Broken Strings || βœ“

By gwynchanha

56.6K 2.2K 275

Status: COMPLETED Liking Kenji Suson was the best thing that ever happened to the then highschool girl Trish... More

Broken Strings
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Note
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
THANK YOU!!!
Other Stories

Chapter 35

800 37 3
By gwynchanha

Chapter 35.

TINAKPAN KO KAAGAD ang mga taenga ko nang tumili si Jahsmine. Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko, nauna na siyang mag-react.

“OMG! OMG! OMG!” Nagtalon-talon siya sa sobrang tuwa at parang maiiyak na siya. “Seryoso ka ba!? True 'yan!?” Tinakpan niya ang bibig niya para pigilang tumili pa lalo.

Napairap na lang ako. Sinabi ko sa kaniya ang planong gagawin ko mamaya at ang dahilan kung bakit ko gagawin 'yon. Ngayon ko lang napagtantong maling desisyon na sabihin sa kaniya ito.

“Oo nga! Kaya tumahimik ka na. Nakakaistorbo ka!” Pinaypay ko sa direksyon niya ang hawak kong inventory sheet para paalisin siya. Tinawanan niya lang ako.

“Grabe 'yon!” may halong singhap na sabi niya, nakahawak pa rin sa bibig niya. Hindi pa rin siya maka-move on sa sinabi ko. “Finally, after all these years, may papalit na rin!”

Napasimangot na ako. Busy pa ako sa paglilista ng stocks dito sa convenience store at dumating lang talaga siya para mang-istorbo. Wala raw silang pasok ngayon dahil may biglaang meeting ang profs ng department nila, kaya nagpunta rito at pinapakuwento sa akin ang mga nangyari kagabi sa gala night. Pagkauwi ko kasi kagabi, wala na rin siya sa bahay dahil hinahanap na siya ng parents niya at ako rin ang nagsabi sa kaniyang umuwi na siya tutal nakatulog na si mama no'n.

Mabuti na lang hindi ako ang sa cashier ngayon dahil maraming customer. Pero busy pa rin naman ako.

Maingay ang pagkakasipsip niya mula sa straw ng kaniyang malamig na Kopiko bago siya nagsalita. “Girl, sa totoo lang, masaya ako para sa 'yo. Kasi, alam mo 'yon... Finally, after so many years na puro lungkot ka lang, may rason ka na para sumaya. May nagbibigay na sa 'yo ng rason para maging masaya ulit.”

Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil may dadaan para kumuha ng coke sa fridge kaya tumayo ako. “Hindi ko alam,” sabi ko nang hindi siya nililingon. “Natatakot ako. Baka kasi may kapalit ulit, kagaya ng dati.”

Mula sa repleksyon ng glass door ng fridge, nakita kong tumayo siya at napasimangot. “If it's worth the risk, go for it, girl! Gano'n dapat, 'di ba? Kaya go ka na kung alam mo namang worth it.”

“Trisha!”

Napabaling kaagad ako ng tingin sa manager namin na sumilip mula sa siwang ng pinto ng storage room. “Po?”

Tiningnan niya si Jahsmine na nasa likod ko bago siya sumagot. “Tapos ka na ba d'yan? Akin na ang sheet.”

“Ah, opo.” Sinulat ko muna ang huling items sa sheet bago ako lumapit sa kaniya at ibinigay ang sheet.

“Working hours pa, Trisha,” babala niya, tinutukoy ang pagkukuwentuhan namin ni Jahsmine.

I smiled apologetically. “Sorry po. Papaalisin ko na rin naman po siya. May klase pa po 'yan mamaya.”

Binigyan niya ako ng huling warning look bago siya pumasok ulit sa storage room at isinara ang pinto. Napabuga na lang ako ng hangin.

Pinilit kong palayasin si Jahsmine sa store dahil baka mapagalitan pa ako dahil sa kaniya. Inubos niya lang ang kape niya bago siya tuluyang umalis, pero wala pang limang minuto nag-message na agad sa akin at gusto pang ipagpatuloy ko ang pagkukuwento. Hindi ko na lang siya ni-reply-an dahil busy pa ako sa trabaho.

Pumasok bigla sa isip ko ang sinabi ni Jahsmine kanina. Worth the risk nga ba? Paano kung mahal ko sa buhay naman ulit ang kapalit nito, kagaya ng dati? Ayaw ko na maulit 'yon. Mas pipiliin ko na lang maging ganito habambuhay kung ang ibig sabihin nito ay hindi mawawala sa akin ang mga mahal ko sa buhay.

