Broken Strings || βœ“

Door gwynchanha

53.2K 2.1K 259

Status: COMPLETED Liking Kenji Suson was the best thing that ever happened to the then highschool girl Trish... Meer

Broken Strings
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Note
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
THANK YOU!!!
Other Stories

Chapter 30

941 37 6
Door gwynchanha

Chapter 30.

HINDI KO ALAM kung maiiyak ba ako o matatawa. Sobrang init, mag-a-alas nuwebe pa lang ng umaga pero ang sikat ng araw ay tumatagos sa balat. Pero mas nangibabaw ang pagkagulat ko kay Honey kaysa sa mainit na pakiramdam na binibigay ng araw.

Hindi makapaniwalang napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya habang nakangiting tumakbo siya pabalik sa counter. Nang nakapwesto na siya, binalingan niya ako ng tingin, at saka iminuwestra ang kamay na parang pinapaalis ako.

Nandito ako ngayon para sana ituloy ang shift ko sa cafe niya, pero no'ng nalaman niyang susunduin ako ni Justin mamaya para mamili ng susuotin para sa gala night, siya pa ang naunang itulak ako palabas. Pinilit niya akong ichika sa kaniya ang usapan namin ni Justin sa loob ng cafe niya kahapon at noong nalaman niya na nga, todo kilig siya at suporta agad, at wala rawng kaltas sa sweldo ko ang pag-absent ko ngayong araw para sa "date" namin ni Justin.

Napabuga na lang ako ng hangin bago napatalikod. Pagod na napameywang ako at saka inilabas ang cellphone ko. Pinindot ko ang Messages na app para sana i-check kung may message ba ako galing kay Justin, pero nakuha ng reply ni Ken sa akin kagabi ang atensyon ko.

So... he was here to ask me to be his date at the gala night? Pero may Margaux naman siya, ah. Do'n na lang siya.

Pinindot ko ang pangalan ni Justin sa messages ko at magtitipa na sana ng message para sa kaniya pero naunahan niya ako.

From: Justin

Hi! Sorry, hindi ko pala nasabi sa 'yo kung anong oras kita susunduin. I can go there anytime you're free naman, just tell me when.

Marahan akong napabuga ng hangin. Habang naglalakad ako papunta sa pinakamalapit na puno ay nagtitipa ako ng pang-reply sa kaniya.

To: Justin

Hello! Na-kick out ako sa cafe ni Honey :D Anyway, kung hindi ka busy, pwedeng ngayon na. Nasa tapat ako ng cafe, sa may puno malapit sa poste.

From: Justin

HAHA okay, noted. See you! :*

After reading his message, hindi na ako nag-reply. Lumakad ako papunta sa bench na nasa ilalim ng puno, at saka ako umupo ro'n. Nahimas ko ang mga tuhod ko habang nililibot ang paningin, hinihintay si Justin. At habang nandoon ako, pumasok bigla sa isip ko si Ken at ang message niya sa akin kagabi.

Paano kung iba ang naging direksyon ng relationship namin? I'm sure tatanggapin ko kung aayain niya man akong maging date sa gala. Pero hindi, eh, kaya do'n na lang siya kay Margaux.

Nakuha ng papalapit na taxi ang atensyon ko. I was guessing it was Justin, kaya tinitigan ko iyon at hinintay na huminto. Huminto nga ito sa tapat ko, at saktong pagtayo ko mula sa bench ay bumukas ang pinto sa backseat at lumabas ang nakangiting si Justin.

“Hi,” aniya sabay ngiti. Halatang nagmadali siya parito dahil may iilang buhok niya pa ang nakatayo, at medyo nalukot ang puting polo shirt na suot niya.

Mahina akong natawa. “Nakakaabala ba ako? Mukhang may nauna kang ginawa, baka nakakaistorbo ako, ah.”

He just chuckled. “You're never a disturbance to me, Adeline.” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya, kaya ngumiti lang ako at pasimpleng iniwas ang tingin. “Anyway... let's go? I'm excited to go now.”

Tumango na lang ako bilang sagot.

Inabot niya ang kamay niya na kaagad ko namang tinanggap. Marahan niya akong iginiya papasok sa parehong taxi na sinakyan niya. Pumasok na rin siya at saka umandar na ang taxi paalis.

Habang nasa loob kami, sinabi niya sa akin kung saan kami pupunta. Una, pupunta raw kami sa kakilala niyang designer na mayroong boutique malapit dito. At makalipas nga lang ng halos kalahating oras, huminto ang taxi sa tapat ng isang boutique na may nakaburdang “Mahalima” na naka-fancy font sa itaas ng glass door.

