The School's Fairy | BxB

perverted_banana tarafından

232K 13.1K 3.5K

[#1 in BoyxBoy as of 05-16-2020] Nagpanggap na bakla si Eden Carillo para mapalapit sa crush nyang si Selena... Daha Fazla

The School's Fairy
One - (Love-struck)
Two - (Prepping)
Three - (Welcome to EIS, Eden!)
Four - (Hate at second sight)
Five - (The Reckless Fairy)
Six - (Feisty Kitten)
Seven - (Patay kang bata ka!)
Eight - (Homophobic bullies)
Nine - (Colonel Carrot)
Ten - (Finding out a different side)
Eleven - (The Eden kind of revenge!)
Twelve- (The Naughty little Eden)
Thirteen - (Are you really gay?)
Fourteen - (On the rooftop)
Fifteen - (Where's my hero?)
Sixteen - (Here's my hero)
Seventeen - (I'm not crazy!)
Eighteen - (Lost kitten)
Nineteen - (Another's point of view)
Twenty - (Under the same roof)
Twenty One - (Sepanx)
Twenty Two - (Meticulous Wife)
Twenty Three - (Commute)
Twenty five - (Oh no!)
Twenty Six - (Something Unexpected)
Twenty Seven - (Cross... Crossdressing?!)
Twenty Eight - (The School's Fairy)
Twenty Nine - (Raffle Winner)
Thirty - (Let it out)
Thirty One - (The fairy concedes defeat)
Thirty Two - (Personal Cat Genie)
Thirty Three - (You are busted)
Thirty Four - (Calvin's motive)
Thirty Five - (Operation: Capture Selena's Heart)
Thirty Six - (Catching the Culprit)
Thirty Seven - (End of Arc 1)
Thirty Eight - (First Lesson)
Thirty Nine - (Suspicion)
Fourty - (Friends)
Fourty One - (Two lost souls)
Fourty Two - (Cooking Lesson)
Fourty Three - (Calvin's Invitation)
Fourty Four - (You're really something)

Twenty Four - (Evil master)

4.2K 244 31
perverted_banana tarafından


[ Eden. ]

Nagsend na 'ko ng message sa mga kaibigan ko na hindi ako makaka-attend ng ilan sa mga klase at pinakiusapan sila na i-excuse ako. Pinaliwanag ko na rin sa kanila ang nangyari at ang sitwasyon ngayon ni Nicky, naintindihan naman nila. Pupunta pa nga sana sila Francy pero sinabi kong wag na, alam ko kasing hindi magiging komportable si Nicky. Tungkol naman sa mga subject na hindi napasukan ni Nicky, siguro naman kaya niya na yun saka may excuse rin naman siya. Sa isang subject ko lang kasi siya kaklase, at yun ay yung klase pagkatapos ng lunch.

Malapit na mag-lunch at kakagising lang ni Nicky. Medyo maputla parin siya pero hindi na kasing lala gaya kanina. Umaayos na siguro ang pakiramdam niya.

"Nicky, nagugutom ka ba? Sabi ng nurse kaya ka nahimatay dahil sa over-fatigue saka dahil rin daw sa nagpapalipas ka ng gutom. Hindi ka nag-breakfast 'no? Ibibili kita ng pagkain sa cafeteria. Anong gusto mo?" dahil sa pag-aalala, hindi ko napigilan ang bibig ko at tuloy-tuloy na nagsalita.

Nicky was momentarily stunned. Nakita ko siyang yumuko at sa nahihiyang boses ay sumagot, "W-wag na... b-baka nakakaabala na 'ko s-sayo, Eden..."

Natawa ako at hindi ko napigilan ang sariling guluhin ang buhok niya. Ang cute cute talaga ni Nicky!

"Ano ka ba, wala sa'kin yun. Normal naman sa magkaibigan ang mag-alala para sa isa't isa diba?" matamis at malawak ang ngiti ko habang nakatingin sa kaniya. Inangat niya ang ulo niya para tingnan ako, napaigtad at dali-dali ulit na yumuko.

Ang alam ko hindi naman ako panget, di rin naman nakakatakot ang mukha ko, sa katunayan nga niyan sooooobrang gwapo ko at napaka-charming pa! Bakit ba ayaw na ayaw ni Nicky na tumitingin sa'kin? Uwaa. Pangit ba 'ko sa paningin ni Nicky? Nicky, very wrong ka!

