Broken Strings || ✓

By gwynchanha

53.3K 2.1K 259

Status: COMPLETED Liking Kenji Suson was the best thing that ever happened to the then highschool girl Trish... More

Broken Strings
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Note
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
THANK YOU!!!
Other Stories

Chapter 24

962 36 8
By gwynchanha

Chapter 24.

KINABUKASAN, kaagad akong nagpaalam na magle-leave ako ng isang linggo sa café ni Honey pati na rin sa convenience store. Hindi na ako tinanong ni Honey bakit, basta ni-remind niya lang sa akin na naubos ko na ang leave ko. Pero si Sir Lance, ilang tanong pa ang binato sa akin na honest ko namang sinagot bago niya ako pinayagan.

Wala na akong kawala. Hindi ako pinapakinggan ni Alisha. Sinubukan ko pa siyang i-text at tawagan pero ayaw niya akong sagutin. May isang beses na nag-reply siya sa text ko at ang sinabi niya lang ay “Waa na, nalista ko na pangalan mo. Don't worry! Ang bayad naman nito sa 'yo, katumbas ng isang buwan mong sahod!” kaya wala na talaga akong magagawa kun 'di ang puntahan at pasukan itong pagiging cleaning crew.

Naglalakad na ako papunta sa parahan ng traysikel nang nag-text ulit si Alisha sa akin. Ang sabi niya ay sa ShowBT daw muna ako dumiretso para makasabay ko ang ibang kasama ko sa cleaning crew. And that's what I did. Pumara ako ng traysikel at sa building na kaagad dumiretso.

Nang nakarating na ako sa tapat ng building, may nakikita na akong mga van. May isang van doon na doon pinapasok ang iilang boxes na sa tingin ko ay props na gagamitin para sa shoot.

Hindi ko na pala natanong kung ano ang isho-shoot ng ng group nina Justin at Ken.

Nakita kong kalalabas lang ni Alisha mula sa building at napabaling kaagad siya ng tingin sa direksyon ko. Ngumiti siya at kaagad na kumaway.

“Trisha! Halika rito!”

Nagtatakang napakurap ako bago lumakad na rin papunta sa kaniya.

“Saan ba ako dapat?” tanong ko kaagad paglalapit ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang braso ko.

“Doon, 'yong nasa puting van na 'yon...” Tinuro niya ang van na tinutukoy niya at kaagad naman akong napatingin doon. “Sila ang cleaning crew. Doon ka sa kanila sasama mamaya. Don't worry, hindi naman ganoon kahirap ang gagawin ninyo. Maglilinis lang naman kayo, eh, at saka baka kayo rin ang maaatasan para sa iilang errands habang nasa shooting.”

Tumango lang ako bilang sagot.

Hinila niya ako papunta roon sa van na binanggit niya at pinakilala niya ako sa mga makakasama ko na naroon. Ang sabi nila ako raw ang substitute no'ng isang kasama nilang kinailangan mag-leave din dahil manganganak ang asawa.

May inabot sila sa akin na uniform at 'yon daw ang susuotin ko para malaman ng ibang staff ng studio na parte ako ng cleaning crew. Marami rin silang binigay sa akin na bilin at mga dapat gawin kapag nasa studio na at puro tango lang ang sagot ko.

Nakatayo lang ako sa tapat ng van nang unconsciously napabaling ako ng tingin sa direksyon ng pinto ng building at sakto namang lumabas doon ang grupo nina Ken at Justin, kasama ang sa tingin ko ay Manager nila at iilang body guards.

There were some fans na nasa malayo lang at nagsitilian sila nang makita ang grupo. They quickly smiled at their fans and waved at them. Napako naman ang paningin ko kay Ken nang makitang ngumiti siya.

It's been a long time since the last time I saw him smile.

“Ms. Trisha,” tawag sa akin no'ng isang kasama ko sa cleaning crew kaya humarap kaagad ako sa kaniya. “Tara na. Kailangan nating mauna ro'n sa set para masiguro na maayos at malinis na ro'n.”

Tumango naman ako kaagad bago sumakay sa van. Nauna na nga kaming umalis.

Mga kalahating oras yata nandoon na kami sa set. Sa tingin ko nature-themed ang isho-shoot nila rito ngayon dahil nasa labas at kitang-kita ang malawak na langit, wala rin gaanong puno rito.

