"Isa! Bitaw na kasi Gene!" Inis kong sabi habang inaalis ang mga braso nito sa bewang ko pero lalo lang humigpit ang kanyang pagkakalingkis. "7:55 AM na at hanggang ngayon andito pa tayo sa parking lot. Malelate na'ko." Maktol ko. Pa'no ba naman, ang aga-aga nya akong sinundo sa bahay tapos mukhang malelate pa dahil sa kalandian nya.
Kahit pa nahihiya akong pumasok ngayon dahil sa nangyaring confession ni Samuel. Na nauwi sa isang epic na revelation dahil sa mga pakialamero kong kaibigan. Kahit papaano ay naawa ako dun sa tao, mabait sya sa akin at wala akong maipipintas na kahit ano sa kanya. Bukod sa nahuli na syang umamin, wala din naman kasi akong nararamdamang special para sa kanya. Mas mabuti na rin sigurong ganon nga ang nangyari.
"It's okay." Sabi nya. Ramdam ko ang panaka-nakang halik nya sa aking leeg pero binaliwala ko iyon. Kahit pa nakakakiliti lalo na kapag bumubulong sya sa may tenga ko pinipilit kong huwag mag-react. Ever since we became official he told me that he really like my neck. Yun daw ang favorite spot nya for the meantime, for the meantime kasi di pa naman daw kami nagka-cramping sa bed. There's so many part of my body where he can consider as best three after we do the cramping according to him. May ma-best three pang nalalaman. Hinampas ko nga. Mahalay talaga minsan ang bibig, walang preno kung magsalita.
"Ayokong ma-late." Ayokong maakusahan ng tardiness no. Saka sayang yung gising ko ng maaga. Hirap bumangon lalo na kapag malamig ang panahon. Mas masarap bumaluktot at matulog.
"I'm your boss so why are you so afraid to be late?" Angal nya.
"Ke boss o hindi, lalabas na ako. At ikaw, sumunod ka after 3 minutes, okay?!" Wika ko. Nakangusong inalis nya ang mga braso bago humarap sa akin.
"Why do we need to do that? Let's just pretend that we unconciously enter the building on the same time."
"Ang kulit mo, di nga kasi pwede." Sabi ko pero nakatitig lang sya sa akin. "Bahala ka na nga." Dugtong ko pa saka nagmamadaling umibis ng sasakyan. Sadyang binilisan ko ang paglalakad para magkaron ng distansya kay Gene. Yun nga lang, di pa man ako nakakapasok ng entrance ay narinig kong may binati si Manong Guard mula sa aking likuran.
"Good Morning Sir." Bati ng Guard.
"Morning." Sagot ni Gene na ngayo'y nasa tabi ko na. "Good Morning Ms. Trinidad." He said while hiding the smirked on his lips. Wala sa sariling napairap ako dahil sa kakulitan nya. Hindi talaga marunong makinig. Tsk
Sa elevator ay may tatlo ng sakay ng pumasok kami. Agad kong pinindot ang tenth at twenty fifth floor pagkuwa'y inobserbahan ang tatlong kasakay namin sa elevator. Ang dalawa ay medyo bata, probably mga students na nagko-conduct ng kanilang on-the job training base na rin sa uniform at school ID nilang makasabit sa leeg. Tumatanggap kasi ang CGC ng mga OJT depende sa course nila pero mostly ay related sa business ang kanilang binibigyan ng slot. Samantala, ang isang babae naman ay kasing edaran siguro ni Gene.
"Good morning, Mr. Carbonel." She greeted without looking at me. Her focus was only for Gene.
Tss. He's mine so back off bitch!
Pero syempre hindi ko yun sinabi. Alert muna tayo, dipende na lang kung may gawin syang hindi ko gusto dahil baka mapangudngod sya sa sahid ng elevator ng wala sa oras. Pero syempre joke lang ulit yon. Hindi ako ganong klase ng babae 'no.
"Morning." Simple at walang ngiting tugon ni Gene sa babae na syang ikinapula ng pisngi nito. Automatic na napataas ang aking kilay ng pasadahan ko ng tingin ang kanyang suot. Sleeveless top ang damit nito na pinatungan ng kulay blue'ng blazer. Masyadong masikip kaya naman halos lumuwa ang dibdib. Habang sa ibaba ay isang hapit na hapit na miniskirt na halos isang dangkal lang ang ikli mula sa tuhod. Napailing ako. Pokpok skirt. Tsk. Pwede palang magsuot ng ganon dito sa CGC? Hindi ko alam yun ah.
Gusto ko syang taasan ng kilay ng mahuli ko itong panay ang tingin kay Gene. I even saw her bit her lower lip and flipped her hair as if she's seducing Gene. Paulit-ulit nyang ginagawa yon na natigil lang ng muling bumukas ang elevator. May pumasok na dalawang lalaking parehas mataba kaya umatras kami ng konte para bigyan sila ng space. Naramdaman ko ang bahagyang paghila sa akin ni Gene paatras sa pinakalikod kaya naman umurong ako pero yung babae nakiatras din! Aba-aba nakakahalata na ako.
