Broken Strings || ✓

By gwynchanha

56.6K 2.2K 275

Status: COMPLETED Liking Kenji Suson was the best thing that ever happened to the then highschool girl Trish... More

Broken Strings
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Note
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
THANK YOU!!!
Other Stories

Chapter 33

743 33 0
By gwynchanha

Chapter 33.

I KEPT RUBBING my hands together. Ngayong araw, malamig yata ang panahon. Hindi humuhupa ang lamig ng mga kamay ko at parang magpapawis pa nga. Napabuga ako ng hangin bago kinagat ang ibabang labi.

“Adeline...”

“Yes?” Kaagad akong nagbaling ng tingin kay Justin na nakaupo sa tabi ko. May driver siya ngayon kaya magkatabi kami ngayon dito sa likod.

He chuckled. “Calm down.” Hinawakan niya ang mga kamay ko at saka marahang pinisil. Medyo gumaan ang loob ko, pero hindi pa rin 'yon sapat para mawala ang kaba na nararamdaman ko.

“Kinakabahan ako. Baka anong sabihin--”

“Sssh,” he cut me off. “I said, calm down. 'Wag mo na isipin kung ano ang sasabihin nila. You're beautiful, okay? And you're doing fine. And besides, I'm here. I won't let anything bad happen to you.”

Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Nginitian niya naman ako sabay hinaplos ang pisngi ko nang marahan.

“Calm down, okay?” ulit niya at tumango na lang ako bilang sagot.

Paano ako kakalma sa ganitong sitwasyon? Sigurado akong may masasabi ang mga taong makakakita sa akin doon mamaya. Kasi sino ba ako? Hindi ako sikat na artista, hindi mayaman, hindi ako galing sa kilalang pamilya. Isa lang naman akong ordinaryong tao na naghahanap-buhay para buhayin ang sarili at ang ina, pero pupunta ako ro'n bilang date ni Justin.

Buong byahe, nakahawak lang si Justin sa kamay ko at kinakalma ko. He kept on uttering comforting words and it kinda worked. He cracked corny jokes that made me laugh at kahit sandali, nakalimutan ko kung saan kami papunta at kung ano ang gagawin doon.

Nang huminto na ang kotse sa tapat ng hotel kung saan ang venue ng gala, nawala kaagad ang ngiti ko lalo na nang pagkasilip ko sa labas, nakita ko ang mga nakaabang na mga reporters at fans sa likod ng barricades. Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko, nanlamig ang buong katawan. Napalunok na lang ako.

“Hey...” Hinigpitan ni Justin ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya. He smiled at me softly. “Let's go?”

Wala na akong choice. Tumango na lang ako kahit gustong-gusto kong magpaiwan na lang dito sa loob ng kotse.

Binitawan niya ang kamay ko at nauna na siyang bumaba. Naghiyawan kaagad ang mga fans at nagsipitikan ang mga camera ng reporters na naroon. Bumigat ang paghinga ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso. Napahawak na tuloy ako sa dibdib ko at saka nag-breathing exercise para pakalmahin ang sarili. Kung patuloy akong kakabahan, baka pumalpak pa ako at makasira pa lalo sa imahe ni Justin.

Sana kinapalan ni Jahs ang makeup ko para hindi ako makilala ng mga tao pagkatapos nitong event.

Nakatitig lang ako kay Justin at pinagmamasdan siya habang humahakbang papalapit sa pinto, at nang buksan niya ‘yon, nasilaw kaagad ako sa mga flash ng camera na bumungad sa akin.

“Oh, gosh! May girlfriend ka na, Justin?!”

“Wait, who's that girl? Not gonna lie, she's beautiful! And her gown, oh, gosh...”

“I don't know her. Artista ba ‘yan?”

Mariin akong napapikit bago yumuko nang humakbang ako palabas ng kotse. Ginamit ko ang bag ko bilang pangharang sa mga flash ng camera at para na rin matakpan ang mukha ko mula sa cameras at mga taong nakatitig na ngayon sa akin.

Nang inabot ni Justin sa akin ang kamay niya, kaagad ko namang tinanggap at napahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Naramdaman niya yata ang panginginig ko kaya napayuko na siya para bumulong sa akin.

“Are you okay?” he whispered softly.

Tumango naman ako kaagad. Bahagya niyang pinisil ang kamay ko at saka hinagod ng hinlalaki niya ang likod ng palad ko. Somehow, it calmed me a bit.

Bumulong siya ulit na manatili akong nakayuko kung hindi ako komportableng ipakita sa lahat ang mukha ko. Nagsimula na siyang lumakad at sumabay naman ako sa kaniya. May mga pumipigil sa kaniyang reporters para sana tanungin kaso tinatanggihan niya politely.

Hindi naman umabot ng minuto na nasa labas kami at naglalakad sa carpet papasok, pero pakiramdam ko lumakad ako sa ilang metrong matinik na daan at pakiramdam ko na-drain ako. Napabuga kaagad ako ng hangin nang nakapasok na kami sa hotel at nasa elevator na, malayo na mula sa media at fans.