May mga tao na rin dito ngayon na nagse-setup ng mga equipment at props.

“Sir, magbibihis lang po ako, ah,” paalam ko sa kasama ko pagkababa nila ng van.

“Oh, okay. Bilisan mo lang.”

Tumango ako bago isinara ang van at nagbihis na. Nang natapos ay lumabas na ako at tumulong na sa kanila sa pagche-check ng mga equipment at ibang gamit dito sa set.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang ibang kailangang dumating, lalo na ang grupo na magsho-shoot dito ngayon.

Hindi ko na rin natingnan pa kung nasaan na sila dahil busy na rin kami sa kailangan naming gawin. Medyo mabuhangin dito dito sa set at open na open ang area kaya mabilis talaga magkaroon ng dumi ang kahit na ano.

Nagsisimula na ang shoot nang nautusan akong tumulong naman doon sa naka-assign sa pagkain. Ako ang bumuhat sa iilang karton ng tubig na hindi niya na mabuhat.

Habang buhat-buhat ko ang mga karton papunta sa lamesa, napadaan ako sa likod ng camera man kaya napahinto ako saglit at tiningnan ang grupo na ngayon ay sumasayaw na. Nakasuot sila ng pang army na uniform habang sumasayaw at ang bibig nila ay bumubuka kasabay ng music na umaalimgawngaw ngayon dito sa set.

I love how energetic they are while dancing. I can tell they really love doing this.

“Trisha! 'Yong tubig!”

Napakurap ako at napabaling kaagad doon sa tumawag sa akin. “Sorry!” Kaagad akong tumakbo papunta ro'n sa table para malapag na ang isang karton ng bottled water.

I sighed. Kailangan kong mag-focus sa ginagawa ko.

--

“AND... CUT!” rinig kong sigaw ng director kaya napabaling ako ng tingin sa direksyon niya. Ngumiti siya at marahang pumalakpak, kasunod ay pinuri niya ang grupo at binigyan ng kaunting break bago magsimula ulit sa susunod na part.

Nasa ilalim ako ng sound system at tinatanggal sa pagkakabuhol ang iilang wires. Hindi ako ganoon kakita rito dahil natatabunan ng sound system ang buong katawan ko, pero nakakasilip naman ako sa kanila.

“Ms. Trisha? Nandito ka ba?”

Napaangat kaagad ako ng tingin sa kasama ko sa cleaning crew na tumawag sa akin. Huminto siya sa tapat ko at saka ngumiti.

Ngumiti naman ako pabalik. “Bakit po?”

“Hinahanap ka kasi no'ng isang staff yata. Puntahan mo na.”

Naisip ko na baka si Alisha ang naghahanap sa akin kaya tumayo kaagad ako at sumunod sa kaniya nang lumakad na siya. Papunta kami sa direksyon ng van namin at napakunot ang noo ko nang makitang wala naman si Alisha.

“Ay teka, sino po ba naghahanap sa akin? Hindi po ba si Alisha?” tanong ko pagkarating namin sa tapat ng van.

Napakunot din ang noo niya. “Alisha?”

Magsasalita na sana ako pero natigil ako nang makita kung sino ang papalapit sa direksyon namin ngayon.

Heto na naman ang pakiramdam na hindi ko alam kung iiyak ba ako sa sobrang kaba o mahihimatay na lang para maligtas ang sarili.

Bakit muna ako kinakabahan kay Ken?

May bitbit siyang styro na sa tingin ko ay pagkain ang laman. Napatitig na lang ako sa kaniya habang papalapit siya sa akin at huminto lang sa tapat ko.

“Been seeing you running around here,” aniya at hindi ako nakakibo. Inabot niya sa akin ang hawak na styro. “You should eat first before working again.”

Ilang segundo bago ko naproseso ang ginagawa niya pati ang presensya niya. “Uhm... thank you?” Hesitant pa akong tanggapin ang inaabot niya. Napatingin ako sa kasama ko at ginalaw niya lang ang kaniyang mga mata na parang sinasabing kunin ko kaya kinuha ko na lamg. “Uhm... I-Ikaw rin. Kailangan mo ng maraming energy. Good job pala. Galing n'yo.”

Ang ewan mo, Trisha.

