-mm. How's your feeling now?" I asked as I caressed her soft cheek.

"I miss my Prince." She murmured.

"He'll be here later, baby. You know him, hindi makakatagal ng isang oras 'yon nang wala ka sa tabi niya." Naiiling na sambit ko.

"I know." She smiled.

"Ililipat ka namin sa Korea." Sambit ko.

Tumango ito at tumitig sa mga mata ko.

"Kuya, don't forget your promise, ha? Get a woman and marry her." She said and smiled sweetly.

I don't like it whenever she's like this. Ayoko 'yong pakiramdam na parang nagpapaalam ito. I love my sister so much. Ayokong mawala ito sa'kin. Kung bakit kasi si Arriane ang nakamana ng sakit sa puso ni mommy? Bakit hindi na lang ako? Kung puwede ko lang saluhin ang sakit nito ay gagawin ko.

I sigh as I watch Arriane closed her eyes. She's sleeping now. Ilang sandali lang ay pumasok si Prince. Walang imik na lumapit ito sa amin at kaagad nitong hinalikan sa noo ang kapatid ko.

"I'll sleep here. Umuwi ka na muna." Anito.

Tumango ako at tinapik ko ang balikat nito. Kahit pilitin ko itong umuwi para magpahinga ay hindi rin ako nito susundin. Arriane is Prince's priority.

"I'll be back." I said and tap his shoulder again.

Lumabas ako ng private room ng kapatid ko at dumiretso sa parking lot. Habang nagmamaneho ay nakita ko ang pamilyar na babae na naglalakad sa daan. It's the waitress in the cafe beside J'Smiths hospital, Hanna.

Binagalan ko ang pagmamaneho at wala sa sariling sinundan ko ito. Naglalakad lang ito na tila wala sa sarili. Hindi ba ito marunong mag taxi? Gabi na at madilim sa daan, bakit naglalakad lang ito? At tangina, ano nga ba ang pakialam ko? She's none of my business anymore.

Naiiling na bumusina ako at nakita ko ang pagkabigla nito nang mapalingon sa kinaroroonan ko. Binaba ko ang salamin na bintana ng kotse ko.

"Saan ka umuuwi? Ihahatid na kita." Fuck, Ethan! I thought she's none of your business, you motherfucker!

"U-Uh, 'wag na po, Sir." Magalang na pagtanggi nito nang makilala ako.

"I insist. It's getting late. Babae ka, hindi ka dapat naglalakad lalo na sa madilim na daan. Hop in. I'll send you home." I seriously said.

Nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata nito.

"Papasok ka o papasukan kita?" Tangina ka talaga, Ethan!

"H-Ha?" Gusto ko tuloy matawa sa inosenteng hitsura nito na tila hindi naintindihan ang sinabi ko.

"I said, hop in." I commanded.

Tila napipilitang sumunod ito. Awtomatiko kong binuksan ang pinto ng kotse.

Nang tuluyan itong makapasok ay mahina akong napaungol nang mangibabaw ang amoy nito sa loob ng kotse ko. I like her smell.

What the fuck is happening to you, Ethan?!

"Your seatbelt, please." I murmured and when she didn't move, I leaned in towards her.

Narinig ko ang malakas na pagsinghap nito.

"Relax, I won't bite you." I said as I buckle up her seatbelt.

"I-I'm sorry. I didn't mean to act that way." She said and I look at her eyes.

Ilang sandali akong napatitig sa mga mata nito at kapagkuwan ay napalunok. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at umayos ng upo.

"Would you mind if I ask you about your...scarf? I mean, you're hiding your face." I said while driving.

"It's something that you don't want to see." She said with almost a whisper.

Sandali ko itong nilingon at muling itinutok ang mga mata sa kalsada. I asked her address and she gave it.

"Dito na lang, Sir." Anito pagkatapos ng ilang minutong byahe namin.

I pulled over and saw a small apartment. It's not even look like an apartment. Parang boarding house iyon. Nakikini-kinita kong pagkapasok na pagkapasok sa maliit na bahay na iyon ay kama na agad ang makikita ko. Parang kinuha lang nito iyon para may matulugan. At marami itong katabing maliliit na bahay na nagmimistula ng squatter ang lugar. Marahil ay squatter nga talaga ang lugar na ito.

"Diyan ka nakatira?" Tanong ko.

Tumango ito.

"Medyo malayo tapos nilalakad mo lang kanina?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Muli ay tumango lang ito at inalis ang seatbelt nito.

"Salamat sa paghatid, Sir. Napakabuti mo." Anito at napangiwi na lang ako.

No matter how hard she tried, she still have her accent. Bigla ay parang na-curious ako sa pagkatao ng babaeng 'to. She's living in a place like this but there's something in her that keeps bothering me.

Nang buksan nito ang pinto ng kotse ko ay may nahagip ang mga mata ko sa kanang leeg nito.

"Wait." Mabilis ko itong hinawakan sa kamay.

Tumingin ito sa akin.

"B-Bakit, Sir?" Tanong nito.

Napatitig ako sa leeg nito at kapagkuwan ay napatingin ako sa mga mata nito. Pinipigilan ko ang sariling huwag alisin ang takip sa mukha nito.

"Aren't you gonna invite me inside? I want to drink. Kahit tubig lang." Diretsong sambit ko.

Napatitig ito sa mga mata ko at kapagkuwan ay tumango. Lihim akong napangiti at muling napatingin sa leeg nito.

Hindi ko alam pero ayaw akong patahimikin ng isang bagay na nakita ko sa leeg nito. Mas lalo akong nahihiwagaan sa pagkatao ng babaeng ito. At hindi ko rin alam kung bakit bigla ay naging interesado ako.

Fuck!

This isn't good!

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 80.2K 41
MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#5: Jastin Rivera "I beg you. Don't give up on me. Please." - Jastin Rivera Date started: August 2019 Date ended:...
6.3K 138 13
Matagal ng may pagtingin si Syrra Amber Montes kay Nicholas Herrero, ang apo ng business partner ng kaniyang lolo. Lumaki si Syrra sa puder ng kaniya...
76.2K 2.6K 137
RISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | GEMINI Title: Isaac Genesis Zodiac Genre: Romantic comedy | Light Erotica | R-18 Synopsis: Gene and Trini have shar...
7.9K 142 51
Ariston Ghold Zodiac owns the Ghold's Garden, and just like how he has broad knowledge about plants and flowers, he also knows his way around women...