The School's Fairy | BxB

Bởi perverted_banana

231K 13.1K 3.5K

[#1 in BoyxBoy as of 05-16-2020] Nagpanggap na bakla si Eden Carillo para mapalapit sa crush nyang si Selena... Xem Thêm

The School's Fairy
One - (Love-struck)
Two - (Prepping)
Three - (Welcome to EIS, Eden!)
Four - (Hate at second sight)
Five - (The Reckless Fairy)
Six - (Feisty Kitten)
Seven - (Patay kang bata ka!)
Eight - (Homophobic bullies)
Nine - (Colonel Carrot)
Ten - (Finding out a different side)
Eleven - (The Eden kind of revenge!)
Twelve- (The Naughty little Eden)
Thirteen - (Are you really gay?)
Fourteen - (On the rooftop)
Fifteen - (Where's my hero?)
Sixteen - (Here's my hero)
Seventeen - (I'm not crazy!)
Eighteen - (Lost kitten)
Nineteen - (Another's point of view)
Twenty - (Under the same roof)
Twenty One - (Sepanx)
Twenty Two - (Meticulous Wife)
Twenty Three - (Commute)
Twenty Four - (Evil master)
Twenty five - (Oh no!)
Twenty Six - (Something Unexpected)
Twenty Seven - (Cross... Crossdressing?!)
Twenty Eight - (The School's Fairy)
Twenty Nine - (Raffle Winner)
Thirty - (Let it out)
Thirty Two - (Personal Cat Genie)
Thirty Three - (You are busted)
Thirty Four - (Calvin's motive)
Thirty Five - (Operation: Capture Selena's Heart)
Thirty Six - (Catching the Culprit)
Thirty Seven - (End of Arc 1)
Thirty Eight - (First Lesson)
Thirty Nine - (Suspicion)
Fourty - (Friends)
Fourty One - (Two lost souls)
Fourty Two - (Cooking Lesson)
Fourty Three - (Calvin's Invitation)
Fourty Four - (You're really something)

Thirty One - (The fairy concedes defeat)

6.2K 313 109
Bởi perverted_banana

[ Eden. ]

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatayo sa pwesto ko at nakasandal sa pinto, at kung gaano na katagal umiiyak si Jiro sa kabila ng pintong kinasisindigan ko. Hinintay ko hanggang sa unti-unting humina ang pag-iyak niya at maya-maya ay natahimik. Kumunot ang noo ko at naghintay pa ng ilang minuto bago ko buksan ang mabigat na pinto.

Wala akong naririnig na hikbi o ano pa mang tunog na nililikha ng mga taong galing sa pag-iyak. Masyadong tahimik kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Jiro...?"

Tahimik akong naglakad at natigilan ako nang nakita si Jiro na nakaupo sa sahig, nakasandal ang likod sa railing, nakayuko at hindi gumagalaw.

"Jiro." Sinubukan ko ulit siyang tawagin pero hindi parin siya kumikilos. Nakatulog na ba siya? Napagod sa pag-iyak?

Lumapit ako at sa pagkakataong 'to ay narinig ko ang mahina niyang pag-ungol. Bahagyang nanlaki ang mga mata ako at dali-daling lumapit at nag-crouch sa harapan niya. Hinawakan ko ang balikat niya at bahagya siyang inalog habang tinatawag ang pangalan niya, "Jiro. Jiro? Okay ka lang ba? Jiro!" Pero kahit anong pagtawag ang gawin ko ay hindi parin siya sumasagot, tanging ungol lang ang nagiging tugon niya.

Kaya naman naglakas ako ng loob na hawakan ang mukha niya para iangat ang ulo niya. Pero nagulat ako dahil nang sandaling dumampi ang mga kamay ko sa balat niya ay para akong napaso. Ang init niya! Shit, nilalagnat ba siya?!

"Jiro! Aish."

Anong gagawin ko? Maghahanap ng tutulong? Wala akong number ng mga kaibigan niya saka lowbat na ang phone ko! Eh, sa cellphone kaya niya? Sa isiping yun ay agad kong kinapkap ang mga bulsa niya at agad ko namang nakita ang cellphone niya. Pero laking dismaya ko nang makita ko na may password ito. Ugh! Hindi ko naman siya pwedeng iwan dito dahil baka mas lumala ang karamdaman niya.

Aish! Bahala na nga!