“Adeline, are you really okay? Should we go back home?” sunod-sunod na tanong niya kaagad nang nagsara na ang elevator. “Pwede namang hindi na tayo tumuloy kung hindi maganda ang pakiramdam mo--”

“H-Hindi, ayos lang,” I cut him off. Binigyan ko siya ng ngiti para kumbinsihin siya. “Importante sa inyo ang event na ito, hindi pwedeng hindi ka dumalo.”

His eyes were full of concern. For me. “Mas importante ka, Adeline.”

Natahimik na lang ako. Naisip ko na naman, this guy's too kind and soft. Bakit kaya hindi na lang siya ang nagustuhan ko dati? Pero pwede namang siya na ngayon...

Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog at bumukas ang elevator. Bumungad sa amin ang hallway na may red carpet na naman pero ang dulo ng hallway ay may mga security guard na binubuksan ang double door para sa mga imbitadong personalities na pumapasok. May iba pang nasa labas pa lang at nag-uusap.

Napaawang ang mga labi ko at napalunok na lang. Tinatawag ko na lahat ng santo para pigilan akong makagawa ng kapalpakan.

Inabot ni Justin sa akin ang braso niya, at kaagad naman akong kumapit doon. Humigpit ang pagkakahawak ko sa purse ko nang nagsimula na kaming lumakad. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti kahit kinakabahan na ako nang todo.

Nang papalapit na kami sa entrance, may iilang napabaling ng tingin sa direksyon namin at kaagad binati si Justin. Mga kakilala niya sa trabaho kaya nakipag-usap siya saglit. Ako naman ay nanatiling nakatayo at nakangiti lang doon, ayos lang sa akin na hindi ako pansinin, mas mabuti na ‘yon kasi baka mautal pa ako.

Pagkarating namin sa tapat ng pinto, pinagbuksan kami ng security guard at pasimple akong kumurap nang sumalubong sa amin ang spotlight.

“Mr. Justin De Dios and his date for tonight!” dinig kong sabi ng sa tingin ko ay MC ng event na ito, at pumalakpak ang iilang guests na nandito. Nagpatuloy pa ito sa pag-describe ng suot namin at kung gaano ito kabagay sa amin.

Todo ngiti lang ako habang kinukunan kami ng pictures at may lumapit pang cameraman sa amin na kumukuha ng video. Mukha na akong natatae dahil sa pilit kong ngiti ngayon.

It lasted for almost two minutes bago kami nakaalis ni Justin doon. Nang nakalayo na kami sa pinto, may lumapit sa aming waiter at iginiya kami kung saang table kami uupo. Medyo dim na rito sa may table kaya hindi ko gaanong nakikita ang hitsura ng mga nakaupo na sa table.

“You're late, Justin!” pabirong bati ng isang lalaki kay Justin pagkaupo namin. Pamilyar sa akin ang mukha niya, kaya baka artista siya.

Justin chuckled. “Maraming reporters sa labas.”

Tumawa ang lalaki. “As expected from a member of the most famous boyband in the country!”

Nanatili lang akong tahimik doon at nakaupo sa tabi ni Justin. Hindi ko matingnan sa mukha ang mga kasama namin kaya tinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga nakalagay sa lamesa. May candle sa gitna at may bulaklak. Walo kaming lahat na nandito ngayon sa round table. Ang ibang wine glass ay may laman na at nabawasan na rin.

“Care to introduce us to your date, Jah?”

Naagaw ang atensyon ko ng tanong na ‘yon kaya napaangat na ako ng tingin sa babaeng nagtanong. Napakislot ako nang biglang hawakan ni Justin ang kamay ko at saka marahang pinisil.

Justin cleared his throat. “This is Adeline, my girl.”

Napabaling kaagad ako ng tingin kay Justin. Nginitian niya lang ako habang ako at gulat sa sinabi niya. Anong ‘my girl’?

Mahinang natawa ang babae. “You mean, your girlfriend?”

Umiling naman si Justin. “No. But I want her to be my girlfriend.”

Awkward na tumawa na lang ako. Kung karera lang ang pabilisan ng tibok ng puso, baka kanina pa akong nakaabot sa finish line sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

“So...” malisyosang nagbaling ng tingin sa akin ang babae at saka ngumiti. Maganda ang ngiti niya, perpekto ang ngipin at maputi. “He's courting you?”

Awkward na natawa ako. “S-Siguro?”

Nasapok ko na lang ang sarili ko sa utak ko dahil sa sinagot. Eh sa 'yon ang unang lumabas sa bibig ko, hindi ko napag-isipan ang sagot ko.

Justin chuckled. Napakislot ako at napakurap nang bigla niyang pinulupot ang braso sa bewang ko at saka siya humilig papalapit sa akin. “Stop asking her, Denise. She's shy.”

Natawa naman si Denise.

They continued their conversation at ako naman ay natahimik na at nanatiling tahimik. May waiter na dumating at nilapag ang mga pagkain namin, at doon ko na lang tinuon ang buong atensyon ko.

