Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

496K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XVIII

9.7K 229 29
By Invalidatedman

Note: Sorry sa mahabang paghihintay. Marami lang po kasi akong ginagawa. :) Kulitan tayo sa FB kapag walang ginagawa. Pa-add na lang po ako ♥ Salamat. 

 P.S. L I B R E  L A I T ! Wala lang 'tong update na 'to. Kinalawang ng matagal 'yung utak ko eh. Kailangang magrefresh. Pagbigyan niyo na ako. T.T

Facebook: https://www.facebook.com/profile.php?id=100005191846337

Ask.fm: http://ask.fm/ColdFire19

* Reggo

Sinampal sampal ko 'yung sarili ko noong oras na ako na lang mag-isa sa kwarto.

" Umayos ka, Reggo. Umayos ka! " habang palakad lakad sa gitna ng kwarto ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko kanina. Ngayon lang nag sink-in sa utak ko na parang mali ata 'yung ginawa ko, na parang nakakahiya. Gustuhin ko mang magtalukbong ng unan at kahit ilang beses kong ibaon 'yung mukha ko sa kailaliman ng kama ko... wala na! Nagawa ko na. Baka kung anong isipin ni Jia. Baka isipin nun, may nararamdaman pa rin ako para sa kanya. Ganda naman niya. Baka isipin ng barkada hindi pa ako nakakamove-on, asa naman sila. Baka isipin ni Gray, nagseselos ako... Ah! Ano ba! Hindi pwede. Hindi ako nagseelos.  

Umupo ako sa harap ng salamin at tiningnan ko 'yung sarili. Inalala kong mabuti 'yung mga sandaling dumating si Jia. Inaexamine ko 'yung sarili ko. Wala naman eh. Wala talaga akong naramdamang iba. Sa totoo lang, natuwa pa nga ako kasi after almost four years, nakita ko na ulit 'yung first girlfriend ko. Wala naman siyang ginagawang masama. Way back then, alam kong mabait na babae 'yan. Kaya hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naging ganun, nawala sa mood. Hindi naman kasi pwedeng nagseselos ako sa kanila ni Gray kasi... ahh! Basta! Hindi pwede. 

" May boyfriend ka ng tao, Reggo. Ano bang ginagawa mo? " bulong ko sa sarili ko.

" Hindi ako affected! Hindi ka affected. Hindi.Ka.Affected.pinipilit kong isaksak sa kokote ko 'yung mga salitang 'yan

Alam ko, noong inihahatid ako ni Nixon pauwi, alam kong naguguluhan siya sa mga ikinikilos ko. Parang kanina lang ang saya-saya ko, wala. Parang normal lang lahat. Then all of a sudden, nawala ako sa mood. Hindi naman ako bipolar para maging ganun. 

Maya-maya ay tumunog 'yung cellphone ko. Dali-dai ko itong hinanap. Nakita kong may mga unread text. Tatlo galing sa mga kaibigan ko, apat galing kay Nixon at isa galing kay Gray. Noong nakita kong nakarehistro 'yung pangalan ni Gray sa inbox ko, natigilan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Biglang kumalabog 'yung puso ko. Idedelete ko ba? Pero bakit naman siya tetext sa akin? Nag-aalala ba siya? Parang may kung anong boses sa akin na nag-udyok para buksan 'yung text niya. Hindi ko alam pero alam kong naeexcite ako. Napailing na lang ako sa reaksyon ng katawan ko. 

" Sinabi ng umayos ka eh! " 

 

* Gray

Dahil sa bakasyon, walang masyadong magawa. Ilang araw na ding hindi nagkakasama-sama ang barkada dahil may kanya-kanyang commitments na dapat unahin. Naiintindihan ko naman 'yun. 'Yun lang, hindi ko talaga maiwasang hindi mabore. 

