Hello, Stranger! [BID II] [Bx...

By Invalidatedman

495K 13.3K 2.4K

We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥ More

Copyright Infringement
Intro
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapater XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Not an update
Not an Update II
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Not an Update III
Last Words
Epilogue
Eyes here!
A Very Important Announcement
bxb

Chapter I

21.4K 370 110
By Invalidatedman

* Dinelete ko 'yung nauna. Kasi putol. May topak na naman si Wattpad. Wala namang masyadong nabago. Enjoy reading pa din :) Marami nga pala kayong maeencounter na mga flashback throughout the durationg of the story. Ganoon kasi talaga. Anyways, si Taemin nga pala ang magpoprtray kay Jandrix. * 

Dedicated kay @Songhyowon30. He's the man behind the Book Cover of Hello, Stranger. Thank you ulit :) 

* Gray *

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Basta nakita ko na lang 'yung mga paa kong dinala ako sa lugar kung saan pinapaalala nito lahat ng masasayang sandali, mga hindi malilimutang mga ngiti at ang iparamdam sa akin kung gaano ako kabobo at katangang tao para bitawan pa siya. Hanggang ngayon... kahit makalipas ang dalawang taon, 'yung bigat ng pakiramdam ng pagkawala niya... andito pa rin sa puso ko. 

Sinubukan ko. Baka kasi sakaling niloloko ko lang 'yung sarili ko na hindi ko kayang mabuhay ng wala siya. Sinubukan kong ibaling 'yung mata ko sa iba... pero walang katulad niya. Mali. Wala talaga siyang katulad dahil nag-iisa lang siya. At sa pangalawang pagkakataon, mali ulit ako. Parang gumuho 'yung mundo ko ng marealize kong wala na talaga kami. Parang nawalan ng kulay 'yung mundo ko. Nawala ;yung pagkasabik ko sa bawat umaga kasi alam ko, wala na siya para itext ako ng " Good Morning, bae. " Wala na siyang araw-araw kong kinukulit sa school, hindi na mauulit 'yung pagyakap niya at paghalik sa akin. Ang sakit lang talagang isipin.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kanina kasi nakinig ko 'yung pag-uusap nina Miko at Trey. Siya nga pala, sila na. Oo. As in, mag-on na sila. Tuwing nakikita ko sila, hindi ko maiwasang maalala 'yung sa amin ni Reggo. Siguro kung hindi ko siya niloko, mas sweet pa kami sa kanila. Kung hindi ako nagpadala, siguro nandito siya sa tabi ko ngayon. Pero wala eh. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Ayon nga, nakinig ko silang nag-uusap kanina. 

* flashback...

" Eh? Kailan pala? " tanong ni Trey. 

Lumapit ako sa kanila at umakbay at isinuot 'yung killer smile ko. 

" Anong kailan? Anong meron? " takado kong tanong. 

Nagkatinginan lang silang dalawa. Tila binabasa nila at nag-uusap ang kanilang mata kung ano bang gagawin nila. Nakita ko namang tumango lang si Miko at saka bumuntong hininga si Trey.

" Babalik na kasi si... " bigla na naman siyang naglaro ng mga paa niya. Ganyan siya pag kinakabahan.

" Sino? " inosente ko pa ring tanong. 

" Si ano... tsk. Pa'no ba 'to. Si... " hindi pa rin niya masabi.

" Sino nga?! " mejo tumataas na 'yung boses ko. Kinakabahan kasi ako. 

" Si Reggo. " 

... end of flashback.

Noong oras na nakinig ko ulit 'yung pangalan niya parang kumislot 'yung puso ko. Ang bilis ng tibok nito. Doon ko napatunayan na kahit lumipas na pala ang dalawang taon, 'yung kabang idinudulot niya kapag nasa paligid siya, 'yung excitement na idinudulot niya sa akin, hindi pa rin nagbabago. Mahal na mahal ko pa rin siya. Pero sa kabilang banda, natakot ako. Anong gagawin ko? Baka hindi ko kayanin kapag nakita ko siya. Alam kong galit siya sa akin. Baka nga hindi na niya ako pansinin at tratuhing hindi niya nakilala at siguradong tagos na tagos sa puso ko 'yun pag nagkataon. Pero anong magagawa ko? Ako kasi 'yung nagtulak sa kanya para maging ganoon sa akin. 