“Let's go,” bulong niya at napayuko ako sa kamay niyang humawak sa kamay ko. His hold on my hand tightened bago siya humakbang palabas ng taxi pagkatapos bayaran ang fare.

Bahagyang napaawang ang mga labi ko habang nakatitig sa mga damit na naka-display sa gilid ng pinto. Ang gaganda at sure akong mamahalin.

Napasunod na lang ako kay Justin nang marahan niya akong hinila papasok sa boutique, pero ang atensyon ko ay nasa mga damit na naka-display at sa kabuoan ng botique. Kulay puti ang loob at may mga bulaklak sa gilid-gilid, at nakakaagaw-pansin din ang chandelier na nasa gitna ng kisame.

“Is she the girl you were talking about?”

Napakurap ako at kaagad napabaling ng tingin sa nagsalita. Bahagyang napaigtad ako nang makitang nakatitig na pala sa akin ang isang babaeng tansya ko ay nasa early 40's na. Nakangiti siya at mukhang hinihintay niyang magsalita ako. Awkward na napangiti na lang ako.

“Ah, oo,” si Justin ang sumagot kaya nabaling ang paningin ko sa kaniya.

Tumangu-tango ang babae, at saka niya ulit ako sinipat mula ulo hanggang paa. “She has a nice body proportion. Do you work out, hija?”

Napakurap ako. “W-Work out? Hindi po.” Umiling kaagad ako.

“Really?” Sasagot na sana ako pero bigla niyang pinalakpak ang mga kamay niya nang isang beses. “Oh, well, anyway. Should we start measuring you? Baka may iba pa kayong pupuntahan, eh.”

Nalipat ang paningin niya kay Justin at makahulugang ngumiti at saka inangat-baba ang kilay, dahilan para matawa si Justin.

“Okay.” Humarap sa akin si Justin. “Ikaw na muna ang mauuna.”

“Huh?” Hindi na ako nakaangal dahil hinawakan na ng babae ang kamay ko at saka ako hinila. May tinawag siyang sa tingin ko ay employee niya rito, na gusto niyang sumukat sa akin.

“Stand right here,” mahinang sabi niya na sa tingin ko ay sa sarili niya lang sinasabi. Sumunod na lang ako sa kaniya nang pinatayo niya ako sa tapat ng desk niya, at saka siya umupo sa kabilang side no'n habang nasa gilid ko naman ang babaeng may hawak na tape measure. “Okay. Start.”

Nanatili akong nakatayo habang pinapakiramdaman ang tape measure na dumidikit sa katawan ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo, pero nang natapos kami at medyo nangalay ang mga tuhod ko.

Nang bumalik na kami sa lobby, naabutan namin si Justin na nagbubuklat ng magazine habang naka-de kwatrong nakaupo sa sofa. Nang napansin niya ang presensya namin, nag-angat kaagad siya ng tingin at kaagad ding ngumiti sa akin.

Susunod na siyang susukatan kaya tumayo kaagad siya after ilapag sa lamesa ang magazine. Lumakad na siya at nang napadaan siya sa gilid ko, bumulong siya, “Wait for me.”

Hindi na ako lumingon sa kaniya. Napabuga na lang ako ng hangin bago lumakad na lang din at pumalit sa kaniya sa puwesto niya sa sofa kanina. Curious ako kung anong magazine ang binasa niya kaya binuksan ko 'yon. It was a magazine na ang front cover ay sila ng mga kagrupo niya sa SB19. Nasa magazine din ang interview nila at kung paano sila nagsimula, at may solo photoshoots din silang naroon.

While browsing the magazine, nahinto ako nang makarating ako sa page na may litrato ni Ken. Sa picture, seryoso lang ang mukha niya. Nakatitig siya na para bang may gusto siyang akitin o ano. Napatitig na lang ako sa picture niya at bumalik sa utak ko ang mga encounter naming dalawa these past few days.

“Adeline...”

Mabilis na naisarado ko ang magazine at napaangat kaagad ng tingin kay Justin. Nakangiting lumalakad siya papalapit sa akin, at saka huminto nang nasa kabilang tapat na siya ng lamesang nasa pagitan namin.

“Hmm?” Ngumiti ako sa kaniya habang marahang nilalapag sa lamesa ang magazine, sabay tayo.

“Babalik tayo rito next week para kunin ang damit natin, but for now let's go. May gusto akong puntahan kasama ka.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Saan naman?”

He chuckled. “You'll know later.”

