Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

495K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter IV

10.3K 265 69
By Invalidatedman

* Jandrix 

" Kapag ang girlfriend/boyfriend mo, nagbago. May bago. " - a random text message na nabasa ko sa mga unread text messages sa cellphone ko. 

Sabado, walang pasok. Dalawang araw na ang nagdaan simula nung ipakita sa akin ni Gray 'yung unti-unti niyang pagkawala ng interes sa relasyon namin. Alam ko naman kung kailan nanlalamig ang partner mo sa iyo eh . 'Yun ang edge ko kay Reggo. Alam ko kung kailan nagloloko ang partner ko. Hindi ako katulad ng ibang tao o noong mga fictional character sa mga novels na nababasa nang kung sinu-sino jan na kung kailan tuluyan ng naagaw ng iba, saka lang malalaman na wala na pala sa kanila 'yung taong mahal nila. Hindi ako ganun at hindi ko hahayaang umabot sa puntong ganoon. 

Nasa department store ako ng isang sikat na mall. Naisipan ko kasing bilhan si Gray ng damit. Siyempre, nanlalamig na nga diba? Alangang wala akong gawin. Wala namang naiwang gawain sa school at isa pa, ang boring sa bahay. 

Tuwing itatanong ko sa kanya kung anong ginawa niya sa mall noong Thursday, pilit niyang iniiba ang usapan. Last thursday kasi, nagkaroon ng emergency meeting ang Officials, Professors and Instructors at pati mga non-teaching personnels ng school namin. Kaya kaagad nilang dinismiss 'yung klase. Pumunta pa ako sa room nila noon para sana sabay kaming umuwi ni Gray pero wala na daw siya doon. Hinanap ko 'yung barkada niya pero wala na rin daw. A few minutes later, tinawagan ko siya and he said nasa mall siya. Wala namang amor 'yun sa mga mall e. Tapos bigla na lang siya nawala sa linya. I mean, yea nasa linya pa rin siya pero bigla na lang siyang hindi nagsalita. All I can hear is humming sa paligid niya. Parang wala siya sa mall. 

" Ah Miss, may medium kayo nito? " nakkaita kasi ako ng polo shirt na siguradong magugustuhan ni Hon. 

" Meron po sir. Teka, kunin ko lang po. " 

Umupo ako sa upuang nakalaan para sa mga customer ng department store na iyon ng biglang may mahagip ang mata ko.

Teka... is that... No! Imposible! Oo, alam kong babalik siya dito pero, really? Nandito na siya agad? Ang bilis naman yata.

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at sinundan ko kung saan siya nagpunta. Sakto namang lumabas 'yung saleslady at tinatanong kung kukunin ko pa daw ba 'yung polo shirt na pinakuha ko.

" Hindi na miss. Sorry. I have to go. Urgent lang. " 

Nagmadali ako ng lakad at sinundan kung saan dumaan siya. Posible kayang si Reggo 'yung nakita ko? The way he walks, 'yung pananamit niya, tindigan niya... Reggo na Reggo. Pero kung siya nga si Reggo, ang laki ng pinagbago niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba, nakaramdam ng insecurity. Mas lalo siyang gumwapo, oo. Natakot ako para sa relasyon namin ni Gray. Baka isang araw magising na lang ako na bumalik na pala siya sa walang kwenta at boring kong pinsan. 

Teka... posible kaya? Posible kayang baka hindi nga si Gray pumunta sa mall noong huwebes? Alam niya kaya na dumating na si Reggo at sinundo niya ito? Argh. This can't be. 

Hinalughog ko kung saan siya pwedeng pumunta. Halos lahat ng tindahan ay pinasok ko na pero wala. Ni anino ni Reggo, hindi ko nakita. Napabuntong hininga na lamang ako at napasandal sa isa sa mga poste dito. 

" Baka napaparanoid lang ako. " naglakad ako patungong toilet.

