✅Looking Back To My Nightmare...

By YuChenXi

464K 21.2K 2.7K

STATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Story Makakaya mo kayang mabuhay ng tahimik a... More

PROLOGUE
#¹: Alex
#²: Zander
#³: Magnus
#⁴: Alex
#⁵: Alex
#⁶: Magnus
#⁷: Alex
#⁸: Alex
#⁹: Magnus
#¹⁰: Alex
#¹¹: Magnus
#¹²: Alex
#¹³: Alex
#¹⁴: Magnus
#¹⁵: Magnus
#¹⁶: Alex
#¹⁷: Alex
#¹⁸: Magnus
#¹⁹: Alex
#²⁰: Magnus
#²¹: Alex
#²²: Alex
#²³: Alex
#²⁴: Magnus
#²⁵: Alex
#²⁶: Alex
#²⁷: Alex
#²⁸: Alex
#²⁹: Alex
#³⁰; Magnus
#³¹: Magnus
#³²: Alex
#³³: Magnus
#³⁴: Alex
#³⁶; Alex
#³⁷: Magnus
#³⁸: Demetre AKA Democritus The Mad Scientist
#³⁹: Magnus
#⁴⁰: Magnus
#⁴¹: Magnus
#⁴²: Alex
#⁴³: Magnus
#⁴⁴: Magnus
#⁴⁵: The Finale
#⁴⁶: Epilogue

#³⁵: Magnus

8.3K 392 107
By YuChenXi

Kumurap pa ako kung tama ba ang mga nakikita ng mata ko. O nananaginip lamang ba ako.

Sinalat ko pa ang nuo ko kung may lagnat na naman ba ako at nagdidileryo lang ako kaya kung ano ano na lang ang nakikita ko. At mainit nga ang nuo ko, may lagnat pa nga ako. Marahil nga, panaginip lang siya na nasa tabi ko. Kaya naman hindi ako kumilos. Baka kasi kapag kumilos ako ay bigla na lang siya maglaho na parang bula. Hahayaan ko na munang maramdaman ko ang init ng kanyang katawan na bumabalot sa akin habang yakap niya ako.

Oo, kahit sa panaginip man lang ay makatabi ko siya. At sana balang araw, ay matupad ang panaginip ko ngayon. Iyong nasa tabi ko na siya at napatawad na niya ako. Pumikit ako at ninamnam ang bawat sandali na katabi ko siya sa panaginip ko. Gusto ko sana siyang dampian ng halik sa kanyang nuo ay nagpigil ako. Baka mawala siya sa tabi ko kapag ginawa ko iyon.

Kaya kahit gustong gusto ko ding yakapin siya ngayon ay para na akong estatwa na hindi gumalaw para lang hindi din ako magising sa panaginip ko. Pero nagulat pa ako at lalo akong naestatwa sa pagkakahiga ko ng kumilos siya at nagsumiksik sa katawan ko. At gaya ng hindi pa kami nag away at nalaman ang lahat ay inaamoy na naman niya ako. At nakaramdam na lang ako ng sakit dahil pinanggigilan niya akong kagatin sa may dibdib ko. Saka ito kumilos at tingalain ako matapos niyang dampian din ng halik ang kinagatan niya.

Damn, maglalaho na ba siya dahil nagising na siya. Huwag pa naman sana. Dahil gusto ko pa siyang nandito sa tabi ko. Huwag pa sana akong magising sa magandang panaginip ko. Pero naghintay parin ako na mangyari iyon pero hindi siya naglaho, bagkus masuyong naguhitan ng ngiti ang mga labi niya. At kinusot pa ang mga mata saka siya bumangon.

"Gutom na ako." Narinig kong sabi niya kaya muli akong kumurap at kinusot ko na rin talaga ang mga mata ko baka sakaling magising na ako sa panaginip ko dahil parang totoo siya.

Wait, kung panaginip lang ito , bakit pala ako nakaramdam ng sakit gayong panaginip lang ang lahat. At talagang ramdam ko na nanuot ang sakit sa bandang kinagatan niya. Saka dinig na dinig ng dalawang tainga ko ang boses niya. Sandali nga.