Wala na akong ibang nagawa kundi ang mag-isa na lang akayin si Jiro pababa. Kinuha ko ang braso niya at isinabit yun sa balikat ko pagkatapos ay pinulupot ko ang isang braso ko sa bewang niya. Nagbilang ako ng isa hanggang tatlo bago ko sinubukang tumayo. Mabigat man ay naging successful naman ang unang subok ko at agad na nakatayo habang akay si Jiro.

Grabe naman kasi. Ano ba kasing pinapakain sa kaniya ng mama niya at ganito siya kalusog? Hindi ko alam kung kaya kong maglakad nang akay siya. Pagkatapos nandito pa kami sa rooftop! Anak ng--- Ilang hagdan pa ang kailangan kong lampasan para makababa! Naknampucha naman, kahit walang malay asungot parin sa buhay ko si Jiro!!!

Huminga ako ng malalim at nagsimula nang maglakad. Jusko, buti na lang at nakapagpalit na ako ng rubber shoes dahil tiyak na iiyak ang mga paa ko kung sakaling gawin ko 'to habang nakasuot ng heels! At buti na lang din, hindi na nagpabigat pa si Jiro. Tulog siya pero nagpatianod siya kaya mas madali sa inaakala ko ang naging pagkilos ko.

Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas ay nagawa na rin naming makababa. Grabe ang tagaktak ng pawis ko, para rin akong nangarera kasama ang mga kabayo dahil sa hingal ko. Nangangalay na rin ang mga binti, braso at bewang ko pero kinaya ko pa naman hanggang sa makarating sa gate ng school. Marami paring tao at nagdasal pa ako na sana may makasalubong ako na kakilala ko o kaibigan ni Jiro pero sa kamalas-malasan nga talaga ng buhay ay nabigo ako. Buti na lang at mabait yung guard na nagbabantay sa gate at agad akong tinulungan na akayin si Jiro.

"Miss, may sundo ba kayo? Gusto niyong tumawag ako ng taxi?"

Napakibot ang labi ko sa ginawang pagtawag sa'kin ni manong guard pero di ko na yun inungutan pa. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Pakitawag na lang po kami ng taxi, manong."

Mabuti na lang at maraming dumaraang taxi sa harap ng school kaya agad na nakatawag ng isa si manong guard. Tinulungan niya pa akong isakay sa likod si Jiro.

"Manong, maraming salamat po." Nakangiting pagpapasalamat ko kay manong guard saka sinara ang pinto ng taxi. Sinabi ko kay manong driver ang address at agad naman niyang pinaandar ang sasakyan.

Ini-stretch ko ang mga braso ko na halos bumigay na kanina at saka tinapunan ng tingin ang katabi kong si Jiro. Wala parin siyang malay at namumula ang mukha niya dahil sa lagnat. Pinaningkitan ko ang natutulog niyang mukha at di nakapagpigil na dutdutin ang pisngi niya.

Syempre, papayag ba naman akong hindi makaganti sa pagpapahirap niya sa'kin?!

"Ikaw, bwisit ka talaga kahit kailan sa buhay ko! Dahil sa'yo sumakit ng husto ang katawan ko tapos napagastos pa ako ng pamasahe!" Inis na dinutdot at kinurot-kurot ko ang mukha niya pero maya-maya rin ay tinigil ko iyon dahil mukha na akong tanga. Nakikita ko kasing tinitingnan ako ni manong driver mula sa rear view mirror. Nginitian ko si manong at napapatikhim na umusod palayo kay Jiro.

Nang makarating sa bahay at matapos bayaran ang pamasahe namin ay muli ko na namang akay si Jiro habang naglalakad papasok ng bahay. Kinuha ko ang spare key na nasa ilalim ng paso na nakalapag sa pasimano at binuksan ang pinto. Binuksan ko na rin ang mga ilaw saka dinala si Jiro sa kwartong tinutuluyan niya dito.

Binuksan ko ang ilaw at agad na kumalat ang liwanag sa buong kwarto. Akay si Jiro ay naglakad ako papalapit sa kama at walang awang inihagis ang malaki niyang katawan doon.

Pero ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang sumama ako sa pagbagsak ng katawan niya. Shet! Nakapulupot parin pala yung braso niya sa balikat ko! Pucha!

