Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

495K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter I
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter II

13.1K 295 72
By Invalidatedman



[ A/n: Finals na. Hell week na naman :3 Ibig sabihin... matatagalan na ang kasunod na update. Pakibasa ng buo 'yung chanpter kasi kung hindi... baka malito kayo :) ] 

* Reggo *

Gumising ako at nakaramdam ng bigat sa bandang ulo. Hang-over. Nagkasayahan nga pala kanina kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko. Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto pero wala akong nakitang bakas ni anino niya. Ni Gray. Pinilit kong tumayo pero talagang mas nananaig 'yung hilong nararamdaman ko. Nagdecide akong magpahinga muna ng kaunti.

Family Reunion pala namin. Tradisyon na ng pamilya namin na sa isang taon ay magkakaroon ng isang araw kung saan magsasama-sama ang bawat miyembro ng aming pamilya. Kahit saan, basta sama-sama kami. Pero ngayon, dahil may mga bagong dating, napagpasyahang gawin ang celebration sa isang beach. Tamang tama naman kasi paniguradong mag-eenjoy ang mga bata naming pinsan, mga magulang namin at kami... mga teenager.

Ayos naman. Wala namang problema simula noong dumating sa buhay namin si Jandrix. Hindi naman siya nanggugulo sa amin. Pero kapag minsan, kinakabahan pa rin ako. Lalo kapag kami lang tatlo. Awkward kasi. Hindi ko alam kung bakit awkward. Hindi sila nag-uusap. Nagngingitian lang sila. Minsan, nahuhuli kong nakatitig si Jandrix kay Gray. Minsan, tinanong ko din si Gray kung may problema ba sa kanila ng pinsan ko, kung bakit ganoon 'yung mga ikinikilos nila... ang sabi niya'y wala. 

" Eh bakit parang ang awkward niyo? May hindi ba ako alam? " tanong ko dito.

" Wa...wala. Ano ka ba. Siguro ano... sadyang hindi lang kami compatible nung pinsan mo. " nagstammer niyang sagot.

" Compatible? " nagtataka kong tanong ulit sa kanya.

Kaagad niyang itinaas 'yung kanyang mga kamay at saka iwinasiwas na sinasabing mali 'yung iniisip ko.

" Ahh... hindi. Mali. Mali 'yung nasa isip mo. Siguro ano... hindi lang kami magkaparehas ng ugali. Ganoon lang 'yon. Oo. Walang ibang ibig sabihin 'yun. " 

Napatango na lang ako. Alam kong may kakaiba. Alam kong may hindi tama. Pero ayokong isipin 'yun. May tiwala ako kay Jandrix. May tiwala akong nagbago na siya. At higit sa lahat, may tiwala ako sa boyfriend ko, alam kong ako lang, sapat na. Sa dinami-rami ng napagdaanan namin, alam kong hindi niya ako magagawang talikuran ng ganoon lamang kadali. Mahal niya ako. Alam ko 'yon. Kaya imposibleng gawin niya sa akin 'yon. 

Noong maramdaman kong medyo ok na 'yung pakiramdam ko, dumungaw ako sa bintana. Magdidilim na. Inilibot ko 'yung mata ko at nakita ko 'yung mga pinsan kong masayang naglalaro. 'Yung mga magulang namin, abala sa pagsasaya. Nakita ko sila lahat. Maliban kay Gray... at kay Jandrix.

Pumasok sa isip ko na baka magkasama sila. Biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko. Bakit? Bakit sila magiging magkasama? Eh 'diba awkward nga sila sa isa't isa? At bakit hindi pati sinabi sa akin ni Gray? 

Kinalma ko 'yung sarili ko.

" Relax, Reggo. 'Wag kang maparanoid. " 

 

Kinuha ko ‘yung cellphone ko sa bulsa ko at mabilis na idinial ‘yung numero ng telepono niya pero nabigla ako ng marinig ko itong tumutunog sa ilalim ng unan niya. Nagtaka ako. Hindi naman ‘yun madalas mag-iwan ng telepono niya ah? Bago ‘yun ah. Sunod kong idinial ‘yung cellphone ni Jandrix pero ayaw rin niyang sagutin though nagriring. Lumabas na ako ng cottage at nagtanong kung may nakakita sa dalawa.