At anong gagawin ko kapag nakita ko siyang may kasama siyang iba? Kakayanin ko kaya? 

Hon. Andyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh. " 

Napalingon ako sa taong lumalakad papalapit sa akin. Si Jandrix. Siya 'yung taong naging dahilan kung bakit ako nagkasala kay Reggo. Siya 'yung puno't dulo. Pero bakit hindi ko siya maiwan? Kasi siya 'rin 'yung taong nandyan noong mga oras na depress na depress ako. 'Yung tipong parang ayoko ng ipagpatuloy pa 'yung buhay ko. Malaki 'yung utang na loob ko sa kanya kaya nakabalik ako sa normal na ako... 'yung nga lang, hindi buo. 

Maraming beses akong pinayuhan ng mga kaibigan ko na bakit hindi ko daw hiwalayan 'yung tao, hindi ko naman mahal. Ang sinasabi ko, hindi ko kayang manakit ng tao at saka malaki yung utang na loob ko sa kanya. Ang sagot naman nila... 

" Talaga? Hindi mo kayang manakit ng ibang tao pero 'yung mahal mo nakaya mong saktan. 

Tumpak. Tanga talaga ako.

Mahal ko ba siya? Hindi ko alam. Hindi ko kasi alam kung naguguilty lang ako sa laki ng ginawa niya sa akin kaya pumayag akong maging kami. Ilang buwan na ba kami? Pito? Anim? Hindi ko alam eh. Parang noong nawala si Reggo, nawalan na rin ako ng gana sa lahat ng bagay. Minsan, naiisip ko na hiwalayan na siya kasi maliwanag naman na wala sa kanya 'yung puso ko. Minsan nga nakakalimutan ko siya. Pero palagi siyang andyan. Siguro sa mga ginawa niya sa akin, ayokong suklian 'yung pananakit kaya hindi ko siya maiwan at pumayag akong maging kami... kahit siya pa rin 'yung mahal ko. 

" Ganoon ba? " walang buhay kong sagot. 

" Anong nangyari? Ba't parang wala kang gana? " at saka siya yumakap sa braso ko. 

Oo, bakla siya. Mas malambot pa nga siya kay Reggo eh. Noong una, parang hindi obvious pero sa totoo, para siyang babae talaga kung kumilos. Marami namang ganoon ngayon, nagtatago sa matikas na boses at mala-macheteng katawan. 'Yun pala, mas malambot pa sa babae. 

" Gusto mo bang maging honest ako sa'yo? " pagtatanong ko sa kanya. Tango lang naman ang isinagot niya.

" Narinig ko kasing nag-uusap sina Trey kanina. May paparating... may babalik. sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

Umupo siya sa tabi ko at saka lumingkis sa braso ko.

“ Sino? Is it your relatives from abroad? Or an old friend?”  walang kaalam-alam niyang tanong.

Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya. Panigurado masasaktan siya. Pero wala namang madaling paraan para sabihin sa kanya ng hindi siya nasasaktan. Kahit saang anggulo mo tingnan, masasaktan pa rin siya.

“ Hindi.” Simpleng sagot ko.

Eh… sino?” pag-uusisa niya. “You promised that you’ll be honest with me, right? So tell me… sinong babalik?”

Tiningan ko lang siya sa mata. Kitang kita ko ‘yung kasiyahan sa mata niya. Makikita ko pa rin kaya ‘yung saying ‘yan pagkatapos mong malamn kung sino ‘yung magbabalik?

“ Si Reggo.”  Sabi ko sakanya ng hindi bumibitaw sa pagkakatitig sa kanya.