Nag-iisa na lang si Mama sa buhay ko, ayaw kong pati siya mawala sa 'kin.

After my shift in the store ended, saktong nag-text si Aling Ninita na paubos na ang meds ni Mama. Kaya buong araw akong problemado at nag-iisip kung saan na naman ako kukuha ng pambiling gamot ni Mama, next month pa ang susunod kong sweldo.

Hindi na ako sumakay ng traysikel papuntang ShowBT. Naglakad na lang ako since hindi naman ganoon kalayo, kaya pa naman at makakaabot naman ako ro'n on time kahit maglalakad lang ako.

Nang napadaan ako sa isang building, napaangat kaagad ako ng tingin sa billboard nang marinig ang bagong kanta ng SB19 na nag-play ro'n, at saktong pinakita ang mukha ni Justin na sinundan naman ni Ken. Napangiti na lang ako. Minsan nakakalimutan kong sikat nga pala sila hindi lang dito sa bansa, at unti-unti na silang nakikilala ng buong mundo.

And speaking of Justin, may naalala ako kaya kaagad kong nilabas ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa inbox ko para mag-message sa kaniya.

To: Justin

Hi. Sana hindi ka busy? May gusto lang akong sabihin sa 'yo mamaya. :)

Pagkatapos kong pindutin ang send button, pinatay ko na ang cellphone ko at binalik sa bulsa ko, at saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

And true enough, pagkarating ko sa tapat ng ShowBT, nagsisilabasan na ang mga employee at uuwi na. Bumati ako sa guard pagkapasok ko ng building. Umupo muna ako sa may lounge habang hinihintay pa ang eksaktong oras ng shift ko rito.

Habang nakaupo ro'n, nagawi ang mga mata ko sa labas ng building at sakto namang may dumaang grupo ng mga estudyante na nagtatawanan. Alas otso na ng gabi pero nasa labas pa rin sila, suot ang mga uniform nila. Siguro hindi pa nakakauwi ang mga 'to sa kanila. Mga college student ang mga 'to. Nasabi sakin ni Jahsmine dati na may klase talaga silang inaabot na ng gabi, lalo na kung part-time lang ang instructor.

Habang nakatitig sa kanila, hindi ko maiwasang imagine-in ang sarili ko na suot ang uniform at may ID na nakasabit sa leeg ko. Bumigat bigla ang dibdib ko kaya jniwas ko na lang ang tingin ko, at saka ako napabuga ng malalim na hinga.

Tumunog ang phone ko kaya nabaling dito ang atensyon ko. Nang iangat ko ang phone ko, saktong umilaw iyon at nag-pop sa notification ang reply ni Justin sa message ko kanina.

From: Justin

Hello, Adeline! Unfortunately, I can't get out yet. Nasa set pa kami for a late-night show.

Why? What do you want to say? Pwede mo na lang i-message dito. Or if it's something important, we can meet tomorrow morning! I'll come pick you up :)

Napangiti ako sa reply niya. Kaagad naman akong nagtipa ng reply sa kaniya.

To: Justin

Okay. Hintayin kita bukas :*

After hitting the send button, pinatay ko na ang cellphone ko at pumanik na papuntang storage room para simulan na ang trabaho ko rito.

--

KINABUKASAN, MAAGA akong gumising para asikasuhin si Mama. Paubos na nga talaga ang gamot niya at kailangan ko nang bumili ng bagong box ng gamot niya. Medyo may kamahalan, pero kaya naman kung pag-iisahin ang sweldo ko sa tatlong part-time ko. Ang kaso nga lang, sa susunod na buwan ko pa makukuha ang sweldo ko sa ShowBT at sa store.

Habang nagsasalin ako ng tubig sa baso ni Mama, napansin kong huminto siya sa pagnguya kaya nabaling na sa kaniya ang buong atensyon ko at nahinto ako sa ginagawa.

Walang buhay ang mga matang nakatitig siya sa hangin, pero parang may sumagi sa utak niya at bapalitan ng lungkot ang ekspresyon ng mukha niya.

“Ma? Bakit?” tanong ko kaagad.

“Mahal...” bulong niya, medyo garalgal pa ang boses niya.

Hindi na ako nakaimik. Pumapasok na naman sa isipan niya si papa. May sasabihin pa sana ako pero nagsalita ulit si Mama na ikinatigil ko.

“Gusto kong bisitahin ang papa mo...”

Napatitig na lang ako kay Mama at napalunok. Nahirapang tanggapin si mama na wala na si papa, ang asawa niya. Kaya ang marinig mula sa kaniya na gusto niyang bisitahin si papa, makalipas ang ilang taon na hindi na siya bakabalik sa pinaglibingan kay papa, parang may tumutusok sa dibdib ko.

I forced a smile. “O-Oo naman, Ma.” Binaling ko na lang ang paningin ko sa pagkain niya dahil pakiramdam ko maiiyak na ako. “Pwede nating puntahan si papa pagkatapos mong kumain.”

Kinuha ko ang kubyertos at hinimay-himay ang gulay at karne sa plato niya, pero napahinto ako nang makarinig ng katok mula sa front door. Napalingon kaagad ako ro'n. Nagpaalam ako kay mama bago ako tuluyang lumapit sa pinto at pinagbuksan ang kung sino mang kumatok.

“Hey.”

Napaawang ang mga labi ko nang bumungad sa akin si Justin na naka-gray hoodie jacket, at may hawak siyang paper bag na sa tingin ko ay pagkain dahil naaamoy ko ang laman. Pagkakita niya sa akin, ibinaba niya kaagad ang hoodie ng suot niya.

“U-Uy!” gulat na sambit ko. “Napaaga ka yata.”

He chuckled. “My fault. I didn't tell you what time I'll exactly come to pick you up. Anyway...” Inangat niya ang hawak niyang paperbag.

“Ah, nag-abala ka pa. Halika muna, pasok ka.”

Isinara ko kaagad ang pinto nang pumasok siya. Nang lumakad ako papuntang kusina para balikan si mama, sumunod siya sa akin. Binati niya si mama, pero hindi siya pinansin ni mama o hindi na naman nakarinig si mama dahil nagzo-zone out na naman siya.

Habang pinapatapos kong kumain si Mama, kinain na rin namin ang dinalang pagkain ni Justin. Breakfast pala 'to galing McDo dahil nagmamadali siya, wala na siyang oras para magluto pa.

Sinabihan ko siya tungkol sa gusto ni Mama na bumisita sa puntod ni papa, at nag-alok naman siyang siya na ang magda-drive sa amin papunta ro'n at hindi naman ako tumanggi. And while on our way to the cemetery, dumaan kami sa isang flower shop at bumiling bulaklak. Bumili na rin kami ng mha kandila sa unang shop na nakita naming nagtitinda ng kandila.

Pagkarating namin sa sementeryo at sa puntod ni papa, si mama kaagad ang naunang lumuhod sa tapat no'n at nilapag ang mga bulaklak na dala namin. Nagsindi rin siya ng kandila at nilapag niya sa ibabaw ng lapida at nang bitawan niya, pinadaan niya ang kaniyang palad sa lapida at hinaplos 'yon nang marahan.

Bumuga si mama ng hangin, nanginginig ang kaniyang boses. Hindi siya nagsasalita, pero nanginginig ang kaniyang paghinga habang nangungulilang hinahaplos ang lapida. Umihip ang hangin at marahang nilipad ang iilang hibla ng buhok ni mama.

Habang pinagmamasdan si mama, may namumuong kung ano sa lalamunan ko kaya napalunok ako. Pasimple rin akong humawak sa dibdib ko.

She let out a shaky sigh again. “Kung pwede lang, gusto kong makasama ulit ang tatay mo, Trisha. Gusto ko ulit siyang mayakap, mahalikan, at makatabing matulog,” aniya sa nanginginig na boses. “Mahal ko...”

Napaiwas na ako ng tingin. Maagap namang humakbang papalapit sa akin si Justin, at pinasandal ako sa dibdib niya. Marahan niyang tinapik-tapik ang ulo ko, tila pinapatahan ako.

Nagtagal pa kami ng ilang minuto sa sementeryo bago sinabi ni mama na uuwi na siya dahil pagod na siya. Hinatid naman namin siya pauwi.

May iilang minuto na lang din na natitira bago magsimula ang unang part-time ko ngayong araw, pati si Justin ay iilang minuto na lang din ang natitirang free time. Naisipan naming pumunta na lang sa pinakamalapit na beach.

Nakasandal kami ngayon sa kotse niya habang nakatingin kami sa dagat na marahang humahampas ang alon sa buhanhin. Mula sa malayo, tanaw na tanaw namin ang mga batang tuwang-tuwa habang hubo't hubad na naliligo sa dagat at bumubuo ng sand castle.

“If you don't mind me asking...” panimula niya. “How long has your dad been... gone?”

Pait akong napangiti. “Matagal-tagal na rin. Noong araw ng graduate ko no'ng highschool, ay siya ring pagkawala ni papa sa amin.” Napabuga ako ng hangin.

Kapag naaalala ko talaga, bumibigat pa rin ang dibdib ko pero unti-unti na ring gumagaan. Mahirap pa rin namang tanggapin na wala na siya sa amin, pero wala kaming choice kundi ang tanggapin na lang talaga.

“Nakakatakot...” dagdag ko. “Iyong wala ngang hadlang sa relasyon ninyo, masaya kayo, pero bigla-bigla namang babawiin ng tadhana ang mahal mo. One time, masaya ka. The next, nagluluksa ka na dahil hindi na mababalik sa 'yo ang taong mahalaga sa 'yo.”

“Nakakatakot naman talaga ang magmahal,” segunda niya.

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. “Anyway,” pag-iba ko ng usapan at saka ako humarap sa kaniya. “Hindi ba sabi ko sa 'yo, may sasabihin ako.”

“Ah, oo nga pala.” Humarap na rin siya sa akin. “What is it?”

Tumitig ako sa mukha niya. Handa na sa utak ko ang mga sasabihin ko, pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nagj-jumble na ang mga words sa utak ko kaya natahimik na ako.

Kumurap siya. “Adeline?”

“Hindi ko alam kung nasa right time and place ba tayo para sabihin ko 'to,” sabi ko. “Pero siguro, hindi ka naman mabibigla kung sasabihin ko nga?”

He chuckled. “It depends kung ano ang sasabihin mo.”

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

So... ito na nga.

“I...” I pursed my lips. “I-I... I think... may gusto ako sa 'yo.”

Naglaho ang ngiti sa labi niya at natameme siya, dahilan para mas dumoble ang kabog ng dibdib ko. Nanlalamig na rin tuloy ang mga palad ko.

“Uy, Justin...” untag ko sa kaniya.

Ang kaba ko ay unti-unti nang napalitan ng pagkabahala nang hindi na siya gumalaw. Parang nahinto na ang kaniyang sistema.

Napakurap ako at tinapik ko na ang kaniyang balikat. “Justin? Ayos ka lang ba?”

Doon lang yata siya nabalik sa reyalidad. Napakurap siya at nang nagtama ang mga mata namin, namula bigla ang buong mukha niya at napatakip siya sa kaniyang bibig sabay umatras kaya napakurap ulit ako dahil sa pinaghalong gulat at pagtataka.

“Justin?”

“T-Teka lang...” Nag-iwas siya ng tingin at saka nag-angat ng kamay para pigilan akong lumapit. “Give me a minute to process what you just said.”

Nagsalubong ang mga kilay ko pero nang napagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin, napahagalpak na lang ako ng tawa.

“Jusko!” Hindi makapaniwalang napatakip na rin ako sa bibig ko. “Seryoso!?” Napahagalpak ulit ako ng tawa.

Tinapunan niya ako ng matalim na tingin pero ilang segundo lang din, lumambot ang ekspresyon ng mukha niya, at nakisabay na rin siya ng tawa sa 'kin.

“I'm sorry,” aniya. “I just... really needed time to process your words.”

“I like you,” ulit ko, inignora ang sinabi niya. “Sure na ako this time. I do like you.”

Hindi siya nagsalita. Ilang segundo niya akong tinitigan bago marahang hinila papalapit sa kaniya para yakapin ako. Nang dumampi ang taenga ko sa dibdib niya, dinig na dinig ko ang mabilis na kabog no'n pati ang marahang pagbuga niya ng hangin.

“You're giving me heart attacks,” bulong niya at saka ipinatong ang kaniyang pisngi sa ulo ko. “Gosh! You're gonna be the death of me, Adeline.”

Napatawa na lang ako bago ipinulupot ang mga braso ko sa kaniyang bewang. Ipinikit ko na ang mga mata ko at ninamnam ang yakap at ang kabog ng dibdib niya. My heart feels at ease.




Continue Reading

You'll Also Like

383K 5.5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
27.1K 897 73
Everything comes to an end, and it all ended while a heavy rain is falling. 2020
59.5K 2.2K 43
POP 1/3 At no time did 17 -years-old Winter Avianna La Galliene feel insecure of another woman because she knew she had defenses - beauty, talent, ch...
32.2K 1K 38
Lover's Series #1 Former title: The Drummer's Lover Anastasia Tasy Mendoza, her life turned into a bitter sweet clichΓ© romance when she met her boyfr...