"S-Sigurado ka b-bang o-okay lang?" tanong niya sa maliit na boses. Tumango ako kahit di niya nakikita saka tinampal pa ang dibdib ko.

"Okay na okay! Mas matutuwa pa nga ako kasi makakatulong ako." binaba ko ang kamay ko at yumuko para silipin ang mukha niya. Mas niyuko niya naman ang ulo niya kaya napanguso ako.

Mukhang ayaw niya nga makita ang mukha ko. Ayaw niya siguro sa mga gwapo, hehehe. Parang si Sunako Nakahara, nasisilaw kapag nakakakita ng magagandang nilalang. Tee-hee~

"Sabihin mo sa'kin kung anong gusto mo, bibilhan kita." sabi ko pa, dahil isa akong mabuting kaibigan na may ginintuang puso. Syempre hindi lang panlabas ko ang maganda, pati na rin panloob ko! Hindi yung panloob na as in underwear, ah!

"K-Kahit tinapay na lang, m-may baon akong t-tubig." nahihiyang sagot niya, nakayuko parin ang ulo. Hindi ba sumasakit ang batok niya? Ako yung nangangawit sa kakayuko niya, eh.

Pero sa sinabi niya, napailing ako.

"Hindi pwedeng tinapay lang, mabubusog ka ba dun? Kaya ang payat mo, eh! Bibilhan kita ng full meal! Okay?" tanong ko pero hindi ko rin naman babaguhin ang desisyon ko kahit humindi siya. Di ko na rin hinintay ang sagot niya dahil tumayo na ko mula sa pagkakaupo. "Hintayin mo 'ko, ah?"

Inangat niya ang ulo niya, "T-Teka---" pahabol niya.

"Shh! Leave it to me!" tinuro ko ang dibdib ko gamit ang hinlalaki ko at kinindatan siya saka lumabas ng infirmary. Nagpaalam pa ko sa nurse nang madaanan ko siya.

Naglakad ako papunta sa cafeteria, my feet bouncing with every steps. Hohoh, bakit kaya nasa good mood ako ngayon? Siguro dahil sa gatas, at sa lucky underwear na suot ko. O baka dahil rin sa tumutulong ako ngayon sa isang kaibigan. Either way, masaya ako dahil masaya ako!

Dahil may 10 minutes pa bago mag-lunch, syempre deserted ang hallway! Hindi naman ako nakaramdam ng guilt na hindi ako pumasok sa mga subjects ko kasi may excuse naman ako. Nagmamabuting loob kaya ako at binabantayan ang kaibigan ko na may iniinda ngayon! Wala namang exams, di ko lang sure sa mga suprise quizes, at sabi pa nila Francy papahiramin nila akong notes! Welp, at dahil nga hindi pa naglalabasan ang mga students, mabilis rin akong makakabili sa cafeteria!

So ayun, bumili ako ng dalawang order ng kanin, dalawang order rin ng ulam, isang bote ng juice at isang ring bote ng mainit na milk! Yuuum! Sa'kin yung milk syempre! Pinalagay ko ang pagkain sa dalawang styrofoam na lalagyanan at pina-plastik rin syempre. Nginitian ko si ateng tindera ng malaki na ikinamula naman ng pisngi niya.

Awe, pero sorry ateng tindera. Bakla ako ngayon kaya hindi po tayo talo. May labidabs na rin ako. Hayaan mo po, merong lalaki na mas deserve mo, kahit hindi kasing gwapo ko, pero at least meant to be kayo! Hihi.

Medyo natagalan ako sa cafeteria dahil hindi pa nun nasasaing ang kanin, kaya nang palabas na 'ko ay siya namang pasok ng mga students. Lunch time na! Gusto ko pa sanang hanapin sila Selena babe kaso may misyon ako. At yun ay ihatid ang pagkaing 'to kay Nicky at busugin siya!

Habang naghu-hum ng song ay naglakad ako pabalik sa infirmary. Tiningnan ko rin ang mga nadadaanan kong students. May mga group of friends, loners, at couples--- gaya ng nakikita ko sa di kalayuan. Hawak ng isang guy yung braso ng isang girl at naglalakad sila papunta sa dulo ng walang hanggan! Jooowk. Sinundan ko sila ng tingin, heheh, parang kahawig nila si Jiro at Selena.