Nakita ko kung paano nagbago ‘yung timpla ng mood niya. Nakita ko kung paano napawi ‘yung mga ngiti kanina sa kanyang mga labi. Bigla bigla na lang kaming nabalot ng awkwardness. Bigla rin siyang napastiff ng pagkakaupo. Pero hindi kasi ‘yun ‘yung iniisip ko. Ang iniisip ko… anong gagawin ko? Paano ko pakikitunguhan si Reggo sa oras na magtagpo ulit ‘yung mga landas namin ?

Ang sama ko ba? Kasi sa mga ganitong sitwasyon, dapat kinocomfort ko siya. Pero hindi eh. Mas inisip ko pa ‘yung Ex ko kesa sa nararamdaman ng naturingang “boyfriend” ko. Gag* ko. Pakshet.

Walang umiimik sa amin. Walang gustong gumalaw.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagharap niya sa akin. Kinuha niya ‘yung isang kamay ko at isinuot sa bawat espasyo sa mga daliri ko ang daliri niya. Nakatingin lang ako sa kawalan habang ginagawa niya iyon.

“ Ako ‘yung nanjan sa tabi mo noong mga oras na wala siya. Ako ‘yung taong bumuo sa’yo noong mga panahong sirang sira ka na. Ako ‘yung pinili mo kaya ka nandito ngayon sa tabi ko. Wala naman akong dapat ikatakot diba?

 

Simpleng sagot pero hindi ko magawang sagutin. Alam ko kung nakanino talaga ‘yung puso ko. Kahit bali-baliktarin ang mundo, doon pa rin ako bumabalik sa taong nagturo sa akin kung gaano kasarap magmahal ng seryoso.

Sa halip na sagutin siya, tumayo ako at nagpagpag ng damit.

“ Tara na. Ihahatid na kita. Magdidilim na rin kasi.”

 

*Jandrix*

 

Nabigla ako. Oo. Aaminin ko, hindi ko alam na ito pala ‘yung dahilan kung bakit parang biglang bumalik na naman ‘yung dating Gray na nakilala ko. ‘Yung Gray na iniwan ni Reggo. Bakit? Bakit ganito siya kumilos? Hindi kaya... Argh. Hindi! 

Babalik pala siya dito? Huh. Bakit pa?! Para magmayabang? Para magpahanga? Na American citizen na siya ngayon? Na mas cool na siya ngayon? Na mas maganda na ‘yung pinag-aaralan niya? Na mas maganda na ‘yung buhay niya? O para bawiin si Gray? Alam ko naman! Alam ko namang kaya siya bumalik dito para guluhin kami. Siguro dahil nakaabot sa kanya ‘yung balita na masaya na si Gray sa piling ko. Siyempre, inggitin ‘yun eh. Kaya babalik siya dito para guluhin kami. Pwes, manigas siya. Ipapamukha ko sa kanya kung gaano na kami kasaya ni Gray! Ipapamuka ko sa kanya na hindi na siya kailangan ni Gray!

Alam ko naman eh. Alam ko na may puwang pa rin siya sa puso ni Gray. Nararamdaman ko. Kaya nga siya nagrereact ng ganito. Mahirap tanggapin. Masakit Makita. Pero ganoon talaga. Noong mga panahong sariwa pa ‘yung sugat na iniwan ng paghihiwalay nila, napakatamlay niya. Hindi makausap. Ayaw kumain. Ayaw makihalubilo sa tao. Alam kong ako ‘yung dahilan kug bakit nagkawalaan sila. Pero ang akin, kung mahal niya talaga si Reggo, hindi siya papatukso sa akin diba? Hahaha. As simple as that. Tapos nitong mga nakaraang buwan. Bumabalik na siya sa dating siya. Napangiti ako doon. Parang nagkaroon ako ng pag-asa. Ginawa ko lahat para mapansin niya ako. Para ako naman ‘yung tingnan niya. At nagbunga naman lahat ng iyon. Noong tinanong ko siya kung pwedeng maging kami, pumayag siya. Ako na yata ang pinakamasayang tao noong mga oras na ‘yon.