Pumasok ako sa isang cubicle. 'Di nagtagal, narinig kong bumukas 'yung katabi kong cubicle. Narinig ko ang pagbuhos ng tubig. Matapos kong umihi, binuksan ko ang pinto at nakatungong nag-aayos ng pantalon ko. Pero pagtingin ko sa salamin, halos mapako ako sa kinauupuan ko. Naiwang nakabukas ang bibig ko ng makita ko si Reggo na nasa harapan ng salamin, naghihilamos. Currently, hindi pa niya ako nakikita kasi nakapikit siya kaya agad kong ibinalik sa pagkakasarado ang cubicle at sabay hawak sa dibdib kong sobrang lakas ng kabog. S#$*! Anong gagawin ko? 

I manage to collect myself at maangas akong lumabas ng cubicle na kunwari ay hindi siya napansin. Tumabi ako sa kanya at naghugas ng kamay. Nang mapansin kong napansin na niya ako, hindi na rin ako nag-atubiling pansinin siya. 

" Oh? Reggo? Is that you? " isang simpleng ngiti lang ang iginanti niya sa akin. Bitter! " Ha... tingnan mo nga naman oh. Kailan ka pa dumating? " 

* Reggo

" Noong huwebes pa. " 

Hindi ko akalaing sa dinami-dami ng lugar dito sa syudad, dito pa kami magkocross ng landas. Oo, hindi pa ako handa. Pero anong magagawa ko? Heto na eh. Anyway, hindi naman ako bayolenteng tao. May pinag-aralan naman ako kaya 'wag kayong mag-alala, parehas kaming makakalabas dito ng buhay.

" Ba't di mo man lang ako sinabihan? Nakakatampo. " naaalibadbaran ako hitsura niya. 

" Naku, sorry. Iniisip ko kasi baka makaabala ako sa'yo eh. " 

" Ikaw naman. 'Yun ba talaga ang iniisp mo o baka naman... iba? " now he's teasing me. I know him very well. 

" What do you mean? " 

" Common.'Wag na tayong maglokohan. Alam ko namang bitter ka pa rin sa amin kasi ako 'yung pinili ni Gray diba? Na nasa tabi ko siya ngayon at wala sa'yo. Pero pwede ba dude, pwede magmove-on ka na? Hindi kasi magandang nastuck sa past. Friendly advice lang. " 

Tinitigan ko lang siya ng makahulugan. Ano bang gusto niyang mangyari? Ano bang gusto niyang ipamukha? Na masaya na sila ni Gray? Na umaga't gabi nagbababuyan silang dalawa? Go on! Wala na naman akong pake sa kanila eh. Matapos ang ilang segundong pananahimik, nginitian ko na lang siya.

" Sige, uuna na ako. " 

" Alam mo, ang saya saya naming dalawa bro. Palagi kaming magkasama. Palagi kaming magkahawak kamay tuwing uuwi galing school. Minsan nga, kapag monthsary namin, sinusurprise niya ako eh. Basta... ang sarap pala ng feeling ng ganun 'no? Parang siya na talaga 'yung best boyfriend ever. " 

Nilingon ko lang siya saglit.

" Talaga? Good to know. " 

" Minsan, sumama ka sa amin ha? Magsama ka rin ng kakilala mo kung gusto mo. Ang pangit naman kung kami lang 'yung nagmamahalan, tapos ikaw loner. "

" I'll try. Sige. " 

***

" Bro, hindi ko alam eh. Hindi ko alam kung anong gusto niyang palabasin. Well infact, wala namang akong pakialam in the first place. " paglalabas ko ng sama ng loob kina Miko at Trey na ngayon ay magkaakbay. Ayy. Inggit ako. 

" Anong sabi mo? " tugon ni Miko.

