Broken Strings || ✓

By gwynchanha

52.7K 2.1K 259

Status: COMPLETED Liking Kenji Suson was the best thing that ever happened to the then highschool girl Trish... More

Broken Strings
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Note
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
THANK YOU!!!
Other Stories

Chapter 08

1K 62 4
By gwynchanha

Chapter 08.

NAPASIMANGOT ako nang biglang humagalpak ng tawa si Jahsmine. Kung personal ko siyang kausap ngayon, baka nasapok ko na siya. Ayaw ko namang masira ang laptop ko kaya pinigilan ko ang sarili kong mainis lalo.

“Seryoso? Binigyan ka niya ng red tulips na ang ibig sabihin ay 'confession of love?!'” Humagalpak ulit siya ng tawa kaya napairap na ako.

“Sige lang. Tumawa ka lang. Kabagin ka sana!”

She suddenly turned serious mode. She leaned closer to the screen. “Ngayon, I have one question to ask you.”

I sighed. “Ano naman?”

“This is a very common question pero nahihirapan ang ibang sagutin 'to. I just hope you can answer it fast,” aniya. Napaangat ang isang kilay ko. “Mahal mo o mahal ka?”

Natigilan ako. “Anong klaseng tanong 'yan, ha?”

Inirapan niya ako. “Sagutin mo na lang! Para naman decided ka na. Pero kung ako ang papipiliin mo, syempre boto ako ro'n kay Justin! Ikaw? Ano sa tingin mo?”

Hindi ko talaga alam. Kung pipiliin ko si Ken, masasaktan lang ako kasi may girlfriend siya. Baka masaktan ko lang din si Justin. Pero kung si Justin naman pipiliin ko, ewan ko kung mawawala ba ang feelings ko kay Ken at mas uusbong 'tong nararamdaman ko para kay Justin.

“Okay, sige. Ganito na lang. Tutulungan kitang makapili kung alin sa dalawa.”

Tumango ako. “Okay?”

She sighed. “Think about how you feel when he held your hand.”

Napatingala ako. Pumasok sa isip ko 'yong hinawakan ni Ken ang kamay ko habang tinuturuan ng gitara. My heart started to beat rapidly.

Pero bigla ring pumasok sa utak ko no'ng hinawakan ni Justin and kamay ko kahapon at tumalon ang puso ko sabay tibok nang mabilis.

“Then... think about how his smile. Does it make your heart flutter?”

Pumasok sa utak ko ang mga ngiti at tawa ni Ken. I felt like I was watching an angel smile at me brightly, making my heart be filled with happiness.

Pero bigla ring pumasok sa utak ko ang mukha ni Justin na ngumingiti. My heart leaped.

“Now, tell me kung alin sa dalawa ang mas gusto mo in three... two... one...”

Napanguso ako. “Hindi ko alam.”

Bigla niyang binalibag ang laptop niya dahilan para ma-end and video call namin.

--
SA MGA natirang araw ng sem-break, nasa bahay lang ako. Hindi naman nagyayaya ngayon si Jahsmine dahil mukhang busy siya. Si Justin naman, sa chat na lang muna kami nag-uusap.

Everyday, nagch-chat kami ni Justin. And we never ran out of topic. Kung anu-ano na nagiging topic namin. From the Bermuda Triangle Mystery hanggang sa government system ng bansa.

I was scrolling through my facebook newsfeed nang may isang post akong nakita na nagpatigil sa akin.

It was a photo of Margaux hugging Ken from the side. Suot nila sa picture ang damit na suot din nila kahapon noong nakita ko sila sa cafe, although Ken's shirt changed. Hindi ko friend si Margaux but since friend ko si Ken at naka-tag siya sa picture ay dumaan pa rin sa newsfeed ko.

It was posted one day ago with a caption, ‘Happy 2nd monthsarry, love. I love you!' with a glittering heart at the end.

Ken didn't comment anything on the post but he reacted a heart. Everyone in the comment section was congratulating them both.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit sa dibdib ko. Napabuga na lang ako ng hangin. I clicked Ken's name and I was directed to his profile. Kaagad kong cinlick ang unfriend button bago ako bumalik sa Home tab at nirefresh ang newsfeed.

May nabasa akong ang first step sa pagmo-move on ay i-unfriend or i-block ang tao sa kahit anong social media platforms, then delete your conversations kung meron man.

Well, I already did it. Sana naman epektibo na 'to this time.

Tinawag ako ni Mama sa baba at initusang bumili sa groceries ng pang-hapunan namin mamaya. Since wala naman akong ginagawa, pumayag na ako.

While walking towards the grocery store, nakayuko lang ako sa cellphone ko dahil ka-chat ko si Justin. He seemed to have a lot of time dahil nakuha pang mag-online sa facebook.

Kahit nabili ko na ang inuutos ni Mama at pauwi na, nakayuko pa rin ako sa cellphone ko. Natatagalan ako sa paglalakad at minsan ay tumitigil pa para lang reply-an si Justin.

