Broken Strings || ✓

By gwynchanha

56.6K 2.2K 275

Status: COMPLETED Liking Kenji Suson was the best thing that ever happened to the then highschool girl Trish... More

Broken Strings
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Note
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
THANK YOU!!!
Other Stories

Chapter 13

979 54 4
By gwynchanha

Chapter 13.

"OKAY, then. Start na tayo?"

Nakaawang pa rin ang mga labi ko sa gulat. Hindi ko pa rin ma-absorb ang sinabi ni Ken. Bakit ayaw niyang makipagpalit ng partners? Ayaw niya bang maka-partner ang girlfriend niya? I didn't want to assume things, but he's making this hard for me!

"Trisha."

Napaigtad ako at bahagyang napatili nang may marinig na boses sa gilid ko. Nang tingan, napakurap ako dahil si Ken pala at nakalahad na ang kaniyang kamay, naghihintay na kunin ko.

"B-b-bakit?" Bwiset, sobrang kinakabahan ako. Kahit ano yatang gawin ko, hindi ko maaalis ang feelings ko kung ganito naman siya.

Naglakas-loob na akong titigan ang mga mata niya na nakatitig rin sa akin. Pero limang segundo lang ang itinagal ko, ibinaba ko kaagad sa kaniyang dibdib ang paningin ko.

"Tara na sa pwesto natin. Magsisimula na ang practice," kaswal niyang sabi. Pasimple akong napalunok, bumaba ang mga mata ko sa kaniyang nakalahad na kamay.

"O-okay." Dahan-dahan kong inabot ang kaniyang kamay. Mahinang napatili ako nang siya na mismo ang humawak sa kamay ko at marahang hinila papunta sa pwesto namin.

W-w-what the hell, Ken!

Bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng pisngi ko habang nakatitig sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa aking kamay. I bit my lower lip to stop myself from smiling.

Huminto na si Ken kaya napahinto na rin ako. When I looked up at him, I blinked when he suddenly took a step closer. Ang kamay kong hawak niya ay inangat niya at ipinatong sa kaniyang balikat. Nahigit ko ang aking hininga nang lumapat ang kaniyang palad sa aking bewang, at ang isa niya namang kamay ay inangat ang bakanteng kamay ko at hinawakan.

Pwedeng huminga sandali? Kanina pa akong nagpipigil ng hininga rito dahil sa mga pinaggagawa ni Ken sa 'kin!

Sa sobrang hiya ko, hindi ako makatingin sa kaniyang mga mata. I just stared at his chest, since ka-level ng mukha ko ang kaniyang dibdib.

"Trisha," he called almost in a whisper.

Napakurap ako. "Y-yes?" I answered, still not looking at his face.

"Look at me," he commanded.

Welp. My heart just doubled its beating count. Mas lalo ring uminit ang pisngi ko.

"Look at me, Trisha," ulit niya.

Pasimple akong bumuga ng hangin para pakalmahin ang buong sistema ko bago naglakas-loob na nag-angat ng tingin sa kaniya. He was already staring at me with a serious look.

"One, two, and three..." I heard the trainor said.

Nagsimulang gumalaw si Ken at sumasabay ako sa kaniya. We were just silent while staring at each other. I could hear the fast and loud beating of my heart, I just hope he doesn't hear it because it'll be so embarrassing!

"Uhm..." I bit my lower lip, trying to look gather some courage to ask him the lingering question in my head. "B-bakit ayaw mong makipagpalit ng partners? A-ayaw mo no'n? Partners na kayo ni Margaux!"

He didn't respond. He let go of my waist and slowly spun me before pulling me again and holding my waist.

"Bakit? Ayaw mo bang ako ang partner mo?" he asked back.

Napakurap ako at napaiwas ng tingin. "H-hindi naman sa gano'n... eh, kasi, 'di ba girlfriend mo si Margaux? D-dapat lang na kayo ang mag-partners!"

"As I've said earlier, I don't want to change partners, kahit pa si Margaux ang magiging ka-partner ko," may pinalidad niyang sabi.

Hindi na ako nakipagtalo. Tinikom ko na lang ang bibig ko hanggang sa natapos ang practice.

--

NAKAUPO lang ako sa bench at tinitingna sina Jahsmine na nagp-practice. Since tapos na kami, sila naman ngayon. Partner ni Jahsmine sa ngayon ang partner ni Margaux na si Paul.

Bumuntunghininga ako. Binuksan ko ang water bottle ko at saka ako lumagok ng tubig. Someone sat beside me kaya habang umiinom ako, napatingin ako ro'n. Muntikan ko nang maibuga ang tubig nang makitang si Margaux 'yon na pinupunasan ang pawis. Kaagad akong tumigil sa pag-inom at binalik ang takip ng water bottle.

This was so effin' akward. O baka ako lang ang nakakaramdam no'n. Margaux's a good girl. Hindi naman siguro siya magagalit sa 'kin? And does she know about me having feelings for Ken?

Humarap ako sa court. Pero binabantayan ko lang si Margaux sa peripheral vision ko.

I heard her sigh softly. She rested her palms in her lap.

"Ken is really a good guy," aniya kaya napabaling na ako ng tingin sa kaniya.

What should I do? Should I laugh? Should I respond? Ano?