Umakto ang babae na may kinukuha sa bag, ilang segundo lang ay may nalaglag na lipstick at gumulong yon sa mismong harap namin ni Gene. Nagkunwari itong nagulat at bahagya sanang yuyuko para abutin ang lipstick pero agad akong nagkunwaring may lamok sa binti at tinapik ang parteng makati kuno sabay pasimpleng sinipa ang lipstick para maalis iyon sa harapan ni Gene.
"Oppps! pasensya na Ate nasipa ko pala. Yung lamok kasi eh hehehe. " Sabi ko, kunwari'y nahihiya. Kinulbit ko naman yung isang lalaki sa unahan na medyo maputi, agad naman itong lumingon sa amin. "Kuya pakipulot naman, nahihirapan kasing yumuko si Ate." Sabi ko.
"Okay po." Sabi ng lalaki bago dinampot ang lipstick saka binigay sa babae.
"Thank you." Nginitian ko ito maging ang babae pero isang pasimpleng irap lang ang isinagot nito sabay talikod sa amin na syang ikinangisi ko. Kala mo ha! Para-paraan kasi e akala mo di ko alam ang gagawin nya. Kapag yumuko sya, lalong mae-expose ang dibdib nya. May pagkahayok pa naman itong lalaking katabi ko. Tss
"Possessive e?" Bulong sa akin ni Gene na ikinairap ko lang. "Don't worry, I don't like her boobs. I like yours, it's perfectly fit in my hands." Dugtong pa nya na syang ikinapula ng aking mukha. Hayop talaga! Bastos.
Nang dumating sa 10th floor ay di ko na nilingon si Gene. Dali-dali akong lumabas ng elevator at nagdiretso sa aming department sabay salampak sa aking upuan. Nilingon ko ang loob at napansin kong wala si Elma bukod doon ay may napansin din akong bagong mukha. Nginitian ko ang babae na agad rin namang ngumiti sa akin.
"Bago ka?" Tanong ko.
"Opo. Kakasimula ko lang ngayon. Ako po si Tamara."
"Ako naman si Vina. Welcome to CGC Finance department sana maging masaya ka dito sa amin." Sincere at nakangiti kong sabi kay Tamara.
"Salamat ate Vina."- Tamara
"Si Elma nga pala?" Tanong ko kay Joyce.
"Absent, masama daw ang pakiramdam." Sagot nito habang busy sa pananalamin.
"Ganon ba? Hindi man lang nagpasabi ang bruhang yon sa akin."
"Biglaan kasi. Tinatawagan ka daw nya kaso di mo raw sinasagot." Dugtong pa ni Joyce. Doon ko lang naalala na naiwan ko palang nakacharge ang cellphone ko sa bahay. Sana makita ni Nanay o kahit ni Papa dahil baka ma-over charge at sumabog.
Buong maghapon akong tumutok sa computer dahil mag-e end of the month na naman at nalalapit na naman ang pasahan ng monthly report. At bilang financial advisor, kailangan ko ding pag-aralan ang budget para sa gaganaping company christmas party na taunang isinasagawa. Although, gamay na gamay ko na ang mga bagay na iyon, kailangan ko pa ring makasiguro na tama at sapat ang budget na aming ilalabas. Kailangan ko iyon i-coordinate sa naka-assign na mag-oorganize ng party which is mostly ay galing sa Admin department. At sa bagay na ito ay itinalagang katulong ko si Tamara para daw matuto.
Tamara is pretty, chinita and a little bit skinny pero may shape. She's twenty one and a fresh graduate. I can see na magaling syang manamit at mukhang sanay na sanay magsuot ng matataas na heels. She can walk and roam the building confidently na hindi man lang natatakot matapilok. I heard, sumasali daw ito sa mga beauty contest nung nag-aaral na madalas namang manalo. Hindi kataka-taka dahil maganda naman talaga sya.
Kinahapunan ay nagtext ako kay Gene na mauna na ako sa kanya dahil may bibilhin pa akong mga personal hygiene sa mall. Nung una ay nagsabi itong sasama buti na lang at naalala kong may meeting pa itong dadaluhan bandang alas kwatro y media ng hapon kaya wala itong nagawa.
Sa mall, bago mamili ay naisipan kong magwindow shopping muna. Titingin na rin ako ng pwedeng maibigay kay Gene bilang pasasalamat sa lahat ng tulong nito sa amin. Sa paglalakad ay nahagip ng mata ko ang isang babae na may bitbit na ilang supot habang hirap na hirap maglakad patungo sa may exit. Huminto sya saglit at bahagyang hinimas ang may kalakihang tiyan bago muling binitbit ang mga supot.