Nang inangat ko ang tingin ko sa mukha niya, nagsalubong ang mga mata namin kaya agad kong nilipat sa noo niya ang tingin ko para kunwari hindi ako conscious at kinakabahan ngayon.

Tipid siyang ngumiti. “Thanks.”

May sasabihin pa sana siya pero nahinto nang may tumawag sa kaniya. “Ken! Hoy, Ken! Halika na rito! Ano ginagawa mo d'yan?”

Napabaling ako sa tumawag sa kaniya. 'Yong kasama nilang cute na naka-braces pala ang tumawag sa kaniya.

“Papunta na!” sigaw naman ni Ken pabalik bago umalis na papunta roon sa pwesto ng mga kagrupo niya at napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya.

Nang umalis sa pwesto niya 'yong tumawag kay Ken, napakurap ako nang makita si Justin at nakatitig na pala siya sa akin. Straight lang ang mukha niya no'n pero no'ng nakita ako, kaagad siyang ngumiti at kinawayan ako.  Napangiti na lang din ako at saka kumaway pabalik.

“Thanks for working hard!” he mouthed at saka inangat ang dalawang kamay na naka-thumbs up.

Mahina akong natawa. “You too. Good job.” I pointed at him before raising a thumbs up, too. “Galing mo!”

He just scrunched his nose in a cute way bago sumubo ng pagkain at tumalikod na dahil sinita siya ng Manager niya.

Umupo na lang din ako sa loob ng van namin bago binuksan ang styro na may pagkaing laman na bigay ni Ken at magsisimula na sana akong kumain nang marinig kong tumunog ang cellphone ko na nasa aking bag. Kinuha ko muna 'yon at tiningnan kung ano ang dahilan kaya 'yon tumunog. Nang makitang may message galing kay Justin, hindi ko pa nga nababasa napangiti na ako.

Justin:

Salamat! Libre mo ko next time kasi I did a good job at ang galing ko :D

Mahina akong natawa bago nag-reply.

Me:

Oo na. Next time :)

Pagkatapos ma-send ang reply ko ay binalik ko na sa bag ang cellphone ko at saka nagsimula nang kumain.

Pagkatapos kumain ay balik na kaagad sa trabaho. Tapos na rin ang break nila kaya balik na rin sila sa shooting.

Mga ilang oras na rin ang shoot. Malapit na matapos at maga-alas dos na ng hapon.

Nagliligpit na lang ako ng mga ginamit na plastic utensils at styro na ginamit kaninang lunch. Nilalagay ko lang sa karton na package no'ng sa water bottles kanina. Napuno ko na kaya umalis na ako at pumunta na kaagad malapit sa van namin kung saan namin sine-segregate ang mga basura.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatanggal ng mga tirang pagkain sa styro nang may nagsalita bigla sa gilid ko.

“Uhm... excuse me? Malapit na po ba matapos ang shooting dito?”

Nilapag ko muna sa tapat ko ang styro bago ako nakangiting nag-angat ng tingin sa nagsalita. “Malapit na po—”

Natigilan ako nang mamukhaan kung sino ang kaharap ko ngayon. Nag-mature na rin ang hitsura niya at halos hindi ko na nga rin makilala dahil sa make up niya at iba na rin ang pananamit at hairstyle niya. Parang artista or model na rin ang dating.

Kumurap siya, nakangiti pa rin. “Hmm?”

Napakurap na rin ako bago nag-iwas ng tingin. Tumikhim ako bago sumagot ulit. “U-Uh... O-Oo, malapit na matapos.”

“Okay! Do you know saan ako pwede pumwesto habang naghihintay kung kailan matatapos ang shoot?”

“Um... Hindi eh, pero pwede ka magtanong sa ibang staff doon.”

Tumango siya. “Okay. Thank you!”

Nang nakaalis na siya, napatingin kaagad ako sa pigura niyang papalayo at napabuga na lang ako ng hangin.

So... All these years, sila pa rin ni Margaux, huh. 


Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 417 33
"I love you until the last uncountable stars in the universe." ****** Viana lost her twin sister at a very young age and suffered emotional trauma br...
114K 3.2K 19
oh the way you say my name shoots sparks in my body and electricity in my veins and i know that i am crazy but boy, you drive me crazy.
816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
1.2K 280 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...