Wait---

Napatigil ako sa paglalakad at nanlalaki ang mga matang sinundan ng tingin ang dalawa.

SI JIRO AT SELENA NGA!

Anak ng fried chicken! Kinikidnap ni asungot ang babe ko! Hindi maari ito!

Agad akong tumakbo para habulin sila, pero dahil ayokong magmukhang creepy at weirdo ay hindi ako nagpakita. Nagtago ako habang sinusundan sila. Wait, parang mas creepy at weird yata yun--- ANYWAY, activated na ang spy mode ko. Kapag may ginawang kalokohan si Jiro sa babe ko, huhulihin ko siya sa akto! Tapos ipapakulong ko siya at sisintensyahan ng life imprisonment!

Hmpppp.

Tumigil sila sa school garden at nag-usap. Nakatago ako sa likod ng malaking puno hindi kalayuan sa kanila pero hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Pero kahit nakakaramdam ako ng frustration dahil doon, kinomfort ko ang sarili ko at naisipang patalasin na lang ang tingin ko. Wala dapat makatakas sa paningin ko, para kapag may ginawa lang na hindi kahali-halina ang Jiro na yun, papagitna ako agad at ililigtas ang babe ko. Uwaaa, ang cool isipin. Parang hero saves the beauty lang ang peg. Ako ang knight in shining armor at si Selena babe ang damsel in distress. Tapos si Jiro yung halimaw. Heheheheh, pwede rin na siya yung dragon. Basta isa siyang villain! Isang masama, bakulaw, at panget na villain.

Dumaan ang ilang minuto at--- ang tagal naman nila mag-usap!!!

Gusto ko ng makiepal! Huhu. God, please give me patience. Hindi ko na maatim na panuorin silang mag-usap na silang dalawa lang! Masyado nang sinosolo ni asungot ang babe ko!

"What are you doing?" isang boses ang narinig ko na nagpatayo ng balahibo ko sa gulat.

"Waaah!" napaigtad ako, pagkatapos ay agad kong tinakpan ang bibig ko at hinila ang kabuting lumitaw pasandal sa puno para magtago.

Mommyyyy, sana hindi yun narinig ng dalawa!

Sumilip ako ng konti at napahinga ng maluwang nang makitang nag-uusap parin sila na para bang hindi nila napansin yung ingay. Pero ewan ko ba kung matutuwa ako o magagalit. Gumagawa na sila ng sarili nilang mundo! Walanghiya ka Jiro!

"Whoa, di ko alam na aggressive type ka pala."

Sinamaan ko ng tingin si brand ng brip. Tama, si Calvin nga! Siya lang naman yung bigla na lang lumilitaw lagi na parang isang kabute, eh!

"Ano bang ginagawa mo dito?" angil ko sa kanya sa mahinang boses. Tumaas naman ang kilay niya, looking amused.

"Eh, ikaw? Anong ginagawa mo dito? Why are you stalking them?" balik na tanong niya.

"T-Teka, hindi ko sila inii-stalk! Binabantayan ko lang ang kaibigan ko kasi baka may masamang gawin sa kanya yung kaibigan mo." depensa ko. Natawa naman sya na ikinakunot ng noo ko.

"Alam mo, hindi mo naman kailangang mag-alala. Walang gagawing masama ang kaibigan ko sa kaibigan mo." may mapaglarong ngiting lumitaw sa mga labi niya nang sabihin niya yung huling sentence.

"Hindi ako naniniwala." matigas na sagot ko. Mas lalo namang lumawak ang ngiti niya.

"Kitten, you don't have to doubt Jiro like that. Gago ang kaibigan ko pero seryoso siya kay Selena."

Yun nga ang mas ikinakatakot ko, ang seryosohin niya si Selena! Though, ayoko masaktan si Selena babe, ayoko rin na mapunta siya kay Jiro.

"Syempre pupurihin mo siya kasi kaibigan ka niya. Saka wag mo 'kong tawaging kitten!" nagngingitngit ang mga ngiping angil ko.

"I didn't praise him, tinawag ko pa nga siyang gago diba? Sinasabi ko lang kung anong totoo. And bagay sa'yo yung kitten, look at you, baring your teeth at me like a kitty cat."