Naiinis pa din ako sa kanya pero nangibabaw sa akin ang awa. Kung bakit hinahayaan sya ni JP na ganito ay hindi ko alam. Walang dalawang isip na nilapitan ko sya.
"Tulungan na kita." Walang emosyon kong sabi dito.
"Huwag na Miss--- V-Vina?" Namumutlang usal ni Mariel ng makita ako.
"Saan ba ang sakayan nyo para masamahan na kita?" Tanong ko. Muli ay nakaramdam ako ng hili ng mapasulyap ako sa umpok ng kaniyang tiyan. Ako kaya? Kailan kaya ako magkakaanak?
"W-wag na. S-salamat na lang."
"Nasaan ba ang asawa mo at hinahayaan ka nyang mamalengke ng ganyan ang kalagayan mo?" Tanong ko pa. Sa halip na sumagot, naging mailap ang mga mata niya at waring takot na makasalubong ang aking tingin.
"Kailangan ko ng umalis." Aniya na dagling binitbit ang mga supot saka umalis. Sinundan ko sya ng tingin hangang sa makasakay ito ng taxi. Hindi nakaligtas sa'king paningin ang pagkunot ng noo at mariing pagpikit ng mata niya na tila nasasaktan. Bigla akong kinabahan, kung tama ang iniisip ko mukhang manganganak na siya.
Mabilis akong sumunod sa kinaroroonan nito, saktong sinasabihan ni Mariel ang taxi driver na dalhin siya sa pinakamalapit na ospital. Agad akong pumasok ng taxi para daluhan ang namimilipit na si Mariel.
"V-Vina..ahh manganganak na ata ako!" Ungot niya.
"Shhh.. Relax, papunta na tayo sa ospital." Sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay para suportahan sya. Nakita kong pumutok na ang panubigan nito kaya nataranta ako. "Wait lang Mariel, huwag ka munang manganak! Malapit na tayo di ko alam ang gagawin ko kapag dito ka inabot! Pigilin mo muna!!"
"H-hindi ko na kaya!" Sigaw ni Mariel na mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin.
"Manong pakibilisan ho!" Tarangtang sigaw ko sa driver. Mas binilisan nga ng driver, ilang minuto lang ay huminto na ito.
"Nandito na ho tayo Ma'am. Tatawag lang ako ng tulong sa loob." Sabi ni manong bago nagmamadaling pumasok sa loob ng ospital. Wala pang isang minuto ay lumabas na ulit ito kasama ang dalawang nurse na may tulak-tulak na stretcher na agad dinaluhan si Mariel para maihiga. Ako naman ay nagmasalamat kay manong at nagbayad. Dinagdagan ko na rin dahil nabasa ang upuan nito sa likod dahil sa pumutok na water bag ni Mariel.
Nang sumunod ako sa delivery room ay kasalukuyan ng naglelabor si Mariel. Nanganganak na siya. Ilang oras ang lumipas ay nakita ko ng inilabas ng doktora ang isang malusog na lalaking sanggol. Rinig na rinig ko mula sa labas ng silid ang iyak nito na agad rin namang tumahimik at nakatulog ng maihiga sa tabi ng ina matapos malinisan. Para bang alam niyang mama niya yung katabi niya.
Nakita kong nakatulog na rin si Mariel kaya't dahan-dahan akong pumasok sa loob.
Minasdan ko ang bata, maputi ito at matangos ang ilong. Manipis ang labi at medyo mahaba ang pilikmata. Walang duda, kamukha ng kanyang ina.
Ilang minuto kong minasdan ang baby. Akmang aalis na ako ng bigla itong nagising at umiyak. Napatingin ako kay Mariel pero mahimbing pa din ang tulog niya kaya't dahan-dahan at puno ng pag-iingat kong binuhat ang baby para patahanin. Marahil ay gutom na ito. Mabuti na lang at marunong akong humawak ng bata dahil noong pinanganak si Erol ay ako ang unang nakahawak sa kanya. Ako kasi ang kasama ni Nanay nung nanganak sya.
"Wait lang baby ha, tulog pa kasi si Mommy eh." Sabi ko habang dahan-dahang itong idinuduyan.
Pero sa halip na tumahan ay lalo itong umiyak kaya't mas pinag-igihan ko pa ang duyan habang sinasabayan ito ng kanta pero mas lumakas pa ang iyak nito. Napangiwi ako.
"Pasensya na baby kung boses palaka si Tita ha pero pagtyagaan mo muna. Tulog pa kasi si Mommy mo e." Pang-aalo ko.
"Vina..." Napatingin ako kay Mariel nang marinig ko ang tawag niya. Marahan kong ibinaba sa tabi niya ang baby.