Kaya ang nangyari ay nakahiga siya sa kama at ako naman ay nakadagan sa ibabaw niya. Napalunok ako at aalis na sana sa pagkakaibabaw ko kay Jiro nang bigla kong naramdaman ang pag-ikot ng mundo ko at namalayan ko na lang na nagkapalit na kami ng pwesto. Napunta ako sa ilalim habang si Jiro ay nakaibabaw sa'kin. Napahigit ako ng hininga at halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

I was about to struggle out nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko at idiniin yun sa kama. Nabato rin ako sa pwesto nang makita na napakalapit lang ng mukha sa'kin ni Jiro. Bahagyang nakabukas ang mga mata niya at nakatuon ang mga berdeng pares na yun sa akin, dahilan para mapalunok ako. Ramdam na ramdam ko rin ang napakainit na hanging nanggagaling sa kaniya.

"Jiro---"

"Don't move!"

Dahil dun ay natigilan na naman ako sa muling pagtatangkang kumawala sa ilalim niya. Nakita kong inangat niya ang isa niyang kamay at nilapit yun sa mukha ko. Akala ko kung anong gagawin niya kaya napapikit ako pero--

"Ah!" Daing ko nang maramdaman kong pinisil niya ang pisngi ko. Agad napadilat ang mga mata ko at sinamaan ng tingin si Jiro. Pero ang loko, hindi pa nakuntento at dinutdot pa ang pisngi ko na parang pumipindot siya ng button. Gumaganti pa siya sa ginawa ko kanina?!

Di ko mapiglang makaramdam ng yamot kaya hinawakan ko ang kamay niyang umaabuso sa pisngi ko at bubulyawan na sana siya nang bigla ulit siyang magsalita.

"I said don't move! I'm going to say something!" Para bang siya pa ang mas nayayamot sa aming dalawa. Kinuha niya ang kamay kong humawak sa kanya at diniin rin yun sa kama dahilan para tuluyan akong di makakilos.

Mahirap na nga siyang i-handle kapag gising, pero di ko alam na mas mahirap pala siyang i-handle kapag ganitong wala siya sa tama niyang katinuan! Para akong kumakausap ng isang limang taong gulang na bata-- at hindi lang yun, iyong klase pa ng bata na sobrang spoiled brat!

Nagngingitngit ako at walang habas na pinaulanan ng mura si Jiro sa isip ko pero agad 'yun naputol nang marinig ko ang malalim na boses ni Jiro mula sa ibabaw ko.

"You know what? I really like Selena... I'm really really serious about her. She's the only person who can make me feel this way but... but there's this annoying fairy who fucking loves to interfere. He fucking loves squeezing his little self between me and Selena... He's so fucking irritating, do you know that?"

Anak ng lechon de leche, ako ba ang tinutukoy niya?! At talagang chinichismis niya pa ako sa harap ko mismo at sa akin mismo?!

May gana rin siyang mag-confess ng feelings niya kay Selena sa akin mismo, ha?!

Nagpatuloy siya. "That fairy, he not only crossed my line repeatedly, he even had the guts to waltz pass it like some kind of fucking diva." Natawa siya ng konti, yung tawa na parang hindi tawa Do you get it? Me neither.

"Hah, he's like a small animal. The moment he enters your life he will definitely make a mess of it. No one have ever done the things he did to me. In that short period of time he did unbelievable things to me that even Selena would never dare to do. Can you fucking believe it? If it was someone else they would have long been beaten black and blue for crossing the line. I'd probably beat the shit out of them. But the odd thing is, I couldn't lay a hand on him. Fuck, I couldn't even land a punch on that fucking pretty face of his. And do you know what's more confusing? It's... it's not because Selena asked me not to hurt him, but because I can't... just, for some reason, I can't bear to do it... Goddamnit, this is so fucking ridiculous."

Sa mukha niya parang gulong-gulo talaga siya at naghahalo-halo ang iba-ibang emosyon sa mga mata niya. Hindi ko naman mapigilan ang matigilan dahil sa mga sinabi niya at nauwing tulalang nakatitig sa mukha niya. Pupungay-pungay ang mga mata niyang tiningnan ako na para bang iniinspeksyon niya ang mukha ko. I squirmed a little dahil pakiramdam ko isa akong bacteria na tinitingnan mula sa microscope ng isang scientist.