I chuckled, a bit awkward. "Oo nga. Sobrang bait niya nga." Kaya nga ginawa niya lang akong kaibigan, eh.

She smiled. Nang sundan ko ang line of vision niya, nakita kong nakatitig pala siya kay Ken na nasa kabilang side ng court. Ken was with his male friends, talking and laughing with them.

"I fell in love with him the first time I laid my eyes on him," pagkwento niya. "But I fell even more when he helped me from those bullies in our room." She chuckled upon remembering a specific memory.

Napaiwas ako ng tingin. Yeah, Ken was so nice. Kahit hindi niya ako kilala noon, he offered to teach me how to play the guitar and its basics.

"I never thought that he would like me. Ikaw ang palagi kong nakikitang kasama niya dati, I thought he likes you. Kaya nagulat ako nang isang araw, bigla niyang sinabing gusto niyang manligaw sa akin."

Nakagat ko ang ibabang labi. I wanted to tell her to stop because every word she spits from her mouth was like a dagger being thrown directly to my heart. Masakit. Sobra.

Ewan ko kung anong gusto niyang iparating kaya niya ito kinukwento sa akin ngayon. Is the telling something for me between the lines?

"Trisha," tawag niya kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti kaagad ako sa kaniya, and she smiled back. "I know you're a nice girl."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "What... do you mean, Margaux?"

Umiling lang siya. "Nothing." Binalik niya ang kaniyang mga mata sa harapan.

Kahit nagtataka, hindi na lang ako nagtanong pa. I just shrugged it off and looked again at Jahsmine who was smiling while dancing with Paul.

--

"OKAY! Crush ko na si Paul!" Tumili si Jahsmine na may kasama pang pahawak sa mukha at tumalon-talon.

Pauwi na kami ngayon. Medyo madilim na at bukas na ang mga streetlights dahil mag-aalas sais na ng gabi.

Mahina akong natawa. "Ligawan mo na."

Napahinto siya at sinimangutan ako. "Grabe naman! Crush ko pa nga lang liligawan ko na agad? At hello, babae ako! Hindi dapat ako ang manliligaw sa lalaki, 'no!" Umiba ang kaniyang expression, from simangot to smile na naman. "At alam mo ba, he asked for my name at ia-add niya raw ako sa FB! Mukhang mauunahan kitang magka-boyfriend, bessy!"

"Well... good for you."

"Uy, nga pala." Hinawakan niya ang braso para pumantay ako sa kaniya sa paglalakad. "Nakita kitang kausap si Margaux kanina sa may bench. Ano pinag-uusapan ninyo? Tinakot ka ba niya? Gusto niya bang layuan mo si Ken?"

Napabaling ako ng tingin sa kaniya at natawa na lang. "Anong pinagsasabi mo? Kaka-wattpad at kdrama mo yata 'yan."

Napanguso siya. "Hindi malabong mangyari sa totoong buhay 'yon, 'no? Saan ba naka-base ang mga fiction? Hindi ba sa real world din naman?"

"Oo nga. Pero hindi naman gano'n kadrama, 'no."

"Ah, basta. Ano nga kasi ang pinag-usapan ninyo ni Margaux kanina? Concerned lang ako!"

Napabuga ako ng hangin. "Wala lang. Kinwento niya lang sa akin Kung gaano kabait si Ken at kung paano naging sila."

Napasinghap siya. "Ang kapal naman! Pinapamukha niya talaga sa 'yo na wala ka nang pag-asa kasi boyfriend niya na si Ken. Ang babaeng 'yon talaga!"

Mahina akong natawa. "Huwag mo na ngang problemahin ang buhay ko. Problemahin mo na lang 'yong Paul mo."

Bigla siyang ngumiti na parang aso 'tapos pumikit na para bang nag-iimagine. "Hay, oo nga pala. Magkaka-lovelife na ako kaya hindi na ako makikialam sa 'yo."

Napailing na lang ako.

--

PAGKAUWI sa bahay, nagbihis muna ako ng damit pambahay bago ako pabagsak na humiga sa kama at tumitig sa kisame.

Bumalik sa utak ko ang mga ginagawa ni Ken sa akin. I didn't want to assume anything, since he cleared it with me na kaibigan lang ang tingin niya sa akin. But he's giving me false hopes with his gestures to towards me. Gano'n na ba siya kabait? Would he be nice enough to distance himself from me if I say so?

Napabuga ako ng hangin. Inabot ko ang aking cellphone na nasa bedside table at binuksan ang Facebook ko. I scrolled up my news feed, napatigil lang ako nang makita ang isang picture na si Margaux ang nag-post, pero dahil naka-tag si Ken at friends kami ni Ken, nakita ko pa rin.

It was a picture if them, still in their school uniforms. They were facing each other, smiling, while their background was the aesthetic view of the street with the colors of the sunset. Binasa ko ang caption, 'Nothing and no one can tear us apart.'

Nakaka-bitter naman. I just clicked the like button before I exited my facebook and put back my phone on the bedside table.

I clearly got your message, Margaux. Clear as the crystals.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1K 189 38
Soaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how p...
48.8K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
27.1K 897 73
Everything comes to an end, and it all ended while a heavy rain is falling. 2020
382K 5.5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...