"Umiiyak kaya binuhat ko muna para patahanin kaso gutom ata kaya ayaw tumigil." Sabi ko.
"Salamat." Ngumiti siya sa akin na tinanguan ko lamang.
"Nak gutom ka na nga? Wawa naman ang baby ko." Wika ni Mariel habang sinisimulang i-breast feed ang anak. Nakita kong ngumiti ito habang pinagmamasdan ang anak, manaka-nakang hinahalikan ang noo pagkuway ngingiti.
She's happy.
Yun ang maiilarawan ko sa emosyong nakikita ko mula sa kanya. She's very happy to see her baby.
"He's Jayrel John." Maya-maya'y basag ni Mariel sa katahimikan.
"Nice name." Komento ko.
"Salamat sa pagsama sa akin dito."- Mariel
"Ginawa ko lang ang dapat."
"Vina.."
"Alis na ko." Putol ko sa sasabihin niya. Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata ngunit binaliwala ko iyon. Hindi pa ako handang makausap sya.
Hindi na ako namaalam, basta na lang ako lumabas ng kwarto at iniwan sya. Naghanap ako ng landline at nakitawag sa bahay. Buti nalang may nakita akong kakilala kaya't nakigamit ako ng cellphone. Tinawagan ko si Erol.
"Erol pasabi kina Na-"
'Where the hell are you Vina?!' Nagulat ako ng biglang si Gene ang nabosesan ko.
"Gene?" Paninigurado ko.
'I'm so damn worried, where are you?'
"Nasa ospital ako."
'What?! What happened?? Are you okay? Are you hurt?'
"Relax. Ayos lang ako. May sinamahan lang ako."
'You scared the hell out of me. Don't you know what time is it? You even left your phone here.' Inis na wika ni Gene kaya't napasulyap ako sa aking wrist watch. Mag-aalas otso na pala ng gabi. Ang paalam ko ay may bibilhin lang ako pero inabot ako ng ilang oras. 'Wait me, I'll pick you.'
"Sige. Hihintayin kita." Sinabi ko na lang.
Wala pang twenty minutes ay may huminto ng kotse sa tapat ng entrance ng ospital. Lumabas ng kotse si Gene na mukhang haggard dahil maluwag na ang neck tie nito maging ang suit nito ay hindi na rin nakabutones.
"Mukha kang na-rape." Natatawa kong komento sa kanya pero sinamaan lang nya ako ng tingin.
"Let's go home." Wika ni Gene, hinawakan niya ang aking kamay at iginiya ako papasok ng kotse. Nagkibit-balikat na lang ako dahil mukhang wala sa mood ang lolo nyo. Badtrip.
"Gene--"
"Not now, Vina." Aniya kaya't napanguso ako. Ang OA naman para ginabi lang e. Malay ko bang mangyayari ito? Sa sobrang taranta ko kanina hindi ko namalayan ang oras.
"Sorry na. May tinulungan lang akong babae, manganganak na kasi sya kaya dinaluhan ko. Wala kasi syang kasama kaya nagpresinta ako. Hindi ko lang inakala na aabutin kami ng ganitong oras."
"You should have called me."
"Wala akong dalang cellphone."
"But you managed to call Erol." Nagtatampong sagot nito kaya't napakagat labi ako. Okay, guilty ako sa part na iyon. Bakit nga ba hindi ko sya natawagan? Eh nakalimutan ko nga kasi. Malay ko bang didiretso sya sa bahay pagkagaling sa opisina?
"Tatawagan naman din kita, nauna lang si Erol." Pagdadahilan ko. Hindi sya nagsalita kaya't nanahimik na lang din ako.
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay naging tahimik sya. Hindi na nga sya nagtagal, agad ring nagpaalam kina Papa at Nanay.
"Mag-ingat ka pauwi." Paalam ko.
Tumango lang sya pagkuwa'y humalik sa aking pisngi bago pumasok sa kotse at umalis. Malungkot na tinanaw ko ang papalayong bulto ng kotse hanggang sa mawala ito. Pumasok na rin ako sa loob kung saan nadatnan ko ang aking pamilya na nanonood ng TV. Tinanong nila ako kung bakit ako ginabi kaya't sinabi ko ang dahilan. Pero hindi ko binanggit sa kanila na si Mariel ang aking sinamahan.
Sa kwarto, habang nakahiga ay nakatingin lang ako sa kisame at nag-iisip ng pwede kong pambawi kay Gene para magkaayos na kami. Kung tutuusin ay mababaw lang naman ang pinagtatampo nito pero marahil ay talagang nag-alala ito kaya ganon na lamang ang pag-ignora sa akin.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Paggising ko ay umaga na kaya't naghanda na ako sa pagpasok. Mukhang hindi ako susundin ni Gene ngayon dahil wala syang text sa akin, sa halip ako na lang ang nagpadala ng message sa kanya.