Si Reggo, hanggang ngayon si Reggo pa rin 'yung iniisip ko. Paano naman kasi, ang tagal na mula noong huli ko siyang makita. Mukha pa yatang bad mood. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagkaganoon 'yun nung huli kaming tumambay. Noong una naman, masaya pa siya. Kitang kita ko pa 'yung matatamis niyang ngiti habang nakikipaglambingan dun kay... Err... kay Nixon. Kaya naman napataas na lang ako ng kilay ng bigla itong mag-aya umuwi. Anong mayroon? May nagawa ba kaming mali? Napansin ko kasi noong dumating si Jia ay bigla na lang nagabago ang timpla ni... Ahh! Siya nga! Si Jia! Nakanang nanay mo o'oh! Ba't 'di ko naisip 'yun? Siguro kaya siya nagkaganun kasi anjan si Jia. Diba may nakaraan sila dati? Siguro hindi siya kumportableng kasama niya sa isang barkadahan 'yun ex niya. Kaya nga! Ba't di ko naisip 'yun? Pero at the back of my mind, parang sumaksak sa puso ko. Strike 2! 

Naramdaman kong nagvibrate mula sa bulsa ko 'yung cellphone ko. Kinuha ko iyon at tiningan kung sino 'yung nagext.

From: Jia

Let's hang-out? Game?

Since wala naman akong gagawin, I replied yes. 

***

" Anong movie ba gusto mo? " tanong ko sa kanya.

" Hmm... mas gusto kong Wrong Turn Six. Parang exciting. " nasasabik niyang sabi. 

Napangiti na lang ako. 'Yun din kasi 'yung gusto kong panuorin since 'yung mga natitirang movies eh puro romantic. Hindi na naman kasi ako fond ng romantic movies simula noong mawalan ako ng dahilan para maniwala sa pag-ibig. I know it sounds bitter but that's life. Natuwa rin ako kasi kokonting babae lang 'yung ganito, 'yung kayang sumakay sa trip ko... sa trip ng mga lalaki. 

Nakabili na ako ng ticket at saktong papasok ng kami ng may biglang tumawag ng pangalan namin.

" Gray... Jia? " boses mula sa likod. 

Nakita naman namin si Nixon kasama si Reggo na kasalukuyang nasa likod niya. Hindi ko alam kung bakit hindi siya tumitingin sa amin. Para siyang nagtatago o nagpapanggap na hindi niya kami nakita. Kitang kita ko kasi 'yung uneasiness sa kanya. Bakit, Reggo? Gusto kong maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan pero parang wala naman ako sa lugar magtanong... obaka ako lang talaga 'yung nag-iisip non? O baka siguro dahil sa kasama ko? Mabuti pa si Jia, affected si Reggo sa kanya. Samantalang ako... parang wala na akong epekto sa kanya. Napangiti na lang ako ng pilit. Masakit eh. 

Ganoon pa rin 'yung epekto niya sa akin. Hindi pa rin nagbabago 'yung kabang dulot niya sa akin kapag siya'y nasa paligid. Hindi siya nakakasawang tingnan. Walang nagbago. 'Yung relasyon lang namin 'yung nagbago. Kung itatanong niyo 'yung pagmamahal ko ba sa kanya? Wala. Walang nagbago. Mahal na mahal ko pa rin siya. Posible pala 'yun 'no? Mas mamahalin mo yung isang tao sa oras na wala na siya sa'yo? 'Yun lang, may mga bagay na dapat ilugar. May mga bagay na talagang hindi pwede. 

" Huy... ok ka lang? " napabalik ako sa wisyo ng kalabitin ako ni Jia. 

Napansin ko rin na nasa tapat na naming dalawa si Gray at si Nixon. 

" Ah... oo. " simple kong sagot at saka ko ibinalik 'yung tingin ko kay Reggo na hawak hawak 'yung cellphone niya at parang may kung anong kinakalikot. 

" Wrong Turn Six din papanuorin niyo bro? " casual na tanong ko kay Nixon. Just to break the ice.

" Oo, gusto nito eh. " sabay nguso kay Reggo. 

" Great! Kami din eh. Double date na lang tayo if you guys wouldn't mind. " masiglang bati ni Jia. 

" Double date? So it means... may something na din sa inyo? " nagulat ako sa itinanong ni Nixon kaya agad ko namang iniharang 'yung kamay ko para sabihing walang namamagitan sa amin.

Nakita kong natigil si Reggo sa pagtetext. Nakatitig lang ito sa cellphone niya at parang may iniisip

" Nag-aya lang kasi 'to. Siguro bored lang din. Pero wala talaga... friends lang kami.tumango na lang si Nixon.

