Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

Per Invalidatedman

495K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ Més

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter XI

9K 219 36
Per Invalidatedman

Add niyo ako sa FB: https://www.facebook.com/profile.php?id=100005191846337. Chat chat tayo 'don :) <3

* Reggo

On the way na ako papunta sa park kung saan palaging nagkikita-kita kaming tropa kapag walang magawa. Dahil sa tapos na ang klase nila at wala naman daw mga importanteng gawain, napagdesisyunan namin na magsama-sama at magkwentuhan man lamang kahit saglit. 

Nasabi na rin pala sa akin ni Mama na baka gusto ko daw na dito na lamang ituloy 'yung pag-aaral ko since nakatapos na naman ako ng isang semester sa America. Kung gusto ko lang naman daw. Available rin naman kasi sa dati kong school 'yung degree program na kinukuha ko dito. I spent my second and third year in college sa America. Tapos tinapos ko dun 'yung first semester and here I am now, in the Philippines, nagbabakasyon. Honestly, hindi ko alam kung sa America na lang ba ako magtatapos. Sayang din kasi eh. America 'yun. Isa pa, panibagong adjustment na naman ang magaganap kapag nagtransfer na naman ako dito. Pero looking at the other side, kaya ko namang mag-adjust. Isa pa, mas komportable ako dito. Dito, hindi ko kailangang bantayan 'yung mga kilos ko, o 'yung pananalita ko. Nandito ba 'yung totoong ako. Ewan. Bahala na. 

Matapos 'yung mga pangyayaring naganap sa beach nila Gray, hindi na naman naopen 'yung topic na 'yun. Siguro alam din nila na ayaw ko ng pag-usapan 'yung mga bagay bagay na nangyari noong mga oras na 'yun. Dahil nga doon, para kaming nanggaling sa prusisyon noong umuwi kami. Halos walang nag-uusap. Ramdam mo 'yung awkwardness sa loob ng sasakyan at kapag magkakasama kami. Kahit anong pilit noong iba na gawing light 'yung vibes, kahit anong pilit noong iba na ibalik 'yung bonding namin, wala eh. Talagang hindi maganda ang simoy ng hangin. 

Matapos ang ilang minuto'y nakarating ako doon sa park na sinasabi ko. Hindi naman siya ganoon kagandang park. Ordinaryo lang. May playing area para sa mga bata. May pahingahan at may mga tambayan para sa mga magtotropang kagaya namin. Mayroon din namang lugar para sa mga magkakasintahan. 

" Ano... kamusta na? " bungad ko ng makalapit ako sa pwesto nila at saka nila ako binigyan ng tig-iisang apir. 

" Ikaw ang kamusta na. Hindi ba nagagalit sa'yo si Nixon? " tanong naman ni Jam.

" Nope. Kilala naman niya ako eh. Alam niyang hindi ko gagawin 'yun. " tugon ko. 

Marami kaming napagkwentuhan. Karamihan ay throwback noong mga panahong magkakasama pa kami. Naikwento ko rin sa kanila 'yung sitwasyon ko, kung saan ba ako magtutuloy ng second sem. Siguro mga 1 or 2 weeks na lang din kasi ay enrollment na ng university na pinapasukan ko sa America. So, kung tutuloy ako doon, dapat magpabook na ako ng flight. 

" Dito ka na lang Reggo, please? " sambit ulit ni Jam. Ang daldal niya 'no? 

" Siya nga bro. Kung ako papapiliin, sana dito ka na lang din. " tugon ni Miko.

" Pero kung sa tingin mo'y hassle sa'yo o kung talagang mas gusto mo doon, support lang kami. Siyempre, America 'yun eh. Maiintindihan naman 'yun ng barkada. " putol naman ni Trey. Siya talaga 'yung may pinakakakaiba at open minded na tao sa aming lahat. Kaya masarap kausap 'to eh.

" Siya nga bro. Basta 37 size ng bewang ko. Hahaha. " pagbibiro naman ni Jed.

" Ang shuba mo talaga mahal. Papayat ka nga. Please lang. " nagbibirong sabi ni Jam. 

Eto 'yung isa sa dahilan kung bakit gustong gusto kong dito na lang ituloy 'yung pagkokolehiyo ko. Hindi naman sa pagmamayabang, 'yung school ko dito, lumelevel din naman sa mga top universities dito sa Pilipinas at panigurado naman akong makakapagbigay din ito ng quality education kagaya ng nakukuha ko sa US. Pero siyempre, you can't change the fact na America 'yung school na ipagpapalit ko. America. 

Late na ng mapansin kong parang wala si Jandrix... at si Gray. 

" Na'san pala si Jandrix? " tanong ko.