Dahil sa naguguluhan ako ay bigla akong bumangon ag nakalimutan ko na may suwero pala sa isa kong kamay kaya natanggal iyon. Pero hindi na iyon ang mahalaga sa ngayon. Kailangan kong makasiguro na hindi lang siya isang panaginip. Hinaplos ko siya sa pisngi at bahagyan iyong kinurot.

"Aray, bakit ba nangungurot ka. Masakit kaya ang makurot." Reklamo niya saka niya tinampal ang kamay ko. "Tignan mo, dumugo na ang kamay mo." Hinawakan niya ang kamay ko saka dali daling kinuha ang bulak sa ibabaw ng bedside table na nandoon at itinapal iyon sa kamay kong naalisan ng suwero.

"Totoo ka?" Tanong ko pa talaga sa kanya dahil hindi talaga ako makapaniwala. "Hindi lang ako nananaginip?" Dagdag ko pa sabay lihis ng damit ko at tinignan kung may marka ng ngipin niya ang kinagatan niya. Dahil kung mayroon, hindi nga ako nananaginip lang.

Muli akong nagtaas ng tingin sa kanya ng makita ko ang marka ng ngipin sa balat ko. Totoo nga siya at hindi lang ako nananaginip. Pero bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito gayong galot parin siya sa akin? Nandito ba siya para muling batuhin ako ng kung anong bagay?

Kung ganun man sana, bakit siya nakihiga sa tabi ko. Inamoy ako saka pinanggigilang kagatin gaya ng ginagawa niya kapag sinusumpong siya ng paglilihi niya.

"Gutom na ako." Muling narinig kong sabi niya saka parang bata na hinihila pa ang kamay ko.

"Bakit?" Bagkus tanong ko. Bakit? Maraming bakit  na katanungan sa isipan ko.

"What do you mean why?? Di kakain na tayo, kasi gutom na ako. Kanina pa ako naghihintay na magising ka para sabay tayo kumain, pero inantok ako sa paghihintay sayo kaya nakihiga nadin ako at natulog sa tabi mo." Sabi niya sa akin. Pero hindi iyon ang gusto kong marinig ngayon. Ang gusto kong malaman ay kung bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Anong dahilan kaya siya naparito? At anong ibig sabihin na nandito siya ngayon sa bahay ko. Aawayin niya ba ako kaya hinihintay niya na magising ako. O nandito siya dahil napatawad na niya ako sa kasalanan ko sa kanya? Iyon ang mga katanungan sa isipan ko. Pero ang mas gusto kong mabigyan ng kasagutan ay ang huli. "Siguradong tulog na si Joy, pero gutom ako. Alas dose na siguro ng hating gabi. Anim na oras din akong mahigit na naghintay sayo na magising ka. Pero nakatulog pa rin ako." Dagdag pa niya at nakasimangot na tumingin sa akin. Kumilos muli para lumapit sa akin at isinubsub na naman ang ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko saka na naman ako inamoy. "Amoy gamot ka. Mmmmm, pero gustong gusto ka parin ng pang amoy ko." Naibulong niya saka siya yumakap sa akin. "You silly Magnus. Kung hindi pa dumating si Angel sa bahay hindi ko pa alam na natuluyan ka pala sa pagbato ko ng base." Saka niya tinampal ang likod ko at bahagyan na naman akong kinagat sa balikat.

"Argh!." Pilit kong hindi indain ang sakit sa kagat niya dahil parang malalapnos ang balat ko dahil mahina parin ang katawan ko. Kaya naman pala, nagpunta parin si Angel sa bahay nila. Humanda ang Angel na iyon sa akin kapag nagpunta siya dito. Sinabi kong huwag niyang sasabihin sa kanya pero sinabi parin nito. Pero.. Pero kung hindi niya sinabi, walang Alexander na yumayakap sa akin ngayon, wala ang asawa ko ngayon na nakabaon ang mukha sa balikat ko ngayon. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.