"You... You have great resemblance on him." Narinig kong bulong niya at nakita kong napapikit ang mga mata niya. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang lumalapit ang distansya ng mga mukha namin sa isa't-isa kaya agad kong iniwas ang mukha ko.

Naramdaman ko namang pagbagsak ng katawan niya at ng mukha niya sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kiliti sa mainit na hininga niya na tumatama sa balat ko.

Natameme ako at ilang segundong napatitig sa kisame. Maya-maya ay sinubukan ko siyang itulak mula sa pagkakaibabaw sa'kin. Nang magtagumpay ay hinihingal na binigyan ko ng tingin ang natutulog na si Jiro.

Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga.

Mukhang meron akong buong magdamag na aalagan ngayong gabi.

♡♡♡

"Bakit ganyan ang hitsura mo? Malungkot ka ba kasi nakauwi na 'ko at di mo na pwedeng makasama sa iisang bubong ang lovey dovey mo? Bakit? Sa ilang araw na binigay ko sa'yo, hindi mo man lang ba nagawang mai-progress ang relationship niyo ni Selena? Failed ba? Walang development or whatsoever?"

Napabaling ang tingin ko mula sa kinakain ko papunta sa ate ko na kakapasok lang kusina. Nakaupo ako sa ibabaw ng counter at may yakap na tub ng chocolate ice cream, sa kamay ko ay isang kutsara na may isang scoop pa ng malamig na dessert. Pinanuod ko lang siyang kumuha ng sariling kutsara at umi-scoop ng spoonful ng ice cream ko.

Yes, nakauwi na si ate at oo nandito na rin ako sa bahay. Kaninang madaling araw silang nakauwi ni Ate Sendy at halos wala akong tulog nang maabutan nila. Sinabi ko na lang kay ate Sendy na nilalagnat si Jiro at in-assure niya naman akong aalagan niya ito. Hindi naman umuwi si Selena buong gabi dahil nag-overnight siya dun sa bahay ng isa sa mga representatives matapos nilang mag-party. Nalaman ko 'yun kasi nagpaalam pala siya kay ate Sendy saka nagsend rin pala siya ng text sakin kaso di ko nabasa dahil lowbat ang cellphone ko. Hindi ko na rin 'yun nagawang i-charge dahil nawala sa isip ko dahil sa pagkaabala ko kay Jiro. Buti nga at mas bumuti na ang pakiramdam ni Jiro at hindi na siya kasing init gaya nung una kong hawakan ang mukha niya.

Siguro kung di ko inuwi si Jiro dulot ng emergency, baka buong magdamag akong nandun sa school para hanapin si Selena dahil nga di ko nabasa 'yung message. Saka aaminin kong nawala siya sa isip ko dahil kay Jiro.

And speaking of Jiro, bumalik na naman sa isip ko lahat ng mga narinig ko mula sa kaniya kagabi.

Mukhang napansin naman ni ate ang pananahimik ko kaya kumunot ang noo niya.

"Huy, anong problema?"

Binaba ko ang kutsara sa tub at naglabas ng isang malalim na buntong hininga. Pinaglaruan ko ang tsokolateng ice cream at maya-maya ay nagsalita.

"Ate... Ayoko na." Mahina ang pagkakasabi ko pero alam kong narinig parin yun ni ate.

"Eden, may nangyari ba? Si Jiro, may ginawa ba siya sa'yo?" Ang sunod-sunod niyang tanong matapos na mabilis na sinubo ang ice cream sa bibig niya.

Oo at hindi lang 'yon, nagawa niya pa akong mapasuko sa laban hindi pa man ito nagsisimula. Ang nasabi ko sa isip ko, pero wala akong balak na isatinig ang isiping iyon.

Umiling ako saka muling nagsalita, "Ate, sumusuko na 'ko."

"Saan? Sumusuko saan?" Nalilitong tanong ni ate.

"Kay Selena. Ate, I'm gonna stop pursuing her. Titigilan ko na 'tong kalokohan ko na 'to. I won't fight with Jiro over Selena anymore. Magpapaubaya na 'ko." Deklara ko bagay na ikinagulat naman ni ate.

"W...What? Teka, bakit? What made you change your mind? What really happened?"

Alam ko, hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Si Selena ang unang babaeng nagustuhan ko at siya pa ang naging dahilan para harapin ko ang takot ko at pumasok sa school. Alam ni ate ang ugali ko na hindi madaling sumuko at sobrang proud ko na tao. Kaya ang pag-concede ko ng pagkatalo gaya nito, masyadong malayo sa ugali ko. Out of character kung baga.