Ilang minuto pa, nagsimula na rin ang event. Nagpakilala ang MC na nasa stage at sinabi kung ano ang dahilan ng event.    May pa-games pa ang host na iilan lang ang sumali. May awarding pa at kami ni Justin ang napiling couple of the night, na siyang ikinagulat ko.

Habang tumatagal, gumagaan na ang loob ko lalo na sa mga kasama namin sa table namin. Nakikipag-usap na rin ako sa kanila and thankfully, wala silang tinatanong na personal questions. Inaasar lang nila si Justin na sinasabayan ko naman.

Nasa kalagitnaan kami sa pagkain ng main course nang marahan kong hilain ang laylayan ng suit na suot niya. Napabaling naman kaagad siya ng tingin sa akin.

“You don't like your food?” bulong niya. “I can ask the waiter na palitan kung ayaw mo.”

Umiling naman kaagad ako. “Hindi. Magpapaalam lang ako, magsi-CR lang ako saglit.”

Ibinaba niya kaagad ang hawak na kubyertos. “Samahan na kita--”

“Naku, 'wag na!” Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. “Kaya ko na. Magsi-CR lang naman ako, eh. Dito ka na lang.”

“Sure ka?”

Tumango naman ako bilang sagot. Hindi pa rin siya kumbinsido, nangunot pa ang noo niya. I smiled at him at sinabi ulit na ayos nga lang. Took me a lot of smile and convincing bago siya pumayag.

Tumayo kaagad ako at lumakad. Medyo mahaba at malapad ang gown na suot ko kaya kailangan ko pang hawakan habang naglalakad. Pagkarating ko sa entrance, nagtanong ako sa guard kung saan ang comfort room. May lumapit naman sa aking waiter na iginiya ako kung saan ang CR dahil madadaanan niya naman papuntang table na pagsisilbihan niya ng wine.

Pagkapasok ko sa CR, may iilang babae na naroon na sa palagay ko ay guests din. Napalingon ang iba sa akin habang ang iba naman ay sinipat ako mula sa repleksyon ng salamin. Yumuko na lang ako habang naglalakad papunta sa isang cubicle.

“Isn't that the girl Justin brought?” dinig kong bulong ng isa sa kanila. Mahina lang ang boses nila, pero dahil nasa CR kami, ume-echo talaga ang boses nila.

“Yeah, it's here. 'Di ba siya rin 'yong tinutukoy ni Margaux na sinusulot ang boyfriend niya?”

The other girl gasped. “Wait, that's also her? Oh my god!”

Hindi ko na narinig ang ibang sinasabi nila dahil umalis na sila. Hindi na ako nakaihi dahil masyado akong focused sa pinag-uusapan nilang sure kong ako.

Margaux, huh.

Lumabas ako ng cubicle at dumiretso sa harap ng salamin. Napatitig ako sa repleksyon ko. May makeup ako sa mukha. Kung titingnan, mukha akong ibang tao. Sa totoo lang, mas maganda naman si Margaux kumpara sa akin at mas bagay talaga sila ni Ken dahil pareho sila ng level at estado sa buhay.

Mariin na lang akong napapikit at saka napabuga ng hangin. Bakit ko ba sila iniisip? I am not here for them, anyway. Nandito ako dahil kay Justin.

I fixed myself before I went out of the comfort room. Pagkalabas ko, may lalaking nakaabang sa tapat ng pinto, akala ko random na tao lang kaya hindi ko na pinansin.

“Trisha Adeline?”

Napahinto ako sa paglalakad nang tawagin niya ako. “Yes?”

Hindi agad siya sumagot. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at saka humarap sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, bago siya nagsalita ulit.

“Jah and Ken had been acting weird lately,” aniya. Umangat ang isang kilay niya. “I'm guessing you might know why?”

Parang may iba siyang gustong iparating sa tanong niya, kaya nagsalubong ang mga kilay ko. Magsasalita na sana ako pero may sumigaw sa likuran ko.

“Josh! Jusko! Kanina pa kita hinahanap, nandiyan ka lang pala!” a girl shouted at napalingon kaagad ako sa kaniya. May hawak siyang folder at nakasuot din siya ng dress na akma sa theme ng event ngayon. Naka-clean bun ang buhok niya, naka-make up pero hindi pa rin naitago no'n ang stress sa mukha niya. “Tapos na ang viewing ng music video. Pumunta ka na ro'n dahil magpe-perform pa kayo!”

The person she called Josh, smiled. “Oo na po, Ms. Anne! Sorry na!” Namulsa siya at saka lumakad na. “See you around,” aniya nang nadaanan niya ako.

Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya. Bumalik sa utak ko ang tinanong niya kanina, at hindi na ‘yon naalis sa isip ko.








Continue Reading

You'll Also Like

78.6K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
576K 15.9K 53
Achaicus will do everything for his dreams. He worked hard for this. Dugo't pawis ang inilaan niya. Matagal niya nang gustong abutin ito with the hel...
3.3K 90 14
"I'll wrap you in my arms Gal, night or day... I will never get tired of you... And in any other life time, by chance... I will still wrap my arms in...
5.1K 189 38
Soaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how p...