 

“ Hindi eh. Si Jandrix… kanina nandito lang ‘yun eh. Nagkakalikot pa nga ng cellphone niya.” Tugon ng Mama niya.

 

“ Ah. Sige po, Tita. Salamat po.”

 

May tumakbo sa aking bata.

 

Kuya, Kuya… I saw Tito Jandrix. Pumunta siya dun.”

 

Itinuro noong bata ‘yung parang forest area ng resort. Dito’y puro puno lang ‘yung makikita mo. Sabi ng management, sinadya daw nilang maglagay ng forest sa resort para naman may mapaglakad-lakaran ang mga tao at hindi na lang puro dagat. Lumuhod ako at saka nagpasalamat sa pinsan ko.

Habang naglalakad, hindi ko alam kung bakit pero ang bigat ng puso ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahil sa may kadiliman, binuhay ko ‘yung flashlight ng cellphone ko.

 

Nang makaapak na ako sa gubat, inalerto ko ‘yung sarili ko. Siyempre, gubat pa rin ito. Maraming mga hayop dito na baka nakakamatay, dapat pa ring mag-ingat. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay hindi ko pa rin makita ang isa sa kanila. Mas lalong tumitindi ‘yung kutob ko. May tumulo na ring tubig mula sa mata ko. Magkahalong emosyon ‘yung nararamdaman ko. Takot. Pag-aalala at Galit.

Bakit siya pupunta dito? Anong pakay niya…

 

Bigla kong nabitiwan ‘yung telepono ko. Naiwang nakabukas ‘yung bibig ko sa nakita ko. Hindi ako makapaniwalang nasasaksihan ko mismo ang ginagawa nilang pagtataksil sa akin. Nakita ko si Gray na nakasandal sa isang malaking puno habang nakatingala at nakapikit, animo’y sarap na sarap. Si Jandrix naman ay nakita kong nakaluhod at sinasamba ang pag-aari ng boyfriend ko.

 

Hindi ako makagalaw. Tumaas lahat ng dugo ko sa mukha at nagpupuyos ako sa galit. Bakit?! Bakit nila nagawa sa akin ‘to! Dahang dahang lumabas ‘yung mga butil butil ng luha sa aking mata. Napansin nilang may ilaw na tumama sa kanila at saktong paglingon nila ay nakita nila ako. Nag-ayos sila ng kanilang sarili pero huli na. Nakita kong lahat. Tumalikod na lamang ako at saka nag-umpisang lumakad papalayo sa kanila. Hindi pa rin rumerehistro sa utak ko ‘yung nakita ko. ‘Yung boyfriend ko, at saka ‘yung pinsan ko… ginagago nila ako! They’re having an affair. Narinig kong tinatawag niya ‘yung pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Narinig kong ‘yung mga yabag niya papalapit sa akin at naramdaman kong iniharap niya ako sa kanya. Nang magkaharap na kami, kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkaguilty.

 

“ Reggo… ano… ‘yung nakita mo, wala lang ‘yun. Wala lang talaga ‘yun. I can explain. Let me explain please, bae.” Lumuluha niyang sambit sa akin.

 

“ ‘Wag ka ng magpaliwanag. Alam ko… may mali din ako. Lalaki ka nga pala. Nakalimutan kong may pangangailangan ka. " Umiiyak kong tugon sa kanya. " But you should've asked. " 

Bigla niya akong ikinulong sa mga bisig niya at saka ako niyakap ng pagkahigpit higpit. Hindi ko na magawang tugunin pa siya ng yakap din dahil hindi ko na alam kung ‘yung mga sinasabi ba niya sa akin ay totoo pa… o baka hindi lang ako ‘yung sinasabihan niya ng ganyan.