Nagkatinginan naman silang lahat at saka ngumiti ng parang nag-aasar. 

" Si Jandrix lang ba? " sabay sabay nilang sagot. 

" Fine! Nasan sina Jandrix at Gray? " pagbabago ko sa tanong ko. " Happy? " sarkastiko kong sinabi sa kanilang lahat.

" Si Jandrix, hindi ko alam kung nasaan 'yun. Hindi naman kasi 'yun mahilig tumambay. Si Gray, nasa bahay nila. Nagpapagaling. " wika ni Trey.

" Nagpapagaling? May sakit ba 'yon? Ok naman siya nitong umuwi tayo diba? " 

" Hindi mo ba alam? " nagtatakang tanong ni Trey sa akin at umiling na lamang ako bilang pagsasabing wala akong alam sa sinasabi niya. " Noong tumatakbo siya noong mga panahong muntikan ka ng malunod... nakatapak ata siya ng sea urchin. Sea urchin nga ba? " pagsisigurado niya. Tumango naman ang iba. 

" 'Yun. Nakatapak siya noon. Eh mukhang malalim yata kaya hindi makapaglakad. Noong nag-outing pa yata tayo 'non. Siguro ayaw lang niyang ipakita sa'yo. Kilala mo naman 'yung ex mong 'yun diba? " dagdag pa ni Trey.

" Tsk. Kailangan pang isama 'yung 'ex-thingy' na 'yun? " inirapan ko lang siya. 

Matapos kong marinig 'yun, parang may boses na nagsasabi sa akin na puntahan ko si Gray. Siyempre, dahil sa akin kaya siya nagkakaganun. Marami rin akong nababasa na talagang masakit makatapak ng sea urchin. Pero siyempre, parang ayoko din dahil hindi nga kami ok. Gusto ko lang namang malaman kung ok lang siya? Kung masakit pa  ba 'yung sugat? Siyempre, kung hindi naman niya ako sinagip eh 'di hindi siya magkakaganun at malamang, baka nalunod ako. Kaya... 'yun lang 'yun. Gusto ko lang siyang puntahan kasi may utang na loob ako sa kanya. 

***

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko ng bigla kong makita ang aking sarili na dumodoorbell sa harap ng bahay nina Gray. Dapat wala ako dito! Dapat nasa bahay ako! Pero may boses na nagtulak sa akin para pumunta dito. Konsensya! 'Yun! Konsensya. Tama 'yun nga. Wala namang ibang pweeng dahilan pa eh. 

Para akong aatakihin sa puso nung biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang matandang babae. Siguro kasambahay nila. Sa loob loob ko, parang nakaramdam ako ng disappointment. Siguro kasi si Gray 'yung gusto kong magbukas ng pinto... kasi... kasi siya 'yung pinunta ko dito. Diba? Ay! Oo nga pala. Nakatapak nga pala siya ng sea urchin. Nawala sa isip ko eh :3 

" Manang... si Gray po? " magalang kong tanong.

" Andun po ser sa kwarto niya. Nagpapahinga. " tugon nito. 

" Totoo bang ano... nakatapak si Sir Gray mo ng ano... umm... sea urchin? " pagsisigurado ko. Baka mamaya pinagtitripan lang ako nung barkada ko eh. Suntok sila sa akin.

" Ay ser... hindi ko po alam 'yung sea urchin. Ano 'ho ba 'yon? " napakamot na lang ako sa ulo ko. Stress lang. " Pero ser, noong bumalik ho dito sina Sir Gray at 'yung daddy niya, hidni po siya makapaglakad ng maayos at may benda 'yung paa niya. " 

Pinatuloy niya ako sa bahay at naglakad kami papunta sa living room. Sinabi ko sa kanyang ako 'yung kaibigan ni Gray at gusto ko lamang siyang kamustahin. Dapat talaga, hanggang doon na lang. Kung baga, malaman ko lang na ok siya ay aalis na ako. Pero traydor nga kasi 'yung katawan ko. May sarili yatang isip.

" Ay ganoon po ba? Sige po. Saan po ba ang kwarto ni Gray dito? " kabisado ko pa rin naman itong bahay nila kahit ilang taon na ang nakakaraan simula noong huli akong tumapak dito. 

" Doon po Ser sa ikatatlong pinto na makikita niyo sa kanan pagkaakyat niyo ng hagdan. " 

" Ano ho? Hindi po ba doon sa ikalawa? Diba doon ang kwarto niya? " gulat kong tanong.

" Ay hindi na po. Basta po noong namasukan ako dito, doon na po talaga siya tumutuloy. Sige ho, maiwanan ko na po kayo Ser, marami pa po akong tatapusin. " tumango na lang ako.