Iniisip na siguro ni ate na may sira akong piyesa at kasalukuyan na nagma-malfunction.

"A stone hit me on the head." Simpleng sagot ko.

"What?! A stone?!" Eksaheratang tanong ni ate na siyang tinanguan ko naman.

"Yes, a big, big stone hit me on the head. It hit me so hard that it woke me in the trance and made me realize that what I'm doing is stupid. No, actually it's beyond stupid because it's a completely absurd bullshit!"

"Teka, Eden..."

Umiling ako kay ate at ngumiti, "Ngayon na nagising na 'ko mula sa kabaliwan ko, narealize ko na hindi si Jiro yung asungot sa love story ko at ni Selena. Kundi ako. Ako yung epal. Ako yung pilit na sumisingit, pumapagitna sa pagitan nila sa kwentong silang dalawa naman talaga ang bida."

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni ate at nakita ko ang awa sa mga mata niya kaya agad akong napaiwas ng tingin at yumuko na lang para tingnan ang ice cream ko.

"Bakit mo naman naisip yan?" Maya-maya ay narinig kong tanong ni ate.

Kinagat ko ang ibaba kong labi at saglit iyong pinaglaruan bago ako sumagot. "Kasi nagkaroon na ako ng better understanding kay Jiro. He's not really as bad as what I thought, or what I perceived him to be. He's just... a human being. Just a normal human being like me who has his own problems, struggles, and... God, I judged him too early. Hindi kasi maganda 'yung una naming pagkikita tapos nakilala ko pa sya at nalaman kong hindi rin maganda ang ugali niya. Mas lalo pang nadagdagan ang bad impression ko sa kaniya dahil nalaman kong nililigawan niya si Selena. Hindi ko naisip na siguro may malalim na dahilan kung bakit siya naging ganon at sa isip ko kasi purong puro yung pagiging masama niya. That every cell in his body contains... wickedness at wala siyang ni katiting na kabutihan sa kaniya. But he's not a bad guy. Well, no one is deep inside. Nakalimutan ko na lahat ng tayo may good sides, hindi mo man yun makita pero nandun parin yun kaya hindi dapat tayo agad feeling hurado kung manghusga. We should not judge a person without knowing their story. Alam ko na rin na seryoso talaga siya kay Selena, pilit ko lang yun na dinedeny kasi ayoko na matalo niya 'ko."

Napahigpit ang hawak ko sa tub at naglabas ng munti ngunit mapait na tawa.

"Isa pa, kung ikumumpara ako kay Jiro, para ka naring nagkukumpara ng daga sa isang leon. Maraming bagay na mas higit si Jiro kaysa sa'kin. Mas matangkad siya, mas malakas ang katawan niya, mas mayaman, mas atheletic at sige, aaminin ko nang mas manly siya kaysa sa'kin! Sa aming dalawa, siya ang may mas kakayahan na protektahan si Selena. Saka alam mo ate, they really suit each other." Napatigil ako saglit at naglabas ng maliit na ngiti. "Because of the love he lost from his childhood, Jiro is seeking for his remedy. Kaya siguro mas masahol pa siya kung magpalit ng babae kaysa magpalit ng damit niya. He's jumping from different girls one after another kasi may hinahanap siya, and nakita niya yun kay Selena. Same goes for Selena, whom had thought that every guy in the world are just the same, cheating lying bastards. She lost her trust to men and what she needs is someone that will prove her wrong. Parang sa mga fairytale, they found each other. They can be the cure to each other's pain. They... will mend what has been broken. Sa love story na yun ni Jiro at Selena, isa akong insignificant na chatacter. At kung ipagpapatuloy ko ang plano ko, baka mapromote ako bilang isang villain. Masyado akong gwapo para maging isang antagonist, 'no!" Naglabas ako ng pwersadong tawa dahilan para mas lalong magworry si ate.

"Eden..."

"Tyaka, how can I protect someone when I can't even protect myself? I have so much things I am afraid of. I'm still mentally unstable. I've so many mental issues so I don't think I deserve Selena." Napatigil ako at napailing. "No, I don't think I deserve to love a person at all."