 

“ No… sssh. No. Wala kang kasalanan ha? Ako. Ako ‘yung may kasalanan. Hindi ako naging faithful sa’yo. Please… Reggo. I Love You. Let’s… let’s fix this baby. Come on.” Pagsusumamo niya sa akin habang sapo sapo ang pisngi ko. Binibigyan pa niya ako ng mga panakaw na halik pero parang wala na lang iyon sa akin.

 

“You should’ve ask, Gray. Kaya ko naman eh. Sana nagtanong ka. Kaya ko ring gawin ‘yun.” Sumisikip ‘yung dibdib ko. Hindi ko akalaing aabot kami sa puntong ganito. “ Ano bang kulang Gray? Hindi ba ako magaling humalik? *sob* Masyado ba akong conservative? Boring ba ako sa kama? *sob* Ano?! Sabihin mo… Ba’t ka naghanap ng iba? Ba’t mo ako ipinagpalit sa iba?”

 

“ Nothing baby… walang kulang. Wala sa’yo ‘yung mali. Ako! Ako ‘yung mali. Ako ‘yung tanga.”

 

Ilang Segundo ng pagsusumamo at pagsasabing mahal niya ako ang dumaan pero hindi ko na maalala ‘yung mga sinabi niya. Punong puno ng galit ‘yung puso ko. ‘Yung taong akala kong uunahin ako palagi, ‘yung taong akala kong poprotektahan ako as lahat ng sakit, siya pa pala ‘yung unang taong mananakit sa akin ng sobra. At sa kapamilya ko pa! Ang sakit lang.

 

“ Eto ba? *sob* Eto ba ‘yung dahilan kung bakit kayo awkward sa isa’t isa?! Eto ba?!” bulyaw ko sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot. Pero hindi pa rin niya binibitawan ‘yung kamay ko. " Ang tagal niyo na pala akong ginagag* 'no? Ang tanga ko."

 

“ I guess this is it.” Simple kong sabi. " It's time to leave this feelings... this feelings behind."

 

Wh…what do you me… mean?” kitang kita ko ‘yung takot sa mga mata niya. Unti-unting nag-unahan ‘yung mga luha niya sa pagbagsak. Ang sarap sanang makitang nasasaktan siya kasi nasasaktan ako, pero hindi. Niloko niya ako. Kasinungalingan lahat ng pinapakita niya.

 

“Let’s end this, Gray. Ayoko na. I can no longer *sob* longer believe in a relastionship full of betrayals and lies… beautiful lies.

 

“ No. No. No… please. ‘Wag mo namang gawin sa akin ‘to. Reggo. Com’mon, bae. Let’s fix this *sob* Com’mon.” pilit niyang binabawi ‘yung kamay ko pero nagpupumiglas ako. Ayoko! Nandidiri ako sa’yo! “I know… I know *sob* nagkamali ako. Nagpadala ako and I admit it *sob*. But please, bae. Give me a chance… a second chance. I love you.”

 

“ Parte ba ng sinasabi mong pagmamahal ang pangloloko sa akin?”

 

Hindi niya ako nagawang sagutin. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin at umiiyak. Siya pa! Siya pa ang may ganang umiyak. Siya na nga ang nangloko, siya pa ‘tong lumuluha.

 

“ ‘Wag kang umiyak na parang nasasaktan ka.” Seryoso kong sambit sa kanya.

 

“ Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan? *sob* Paanong hindi ako iiyak eh mawawala ka na sa akin?!” hindi ako sumagot. Ang sarap sanang paniwalaan. Kinuha niya ‘yung mga braso ko at niyugyog ito. “ Reggo… ayusin natin ‘to.”

 

“ Wala na tayong aayusin. Sira na. Sirang sira na.”

 

“ Please…I Love You.” bumuntong hininga ako. Hinawakan niyang muli 'yung kamay ko. Agad naman akong kumalas dito.

" Let go, Gray. Nandidiri ako sa'yo!

Pero matigas siya. Kahit sobrang sakit na noong sinabi ko sa kanya, hindi pa rin siya sumuko. Hinawakan pa rin niya 'yung kamay ko at tumingin sa mata ko.

