Broken Strings || ✓

By gwynchanha

56.7K 2.2K 275

Status: COMPLETED Liking Kenji Suson was the best thing that ever happened to the then highschool girl Trish... More

Broken Strings
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Note
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
THANK YOU!!!
Other Stories

Chapter 19

1K 46 7
By gwynchanha

A/N: hi! So uhm, I decided to finally update a chapter for this story. Been wanting to go back to my first genre (which is fanfic) and it took one comment from a reader para ipaalala sa akin na nag-eexist nga pala ang story na 'to at kailangan na dugtungan lmao.

--

Chapter 19

“OOF! I'M SORRY, I'm sorry.”

Mahinang natawa si Alisha. “Naku, ayos lang, Sir Ken!”

Namilog ang mga mata ko at unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko inaasahang magkikita kami ulit, at sa ganitong sitwasyon pa.

Nang nalipat ang kaniyang paningin sa akin, kaagad kong iniwas ang mukha ko at nakagat ko na lang ang ibabang labi ko.

“Oh, and who's this?” rinig kong tanong niya kay Alisha.

“Ah! Bagong hire po na magtatrabaho rito sa company, Sir Ken!” sagot naman ni Alisha. Bahagya akong napaigtad nang hawakan niya ang braso. “Actually po, siya si—”

Her words wer cut off and I was saved by my phone nang bigla itong nag-ring. Kaagad akong tumalikod at sinagot ang tawag.

“H-Hello?”

“Trisha!” It was the manager from the convenience store kung saan ako nagtatrabaho ng part time. “Nasaan ka ba? Kapag hindi ka pa rin pupunta rito within ten minutes, pasensyahan na lang, tatanggalin ka na namin sa trabaho.”

Nakagat ko ang ibabang labi ko. “I-I'm sorry, po. Papunta na po ako d'yan ngayon.”

“Siguraduhin mo lang talaga, Trisha. Mabait ako sa 'yo dahil naaawa ako sa sitwasyon mo, pero may hangganan din ang pagiging considerate ko sa isang tao.” 'Yon ang sinabi niya bago niya ako binabaan ng tawag.

Napabuga na lang ako ng hangin bago humarap ulit kay Alisha. Napakurap ako nang makitang siya na lang mag-isa, wala na si Ken.

“N-Nasaan na si... Sir Ken?” tanong ko.

“Umalis na. May gagawin pa sa loob, eh,” sagot niya. “Hayaan mo. Next time, ipapakilala kita nang maayos sa kaniya pati na sa ibang kasama niya!”

Tumango lang ako bilang sagot. “Alisha, I'm sorry, kailangan ko na palang umalis. May part-time pa pala ako ngayon.”

“Oh, sure! Basta 'yong trabaho mo rin dito, 9PM magsisimula, ah!”

“Okay. Thank you!”

I tapped her shoulder bago ako mabilis na tumakbo palabas ng company. Naghintay ako ng taxi sa labas pero walang dumadaan, kaya tumakbo na lang ako papunta sa pinakamalapit na pasadahan ng traysikel. Sa awa ng diyos, may isang traysikel akong nasakyan papunta sa convenience store na pagtatrabahuan ko.

Pagkarating ko sa store, napagalitan pa ako ng manager dahil hindi ako agad nagpunta noong tinext niya akong pumasok at tumao muna sa store dahil umalis si Sir Teddy. Sinabihan din ako ng manager na last warning ko na lang daw 'to, at tatanggalin na ako sa trabaho kung uulitin ko pa ang ngayon.

Around 6PM, natapos ang shift ko sa convenience store. I was so exhausted dahil busy ang store tuwing Sabado dahil may mga teenagers na naglalagi rito, lalo na ang mga may date.

Bumili muna ako ng uulamin namin ni Mama sa isang karenderya bago dumiretso na pauwi. Wala na akong oras at energy para magluto, kaya bumili na lang ako ng sa karenderya.

“Magandang gabi, Aling Ninita!” bati ko nang pagkapasok ko ng bahay ay naabutan ko si Aling Ninita na nasa sofa, nakaupo.

Tumayo naman siya kaagad at humarap sa akin. “Ay mabuti naman at nakauwi ka na, Trisha!”

“Bakit ho?” tanong ko habang naglalakad papuntang kusina.

“Iyong nanay mo kasi, simula no'ng nakainom no'ng gamot niya kanina, hindi na umimik. Nasa kwarto niya lang siya ngayon, nakatulala habang nakatingin sa labas ng bintana.”

Napabuga na lang ako ng hangin. Ganiyan lagi si Mama kapag nakakainom ng gamot niya. At kapag nawala naman ang effects ng gamot, babalik 'yan sa sa pagkilos dito sa bahay.

“Sige ho. Maraming salamat ho, Aling Ninita. Sa makalawa, ibibigay ko na po nang buo ang sweldo ninyo.”

Ngumiti naman kaagad ang matanda. “Sabi mo 'yan, ha! Sige. Alis na ako. Magandang gabi rin pala.”

Tumango lang ako at saka ngumiti. Nang nakalabas na ng bahay si Aling Ninita, nawala kaagad ang ngiti ko at napabuga na lang ng hangin.

Habang inaabot ko ang bowl at mga plato sa dish cabinet, nag-beep ang cellphone ko kaya nilapag ko muna sa lamesa ang mga plato at bowl at saka ko tiningnan ang cellphone ko. Text pala na galing sa best friend ko.