'Good Morning, love you.' Yun yong isinend ko sa kanya pero wala pa ding reply ang lolo nyo. Pakipot pa e.
Sa CGC, maaga akong nakarating kaya't nagtungo na ako sa aking station para masimulan ang aking trabaho. Si Elma ay wala pa din, si Joyce naman ay nadaanan kong nakikipagchismisan pa sa ground floor. Yung iba ay busy na sa kani-kanilang computer.
"Ate Vina, nanggaling dito si Ms. Heidi pinabibigay niya sa'yo." Sabi ni Tamara. Inabot ko ang hawak nitong folder at tiningnan. "At saka sabi po niya, kayo daw po ang inatasang magtour sa akin dito sa CGC kung okay lang sa iyo?"
"Oo naman walang problema. Mamayang breaktime pagkatapos nating kumain ay ipapasyal kita. Sisimulan natin sa ground floor."
"Sige Ate." Sabi pa niya. Nginitian ko sya bilang tugon. "Nga pala, sobrang gwapo ba ng boss natin sa personal? Sabi nina ate Joyce madalas daw yon dito sa department natin. Bakit hindi naman ata?"
Nagulat ako sa naging tanong nya. Bakit interesado sya sa itsura ni Gene?
Baka naman curious lang. Tama, curious lang sya.
"Siguro busy. Hayaan mo mamaya baka dumaan dito o makasalubong natin. Ikaw na lang ang humusga." Nasabi ko na lang.
"Pero para sa'yo Ate Vina?" Curious nyang tanong.
"Anong para sa akin?" Takang tanong ko.
"Gwapo ba sya para sayo?" Hindi agad ako nakasagot. Gwapo? The word handsome is not enough to describe Gene, for me, he's beyond perfect. He's the most good looking guy I've seen in my whole life or maybe I'm just too much inlove with him that's why I said it.
"O-oo." Nahihiyang sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa aking utak ang nakangiting imahe ni Gene while whispering those three magic words.
"Ate bakit ka namumula?" Takang tanong ni Tamara kaya't dagling napahawak ako sa aking magkabilang pisngi.
"M-mainit hehehe. Mukhang may problema sa aircon ngayon. Di ka ba naiinitan?"
"Hindi naman po."
"Baka ako lang." Nginitian ko sya.
Gaya ng napagkasunduan ay sinamahan kong maglibot si Tamara sa buong CGC. Nagsimula kami sa ground floor kung saan matatagpuan ang lobby, cafeteria, receiving area at admin department. Yung ibang floor ay hindi na namin pinuntahan, sinabi ko na lang sa kanya kung ano-anong meron sa bawat floor. Marami syang naging komento na pawang mga positibo naman. Sabi nya, dream daw nya talagang makapasok sa CGC kasi bukod sa kilalang kompanya ay may gusto daw syang makita. Tinanong ko kung sino pero secret lang daw muna kaya ipinagsawalang bahala ko na lang.
Habang naglilibot, pansin ko ang tingin ng mga kalalakihan kay Tamara. She's walking like an angel sent from heaven kaya naman panay ang sulyap sa kanya ng mga lalaki. Meron pa ngang nagpakilala at nagtanong kung pwedeng makipagkaibigan. Lahat ng iyon ay ngiti at pasasalamat lamang ang naging sagot niya sanhi para mapangiti ako. Mukhang may pagka-good girl talaga sya.
"S-sya na ba si Mr. Carbonel?" Manghang tanong ni Tamara sa akin habang nakatingin sa di kalayuan kaya naman lumingon ako roon. Si Gene nga. Lukot ang mukha nito habang nakikipag-usap sa dalawang lalaki. Mukhang may problema kasi panay ang masahe nito sa noo. "Shocks! Ang gwapo nga nya sa personal." Puno ng excitement na sabi nito.
"Oo sya na nga." Sagot ko.
"Lapitan natin?"
"Huwag muna. Mukhang badmood si boss." Baka kasi sa amin mapabunton ang galit nito at saka di ba nga may tampo pa sya sa akin.
"Ay sayang."
"Siguro next time. So, tara na?"
"Sige." Disappointed na sang-ayon ni Tamara bago naunang maglakad. Akmang susunod na ako ng biglang may tumawag sa akin.
"Ms. Trinidad." Lumingon ako, nakita ko si Gene na papalapit sa amin habang nananatiling nakasimangot kaya't kinabahan ako.
"B-bakit Sir?"
"What are you doing here?" Tanong ni Gene.
"Am.."
"Sinamahan nya po akong maglibot sa buong building sir." Sabad ni Tamara na syang ikinakunot-noo ko.
"And you are?"
"Tamara Louise Benitez, Sir from Finance department. Kaka-employed ko lang po kahapon." Confident na sagot ni Tamara. Tumango naman si Gene sa kanya.