Double date. Magandang idea, masayang idea... sana. Magandang idea sana 'yan kung si Reggo lang 'yung nakalingkis ang kamay sa akin ngayon. Masayang idea sana 'yun kung si Reggo 'yung ka-date ko ngayon. 

Nauuna silang maglakad sa amin. Ako'y tahimik lang na naglalakad samantalang 'yung dalawang nauuna sa amin, ang sweet sweet. May paghawak pa ng kamay, palibhasa madilim. Pero kahit ganoon, kitang kita ko pa rin na magkaintertwined 'yung mga daliri nila. Ang sakit pa rin pala. Kahit matagal na. Kahit ilang araw na 'yung nakakalipas, hindi ko pa rin pala siya kayang tingnang hawak ng iba. Hindi ko pa rin kayang tanggapin na iba na 'yung humahawak ng kamay niya. Talagang hindi kami katulad ng dati. 

" Dito ako sa tabi. Hindi ko kasi feel sa gitna. " wika ni Jia noong makakita kami ng bakanteng upuang kakasya kaming apat kaya wala akong nagawa kundi umupo sa katabi niya.

Halos manigas naman ako sa kinauupuan ko ng muling magtama ang kamay namin ni Reggo. Siya kasi 'yung umupo next to me. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla akong napako sa kinauupuan ko. Parang natatakot ako na naeexcite na ewan. Suspense/Horror 'yung papanuorin pero parang iba 'yung nararamdaman ko... parang Romantic. Yaa! Baduy lintek. 

Hindi ko alam kung magpapasalamt ba ako sa Diyos dahil sa itinabi niya ako sa taong mahal ko o malulungkot dahil alam kong hindi naman ako 'yung gusto niyang katabi at hinding hindi niya ako titingnan. 

Habang nagpeplay 'yung movie hindi ko maiwasang hindi matawa. Hindi dahil sa nakakatwa 'yung movie kundi dahil nakakatawa 'yung kalapit ko. Halos ibalot na niya 'yung mukha niya sa tuhod niya para lang hindi niya makita 'yung pagpatay nung hillbilliy sa mga victims niya. I must say, talaga namang nakakapanindig balahibo 'yung paraan ng pagpatay nila. Pero anong magagawa mo? Wrong Turn 'to eh. Hindi 'to Wrong Turn kung hindi brutal killing ang makikita mo sa screen. Yea, I'm talking about Jia. Ayokong tumingin sa left side ko... nasasaktan lang ako. Ako sana 'yung lalaking sasandalan niya sa mga ganitong pagkakataon. Ako 'yung sana 'yung taong hahawak ng kamay niya kapag natatakot siya. Braso ko sana 'yung nakapulupot sa kanyang katawan sa tuwing nilalamig siya, kagaya ngayon. 

Maya-maya ay nakita kong tumayo si Nixon. Tapos biglang nagsalita si Jia.

" Nix? Gagamit ka ng toilet? " tumango naman si Nixon. " Pasabay naman ako oh. Natatakot ako eh. Baka mamaya nanjan lang pala sila sa tabi-tabi. " napatawa naman ako 'don. 

" What?! " inis na singhal sa akin ni Jia. 

" Wala. Sige. Umihi ka na. Baka dito ka pa abutin. " natatawa kong sagot dito.

" Mamaya ka. Suntok ka sa'kin. " tapos ipinakita niya 'yung kamao niya at mukha niyang gigil na gigil.

Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa hindi ko na sila matanaw. Aktong ibabalik ko na sana 'yung tingin ko sa screen ng hindi sinasadyang nahuli kong nakatingin sa akin si Reggo. Parang... parang may problema. 'Yung mata niya parang nangungusap, parang may masakit? Tatanungin ko na sana siya kung anong problema dahil hindi ko kayang makita siyang nasasaktan ng bigla niyang alisin ang pagkakatitig sa akin at muling ibinalik sa screen. Gusto ko sanang itanong kung may problema ba kaso inabot naman ako ng hiya kaya naman ibinalik ko na rin lang 'yung atensyon ko sa pinapanuod namin. 

Ngayon lang nag sink-in sa akin 'yung thought na kami lang palang dalawa ni Reggo ang naiwan dito. Para tuloy kaming nagdedate. Minsan nga, sumasagi sa isip ko kung alam ba ni Nixon 'yung ginagawa niya. Siyempre, sino ba namang boyfriend 'yung papayag na iwanang mag-isa 'yung boyfriend niya kasama ng ex niya diba? Minsan din naiiisip ko kung alam ba ni Jia 'yung tungkol sa amin ni Reggo. 

Nasa gitna ako ng pagninilaynilay, saglit na nawala 'yung atensyon ko sa panunuod ng bigla kong maramdamang may dumampi sa palad ko. Pagtingin ko... sh*t. Totoo ba 'to?!

* Reggo

" Fuuuuuccckk! " 

Hindi ko alam pero bigla ko na lang naipikit 'yung mata ko dahil ayokong makita 'yung mangyayari. Bigla na lang akong napahawak kung saan. Ganito talaga ako kapag kinakabahan. Para akong nagfefreak out. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Dahan dahan kong idinilat 'yung isang mata ko at ng masigurado kong ok na, wala na 'yung nakakaaduwang scene ay nagmulat na ako. 

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na parang nastuck sa pagkakatingin sa akin si Gray. Aaminin, ko apektado ako. Ayoko aksing tintingnan niya ako ng ganyan. Nacoconscious ako. Noong una, tinatanong ko sa sarili ko kung abkit siya nakatitig sa akin. Pumasok pa nga sa isip ko 'yung tungkol sa amin... pero kaagad ko iyong inalis sa isip ko at inisip na baka trip niya lang tumitig sa akin. Pero habang tumatagal ay hindi pa rin niya inaalis 'yung titig sa akin kaya naman minabuti ko ng magtanong. 

" May problema ba? " marahan kong tanong dito. 

Ngumiti lang siya. 'Yung ngiting 'yun... parang nagwala 'yung puso ko.

" Wala. Itatanong ko lang sana kung ok lang na tanggalin ko na 'yung kamay ko, kukunin ko lang 'yung cellphone ko. Nahulog kasi eh. " 

Napalunok na lang ako ng laway sa narinig ko. 'Yu...'yung kamay daw niya. I...ibig sabihin... Crap! Next thing I knew, 'yung malambot na bagay pa lang kanina ko pa hawak-hawak ay 'yung kamay niya. Dali-dali ko namang binawi 'yung kamay ko mula sa mahigpit na pagkakahawak at kaagad na humingi ng sorry dito. 

" Sorry. Na...nahulog ko pa ata phone m...mo. " Anong nangyayari?! Ba't nauutal ako.

" Ok lang. " sagot niya at saka yumuko para kunin 'yung telepono niyang nahulog na parang walang nangyari. 

Napapikit na lang ako at napakapit ng mahigpit sa gilid ng upuan na inuupuan ko! Sh*t! Lupa, lamunin mo na ako ngayon please? Kung pwede lang! Ba't kasi ang dilim dilim! Hindi ko tuloy nakita kung ano 'yung nahawakan ko. Pero mabuti na lang at madilim, atleast hindi niya makikita 'yung reaksyon ko. Panigurado kasi akong parang kamatis sa pula 'yung mukha ko ngayon. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim at saka ko kinagat 'yung lower lip ko. 

" Umayos ka. Kilala kita, kinikilig ka. " bulong ko sa sarili ko.

" Ha? May kausap ka? " 

Nasabi ko ba 'yung nasa isip ko?! Oh Crap! Nagmumukha na akong tang* dito. Kotang kota na ako. Super epic fail 'tong araw na 'to. 

" Ah... w...wala. Baka guni-guni mo lang 'yun. " pagpapaplusot ko. Mukha namang kumbinsido siya.

Nasaan na ba kasi si Nixon? Parang iihi lang e ang tagal-tagal. Pinapaligo pa yata noon 'yung ihi niya. lintek!

Lumipas ang ilang minuto at natanaw ko na si Nixon at si Jia. Nauuna si Jia na maglakad habang si Nixon ay may dala-dalang paper bag. Kanina naman wala 'tong dalang ganito ah? Umupo ito sa mga upuang iniwan nila kanina at ibinalik ang atensyon sa pelikula naming pinapanuod. Maya-maya'y may kinuha si Nixon doon sa paper bag na dala-dala niya. 

" Oh. " inabot niya sa akin 'yung isang sweater. 

Napangiti naman ako dahil ang thoughtful niya. Ang thoughtful ng boyfriend ko. 

Kinuha ko naman 'yun at saka isinuot. Ngayon, mejo mas ok na sa pakiramdam. 

" Pasensya na kung natagalan ako ha? Bumili pa kasi ako niyan eh. Hindi ko kasi kayang makita kang nilalamig. Kaya kahit mawalay sa'yo ng kaunting minuto... ok lang. Huwag ka lang lamigin. Baka mamaya magkasakit ka pa eh. Mas kaya kong maglakad ng kaunti at mawalay sa'yo ng ilang minuto kesa magkasakit ka.seryoso niyang sinabi sa amin habng magkatitigan kami. 

" Sa...salamat. " nasabi ko na lang dahil hindi ko alam 'yung sasabihin ko. Ngumiti lang siya sa akin. 

" Wala 'yun. Mahal kita diba?wika niya. 


Parang naguilty naman ako sa sinabi niya. Mahal niya ako kaya niya ginagawa 'to sa'kin. Sinasabi kong mahal ko siya pero pakiramdam ko pinagtataksilan ko siya. Alam ko naman kasi sa sarili na hindi ko pa rin siya kayang mahalin ng buo. Ang bigat sa loob marinig sa kanya kung gaano niya ako kamahal kasi pakiramdam ko hindi ako karapatdapat sa ganyang klase ng pag-ibig. Masyadong totoo. Parang pakiramdam ko ang sama-sama kong tao kasi wala akong ibang ginawa kundi saktan lang 'yung taong ginagawa ang lahat mapasaya lang ako. Na hindi ko kayang ibigay 'yung pagmamahl na katulad ng binibigay at ipinaparamdam niya sa akin. 

* Gray

" Mahal din naman kita eh.

Kinig na kinig ko kung paano sila magpalitan ng matatamis na salita. Para akong binabalatan ng buhay dito sa mga naririnig ko. Ang sakit! Puch*. Ang bakla lang pakinggan pero totoo. Sobrang sakit pala talagang marinig mula mismo sa bibig ng mahal mo na may mahal siyang iba. Hindi ko alam kung paano ko itatago kasi gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib ko sa sobrang sakit. Hindi ko lang ipinapahalata pero kanina ko pa gustong magwala. Oo. Tanggap ko na nga eh. Alam kong sila na pero sana naman maging sensitive sila sa mga taong nasa paligid nila. Tanggap ko na nga pero hindi ibig sabihin nun manhid na ako, na hindi na ako masasaktan. 

" Ok ka lang ba? " tanong sa akin ni Jia habang naglalakad kami palabas ng sinehan. 

" Ok lang ako. Uwi na tayo? " yaya ko dito. Sumang-ayon naman ito at saka nagpaalam sa dalawa. 

Humarap din ako para pormal na magpaalam sa dalawa. Gusto ko sanang iwasan 'yung mapanuring titig ni Reggo pero wala akong magawa. Siguro talagang ganoon na nga. Kapag titingin ako sa kanya ay hinding hindi ko maiiwasang titigan 'yung mata niya. Gusto kong maintindihan kung bakit ganoon na lamang siya kung makatitig sa akin. Para kasing may ibig sabihin. Pero natatakot naman ako. Baka kasi mas lalo akong masaktan diba? Minsan talaga tayo rin ang gumagawa ng mga bagay na ikakasakit natin. 

***

Sabaw diba? Oo, wala nga kasing kwenta. Pagpasensyahan niyo na at babawi na lang ako. :D Marami pa namang mangyayari eh. Abang-abang na lang po :) 

Nababasa niyo po ba ng buo? Paki-PM nga ako kung hindi. 'Yung iba kasi ang sabi hindi daw nila mabasa ng buo. 

Continue Reading

You'll Also Like

200K 7.9K 27
In order to take revenge from those who bullied him during his junior days, Lexus Ethan Alvarez must live with his moody, mysterous and alluring hous...
1.6K 437 46
This is a story full of happiness that turns into sadness and pain when they discover more things about themselves. It is a story that makes you laug...
154K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?
1K 132 59
At Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a p...