Tuwing papasok sa eskwela, lagi niya akong sinusundo. Kapag hinahawakan ko ‘yung kamay niya, hindi siya bumibitaw. Palagi kaming sabay umuwi. Minsan, nagkakaroon din kami ng maiinit na pagniniig. Kitang kita ko 'yung satisfaction sa mga mata niya tuwing ginagawa namin yun at 'yun na yata ang pinakamasayang tanawing nakita ko sa buong mundo. Ang makitang napapaligaya ko ang mahal ko. Pakiramdam ko gusto kong tumigil ang oras noon. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mabuti para gawin niya sa akin lahat ng bagay na iyon. Noong unang monthsary nga namin, pumunta pa kami sa isang amusement park. Doon mas lalong tumindi ang pananalig kong baka unti-unti na niya akong natutuhang mahalin.

Pero ngayon, parang bumalik na naman siya sa dati. Although, normal na makita ko siyang magyosi, pero nauuna siya sa akin. Hindi kami magkasabay lumakad. Ni hindi man lang niya ako nililingon para hintayin man lang. Dati, kahit maghawak-kamay pa kami dito, wala lang. Anong nangyari? Dahil ba kay Reggo? Kahit kailan talaga panira ‘yan eh. Siya na lang lagi ‘yung mabait, siya lagi ‘yung number one! Ako? Palagi akong number 2 sa kanya. Kaya nga noong umalis siya, nakahinga ako ng maluwag. Pakiramdam ko nakalaya ako sa anino niya. Pakiramdam ko mayroon na akong matatawag na “akin”. Pero ngayon?! Guguluhin niya na naman ako. Ok na ako eh! Tahimik na ako. Pero ngayon, hinding hindi ko ibibigay sa kanya si Gray. Akin si Gray! Akin siya!

“ Sige. Kita na lang bukas. “ dahil sa lalim ng iniisip ko’y hindi ko namalayan na nasa harapan na pala kami ng bahay namin.

“ Ayaw mo bang pumasok?” umiling lang siya. Dati rati, kapag inaalok ko siyang pumasok, sumasama naman siya. Oo. Legal kami. “ Ahh… susunduin mo ba ako bukas?”

 

“ Hindi. Baka hindi ako pumasok bukas.” Sagot niya habang nakatalikod sa akin.

Gray, ano bang ginagawa mo? Nasasaktan na ako. 

 

Lalapit sana ako para tingnan kung may sakit siya pero bigla niyang tinapik ‘yung kamay ko. Nabigla ako sa inasal niya. Ni minsan ay hindi niya ginawa sa akin ‘yun. Ngayon lang. Ngayon lang talaga. Masakit. Pero hindi ko na lang ipinahalata. Siguro wala lang talaga siya sa mood niya. Ganoon lang ‘yun.

“ Ahh… Sorry. Sige. Pumasok ka na. Uuna na ako.”

Ni hindi man lang niya ako hinintay na magpaalam. Bigla bigla na lamang siyang nagsimulang maglakad papalayo sa akin.

“ Gray.” Tawag ko sa kanya. Huminto siya at dahang dahang lumingon suot pa rin ‘yung expressionless niyang mukha.

“ Bakit?”

I Love You.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pero isang matamlay na ngiti lang ang isinagot niya sa akin at saka siya umalis.

Parang nadurog ‘yung puso ko sa ginawa niya. Habang pinagmamasdan ko siyang lumalakad palayo sa akin, naisip ko, karma ko na ba? Babawiin na ba siya sa akin? Kagaya ba ng unti-unting pagkawala niya sa paningin ko ngayon ang pagkawala niya sa buhay ko? Hindi! Hindi pwede! Akin siya! Kaming dalawa ang para sa isa’t isa.

Reggo, epal ka talaga eh. Sige lang. Handa naman ako sa pagbalik mo eh. At sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang makikita mo sa oras na umuwi ka ditto. Uuwi kang luhaan at pagapang na babalik doon sa lungga mo sa America!

 

***

Comments? :)  

Continue Reading

You'll Also Like

759K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
776K 37.8K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
401K 16.5K 40
At ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...