Lumipat pala siya ng kwarto? Doon na pala siya natutulog sa pangatlong kwarto. Doon sa dati kong kwarto. 

Papaakyat pa lamang ako ng hagdan ng biglang bumalik ang lahat ng ala-ala sa akin. Lahat ng masasaya't masasakit, pati 'yung mga hindi naman malilimutang mga sandali noong mga panahong nagkakaintindihan pa 'yung aming mga puso... parang pelikula kong pinapanood sa aking isip. Sa bawat sulok kasi ng bahay na ito ay mayroon kaming mga nagawang alaala. Saksi rin ang bahay na ito kung paano nabuo ang isang pagmamahalang hindi man naiintindihan ng lahat ay amin pa ring itinuloy at ipinaglaban. 

Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto, akmang kakatok na ako ng muli kong pigilan ang kamay ko. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit ko gagawin 'to? Kung anong dahilan kung bakit ako nandito. Pero sadyang traydor ang kamay ko kasi iniisip ko pa lang ang isasagot ko sa tanong ko ay nakakatok na ako'y nagbukas ang pinto. Hindi pala ito nakapinid. 

Kaagad kong nakita si Gray na nakahiga sa kama't tulog. Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto. Ganito pa rin. Hindi niya binago 'yung ayos ng kwarto simula pa noong mga panahong nagkalabuan ang Mommy ko at Daddy niya. Ganitong ganito ko iniwan 'yung kwarto ko noon. Napadako ang tignin ko sa mga litratong nakadisplay at biglang kumislot ang puso ko ng makita kong may isa kaming picture doon. Iyon ay sa palagay ko'y kuha sa paborito naming tambayan noon sa likod ng College of Arts and Sciences building noon. Ako'y nakatingin sa langit sa litrato't nakangiti samantalang siya'y nakaakbay sa akin at nakangiti habang nakatitig sa akin. Hindi ko matandaan kung kailan kinuha ang picture na 'to. Mukha ngang stolen eh. Pero magandang stolen. Hindi masagwang tingnan 'yung mukha ko. 

" Re... Reggo? Ikaw ba 'yan? " nagulat ako. Gising na pala siya. Anong sasabihin ko? 

" A... ano. Bukas kasi 'yung kwarto kaya ano... pumasok na ako. Pasensya ka na kung hindi ako nakapagsabi. Tulog ka kasi. Ayoko sana kitang istorbohin. " 

Nakita niya akong nakatingin sa Frame na hawak hawak ko. Bahagya siyang bumangon at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Ako naman, para akong sunud-sunurang lumapit sa kanya. Inilahad niya 'yung kanyang kamay at bilang pagtugon ay ibinigay ko sa kanya 'yung frame na hawak hawak ko. Tinitigan niya din ito at walang anu-ano'y biglang may gumuhit na matamis na ngiti sa kanyang labi. 'Yung ngiting 'yun... 'yung ngiting nakakahawa. 'Yung ngiting nakakatunaw ng puso. 

" We look so happy before. " sambit ko sa kanya. 

" Yea... so happy. And inlove.halos masamid ako ng marinig ko iyon sa kanya. Tumingin naman siya sa akin ng nakangiti. 

" Hindi mo ba 'to namimiss? " ako nama'y napatignin sa iba. Ano ba to? Ba't niya ginagawa 'to? 

" Nami... namimiss. Kaso may mga bagay talaga na hindi na pwede. " tugon ko sa kanya. Bumalik 'yung tingin niya sa picture at bigla na lamang siyang nagbuntong hininga. 

" Sa bagay. Kung hindi siguro kita niloko, siguro ganito pa rin tayo kasaya. "  kitang kita ko sa mata niya kung gaano siya kasaya habang sinasambit niya 'yung mga salitang 'yun. Hindi maialis 'yung titig niya sa frame na 'yun at hindi rin maalis 'yung mga ngiti sa labi niya. Tila ba nangangarap siya habang nakatingin sa maing litrato. " Ay hindi. Baka mas masaya pa tayo dito. " 

Ibinaba niya 'yung frame sa may table na katabi ng kama niya at saka tumingin sa akin.

" Reggo... " please! 'Wag kang magsosorry, hindi ko alam ang gagawin ko. Baka mapatawad kita  ng wala sa oras. " Reggo, look at me. " sa pangalawang pagkakataon, para  na naman akong asong sumunod sa gusto niya.

" I just want to say sorry. Hindi pa kasi ako nakakapagsorry sa'yo eh. Gusto ko lang malaman mo kung gaano ko pinagsisihan ang panglolokong ginawa ko sa'yo. Maniwala ka. Oo. Totoo 'to. For the first time... aaminin ko. Nagkamali ako. "

" 'W...'wag mo ng isipin 'yun. Matagal... n...na kitang napa... napatawad. " Boom! Talo na ako.