" Please... hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka. *sob* Hindi ko kayang wala ka. "

 

Inalis ko ‘yung mga kamay niyang nakahawak sa braso ko at saka tumayo at tumalikod sa kanya.

 

“ Pwes, kayanin mo na.”

 

 

 

Bae, wake up. Wake up!” narinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. Pagkabukas ko ng aking mata, nakita ko ang isang taong nagiging dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa bawat araw.

 

“ Look.” Dagdag pa nito at itinuro niya ang makapigil hiningang tanawin mula sa bintana ng eroplanong aming sinasakyan. Napasandal na lang ako sa dibdib niya ng makita ko iyon. Ang ganda. Walang kasing ganda. Iba pa rin talaga ang Pilipinas.

Nananaginip lang pala ako. Nananaginip lang ako ng mga bagay na dapat ay matagal ng ibinaon sa limot. Hindi ko alam kung totoo bang nakalimutan ko na nga siya ng tuluyan. Gabi-gabi, palagi pa rin akong hinahabol niyang eksenang iyan sa aking nakaraan sa aking panaginip. Pero wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko. Ayoko ng bigyan siya ng second chance. Ayoko ng bigyan siya ulit ng karapatang saktan ako.

Alam naman niya. Alam niya 'yung tungkol sa nakaraan ko dahil saksi siya kung paano nagsimula 'yun. Alam din niya kung paano kami nagtapos kasi ikinwento ko iyon sa kanya. Aware din siya na baka muling magcross ang landas naming dalawa, pero gaya ng sinabi niya sa akin, may tiwala siya sa akin. Alam niya daw na hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakasakit ko mismo. Oo. Ako mismo. Siya 'yung taong wala na lang palaging inisip kundi ang kasiyahan ko. Minsan, nakokonsensya na rin ako kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin maibigay sa kanya ng buong buo 'yung puso ko.

Handa naman ako kung muli kaming magkita. Ang sa akin naman kasi, wala ng dapat pag-usapan. Walang dapat ikahiya o ikaawakward. Tapos na ang lahat. Tinapos na niyang lahat. Itinapon na niya lahat. Kaya bakit pa akong mag-aabalang halungkatin pa ang mga basurang matagal ng itinapon? Maliban sa mabaho... wala ng pakinabang ito. Para ko na ring sinabi na mas pinili ko ang isang bato kesa dyamante. Masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon. Totoo. Siya bahagi na lamang ng aking nakaraan. Oo, masayang balikan ang nakaraan... but it is not a nice place to stay.

" Ok ka lang? " concern na tanong niya sa akin.

" Ok lang ako. " ngumiti siya at muling ibinaling ang tingin niya sa bintana. Siguro namiss niya talaga ang Pinas.

Nasilayan ko 'yung mga ngiti sa labi niya. Ang sarap tingnan ng ngiti niya. Siya 'yung taong nanjan noong mga oras na hindi ko na kaya, noong mgas oras na kailangan ko ng kausap. Hindi niya ako iniwan kahit na ipinagtatabuyan ko siya. Hindi niya ako iniwan kahit puro kasamaan lang ang isinusukli ko sa mga kabutihang ginagawa at pinapakita niya para sa akin. Siguro, hindi talaga ako nagkamali sa desisyon kong papasukin siya sa puso ko, na muling buksan 'yung puso ko para sa kanya. 

 

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at ang paghalik niya sa aking noo. Ang sarap. Ang sarap damhin ng pagmamahal niya.

 

“ We’re back. We’re home. Finally.” wika pa niya.

***

We're back daw oh. Ibig sabihin may nagbabalik din. Hindi lang si Reggo. :) Comments guyth? :*

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

121K 4.4K 57
Si Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo a...
504K 13.7K 45
Highest Achievement: Rank #156 in Romance Category (CROWN - Book 1) Napasok sa isang magulong high school life ang tahimik na si Yuya Ichinose. Paano...
200K 7.9K 27
In order to take revenge from those who bullied him during his junior days, Lexus Ethan Alvarez must live with his moody, mysterous and alluring hous...
773K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...