Glaring daggers at him, I huffed. "Hindi parin ako naniniwala."

"Pfft. How stubborn."

Inirapan ko siya ng malupet at muli na lang sumilip. Aba't-- ang tagal naman nila mag-usap!

"Rinig ko magkakasama kayo ngayong tatlo sa iisang bubong."

Tiningnan ko si Calvin, "'di ka naman chismoso, brand ng brip?"

Natawa siya saglit, "not really. But hey, hindi lang brip ang produkto ng calvin klein. May panty, bra..."

"Tumahimik ka nga! Hindi ko sila marinig!" pagpapatahimik ko sa madaldal na brand ng brip sa tabi ko.

"Kitten, hindi mo naman talaga sila maririnig mula dito, unless may super hearing ka."

I groaned. Hindi niya ba ma-gets ang point ko?! Gusto ko ng katahimikaaaaan!!! Lord, bigyan niyo po ako ng katahimikan at kunin niyo na ang lalaking nasa tabi ko! Isama niyo na rin po yung lalaking umaagaw sa babaeng itinadhana niyo para sa'kin. Please lang po!

"Oh, umalis na yung kaibigan mo." narinig kong sabi ni Calvin kaya napatingin ulit ako sa direksyon nila Jiro.

Eh, oo nga. Wala na si Selena babe at mag-isa na lang si Jiro. He stood there, lost in thought. Hmm ano kayang pinag-usapan nila? Nireject na kaya siya ni Selena babe? Pero parang hindi naman siya nasaktan or what, mukhang malalim lang talaga ang iniisip niya.

Pinanood ko pa siya nang biglang iangat niya ang ulo niya at tumingin sa direksyon ko. I nearly yelped. Mabilis akong nagtago ulit sa likod ng puno-- well, sa harap ni brand ng brip kasi siya yung nakasandal sa puno. Nagbilang ako hanggang sa maka-five minutes saka ako muling sumilip.

Wala na rin si Jiro.

Napahinga ako ng maluwag. Kinabahan ako dun, ah! Di ko nga lang alam kung bakit pero lumakas yung kabog ng dibdib ko!

"Mukhang nag-eenjoy ka sa position natin, ah."

Bumalik ako sa diwa ko at napatingala. Dahil nakayuko rin si Calvin ng konti, nang tumingala ako ay umiksi ang distansya ng mga mukha namin sa isa't isa na ikinalaki ng mga mata ko. Agad akong napatlon palayo sa kanya saka napahawak sa dibdib ko. Shet, that position was so gay. Not that I'm discriminating against gays, ah!

Tumawa lang si brand ng brip. Heh, tuwang-tuwa? Sakalin ko kaya ang lalaking 'to?

"Cal."

Sabay kaming napatingin sa tumawag. Oh, yung kaibigan nila asungot na lalaking nakasalamin at mukhang evil! Si River! Nakatingin lang siya kay brand ng brip at hindi ko alam kung intensyon niya o hindi pero hindi niya ko napansin. Well, okay lang naman. Kapag nakikita ko siya naaalala ko yung mga evil villains sa mga anime, eh. Parang gagawa siya ng evil plan at sasakupin ang mundo!

Siya rin yung sinabi ni Mello na nang-hack sa school system para ibagsak si Oreo. Naalala ko pa kung paano halos magsiputukan ang mga ugat ni Mello nun habang nagkukwento.

"Yo, Riri~" bati ni brand ng brip kay evil master.

"Tawag tayo ni coach." walang emosyon na sabi ni evil master. Tumango naman si brand ng brip at tumingin sa'kin.

"Paano ba 'yan? Kailangan ko nang umalis. See you around, kitten!" paalam niya na sinimangutan ko lang. Sana hindi na ulit tayo magkita! Natawa na lang si Calvin saka inakbayan ang kaibigan niyang si evil master.

Bago pa sila umalis ay nakita kong nilingon ako ni evil master. Eek, bigla akong kinilabutan! Ang lamig ng mga mata niya nang tingnan niya 'ko! Nagyeyelo!

Sinundan ko pa ng tingin ang likod ng dalawa nang bigla akong may maalala.

Shit! Nakalimutan ko si Nicky!

______________________ TBC.

Ah no, River is not a rival. Thou, he's one of my favorite babies.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

93.9M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
114K 7.1K 5
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
187K 8.3K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...