"Eden." Matigas na tawag ni ate sa pangalan ko dahilan para mapaangat ako ng tingin. Agad naman niyang ikinulong sa dalawang kamay niya ang mukha ko at seryosong nagsalita habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "You shouldn't think that way, okay? You deserve everything in this world. Yes, you're not perfect. But isn't everyone? Eden, your imperfections are perfect and that makes you deserve anything. So please, don't foster the false belief that you don't deserve anything better. If you create your whole self-image around the belief that you don't deserve love, you would repel those people who truly cares about you. Do you want that?"

Agad akong umiling bilang sagot, "No. Of course not."

"Then please erase that thought in your head. The Eden I know is someone brave, stong-willed and... very narcisstic."

Humaba naman ang nguso ko sa huling salitang sinabi niya kaya napabunghalit siya ng tawa na mas lalong ikinahaba ng nguso ko.

Pero lahat ng sinabi ni ate, ibinaon kong lahat ng mga yun sa puso ko. Lahat ng mga yun ay tinandaan ko at ang kaninang mabigat na pakiramdam sa puso ko ay tila ba isang mahikang biglang naglaho.

Tahimik na nagpatuloy kami sa pagkain ng ice cream ni ate nang bigla siyang magsalita, sa tono niya ay may halong kuryosidad.

"Aalis ka na ba sa school?"

Ang tanong na yun, naitanong ko na rin sa sarili ko at buong gabi kong pinagisipan kaya ngayon ay meron na akong sagot.

"Ate, naging masaya ako sa piling ng mga bago kong kaibigan. Sa konting panahon na 'yon na nakasama ko sila, naging sobrang saya talaga ako." Seryoso at malumanay kong sabi habang nakatingin kay ate.

"Kung ganon..." She trailed off, looking at me with a questioning gaze.

"Gusto ko pang maranasan yun ng mas matagal pa, ate. I want to stay. Can I?" I blinked at her.

Parang isang batang unang beses nakakain ng tsokolate. Hindi ko mapigilan na maging gahaman at maghangad pa na makakain ng mas marami dahil sa sayang idinulot no'n sa'kin.

Ngumiti naman si ate ng matamis. "Of course." Pero maya-maya ay nawala rin yun nang muli siyang magtanong. "Pero... aamin ka na ba?"

Ngumuso ako at umiling sa tanong niya. "Ate, wala akong lakas ng loob. Natatakot ako. Kaya naman gusto ko na ipagpatuloy 'tong pagpapanggap ko na isa akong bakla."

"Eden, alam mong susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo. Pero hindi ba't mas maganda kung hindi ka na maglilihim sa kanila? Isn't there a saying that it's better to be slapped with the truth than to be kissed with a lie?" Kunot ang noong ani ate sa'kin. Pero desidido na ako sa desisyon ko kaya umiling ako.

"Bukod sa sexual orientation ko, lahat naman ng pinapakita ko ay totoo. Saka, hanggang sa matapos lang naman yung school year."

"What do you mean?" Nagtataka niyang tanong.

Humigit ako ng malalim na hininga ng inalala ko yung mga emails mula isang partikular na tao. "Ate, nagsesend pa rin siya ng emails sakin at napagisipan ko... what if, what if subukan ko?" Tanong ko habang nakatingin sa mga mata ni ate.

Nagulat din si ate at natahimik saglit saka maya-maya ay nagtanong. "You... Are you sure?"

Tumango naman ako, buo na ang loob. "Yeah. Pagkatapos ng school year. I want to... I want to give him a chance, Ate."

"Kung yan talaga ang gusto mo." Bumuntong hininga siya at umiling. Hindi ko alam kung gusto ba ni ate yung desisyon ko o hindi, pero nakita ko namang hindi siya kokontra kaya mas lalo akong naging desidido.

"Mm, ate, kaya lulubusin ko na ang year na 'to. I will make the most of it. I will do the things I wasn't able to do before."

Binaba ni ate ang kutsara niya saka yumakap sa'kin na agad ko namang tinugunan ng mas mahigpit na yakap.

"Eden, just always remember, I'm always here for you. Hm?"

I smiled, "Mm. I know."

I know, because she's the one who gives me strength to do almost everything.

Ah, aren't I very lucky? I'm so lucky to have her.

_______________________ TBC.

I love their sibling love. Sana ol.

Paano ba yan, sumuko na si Eden sa laban. Ano na kayang mangyayari? OAO

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
27.8K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
68.9K 2K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...