He extended his hand, na kaagad ko namang tinanggap. Sabay na kaming lumabas ng boutique at pumara ng taxi. Ako ang nasasayangan sa pinambabayad niya sa pamasahe.

Ilang minuto lang, huminto ang taxi sa tapat ng mall, at may idea na ako kung saan kami pupunta pero hindi pa ako sigurado. At nakumpira nga ang hinala ko nang iginiya niya ako papunta sa cinema.

“Wait, wait...” Bumagal ang paglalakad niya at napalingon kaagad siya sa akin. “Is this a date? Magde-date ba tayo?”

He smiled. “If you want to call it a date, then...” He shrugged.

Napakurap na lang ako. This is definitely a date!

Hindi na lang din ako umangal.

Pumila na kami sa movie na gusto niya, na sabi niya rin ay magugustuhan ko raw. Hindi pa ako nakakapuntang cinema dahil pwede ko namang panuorin sa internet ang mga movies.

He bought us popcorns at iba pang pwede kainin at inumin sa loob ng sinehan bago kami pumasok. Our seats were at the front, at kaunti lang ang mga taong nandito ngayon, siguro kasi matagal-tagal nang na-release itong movie na papanuorin namin.

During the whole duration of the movie, pareho lang kaming tahimik. Tig isa kami ng popcorn at coke pero naunang naubos ang kaniya kaya kumukuha siya sa 'kin, kaya binigay ko na lang din sa kaniya kasi mukhang gustong-gusto niya.

Ang movie ay action-fantasy, at may nakakaiyak na scene doon pero hindi ganoong nakakaiyak para tumulo talaga ang luha ko, pero may humingos sa mga kasama naming manuod sa likuran at may tinawanan pa ang kasamang umiyak.

“Naiyak ka ro'n?” tanong ko kay Justin pagkalabas namin ng sinehan.

Nagbaling siya ng tingin sa akin saka nagkibit-balikat. “Sad naman, pero no, hindi.”

“Same. Mas masakit buhay ko ro'n.” Mahina akong natawa. “Anyway... Uuwi na ba tayo? Or may gusto ka pang puntahan?”

“Adeline...” Nasa may dulo na kami ng escalator pababa nang huminto siya at humarap sa akin. “This is a date, and I'll let you choose we're going next.”

Napakurap ako. So date nga 'to? Akala ko magsusukat lang ng damit 'tapos uuwi na. “Uhm... Hindi ko alam? Ikaw na lang bahala.”

Mahina siyang natawa. “Okay. Just tell me kung may naisip ka nang lugar na gusto mong puntahan, hmm?”

Tumango lang ako. He offered his hand again na tinanggap ko naman agad. He then led us to the escalator.

Habang nakatayo kami ro'n at umaandar pababa ang escalator, saka ko lang natuunan ng pansin ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Kanina pa lang, mula no'ng nasa tapat pa kami ng cafe ni Honey, hinahawakan niya na ang kamay ko pero masyado akong distracted para maalala.

Pero ngayon, ngayong nakatitig na ako mismo sa mga kamay naming magkahawak habang nakasakay sa escalator, nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at bahagyang humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay, dahilan para magbaling siya ng tingin sa akin at kaagad naman akong umiling.

Kanina pa kaming nagsasabi na date ito, pero ngayong naproseso na nga nang maayos ng utak kong "date" nga ito, hindi ko maiwasang ma-conscious. Sikat na tao ang kasama ko ngayon, at sino lang ba ako. At saka, kailan pa ba noong huling nakapunta ako sa isang date.

“The place that most people on dates go to is the amusement park, and feel ko hindi kumpleto ang date kapag hindi nakakapunta ro'n.” Nagbaling siya ng tingin sa akin. “What do you think?”

“Uhm... Ikaw bahala?”

Natawa ulit siya. Hindi ko naman talaga alam, kung saan niya man ako dadalhin sasama na lang ako.

At doon nga kami pupunta. Sinabi ko sa kaniyang masyadong mahal ang taxi kaya magco-commute na lang kami. Sumakay kami sa isang bus at buti na lang hindi ganoong matao ngayon, may space pa. Tumitingin ako sa labas ng bintana, nang marahan niyang pinatong ang kaniyang ulo sa balikat ko. Tiningnan ko siya sa gilid ng mga mata ko, at nakita kong pumikit siya habang nakangiti.

“Pagod ka na ba?” mahina ang boses na tanong ko.

Hindi siya agad sumagot. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga kamay namin. “Hindi na.”