Jahsmine:

Ano na? Natanggap ka ba ro'n sa pinag-apply-an mo ng trabaho?

Kaagad akong nag-type ng reply.

Trisha:

Oo. Buti na lang natanggap ako. Muntikan na nga rin akong matanggal sa isang part-time ko para lang talaga mapuntahan ko ang interview.

Jahsmine:

Mabuti naman.

Kung pwede lang sana, ako na mismo ang magha-hire sa 'yo para magtrabaho sa akin. Kaso nag-aaral pa lang ako ng business management eh, kaya soon na lang! Gagawin kitang Vice President ng kumpanya ko. Ayos ba?

Marahan akong natawa bago nagtipa ulit ng pang reply sa kaniya. Inabot kami ng halos limang minuto sa pag-uusap bago ako nagpaalam sa kaniya dahil kailangan ko pang pakainin si Mama dahil may gamot din siyang iinumin mamaya.

Tinapos ko na ang paglilipat ng mga pinamili kong pagkain sa bowl at plato at saka ako ngsandok ng kanin. Nilabas ko ang tray mula sa cabinet at nilagay ro'n ang mga para kay Mama na pagkain, at saka ako lumakad paakyat sa kwarto niya. Mamaya na ako kakain kapag tapos na siya.

Pagkarating ko sa tapat ng kwarto niya, kumatok ako. “Mama?”

Walang sumagot. Alam ko namang nandiyan siya sa loob, pero gusto ko lang kumatok para alam niyang nandito na ako.

Pinihit ko kaagad pabukas ang pinto at marahang tinulak. Napako kaagad ang paningin ko kay Mama na nakaupo lang sa gilid ng kama at nakaharap sa bintana ng kwarto niyang nakabukas, at nakatagilid naman siya sa direksyon ko.

Napabuntonghininga na lang ako bago marahang lumakad papasok.

“Mama, kain ka muna ng dinner.” Lumapit ako sa kama at nilapag sa tabi niya ang tray na may pagkain. “May iinumin ka pang gamot mamaya bago matulog.”

“Trisha...” tawag niya sa pangalan ko nang hindi ako nililingon, magaspang at garalgal ang boses niya na para bang ito pa ang unang beses na nagsalita siya ngayong araw.

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. I gulped the lump in my throat before I flashed a smile again. “Oo, Ma, nandito ako.”

Unti-unti siyang pumihit paharap sa akin. Nang nakaharap na siya, tinitigan niya lang ako. Pilit akong ngumiti sa kaniya.

“Kailangan mong kumain, Ma, kasi may gamot kang iinumin mamaya.” Dinampot ko ang kutsara at nagsandok ako ng kanin at ulam. “Heto, susubuan kita.”

Parang robot namang ngumanga siya kaya sinubuan ko na lang. Nagpatuloy ako sa pagsusubo sa kaniya ng kanin hanggang sa naubos niya, at tahimik lang siya buong oras na sinusubuan ko siya.

Madalas kasing napupuyat si Mama dati kaya nagka-anemia na rin siya. Pinapainom siya ngayon ng may iron na vitamins bago matulog, at 'yon ang pinainom ko sa kaniya pagkatapos niyang kumain.

Makalipas ang ilang minuto, tulog na ulit si Mama. Nakatagilid siya sa kama habang nakaharap sa akin ang likod niya. Inangat ko ang kumot hanggang balikat niya, hinalikan ko siya sa ulo bago ako tahimik na lumabas ng kaniyang kwarto habang bitbit ang tray at mga pinagkainan niya.

Bumalik ako sa kusina at kumain na rin, pagkatapos ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan bago ako nagtungo sa kwarto ko at nag-half bath. Sa sobrang stress ko ngayong araw, kinailangan ko ng warm bath para ma-relax ang katawan at utak ko.

Nakahiga na ako sa kama, nakatingin sa kisame ng kwarto ko, at nag-iisip.

Ang kumpanya na pinag-apply-an ko bilang janitress ay ang kumpanya pala kung saan nagtatrabaho rin si Ken.

Ilang taon na ang nakalipas. Sa sobrang busy ko sa pagtatrabaho para may panggastos para sa amin ni Mama pagkatapos mawala ni Papa, nakalimutan ko na ring minsan ko nang nakilala si Ken.

Nawalan na nga rin ako ng oras na tumuloy sa college dahil mababaliw na ako no'n kaka-juggle sa mga gagawin. Gusto kong pumasok nga ng college, pero sa susunod na lang kapag maayos na nang kaunti ang buhay namin.

Unti-unti akong pumikit at marahang bumuga ng hangin.

Bukas ko na poproblemahin kung anong gagawin ko kapag sinimulan ko na ang trabaho ko sa ShowBT bukas. Sa ngayon, matutulog na lang muna ako.


***

A/N: I'm sorry if this update's a bit short. Will try to update longer chapters if I can :D

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 158 25
Are you willing to get lost in a different universe just to find the person you love? For Carlyle Ross Yitianco he would do it over and over again. T...
3.3K 90 14
"I'll wrap you in my arms Gal, night or day... I will never get tired of you... And in any other life time, by chance... I will still wrap my arms in...
1M 24.5K 46
Almira Xyrella Xzerla a girl who have a strange hair and eyes, a girl who loves to explore, a girl who cares for those people that loves her, and a g...
5.1K 189 38
Soaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how p...