I was smiling from ear to ear while reading his reply nang may biglang humablot sa cellphone ko. Napasinghap ako nang na-realize kong isang mandurukot ang humablot sa phone ko at tumatakbo na siya ngayon!

“Hoy! Cellphone ko 'yan!” Kaagad akong tumakbo para mahabol siya. “Ibalik mo sa 'kin 'yan! Cellphone ko 'yan!”

I continued chasing the thief. Hinihingal na ako pero hindi pa rin ako tumitigil. May nababangga na ako pero wala pa rin akong pakialam. Ang mas importante sa akin ngayon ay ang makuha ang cellphone ko!

The thief looked back at me and suddenly pulled the trash bin dahilan para matalisod ako ro'n at napasubsob sa semento. I felt the burning sensation in my knees but I ignored it. Tumayo ako at mas binilisan ang pagtakbo para mahabol siya.

Damn! Kahit makuha ko lang ang memory card no'n at sim, sa kaniya na ang cellphone!

Natigilan ako nang makita si Ken na humarang sa dinadaanan no'ng magnanakaw. He was wearing a black hoodie at nakapamulsa. Nabangga siya ng magnanakaw sa balikat pero nagpatuloy pa rin ito sa pagtakbo.

“Ken!” I quickly shouted dahilan para mapatingin siya sa akin. “Help me! Dinukot no'n ang cellphone ko at hinahabol ko siya para makuha ko!” I kept on shouting while still running.

Namilog ang mga mata niya bago tumakbo na rin para habulin ang magnanakaw. He was faster than me kaya sobrang layo niya na agad.

Nanghihina na ako at parang susuko na ang mga paa at tuhod ko, nanginginig pa. When I looked down at my knees, napabuga ako ng hangin nang makitang dumudugo ang mga tuhod ko dahil sa pilas.

I ignored my wounds and started to run again. Nawala na sa paningin ko ang dalawa kaya tumigil ako para ilibot ang paningin ko at hanapin sila. I was catching my breathe.

“Trisha! Trisha, dito!”

Napalingon kaagad ako sa eskinita kung saan nanggaling ang boses. Napasinghap ako nang makita si Ken na hawak na sa kwelyo ang magnanakaw. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanila.

“Heto na ang cellphone mo.” Inabot sa akin ni Ken ang cellphone na kinuha ko naman agad.

“S-salamat,” hinihingal kong sabi. Bumaling ako ng tingin sa magnanakaw. “Ikaw... marami pa namang magandang gawin bukod sa magnakaw. Pwede kang mag-apply ng trabaho kung gusto mo ng pera o cellphone. Kung 'di ka man graduate ng college or high school, may mga trabaho namang hindi required ang educational background. Hindi kasali ro'n ang magnakaw!”

“P-pasensya na po. H-hindi na po mauulit. Pakawalan n'yo na po ako!” pagmamakaawa niya.

“Anong pakawalan ka, ha? Alam mo bang—” Inambahan ni Ken na susuntukin ang lalaki pero kaagad ko siyang inawat.

“Ows! Tama na. 'Wag na, Ken.” Bumaling ulit ako kay Kuyang Magnanakaw. “Siguraduhin mo lang na hindi na mauulit 'to, ah! Kita ko na mukha mo at madali na lang kitang ireport sa mga pulis 'pag nangyari ulit 'to.”

Mabilis siyang tumango. “Oo! Oo!”

I gestured Ken to let go of him. Marahas na binitawan ni Ken ang kwelyo nito at kaagad naman itong kumaripas ng takbo paalis. Napasunod na lang ako ng tingin dito bago napailing.

Pwede namang magtinda ng kakanin kaysa magnakaw kung kailangan ng pera. Tss!

Nang bumaling ako ng tingin kay Ken, doon ko lang naramdaman ang hiya. I awkwardly smiled at him.

“S-salamat sa pagtulong mo sa 'kin,” marahang sabi ko.

Tumango siya. “Walang anuman.” Bumaba ang kaniyang mga mata sa mga tuhod ko. “What happened to your knees? Nadapa ka ba habang hinahabol ang magnanakaw na 'yon?”

Kaagad akong umiling. “Ah, haha! Wala 'to! Ayos lang ako. Uh, sige! Mauna na ako sa 'yo, ah? Salamat ulit!”

I turned around and started to walk. Pero naka-tatlong hakbang pa lang ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng mga sugat ko sa tuhod, dahilan para matigilan ako at bahagyang ngumiwi.

Bwiset! Nagkasugat naman ako dati na mas malaki at malalim pa rito. Pero bakit ang sakit nito?

“Are you sure you're okay? Kaya mo bang lumakad papunta sa inyo?”

Tumawa ako. “Ano ka ba, ayos nga lang ako! Malayo naman 'to sa bituka. Kaya ko pang maglakad kahit hanggang sa kabilang bayan pa.” Tumawa ulit ako.

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Iniwas ko na lang ang paningin ko at nagsimulang lumakad ulit. Minura ko ulit ang sarili nang biglang gumuhit ang sakit sa mga tuhod ko at napatig ulit ako sa paglalakad.

I heard Ken sighed. Then, I heard his footsteps getting near. Napasinghap ako at namilog ang mga mata ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko habang nakaharap sa akin ang kaniyang likod.

“Sakay,” utos niya. “Ihahatid kita sa inyo.”

Napakurap ako. Nai-imagine ko na nakasampa ako sa kaniyang likuran, 'tapos may mga kakilala at lalo na mga kapitbahay na makakakita at ichichismis nilang boyfriend ko si Ken. Kakalat 'yon at malalaman ni Margaux! Gosh! Hindi pa ako handang makatanggap ng sampal!

Kaagad akong umiling. “U-uh, 'wag na! K-kaya ko naman—”

“I am not asking you. I am commanding you. Kaya sumampa ka na sa ayaw at sa gusto mo,” mariing aniya.

Napakurap ulit ako. I gulped before I slowly crouched and rode his back. Tumayo siya at bahagya akong inangat, yumakap naman kaagad ako sa kaniyang leeg. Nakagat ko ang ibabang labi nang hawakan niya ng ilalim ng magkabilang hita ko. Mabuti na lang at hanggang ibabaw ng tuhod ko ang shorts ko.

Nagsimula na siyang lumakad. He was silent the whole time. Nagsasalita lang siya kapag tinatanong niya kung saan ang daan papunta sa amin.

While I was on his back, I couldn't help but smile. Ini-imagine ko lang dati na may mag-piggyback sa akin dahil sa mga napapanuod ko. Pero hindi ko inaasahang si Ken ang gagawa nito sa akin.

I slowly closed my eyes and leaned my head on his nape. I heaved a dreamy sigh and savored the once-in-a-lifetime moment of my life.

“Nandito na tayo sa inyo.”

Eh?

Napamulat kaagad ako ng mga mata at nilibot ko kaagad ang paningin sa paligid. Nasa tapat na nga kami ng bahay.

Bakit parang ang bilis naman? Kakapikit ko pa lang ng mga mata ko 'tapos nakauwi na agad? Ang daya!

“U-uh, sige. Ibaba mo na ako,” sabi ko sabay tapik sa kaniyang balikat.

Pero hindi niya ako ibinaba. He pushed the gate with his one feet at nabuksan 'yon. Kaagad siyang humakbang papasok hanggang sa doorstep ng front door namin.

“Knock,” utos niya na kaagad ko namang ginawa. It feels weird knocking on my own house's door.

Ilang segundo lang, bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Mama. She was smiling pero unti-unting lumiit ang ngiti niya nang makita si Ken, lalong-lalo na ako na nakasampa sa likod ni Ken.

“Bakit...?” she trailed off and pointed at me.

“Mamaya na po namin sasabihin. Sa ngayon po, kailangan pong linisan ang sugat ni Trisha sa kaniyang mga tuhod,” ani Ken.

Napayuko kaagad si Mama at napasinghap nag makita ang galos ko ro'n. Pinapasok niya kaagad kami at ibinaba ako ni Ken sa sofa. Nilapag niya naman sa round table ang plastic bag ng mga pinamili ko.

He asked my mom the first aid kit. At noong nakuha niya na, bumalik kaagad siya at lumuhod ulit sa harapan ko. Nilabas niya ang betadine at cotton mula sa first aid. He poured enough betadine to the cotton ball bago dinampi-dampi sa mga tuhod ko.
Nang lumapit si Mama at nagtanong kung ano ang nangyari, kinwento ko kaagad ang nangyari kung paano ako nadukutan at nagkagalos hanggang sa tinulungan ako ni Ken at dinala rito sa amin. Kinuha na ni Mama ang plastic bag bago bumalik sa kusina.

Napatitig na lang ako kay Ken habang marahan niyang dinadampi ang cotton sa tuhod ko.

“B-Bakit... mo 'to ginagawa, Ken?” Kinapalan ko na ang mukha ko at nagtanong.

He didn't answer at first. But after three seconds, he finally answered.

“Dahil kaibigan kita.”

Those three words were like three swords that slashed my heart. For the second time, friend-zoned si Trisha ng parehong lalaki. Hindi naman masakit.

I forced a smile, pero sa kaloob-looban ko ay gusto ko nang maiyak. Pinapamukha niya kasi sa aking wala na talaga akong chance sa kaniya.

“Ibabalik ko lang 'tong kit sa kusina ninyo 'tapos aalis na ako.”

Tumango ako. Nang tumayo siya at nagtungong kusina, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Tumayo na rin ako at pumanhik sa aking kwarto kahit mahapdi at kumikirot pa ang mga sugat ko sa mga tuhod ko.

Continue Reading

You'll Also Like

40.2K 1.6K 54
[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you...
814K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
223K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
1.1K 271 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...