Mahina akong natawa. “Corny mo.” Inangat ko ang magkasalikop naming mga kamay at saka tinampal sa hita niya. Natawa na lang din siya.

“Adeline...” Tawag niya makalipas ang isang minutong tahimik lang kami.

“Hmm?”

“May chance bang magkakagusto ka rin sa 'kin?”

“Akala ko ba ayos lang sa 'yo na hindi?”

Mahina siyang natawa. “Alam ko. Nagtatanong lang naman, baka kako nagbago na isip mo.”

Marahan akong napabuga ng hangin. “Ewan. Hindi ko alam.”

“Okay. That's better to hear than a direct rejection from you.”

Natahimik na ulit kami, pero ang klase ng katahimikan na hindi awkward. Ihinilig ko na rin ang ulo ko sa upuan at saka ko pumikit.

--

“SHOULD WE ride the ferris wheel first?” tanong niya agad pagkapasok namin sa park.

“Hindi ba mostly sa dates huli nilang sasakyan 'yan, 'yong kapag may sunset or kapag may magaganap na romantic?”  Nang-aasar na ngumiti ako sa kaniya.

Napabaling siya ng tingin sa akin. “Pero gusto kong sumakay na agad do'n, 'wag na natin sundin 'yan. Date naman natin 'to, hindi date nila.”

Natawa na lang ako. “Okay, okay.”

Lumawak kaagad ang ngiti niya.

Excited na hinila niya ako papunta sa ferris wheel. Medyo nangalay ang mga binti ko kakapila dahil maraming nakapila.

Noong nasa ferris wheel na kami, pinagtuturo lang namin ang mga lugar na pamilyar sa amin at hinuhulaan pa namin kung ano ang pangalan no'ng ibang stores at establishments na makikita kapag nasa tuktok na kami ng ferris wheel.

We rode every ride in the park. We were having so much fun kaya hindi ko na namamalayan ang oras. May photo booth pa at sinubukan namin 'yon, nakailang ulit kami ng shots kaya naparami ang pictures na dala namin palabas ng photo booth, hinati na lang namin.

Alas singko na ng hapon nang nakaramdam kami ng pagod at gutom. May dagat pala sa likod ng park at may bench doon, kaya umupo kami ro'n. Nilapag namin sa pagitan namin ang mga pagkain namin habang nakatitig sa dagat na nagkukulay yellow-orange na rin dahil sa sunset.

Hawak ko ngayon ang rainbow na cotton candy na kanina pa naming binili pero nasasayangan akong kainin dahil ang ganda. Paunti-unti lang akong kumukurot doon at sinusubo ko.

“That was so much fun,” aniya habang nginunguya ang corndog na kakakagat niya lang. “Nagutom tuloy tayo.”

Nang tumawa siya, napasabay na ako. “Yeah. I've never had this much fun in a while.” Napayuko ako sa cotton candy na hawak ko. Masyado akong tutok sa trabaho ko at sa pag-aalaga kay Mama na nakakalimutan ko na rin ang ganitong pakiramdam.

“Adeline...”

Nagbaling kaagad ako ng tingin sa kaniya. “Hmm?”

Namilog ang mga mata ko at tumalon ang puso nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ang noo ko. Nang inilayo niya ang mukha niya, ngumiti siya.

“Thanks for today. I had so much fun with you.”

Ngumiti na lang din ako. “Sumisimple ka na, ah, Justin. Pang-ilan mo na 'yan ngayong linggo.”

Mahina siyang natawa. Napakurap ako at bahagyang napaawang ang mga labi ko nang tinapik niya ang labi ko gamit ang straw ng softdrinks niya. “Soon.”

Hindi mapakaniwalang napatitig na lang ako sa kaniya nang sumipsip siya sa softdrinks siya mula sa parehong straw na tinapik niya sa labi ko. And he's really having fun, dahil natutuwa siya sa reaksyon ko sa ginawa niya.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

10.8K 104 12
Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga kwentong Dagli na kung saan Ang buhay ay parang isang sayaw na kala mo sa umpisa ay madali lang ngunit napakah...
169K 5.1K 88
When Assassins and Modern Royalties study in the same University... Ano kaya ang maaaring mangyari? (featuring EXO members) ☬babaengbully
611K 2.5K 7
Mistake have different meanings and people have their own opinions,what is really a mistake? Some people said that a mistake is always wrong and bad...
489K 8.8K 46
Cervantes Brothers Series: 4 Nagsimula ang lahat sa isang dare hanggang nauwi sa totohanan. Nang malaman ng ama ni Knch Cervantes ang relasyon nito s...