" Wala. You know me, fighting is not my thing, right? Tsaka ano naman pating mapapala ko kapag pinatulan ko 'yung gag* na 'yon? I don't wanna even come down to his level. " 

" Alam mo, ako, ayoko rin ng ginaganyan ako... " sabi ni Trey. " Kaya lumalaban ako. Ba't di mo try gawin 'yun? Hindi ka naman makikipag-away. Lalaban ka lang. Ipagtatanggol mo lang 'yung sarili mo. Kaya ka naloloko, kaya ka pinagsasamantalaha, kasi masyado kang mabait. "

" Tol, kailanman, hindi masamang maging mabait pero pucha pag naagrabyado ka na, lumaban ka! Masyado ka kasing mabait sa mga tao sa paligid mo. " 

" Nasan ba 'yung boyfriend nun? Ba't di niya pagsabihan? " tanong ko sa dalawa. 

" Malay namin doon. Simula noong naghiwalay kayo, nagloko na 'yon. " tugon ni Miko.

" Ano?! Eh kakasabi lang sa'kin ni Jandrix na masaya sila. He even told me that they're always together. Mukha siya 'tong pathethic eh. " 

* Gray 

I'm on my way to Miko's house. May pag-uusapan daw na plano. Napag-usapan kasi ng barkada na mag-out of town at magbonding. Panigurado kasama dito si Reggo, siguro binibigyan na ako ng tadahana ng pagkakataon to fix things between us. Excited ako noong pumunta sa kanila. Maya-maya pa ay biglang tumunog 'yung cellphone ko. 

" Hon? " bungad nito sa telepono.

" Bakit? " 

" Can you pick me up here? Sa bahay? Tinext kasi ako nina Miko, may pag-uusapan daw. Out of town? " Sh*t. Akala ko pa naman hindi 'to kasama. 

" Sorry, pero nandito na kasi ako eh. Magcommute ka na lang. " 

" Pero Gray, hindi ako marunong... " 

" Hello, Drix? Choppy ka... choppy ka talaga. Drix? Nawawala ka. Kita na lang tayo dito kina Miko. Bye. " 

Sa totoo lang wala pa talaga kina Miko, mejo malayo pa nga eh. Ayoko lang talaga siyang makasama ngayon. Iniisip ko na rin kung paano makikipaghiwalay sa kanya. 

Makalipas ang ilang minuto, narating ko 'yung bahay nila. Nandoon na si Trey, Jed, Jam at si Miko natural. Umupo ako at nagpahinga. Tinatanong nila ako kung kumusta daw ako at parang iba daw 'yung aura ko, para daw akong masaya. Ang sabi ko naman, wala lang 'to. Maganda lang ang gising ko. Pero hindi naman mga dakilang tanga 'yang mga 'yan. Alam nila ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon. 

'Di nagtagal, nagbukas ang pinto at pumasok si Jandrix.

" Sh*t. Ang init naman doon sa sinakyan ko. Nakakainis. Si Hon kasi hindi ako sinundo. " sabay suntok sa balikat ko at sabay kapit dito. 

Inalis ko naman 'yung pagkakalingkis niya at sabay tayo. Magsasabi sana ako kung pwedeng makainom pero napukaw agad ang atensyon namin ng muli na namang bumukas ang pinto.

Si Reggo...

Pero may kasama siya. Teka mukhang pamilyar. Teka... si... si Nixon 'to ah. Anong ginagawa ng hayop na 'yan dito? Akmang susugurin ko na sana siya ng suntok pero kaagad nila akong napigilan.

" Anong ginagawa mo ditong hayop ka ha?! Ano? Mangloloko ka na naman? Maninira ka na naman? " naririnig ko 'yung mga payo sa akin nung mga kaibigan ko na kumalma lang ako habang si Reggo, naririnig kong sinabi niya kay Nixon na siya na ang bahala dito.

Ano bang mayroon sa kanila? 

" Ano ba, Gray! Umayos ka nga. Nakakahiya ka. Para kang bata! " 

" Hindi mo ba natatandaan, ha Reggo? Manloloko 'yang taong 'yan! " sigaw ko naman dito. 

" Manloloko? " sabay titig sa akin ng matalim. " Maninira? " at nabaling naman ang tingin niya kay Jandrix. " Sounds familiar!

" Wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Gray! " depensa naman ni Jandrix.

" Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya 'wag kang sumabat, t@^&-#!$ mo! "

Ngayon ko lang siya narinig magalit, ngayon ko lang din siya narinig magmura. Ni hindi sumagi sa isip ko na darating 'yung araw na magbabago siya ng sobrang laki. Sa bagay, lahat naman ng tao nagbabago. Nakakalungkot, pero siyempre, kailangang tanggapin, mahal ko siya eh. Isa pa, kung sususugin ang dahilan kung bakit siya nagkaganito, babagsak at babagsak sa dahilang ginag* ko siya. 

" Ano ba guys! Pwede pagsalitain muna natin si Reggo? " singit naman ni Jam.

" Oo hindi maganda 'yung impresyon natin noon kay Nixon. May ginawa siyang mali sa akin... sa atin. " sabay tingin niya sa akin. " Pero hindi ibig sabihin noon ay masama pa rin siya ngayon, na hindi na siya pwedeng magbago. Noong nakaraang dalawang taon, siya 'yung taong umalalay sa akin para mabuo ko ulit 'yung sarili kong nasira. Siya 'yung taong nasa tabi ko noong mga panahong hirap na hirap na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagkatapos sasabihin niyo siya ng ganyan? Manloloko? Maninira? " 

" Tama si Reggo guys. Baka nagbago na nga si Nixon. " pagsang-ayon ni Jed.

" No Jed. Nagbago na talaga siya. Kaya ang payo ko lang sa inyo, magmove-on na kayo sa nangyari. Ang tagal na non! Ang dami ng nangyari. Wala ng dapat ikabitter. " 

Sumang-ayon naman ang lahat at bumalik na sa upuan. Hindi pa rin nawawala 'yung tensyon sa pagitan naming apat. Ano bang mayroon sa kanilang dalawa at ganoon na lamang kung ipagtanggol niya 'yung taong iyon? 

'Di nagtagal natapos ang usap. Napag-usapan na sa susunod na linggo ang out of town pero hindi pa rin ako nagsasalita. Naiinis pa rin ako. Pero wala naman akong karapatan. Ang isa ko pang ikinakagalit, ni isang tingin hindi man lang niya ako tiningnan. Para bang hindi ako nageexist. Ganoon ba talaga kalaki ang galit niya sa akin? At kung magharutan pati sila sa harap namin. Parang tanga lang. 

" Reggo, can I ask a question? Something... ah... private? " tanong ni Trey.

" Sure. " mabilis na tugon niya.

" Are you two... dating? " 

Biglang huminto 'yung oras. Nakita ko 'yung mga kasama kong biglang naging stiff at nag-aabang rin ng sagot. Ako naman, hindi ko alam 'yung gagawin ko. Parang ayokong malaman 'yung sagot. Paano kung 'Oo', anong gagawin ko? Matatanggap ko bang mayroon na siyang iba at wala na kaming pag-asa? 

Tiningan ko 'yung reaksyon ng mukha niya pero blangko lang ito. Bago siya sumagot ay bumuntong hininga muna siya. Ako naman ay pumikit. 

" Yes. We're dating. " 

" Excuse me, may kailangan pa pala akong gawin. Bye. " saktong paglabas ko ng pinto, lumabas din 'yung mga luha't nagunahan sa pagbagsak sa pisngi ko.

That's enough. Sapat na 'yung mga nalaman ko ngayong araw.

***

Dongjun as Nixon

Comments/ Feedbacks/ Opinions please? :))

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
48.9K 3.2K 32
Ito ang mga luha ko. At kahit gaano karaming luha na ang mailuha ko -- nakikita at nakikita ko pa rin siya na nakangiti sa akin. Malinaw. Maliwanag...
44.6K 2.5K 37
[BOOK 1 OUT OF 3] What if na-fall ka sa taong tinutulungan mong manligaw sa kaibigan mo? Ano ang gagawin mo? Tuklasan ang kwento ni Tyler at Aldrich...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...