"Nice meetng you, Ms. Benitez." Wika ni Gene bago bumaling sa akin. "Ms. Trinidad, can I have a word with you?" Aniya. Wala sa sariling napatango na lang ako. Papagalitan ba niya ako? "Excuse us, Ms. Benitez." Dugtong pa nito na ngnitian lang ni Tamara bago tumango.
Tahimik akong sumunod kay Gene papunta kung saan, maya-maya pa ay huminto ito sa may fire exit at humarap sa akin.
"G-Gene!" Nagulat ako ng bigla nya akong hinapit papalapit sa kanya at yumakap habang nakatukod ang baba sa aking ulo. "A-anong ginagawa mo? Baka may makakita sa atin."
"I don't care, Vina. I'm tired and I want a hug from my girlfriend so hug me back" aniya.
Ilang segundo akong natigilan bago ko napagpasyahang yakapin sya pabalik sanhi para lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin.
"Thank you."
"May problema ba sa kompanya?" Tanong ko. Ramdam ko ang pag-iling nya sa aking bumbunan.
"I can handle it, don't worry. And sorry for not fetching you, I was awakened by a call from Ms. Heidi this morning and she told me that I need to attend a meeting with our foreign clients at exactly six thirty, kaya hindi na kita nasundo."
"Ayos lang. Sanay naman akong magcommute." Sabi ko. Umalis sya sa pagkakayakap ngunit nananatili pa rin ang mga kamay nito sa aking bewang. Bigla kong naalala yung nangyari kagabi, ang akala kong rason kung bakit hindi nya ako nasundo kanina. "Hindi ka na ba galit sa akin?"
"I'm not mad at you, Vina. I was just disappointed but I will never be mad at you. Unless, you left me for another man." Seryoso nyang sabi kaya't dagli akong umiling.
"Hindi mangyayari yon, Gene." Mabilis kong sagot sa kanya. Naranasan ko ng ipagpalit at maiwan kaya hinding-hindi ko yun gagawin sa taong nagmamahal at tumanggap sa akin ng buo. I promised to myself that once I found my Mr. Karapat-dapat, I will love him with all my heart. I will never leave him no matter what happens. Pero ibang usapan na kapag sya mismo ang nang-iwan. Baka hindi ko na kayanin.
"What are you thinking?" Bahagya akong nagulat ng marinig ko syang magsalita.
"Wala naman. Bakit mo nga pala ako gustong makausap? Hinihintay kasi ako ni Tamara." Naalala ko, iniwan nga pala namin sa Tamara dun sa may hallway.
"Oh that?" Napangisi sya. "It's just my alibi so I can be with you." Humakbang sya papalapit sa akin na may kakaibang tingin kung kaya't bigla akong kinabahan. Lalo naman syang ngumisi.
"B-bakit ka lumalapit?"
"Why are you stepping back?"
"K-kasi parang may binabalak ka."
"Nah. I'm just wondering, what if I kiss you right here, right now 'til we both breathless, hmm?" Nilapit nya ang kanyang mukha sa akin sanhi para mapasinghap ako. Bigla akong napapikit dahil pakiramdam ko ay maduduling ako kapag sinalubong ko ang kanyang tingin.
"L-lumayo ka nga, Gene. Baka may makakita sa atin."
"Nah, I don't care." Mas lalo syang dumikit sa akin na halos magkadikit na ang aming mga ilong. Naamoy ko rin ang kanyang hininga na never atang nadapuan ng bad breath. Bigla akong na-concious dahil hindi pa ako nakakapag toothbrush, kare-kare pa naman ang ulam ko kanina. Baka naamoy na nya.
"Layo na kasi, Gene.."
"I won't."
"Hinihintay na 'ko ni Tamara."
"So?" He smirked.
"Baka naiinip na?"
"Aalis din yon kapag nainip."
"Gene kasi. Kukurutin kita."
"Go ahead, I don't mind."
"Isa!"
"Kahit one to ten pa."
"Arggh! Kulit mo talaga! Basta aalis na ako!"
"Okay, after this." He said then crashed my lips. Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa bigla nyang pagsalakay.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa nya at dahil na rin sa takot na may makakita sa amin. But Gene is a good kisser, really good that made me respond to his kisses on the same intensity. Tila wala na akong pakialam sa paligid. Napakapit ako sa kanyang balikat dahil pakiramdam ko ay mapapalunod ako sa paraan ng kanyang paghalik. He was kissing me passionately as he pulled my head closer to him to deepen the kiss. Kung hindi pa namin narinig ang tila chainbell, hudyat na tapos na ang beaktime ay hindi kami maghihiwalay, doon lang ako natauhan. Kapwa kami hinihingal ngunit nananatiling nakatitig sa isa't-isa.
"That was...ecstatic." Aniya sanhi para pamulahan ako ng mukha na mukhang napansin nya dahil bahagya nyang pinisil ang aking kaliwang pisngi.
"B-balik na 'ko sa trabaho." Akmang aalis na ko ng hawakan nya ang aking braso para pigilan. "Bakit?"
"I forgot to tell you, I can't drive you home later due to some errands so, I want you to take care of your self, Vina. Can you promise me that you'll be fine without me?"
"Oo naman. Promise."
"Good." Hinalikan nya ang aking noo then my lips. Muli ay napaungol ako.
"Gene babalik na 'ko."
"Okay. Call me if you need anything."
"Opo."
"Don't talk to any guy."
"What if they ask me?"
"Then don't speak."
"Paano kung importante?'
"Fine. Don't smile, just talk. Are we clear on that?"
"Baka naman mapagkamalan nila akong suplada?" Natatawa kong biro sa kanya
"That's better."
"Ayoko ng ganun."
"Vina.." He said in a warning tone.
"Fine fine.." Sabi ko saka lang sya ngumiti.
"One four three, Vina." Bulong nya.
"One four three two." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Six?"
"And seven, Gene." Parehas kaming ngumiti matapos kong sabihin ang numerong iyon. Labag man sa kalooban ay kailangan na naming umalis para bumalik sa aming naiwang mga trabaho. Kahit na ganon masaya pa rin ako, nagkaroon na naman ako ng rason para lalong ganahan sa aking ginagawa.
(AN: Pasingit!! kapag sinabi po nilang one-four-three, it means 'I love you' One-four-three-two means 'I love you too'. Kapag binanggit ang six. It means 'always' at ang seven means 'forever' nakadepende po sa bilang ng letters except sa 'too' kasi I used number two para katunog. Ampanget kasi kapag one-four-three-three e. Yung Lungs. Magulo ang explanation ko hehehe bala na kayo umintindi. Thanks! Btw, di pa tapos ang chapt na 'to. May kadugtong pa po. Hope you like it!)
Continuation...
***
After working hours, sabay kaming bumaba ni Tamara para mag-abang ng masasakyan. Ako ng jeep at sya naman ay ng sundo. May kaya pala ang pamilya nya, her mother is a surgeon while her father is a private attorney of one of the well-known politician sa bansa. Hindi nya lang binanggit kung sino kaya hindi na rin ako nagtanong. She offered me a ride pero tinanggihan ko. Bukod kasi sa nakakahiya ay wrong way pa, mapapalayo lang sya kung ihahatid nya pa 'ko.
Kinagabihan tumawag sa akin si Gene para i-check kung nakauwi ba ako ng safe. After ng simpleng kamustahan, kung ano-ano na lang ang aming pinag-usapan even non-sense ay pinatos na rin just to keep our lines active. After we got tired, nanahimik rin ang linya hanggang sa nakatulugan ko na. Hindi ko alam kung sino ang nagpatay basta pagtingin ko sa cellphone ko kinabukasan ay lowbat na.
On the next day, pauwi na ulit ako sa bahay sakay ng jeep when I saw Mariel being dragged by JP. It's like he was trying to get Baby Jayrel from Mariel pero ayaw nitong ibigay. Wala sana akong balak bumaba ngunit nakita kong napapangiwi na si Mariel dahil sa higpit ng pagkakahawak ni JP sa kanya. Bukod doon ay umiiyak na din ang bata marahil naramdaman nito ang tensyon na namamagitan sa kanyang mga magulang. Agad akong nagbayad sa driver bago patakbong nagtungo sa kinaroroonan nila.
"Stop!" I shouted to get their attention. Galit na lumingon sa aking gawi si JP para siguro pagalitan ngunit agad ring nahinto ng mapagsino ako. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay nilapitan ko si Mariel na humahagulhol habang yakap-yakap ang anak. "Shhh.. Tahan na." Pag-aalo ko sa kanya.
"V-Vina.." Iyak nya. Niyakap ko ang nanginginig nyang katawan saka galit na nilingon si JP.
"Paano mo naatim na saktan ang mag-ina mo, JP?" Galit kong tanong dito. Bakas ang guilt sa mukha habang nakatingin sa akin.
"Vina, huwag kang makialam dito. Problema namin ito." Sabi ni JP. "Mariel, let's go home." He tried to get Mariel from me pero nagtago sya sa likod ko na para bang takot na takot syang makuha ng kasintahan.
"Hindi sya sasama sayo." Sabi ko. Base sa reaksyon ni Mariel ay mukhang takot na takot ito. Kung ano man ang ginagawa sa kanya ni JP ay dapat na mahinto na.
"Mag-ina ko sila, Vina kaya sasama sila sa akin."- JP.
"V-Vina please, ilayo mo ako sa kanya. Sasaktan nya 'ko." Umiiyak na sabi ni Mariel sa likod ko.
"Mariel.. Hinihintay na tayo ni Jane." Pag-aalo ni JP sa kanya subalit talagang ayaw ni Mariel. Nanginginig pa rin ito at ang baby ay umiiyak pa din. Hindi ko alam kung sino si Jane, baka isa pa nilang anak.
"Pasensya na JP pero hindi ko sila hahayaang sumama sa'yo. Kapag nagpumilit ka pa ay tatawag ako ng pulis." Banta ko.
"You can't do that." He said confidently but when he saw me pulled my cellphone from my pocket, he became tensed. "Away namin ito, Vina. Hindi ka pwedeng makialam."
"Ang away idinadaan sa usapan hindi sa sapilitan, Jp. Kaya umalis ka na!"
"Ayaw nya kasing sumama!" Galit nyang sigaw sa akin.
"Kasi sinasaktan mo siya!"
Akmang lalapit ulit sya pero lalo kong isiniksik sa likod ko si Mariel.
"Seryoso ako." Banta ko, hawak pa din ang cellphone.
Ilang segundo syang nakipagtitigan sa akin bago nagpakawala ng isang buntong hininga.
"We're not yet done, Mariel." Sabi pa nya bago kami tinalikuran, doon lang kami nakahinga ng maayos.
Muli ay niyakap ko si Mariel habang sinusubukang tawagan si Gene. Kailangan ko ang tulong nya. Ilang minuto lang ay nakita ko na ang kotse nitong papalapit. He immediately got off the car and approached us.
"Are you guys, okay?" Tanong nya.
"Okay lang kami. Tara na." Sabi ko. Tinulungan kong makapasok sa backseat si Mariel habang ako naman ay sa tabi ni Gene. Sa byahe ay tahimik lang kaming tatlo. Si Mariel ay nakatingin lang sa bintana habang hawak ang gising na si Baby Jayrel, ako ay ganun din habang si Gene naman ay pokus sa pagmamaneho. Maliban na lang sa kamay nitong nakahawak sa akin at bahagyang nilalaro-laro.
Sa isang condominium kami dinala ni Gene na ayon sa kanya ay pag-aari niya daw. Alam kong mayaman siya pero hindi ko alam kung ano-ano ang mga pag-aari niya maliban sa CGC. Hindi rin naman ako interesado.
Agad kaming hinayinan ng juice ni Gene na agad tinanggap ni Mariel para inumin. Tahimik lang kaming lahat at walang nagtangkang magsalita. Kung hindi pa umiyak ang baby ay hindi kami matitinag.
"You can breastfeed him inside that room." Sabi ni Gene habang nakaturo sa kanang bahagi ng condo. May dalawa kasing kwarto sa loob, may sala at meron ding kusina.
"Salamat." Wika ni Mariel. "Excuse me." Sabi pa nya bago tumayo para pumasok sa nasabing kwarto.
Pagkaalis ni Mariel, lumipat sa tabi ko si Gene saka ako inakbayan. Ako naman ay inihilig sa kanyang balikat ang aking ulo.
"Are you okay?" Tanong nya.
"Oo."
"What happened?" Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina sa pagitan ni Mariel at JP maging nung araw na manganak ito, dahilan para gabihin ako ng uwi. "Why didn't you tell me?"
"Kasi akala ko hindi na importante. Wala pa akong balak na makipagkita ulit sa kanya. Galit pa rin ako sa ginawa nila sa akin."
"But you helped her."
"Kasi kailangan. Naawa lang ako sa kanya."
"You're wrong." Sabi nya sanhi para kunot-noo akong mapatingin sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"You helped her not because you pitied her but because she's still important to you. Despite of what she did to you, you're still concern to her."
Hindi agad ako nakasagot. Everytime I remembered what she did to me, how she betrayed me and ruined our friendship, I can still feel the anger inside me. Hindi pa rin nawawala yung sakit at galit na nararamdaman ko. Pero nung nakita ko sya kanina habang umiiyak at tila takot na takot, hindi ko maiwasang hindi tumulong. Na kahit gaano pa kalalim yung galit ko sa kanya ay nangingibabaw pa rin yung kagustuhan kong tulungan sya.
Importante pa rin nga ba sya para sa akin?
Maybe I was concerned to her but important? I'm not really sure.
"I think, you need to stay here for tonight." Wika ni Gene.
"Mukha nga."
"I'll bring you new clothes tomorrow then we'll go to work together. Dito na rin tayo mag-agahan, magdadala ako."
"Huwag na. Ako na ang bahalang magluto bukas."
"Okay. I'll drop by to your house to tell your parents about your whereabouts and para na rin hindi sila mag-alala."
"Salamat. Mag-ingat ka."
"Yes. For my baby." Sabi nya kaya't napangiti ako. Ngumuso sya sa akin na parang nanghihingi ng kiss kaya't pinagbigyan ko sya.
'Muah!'