" Talaga? Salamat ha. " kinuha niya 'yung kamay ko at saka pinisil. Para akong nakuryente. " Sorry. Gusto ko lang malaman mo na hindi pa rin nagbabago 'yung nararamdaman ko sa'yo. Mahal pa rin kita, Reggo. Mahal na mahal. Pero alam ko naman kung saan na ako lulugar sa puso mo. Alam kong may iba ng may ahwak nito at wala naman akong balak guluhin kayo. Ang sa'kin lang... hayaan mo lang. Hayaan mo lang akong mahalin ka. Ok na sa'kin 'yun. " 

" Ba...bakit mo 'to ginagawa? Diba may Jandrix ka na? Hindi mo ba siya mahal? At saka ito? Itong picture? Hindi ba niya 'to nakikita? Alam niya ba 'to? " 

" Alam niya 'to. Alam niya lahat... pati 'tong nararamdaman ko para sa'yo. Simula't sapol ikaw naman talaga ang tinitibok ng puso ko. Oo, nagloko ako pero ikaw pa rin 'yung mahal ko. Siguro kami nga... pero kilala ko 'yung sarili ko. Kilala ko kung sino talaga 'yung lamang ng puso ko. " 

Kinuha ko 'yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga oras na 'yon. Hindi ko maintindihan 'yung nararamdaman ko. Hindi! Hindi ako kinikilig. Nakakaramdam lang ako nito kasi alam kong mali... may katipan siyang tao. Kapag ito ay nagtagal pa, wala na kaming magiging pinagkaiba ng pinsan ko. Hindi 'to pwede.

" Ahh... " nangangatog 'yung tuhod ko habang lumalakad papalayo sa kanya. " Narinig ko nasisi ka daw? Ok ka na ba? " 

" Ah 'yun ba? Ok na ako. Baka sa isang linggo, makalakad na ulit ako ng normal. " tugon niya. Nakahinga naman akong maluwag.

" Ah ganun ba? Pasensya ka na. Nagkaganyan ka gawa sa katangahan ko. " 

" Sssh. 'Wag mong sabihin 'yan. Kung hindi ko ginawa 'yon edi nalunod ka? Mas kaya ko pa namang makita kang masaya ka sa iba kesa makitang nasa kabaong ka. " dire-diretso niyang sabi.

Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Hindi ba siya nahihiya sa mga pinagsasasabi niya? Ako kasi, hiyang hiya na ako. Parang baliktad? Hindi ko alam kung anong irereact ko sa bawat pangbobolang binibitiwan niya. Well, may part sa puso ko na tuwang tuwa at kinikilig, aaminin ko. Pero naman! Hindi ako bobo! Alam ko 'yung mga galawang ganyan. 

" Pwede bang 'wag na nating balikan pa 'yung nakaraan natin? O kung ano mang mayroon tayo... pwedeng ibaon na natin sa limot? " sabi ko dito.

" Bakit? " kita ko 'yung pagkabigla niya.

" Hindi mo ba nakikita? Ito 'yung dahilan kung bakit tayo nagkakaaway-away. Kung bakit hindi matahimik si Jandrix. Isa pa, ang pangit tingnan. May boyfriend ka... may dinedate ako. Parang ang pangit. Kaya for once, for the sake of our friendship... ilugar natin 'yung sarili natin. " 

" Hindi ko alam kung matutupad ko 'yan. " walang anu-ano niyang sabi. " Masyado kitang mahal para gawin lahat ng sinasabi mo. Masyado kitang mahal para itapon na lang ng ganun 'yung nararamdaman ko  para sa'yo. "

" Pero hindi kasi pwe... "

" Hon? Hon? May kasama ka ba jan? "  

At parang sa pelikula, dahan dahang bumukas ang pintuan ng kwarto niya. 'Yung puso ko'y parang tambol sa lakas ng kaba. Unti unting bumabakat ang liwanag galing sa labas na natatakpan ng anino ng taong pumasok sa silid ni Gray. Parang biglang nagslow-mo. At ng luminaw ang lahat, nakita ko ang taong iyon suot ang ekspresyong gulat na gulat at parang hindi makapaniwala sa nakikita ng kaniyang dalawang mata.

Continua llegint

You'll Also Like

48.9K 3.2K 32
Ito ang mga luha ko. At kahit gaano karaming luha na ang mailuha ko -- nakikita at nakikita ko pa rin siya na nakangiti sa akin. Malinaw. Maliwanag...
1.1K 67 21
Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxB He has been in love with a straight man all of his life, including today. Even though he knew that his new...
Trapped in a Candy Per irshwndy

Literatura romàntica

801K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
28.5K 2.2K 39
Kisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa...