Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

495K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter IX

8.2K 262 68
By Invalidatedman

Note: Pagpasensyahan niyo na itong maiksi at sabaw kong update. Galing kasi ako sa byahe kaya ito 'yung epekto. Ito lang 'yung nakayanan ko. Sana magustuhan niyo pa din :) 

@Ytianity - maiksi lang 'to pero alam kong gustong gusto mo 'yung nilalaman nito :D Hahaha. 

* Miko

" Babe... " tumingin siya sa'kin at ng magkatagpo ang aking tingin, inilipat ko naman ang tingin ko kay Gray na ngayon ay mag-isang nakaupo sa gitna ng malawak na buhanginan. 

" Sige na, babe. Puntahan mo muna si Gray. Ako ng bahala muna dito. " 

Tumango lang ako sa kanya at saka ko tinungo 'yung daan papalapit kay Gray. Dama ko naman siya. Dama namin siya. Alam namin kung gaano kabigat 'yung dinadala niya. Lalo na ngayon, nakikita mismo ng kanyang dalawang mata kung paano magharutan 'yung dalawa sa gitna ng malalakas na hampas ng ulan. Kilala namin 'yan. Hindi lang 'yan nagsasalita. Hindi lang 'yan kumikibo pero sa loob loob niyan, durog na durog na 'yung puso niyan. Sa totoo lang, kung minsan, hanga pa ako jan sa mokong na 'yan eh. Katulad ngayon. Kung ako 'yan, baka hindi ko kayaning titigan mismo ang mahal kong pinapasaya ng iba, o nasa bisig ng iba. Pero siya, tahimik lang na nakamasid. Walang imik. 

Saktong malapit na ako sa kanya pero sigurado akong hindi pa rin niya ako nararamdaman. Nakita ko pa nga kung ano 'yung sinusulat niya sa buhangin... " GrReggo " Isusulat niya tapos buburahin ulit. Nakanang! Gumaganun pala 'to? Parang bata lang 'no? Minsan, may pagkaisip-bata lang talaga 'tong kaibigan kong 'to. Pero madalas hindi iyon nakikita ng mga tao kasi ang nakikita nila sa kanya, 'pag hindi 'yung panglabas na kaanyuan eh 'yung pagiging tarantado niya. 

" Bro... ok ka lang? " tumabi ako sa kanya. Kita ko naman 'yung pagkagulat sa mata niya pero saglit lang 'yon. Bumalik ulit sa walang buhay na mukha 'yung ekspresyon ng mukha niya. 

" Oks lang 'tol. " simple niyang sagot. 

" Gusto mong magkwento? Makikinig ako. " napatingin siya sa akin ng parang may pagtataka. Pagtapos ay binawi niya. Kumuha siya ng bato at saka ibinato ng pagkalayo-layo at saka siya humugot ng isang malalim na buntong hininga. 

" 'Wag na tol. Wala rin namang patutunguhan. Isa pa, 'wag niyo na lang akong pansinin. Hindi ba kayo naiinis sa'kin? Paulit-ulit na lang ako oh. Mawawala din 'to. " 

Bigla kaming natahimik dalawa. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Ang daming tanong sa isip ko na gusto kong mabigyan ng kasagutan na siya lang ang makakagawa. Baka naman sabihin niyo, masyado na kaming nanghihimasok sa buhay nila. Hindi naman. Pero siyempre, bilang kaibigan concern din kami sa kanila. Hindi lang naman kasi pagkakaibigan namin ang naapektuhan kundi kami na mismo. Aminin man nila o hindi, alam ko, alam naming lahat na hindi na kami 'yung dating tropa na sobrang saya, na parang magkakapatid na ang turingan sa isa't isa. Oo, nakakamiss. Pero... ewan ko. Tadhana lang ang makakasagot kung maiibabalik pa namin 'yun.

" Tol, mahal mo ba si Jandrix? " ako mismo nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig ko. 

" Hindi 'tol.tahasan niyang pahayag.

" Tol, uulitin ko... mahal mo ba si Jandrix? " 

This time, tumingin siya sa mga mata ko. Nakita ko 'yung sinseridad sa mata niya. Oo, minsan ko lang makita 'yun sa kanya pero once na makita ko 'yun, alam kong seryoso siya. 

" Tol... hindi talaga. " 

" Gray uulitin ko... gusto kong sagutin mo ako ng totoo. Mahal mo ba si Jandrix? " 

" Tol... kahit ilang milyon mong ulitin 'yung tanong mo, alam mong iisa lang ang sagot ko. Hindi ko siya mahal.walang nagbago sa sagot niya. I guess, hindi niya talaga mahal 'yung tao.

" Eh bakit mo pinatos? O sige... 'wag na lang 'yun. Bakit mo hinayaang magkaroon kayo ng relasyon? Pwede namang friends with benefits. Mga ganung dale. Given na single ka naman diba? Bakit kailangan may relasyon pa? " ito 'yung gustong gusto kong itanong sa kanya.

Kahit naman ganoon si Jandrix, napamahal na rin naman siya sa tropa. Siguro may kasalanan siya kung bakit nagkahiwalay si Reggo at Gray, pero sa akin, sa ibang tropa, wala naman siyang kasalanan. Labas kami sa kung anong isyu meron silang tatlo. Katulad namin, nagmahal lang siya. At kapag nagmahal ka naman talaga, sabi nga nila, talagang hahamakin mo lahat. Hindi ko sinasabing tama 'yung ginawa niya. Pero ang akin lang, hindi naman siguro tama na husgahan na lang natin siya ng husgahan. Ilagay kaya natin 'yung sarili natin sa posisyon niya? Makakapag-isip ka kaya ng matino? 

" Ewan ko 'tol. Pero sigurado akong hindi 'yun dahil sa may namumuo na akong pag-ibig sa kanya. " dumampot siya ulit ng bato at saka itinapon ito sa malayo. " Siguro... siguro kasi sa tingin ko kailangan ko ng taong aalalay sa akin. Siguro kasi ayokong mapag-iwanan niyo ako. Na kayo may mga syota tapos ako wala. Siguro 'yung pride ko na rin, na ang isang Gray Remulla, na dating hinahabol habol ng babae't bading... ngayon siya ang naghahabol. 'Yung tipong ganoon. Para na rin siguro kahit papaano makalimot ako na nasasaktan pala ako. At siyempre... ayoko ring maramdamang nag-iisa ako. Sino ba namang may gusto diba? Alam kong mali... pero 'yun eh. Nagawa ko. " 

" Bro alam mo? Gustong gusto kitang suntukin ngayon. " totoo 'yun. Lalo na sa mga naririnig ko sa kanya? Biglang namuo 'yung kamao ko. 'Yung dugo ko biglang kumulo. Para siyang hindi lalaki kung mag-isip. Napakamakasarili niya. Pero inintindi ko na lamang siya. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya, baka gawin ko rin 'yung ginawa niya.

" Ba't di mo ko suntukin? Para matauhan naman ako. " 

" 'Yun na nga eh. Gustong gusto kitang suntukin pero naiintindihan kita. Ewan ko ba. " nilaro ko 'yung mga buhangin sa paligid ko. " So... parang lumalabas na ginagamit mo lang siya? Rebound?

" Kung rebound ang tawag doon, oo, ginagamit ko lang siya. Rebound ko lang siya. " 

Pagkabitaw niya ng mga salitang iyon, tumingin ako sa likod namin kasi baka may nakakarinig. Kasi diba, sa mga pelikula't nobela, naririnig nila kapag ganyan 'yung mga sinasabi? Tapos tatakbo? 'Yung mga ganung tipo? Sorry na. Si Trey kasi eh. Puro wattpad ang binabasa sa Laptop niya. Kaya ayun, kapag may oras ako, hindi ko rin maiwasang magbasa. 

Noong muli kong ibalik ang tingin sa kanya, nakita kong parang napastiff siya. Sinusog ko kung saan siya nakatingin at tama ako. Kay Reggo at Nixon siya nakatingin na masayang nag-kukulitan sa gitna ng tubig. At ang malupit pa doon, ninakaawan ni Pareng Nixon si Reggo ng halik. Mabilis dumamoves 'tong kaagad ni kumag. Hindi ko alam kung maawa ba ako dito o ano. Given na siya 'yung gumawa ng sitwasyon na 'to, kung saan siya nakulong. Pero siyempre, as a friend, kahit mali siya, andun pa rin 'yung sympathy mo diba? Ganoon tayong mga kabigan. Pinaparamdam natin sa kanila na kahit mali sila, gusto nating ipakita na hindi pa rin sila nag-iisa. 

" 'Wag mo na silang tingnan kung hindi mo kaya. Masasaktan ka lang. " wika ko. 

" Hindi ko kaya. Parang mas kaya ko pang tingnan siyang masaya sa piling ng iba kesa ang isang araw na hindi ko man lang siya makita. Naramdaman ko na 'to noon. Dalawang taon na ang nakaraan at halos memoryado ko na kung gaano kalungkot ang buhay, kung gaano kadilim ang mundo ko noong wala siya. Kaya kahit masakit, makita ko lang siya... ok na ako. " 

" Teka... are you saying na... sumusuko ka na sa kanya? " 'yun kasi ang pagkakaintindi ko.

" Gag* ka ba? Ba't ko isusuko 'yung taong mahal ko? Nagkamali lang ako tsong pero hindi ako tanga.natatawa niyang sabi. 

" That's the spirit man! " at nag-apir kaming dalawa. " Pa'no? Goodluck na lang jan sa pinaglalaban mo ha? Puntahan ko muna si Trey don. Tutulungan ko siyang magluto. " 

" Siguraduhin mong pagkain ang lulutuin niyo. Baka bata ang lutuin niyo jan ha. " mapanukso niyang tugon.

" Gag* ka! " 

***

Anong masasabi niyo sa reason ni Gray kung bakit nagkaroon siya ng relasyon kay Jandrix? :) 

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 67 21
Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxB He has been in love with a straight man all of his life, including today. Even though he knew that his new...
44.6K 2.5K 37
[BOOK 1 OUT OF 3] What if na-fall ka sa taong tinutulungan mong manligaw sa kaibigan mo? Ano ang gagawin mo? Tuklasan ang kwento ni Tyler at Aldrich...
206K 3.8K 21
Dice and Madisson
605K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...