"Alam mo bang apat na araw akong naghihintay sa pagpunta mo sa bahay. Simula ng hapon na huli mong punta doon, kinaumagaahan naghintay na ako. Kahit inaantok ako sa hapon, pinipilit kong huwag matulog dahil iyon ang oras ng pagpunta mo doon, pero tatlong araw akong naghintay. Namaga ang mata ko sa kakatingin sa daan kung may Magnus ba na naglalakad palapit o may asawa ba akong susunduin na kami pauwi dito sa bahay. Pero sa ikaapat na araw, naasar na ako at nasagad na naman ang asar ko, dahil hindi ka dumating kung kailan handa na akong ibigay sayo ang kapatawaran ko. Kung kailang gusto ko ng mapatawad ka. Tapos bigla na lang dumating si Angel, sasabihing. Kung gusto pa kitang makitang buhay puntahan na kita. And then, she sent me the footage sa cctv dito sa silid mo. And.. and I'm sorry. Hindi ko akalain na sumobra na pala ako. Sumobra na pala ako sa pagpapahirap ko sayo na halos muntik ka ng mawala sa akin. Mawala sa amin ng mga anak mo "mahabang lintaya niya habang hindi siya kumawala ng yakap sa akin. At ang maraming katanungan sa isip ko ay nabigyan niya na ng kasagutan.

Hindi ko ngayon alam ang gagawin ko. Sa haba ng sinabi niya isa lang ang tumatak sa isip ko. Ang salitang pinapatawag na niya ako. Ang isipin iyon ay biglang tumulo ang luha ko. Kumilos ang kamay ko at iniyakap na iyon sa kanya. Iyong yakap na hindi ko na siya papakawalan. Yakap ng may kapanatagan sa loob. Dahil ang asawa ko. Tuluyan na niya akong napatawad.

"Hey! Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin na pilit na kumakawala sa akin. Pero hindi ko siya binitawan.

"Just let me hug you Alexander. Just let me hug sweetheart." Iyon na lang ang tanging nasabi ko. Gusto ko siyang yakapin dahil parang hindi totoo lahat ng narinig ko.

"Pero gutom na ako." Sabi niya at pilit akong itinutulak. Doon ko narinig ang pagkalam ng sikmura niya kasabay ng sa akin. At habang magkayakap parin kami ay  saka kami sabay na natawa. Panira ng moment. Kung kailang seryusong seryuso ang usapan namin saka pa umeksina ang sikmura naming pareho.

Ayaw ko man sanang masira ang kaganapan ngayon ay saka ko na lang uulitin ang mga sandaling ito. Kailangan na muna naming puunan ang tawag ng ng sikmura namin. Total naman totoo siya at hindi lang basta panaginip ang lahat. Kumilos ako para tumayo pero pinigilan niya ako.

"Bakit?" Tanong kung muli sa kanya.

"Hindi mo pa kaya." Pigil niya sa akin.

Ngumiti ako saka masuyong ginulo ang buhok niya saka ko siya hinila.

"Kaya ko na. Saka, apat na araw na akong nakahiga. At walang kain. Tanging dextros na lang ang bumuhay sa mga alaga ko sa tiyan kaya ngayon nagrarambulan na sila. Pero ikaw. Ikaw ang hindi pwede magutom, dahil magrereklamo ang baby natin diyan sa tiyan mo." Sabi ko sa kanya sa pabirong paraan. Oo, nanghihina pa nga ako. Pero mas lalo akong manghihina kung hindi ako kakain.

Gising na nga ako kanina, pero lukong Angel iyon. Iniwan ako ng hindi man lang ako binigyan ng pagkain. Tinulungan na nga ako hindi pa sinagad. Pero nagpapasalamat parin talaga ako sa kanya.

"Pero..."

"Shhhh! Kaya ko sweetheart. Kaya tayo na. Mayroon naman sigurong niluti si Joy para sa atin. Iyon lang kung hindi ka nakitang dumating at hindi siya nagluto ng marami."

"Nakita niya ako. Tapos nagpaluto ako kanina. Kaya mayroong pagkain sa baba. Sigurado iyon." Sagot niya sa akin.

"Ganun naman pala eh. Tara na." Muli ko siyang hinila patayo. Nanginginig man ang paa ko ay pinilit kong maglakad. Napansin naman niya iyon siguro dahil umalalay siya sa akin.

"Kaya mo ba talaga? Ano na lang kaya kung ako na lang ang bababa at iaakyat ko ang pagkain dito?" Tanong niya sa akin saka tumigil sa paglalakad.

"Naku huwag na. Mapapagod ka lang. Baka mamaya nakasimangot ka na naman na aakyat."

"Hmmp! May elevator naman." Sagot niya.

"Hahah! Oo nga ano. Pero sabi mo nga may elevator naman. Kaya sabay na tayong bumaba."

"Bahala ka na nga. Basta gutom na ako." Iyon na lang ay nagpatuloy na nga kami sa pagbaba hanggang sa unang palapag at agad na tinungo ang kusina.

Pero hinala at hindi pa tulog si Joy at nasa kusina.

"Magandang gabi sir."

"Bakit gising ka pa. Hating gabi na." Sabi ko kaysa sagutin ang sinabi niya.

"Ayos lang iyon sir. Naghintay talaga ako na maginsing kayo para makakain na. Apat na araw po kasing wala kayonv kain. Sabi ni ma'am Angel kanina na dapat kumain na kayo dahil hindi daw po panghabangbuhay na dextros lang ang magpapalakas sa inyo."

"Ganun ba. Sige salamat Joy."

"Tamang tama ko sir, naipainit ko na po ang pagkain kanina lang. Napapansin ko kasi na ganitong oras na nagugutom si sir Alex kaya inunahan ko na para wala na kayong gagawin kundi kakain na lang."

"Maasahan ka talaga. Sige, pwede mo na kaming iwan. Kami na bahala dito." Magalang na nagpaalam nga ito sa amin at bumalik na sa silid nilang mga kasambahay namin. Saka naman kami nagkatinginan. Wala man kaming sinabi pero kusang kumilos ang mga paa namin patungo sa mga nakatakip na pagkain na sa lamesa at nilantakan nga iyon hanggang sa matapos at maubos nga namin lahat ng nakahandang pagkain.

Para akong nabuhayan ng lakas dahil sa wakas nagkaman na ng tuluyan ang tiyan ko at higit sa lahat. Nandito na ang asawa ko. Ang Alexander ko.

"Tutulungan na kitang maligo." Sabi niya sa akin ng magpasya akong maligo muna dahil amoy gamot ang buong katawan ko. "Baka mabasa pa ang sugat mo sa nuo."

"Sige." Sabay kaming pumasok sa banyo. At gaya nga ng sabi niya. Tinulungan niya nga akong maligo. Ako ang nagsasabon sa katawan ko habang hawak niya ang shower filter at itinapat iyon sa katawan ko para hindi na muna mabasa ang ulo ko. Iwas basa sa nuo ko.

Lihim pa akong napapangiti dahil umiiwas siya ng tingin sa tuwing dadako ang kamay ko sa gitna ng hita ko habang nagsasabon. Gumagana man ang kapilyuhan sa utak ko ay hindi ko naman iyon ginawa. Saka na lang. Kahit gusto ko man siyang angkinin na ngayon ay huwag na lang muna. Gusto ko munang makausap ito ng maayos dahil nabitin ang usapan namin kanina.

"May iinumin ka pa bang gamot?" Tanong niya sa akin ng makapagbihis kami.

"Wala na, tinignan ko ang inilista ni Angel sa chart niya kanina bukas pa ako iinum ng gamot." Sagot ko sa kanya saka ako lumapit at niyakap siya. "I miss you sweetheart." Bulong ko ng kulong na siya sa mga yakap ko. Tinugon din niya ang yakap ko. "Im really really sorry." Kumawala ako ng yakap sa kanya at iginiya ko siya paupo sa gilid ng kama. Nasa ikalawang palapag kami kung saan ang silid naming dalawa.

"Alam ko, na ang laki ng naging kasalanan ko sayo at hindi basta basta ang pagpapatawad sa ginawa ko. Pero pinagsisihan ko ng lahat sa gabi ding iyon. Gustong gusto kong makausap ka ng araw ding iyon. Pero nakita ko ang galit mo, paghihinagpis. Pagkamuhi mo dahil sa ginawa ko." Pagsisimula ko sa pagpapaliwanag sa kanya.

Alam ko, narinig na niya lahat ang paliwanag ko noong kausap ko ang mga magulang niya. Pero kailangan ding sa akin mismo galing at kaharap ko siya.

"Alam ko na lahat iyan." Pagpipigil niya sa mga sinasabi ko.

"Pero gusto kong sabihin sayo lahat. Kung paano nagsimula ang pagmamahal ko sayo at nauwi na nga sa naging kasalanan ko. Simula ng nakita kita at nasilayan noon, habang mahusay na gumigiling at nagsasayaw. Alam ko, kakaiba na ang naging dating mo sa akin simula noon. Na ang paghanga ko sa yo sa pagsasayaw ay naging pagmamahal. Pero, natalo ako ng pagnanasang gusto ko agad na maging akin ka at ang pagmamahal ko sa iyo ay nauwi sa pagnanasa na naging dahilan sa ginawa ko. Sising sisi ako ng matapos ko iyong gawin. Naranasan ko nga ang sarap na dulot ng pag angkin ko sayo pero sa giawa ko, namuhi ka. At nagtanim ng galit sa akin. Umuwi ako sa bahay para sana makapag isip. Hindi ko naman hahayaang magtagal iyon. At babalik din sana ako agad, pero doon umeksena ang papa ko. At gaya ng narinig mo sa sinabi ko sa papa mo. Kina mama. Totoo lahat iyon. Dahil nawala sa alaala ko ang ilang bagay sa utak ko. Kaya hindi ko na naitama ang pagkakamali kong iyon at umabot nga ng limang taon." Pagsasalaysay ko. "I know, mali man ang ginawa ko ngayon, pero ito ang hindi ko pinagsisisihan. Ang naging disesyon ko na pakasalan ka at unti untiing itama ang kasalanan ko sayo noon. Kaya humihingi ako ulit ako ng kapatawaran mo. Alexander, sweetheart. Im sorry."

Hindi siya agad nakasagot dahil titig na titig siya sa akin. Namumuo sa mga mata niya ang pinipigilang pagluha pero kumilos siya at niyakap ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Isinumpa ko sa sarili ko na kapag nakita ko ang taong gumawa sa akin ng masama noon na maghihiganti ako. Oo, pagkapuot at galit ang naging pundasyon ko sa loob ng limang taon na iyon. Hanggang sa nakilala kita. Nakilala kita sa tunay na ikaw. Bilang si Magnus Mondragon at hindi ko nakita ang lalaking iyon sayo. At minahal kita. Kaya ngayon nalaman ko man na ikaw ang lalaking iyon noon, nagising man ang galit at pagkapuot na ibinaon ko sa pusot isipan ko. Hindi na ganung kabigat iyon dalhin. At ngayon, handa na akong magpatawad, para makalimutan ko na at maisarado sa puso't isipan ko na minsan isinumpa ko ang lalaking iyon. At maluwag na sa dibdib ko na buksan ang bagong yugto ng buhay ko kasama ka. Kasama kayo ni Zander. Kasama kayo ng magiging baby natin." Seryusong sabi niya sa akin. Kumilos ang kamay niya at ikinulong sa mga palad niya ang magkabilang pisngi ko. "Magnus Mondragon, pinapatawad na kita. At handa na akong kalimutan ang naging kasalan mo sa akin noon."

Masuyong hinawakan ko ang mga kamay niya na nasa pisngi ko. At dinala sa tapat ng labi ko at hinalikan. Ngumiti na tumitig sa kanya.

"Maraming salamat Alexander, maraming salamat Asawa ko." At niyakap ko siyang muli. Masayang masaya ako na ngayon ay tuluyan na niya akong napatawad. Kaisasarado na ang pahinang iyon sa buhay namin. "I love you sweetheart."

"Mmmm." Saka niya muling ibinaon ang mukha sa leeg ko.

"Ahhhhhhh!." Nawala bigla ang kaseryusuhang bumalot sa aming dalawa, dahil ayon na naman ang pagkagat niya sa balikat ko. "Sweetheart naman eh. Nag eemote pa ako." Hinaluan ko ng pagbibiro na reklamo ko sa kanya. At sinapo ang kinagatan niya.

"I love you too." Sagot niya sabay hila sa akin pahiga. Kung hindi lang siguro siya naglilihi ay iisipin kong paraan niya lang ang pagkagat sa akin sa paghihiganti niya. Mabuti na lang at buntis siya at ipinaglilihi ang anak namin.

Umayos na ako ng higa ko. Umunan siya sa kanang braso ko at agad na nagsumiksik sa katawan ko.

"Nagpa check up ako kay papa noong nakaraang buwan."pagbubukas niya ng usapan habang abala naman ang kamay na masuyong humahaplos sa ibaba ng dibdib ko.

"Sayang, hindi ko tuloy narinig ang unang tibok ng puso ng baby natin." Sabi ko. Gusto ko pa naman na sana sabay naming marinig ang tibok niyon.

"Mmmm, hindi ko pa din naman nadinig." Sagot niya at tiningala ako. Gumuhit ng masuyong ngiti sa labi. "Kasi gusto kong sabay nating marinig ang unang tibok ng puso ng baby natin."

"Talaga, you mean. Kung ganun wala ka talagang balak patagalin ang paghingi ko ng tawad."

Tumango siya. "Nagpasya lang akong umalis ng umagang iyon dito sa bahay dahil gusto ko ng makapag isip ng maayos. Tinitimbang kung hanggang saan umabot ang galit sa puso ko pero gaya ng sabi ko. Mas mahal na kita kaysa sa galit ko sayo." Sagot niya sa akin.

"Thank you again sweetheart."

"Kaya bukas, magpaultrasound ako, para makita na natin ang baby natin at marinig ang tibok ng puso niya. Isama natin si Zander."

"Sige, sweetheart. Gusto ko iyan, eh. Nasaan pala ang anak natin?" Pagkuway tanong ko ng maalala ko.

"Nasa bahay, ibinilin ko naman kay mama na kung hanapin ako sabihing nandito ako. Kaya alam na niya iyon. At alam kong masayang masaya na siya ngayon."

"Akala ko kasama mo ng pumunta dito. Sisilipin ko sana sa silid niya."

"Mmmm, wala eh. Sigurado na paggising natin, nandito na siya." Nakangiti niyang sabi. Kaya naman niyuko ko siya at dinampian ng halik sa labi bago siya umayos ng higa at muling nagsumiksik sa katawan ko kaya naman iniyakap ko ang mga braso ko sa kanya.

"I miss you sweetheart."

"Namiss din kita." At sa mga katagang iyon ay sapat na para sa amin para sa gabing ito. Hanggang sa tuluyan na kaming ginupo ng antok at tuluyang nakatulog.

=

"Papa, daddy. Good morning." Nakangiting bumungad sa amin si Zander ng sabay kaming lumabas ng silid ni Alexander.

Agad na nagpakarga ito sa akin at humalik sa pisngi ko. Ganun din sa kanya ng lapitan niya ito.

"Napano ang nuo mo papa.?" Tanong nito dahilan para magkatinginan kaming dalawa. "Dahil ba sa pinapahirapan na namang ng baby brother ko si Daddy kaya naganyan ang nuo mo papa?" Dagdag tanong pa nito.

"Parang ganun na nga baby. Pero hindi na ito madadagdagan dahil goob boy na si baby brother ngayon sa tiyan ni daddy." Sagot ko dito saka ko naman inabot ang kamay niya at ikinulong sa kamay ko.

"Ganun po ba. Mabuti naman ang nag bi behave na si baby brother. Eh daddy. Kailan natin ililipat ang mga damit natin dito. Miss ko ng basahin ang mga naiwan kong libro sa silid ko."

"Mamaya siguro baby." Ako ulit ang sumagot. "Kasi pupunta tayo kay papa lolo para makita na natin si baby brother at marinig na ang tibok ng puso niya." Nakangiti kong sabi dito na nakapagpaluwang ng ngiti nito.

"Talaga, yehee. Makikita ko na ang baby brother ko. Yehee." Tuwang tuwang sabi niya na sinabayan pa ng pagtaas ng mga kamay niya.

"Yes baby, so be ready okay. Kakain na muna tayo tapos saka tayo maghahanda para puntahan ang papa lolo mo mamaya." Nakangiti kong sagot dito kaya naman sabay sabay na naming tinungo ang hapag kainan at nag agahan.

Matapos mag agahan, nag ayos ng sarili at tuluyan ng bagtas ang daan patungo sa kung saan nasan ang papa niya. Sa sariling clinic nito kung saan siya nanganak kay Zander noon.

Nakangiti pa itong sumalubong sa amin ng ihatid kami ng isang nurse sa doctor office nito.

"Magandang umaga po papa." Halos sabah na pagbati namin ni Alexander.

"Magandang araw papa lolo. Makikita na namin ang baby brother ko." Nakangiting bati naman ng anak namin sa kanya.

"Magandang umaga din Zander. At kayo, kumusta na?"

"Okay na sila papa lolo. Kasi hindi na pinapagirapan ng baby brother ko si daddy. And we will moving out again in the house." Masayang sagot ni Zamder dito na ikinatuwa naman ng papa. Tinanguan na lang kami nito sabay ngiti.

"Kung ganun handang handa ka na bang makita ang baby brother mo?" Baling nito kay Zamder.

"Opo, tara na po. Tara na po." Excited na excited nitong hila kay papa at ganun din sa kanya. Kaya naman nagpahila na lang sila dito na para bang alam na alam kung saan dadalhin ang daddy niya.

Maliit man ang clinic ay kumpleto ang kagamitan  sa loob. May ilang ward din kung sakaling may manganganak na pasyente nito.

Inihanda na ni papa ang gagamitin niya. Kaya ng gusto kong napadali dahil gustong gusto ko na ding makita ang anak namin ay tumulong na ako sa pagsasaayos ng lahat. Hanggang sa tuluyan ng nai set ang ultrasound at ngayon ay nakahiga na siya at iniscan na nga ng papa ang tiyan niya.

"What is this?" Napatingin pa sa akin si papa bago napatingin sa kanya.

"What happened papa? May problema ba?" Tanong ni Alex at pinaglipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

Muli kaming nagkatinginan ni papa. Saka ako kumilos para halikan siya sa nuo at binuhat si Zander. Saka ko muling itunuon ang pansin ko sa monitor ng ultrasound.

"Magnus, papa? Anong nangyari? Bakit hindi kayo nagsasalita????" Naguguluhan nitong tanong sa amin saka niya hinawakan ang isang kamay ko. "Magnus naman eh. Sabihin mong okay lang ang baby ko. Sabihin mo."








*****

YuChenXi

Continue Reading

You'll Also Like

121K 5.8K 39
Psycho Mafia #2: Arrange marriage? Who still does that? People these days are quite open minded to understand that they find love at their own will...
479K 19K 43
STATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Story Zyrel & Bryant Clent & Brix Love team collab,
162K 6.5K 49
Hanxo Felix Joaquin. [BxB] He is one of the founder of Ardahas Fraternity. His father build that Fraternity. But suddenly his sister died because of...
12.5K 342 33
The hidden truth of the doctor named Alvares Diego Guerrero.