You Are The Reason

By IBLEEDBLUE1415

46.7K 749 123

Ricci Rivero// Complete More

WARNING
UMPISA
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Fourty

Eighteen

935 14 4
By IBLEEDBLUE1415



"Gusto mo na bang kumain?" tanong ni Ate Bea.

Umiling ako.

Nandito sila ngayon sa hotel na kinuha namin nila Deanna. Nagulat nalang ako ng makita sila na dumating rito. Panigurado ay tinawagan sila ni Ate Jema para sumunod dito.

Umaga na pero hanggang ngayon hindi parin mawala yung sakiit na nararamdaman ko. Kahit ilang beses akong pakiusapan na kumain ay hindi ko man lang magawa.

Nanghihina ako.

Pakiramdam ko ay unti unti akong nalulusaw sa mga nangyayari. Ni hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa akin. Lalo na't pag iniisip ko ay hindi ako makapaniwala.

Niloko nya ako.

Kahit paulit ulit kung sabihin sa sarili ko na wala naman akong karapatan na masaktan.. hindi ko magawang hindi umiyak ngayon. Ang sakit sakit kasi.

Niyakap ako nila Ate Bea.

Napahagulgol na lang ako ulit. I can feel their comfort at me. Kaya mas lalo lang ako naiyak ngayon. Nandito sila sa tabi ko ngayon para pasayahin ako. Para damayan ako pero ang ginagawa ko ay.. umiiyak nalang rito.

"Tahan na.." sabi ni Kuya Thirdy.

Umiling nalang ako.

Hindi ko kayang pigilan yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko.

Yung feeling na binigay ko naman lahat. Kahit alam kong walang ka siguraduhan na makakabalik lahat yung pagmamahal ko.

Nag kulang ba ako?

Oo. Aaminin ko, hindi ko sya sinagot agad. Kasi natatakot ako na baka masaktan ako noon. Pero dapat kasi ngayon ko sya sasagutin sa panliligaw nya. Pero hindi na tuloy kasi hindi sya naka sipot. Kaya sabi ko sa sarili ko, pag nagkita kami ay ibibigay ko na ang Oo ko. Sa kasamaang palad eh nakita ko naman sya.. pero may kasamang iba.

Nag bukas agad ang pinto ng kwarto. Nakita ko roon ang pag pasok ni Kuya Anton. Yumuko nalang ako dahil hindi ko rin naman kayang pigilan ang luha ko.

"Ysobelle.." anya.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa mata nya habang nakatingin sa akin. Kinagat ko ang labi ko dahil naiiyak na naman ako.

Niyakap ko agad sya.

Kung sanang nakinig nalang ako sakanya. Kung sanang hindi ako nagpa dalos dalos ay sana okay pa ako ngayon. Sana wala akong iniisip at iniiyakan ngayon.

Ngumiti nalang ako sakanilang lahat.

"Uwi na tayo.." sabi ko.

Nakasakay na kami lahat sa inarkila nilang Bus para sa amin. Nasa pinakadulo ako ng Bus habang nakatingin lang sa bintana.

Tahimik sila habang pauwi na kami.

"Kapag nakita ko ang Rivero na yon makakatikim ng sapak sa akin yon." sabi ni Thirdy.

Umiling nalang ako.

"He lost the chance." rinig kung sabi ni Tyler.

He lost me.

Pakiramdam ko ay unti unti na akong nawawalan ng pag asa sa lahat. Sa isang pagkakamali pwedeng masira ang lahat ng meron kami.

Kung sinabi nya sa umpisa pa lang na meron na syang iba kahit umamin sya sa akin na gusto nya ako ay tatanggapin ko naman. Kasi alam ko kung sa umpisa palang ay sinabi nya 'yon ay hindi gaano ka sakit hndi tulad ng nararamdaman ko ngayon. Yung sakit na hindi ko din alam kung saan nanggagaling. Yung sakit na kahit anong gawin ko, sobrang sakit pa din.

Ito talaga ang kinakatakot ko simula nung una palang. Yung mahulog sa tao ng sobra sobra. Yung ako mismo hindi ko alam kung paano babangon. Kasi ang hirap pala nun no? Yung sobra kang nahulog sa tao tapos hindi mo alam kung kailan ka makakabangon.

Kahit alam ko na ang mangyayari sa huli ay hindi ko nagawang pigilan ang nararamdaman ko. Kasi kung alam ko naman na mangyayari ang lahat ng 'to.. bakit ko pa sisimulan diba? Edi sana sa una pa lang ay inayawan ko na.

Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon masakit pa din. Fresh pa lahat sa utak at puso ko ang nangyari last week. Hanggang ngayon naman ay wala pa ding nagbabago.

Minsan ay unti unting nawawala yung sakit. Pagkatapos ay babalik ulit na para bang hindi ako naging masaya.

Marami ang nabago sa akin simula nung panloloko ni Rivero sa akin. Mas naging tahimik lang ako sa gilid at parang kinakapa yung mga kasama ko. Tahimik din kasi sila simula non. Para bang natatakot o nahihiya akong kausapin dahil sa nangyari last week.

May mag naririnig akong balita sa kanilang dalawa. Syempre masakit kapag may naririnig akong ganoon. Pero parang nasanay na rin ako.

I just want them to be happy.

Na sana maging masaya sila sa isa't isa. Na sana mahalin nila ang isa't isa. Na sana mas kilalanin pa nila ang isa't isa. Para sa huli wala silang pag sisihan.

I still love him.

Hindi naman ata mawawala ang nararamdaman ko para kay Rivero. Habang buhay syang nakatatak sa puso ko. Habang buhay akong magiging thankful dahil dumating sya sa buhay ko. Kahit pa alam kong sinaktan nya ako ng sobra ay walang mawawala.

"Tara na, Ysobelle!" sabi ni Ate Bea sa akin.

Nagulat ako sa biglaang pagmamadali nya ngayon. Dapat ay nagpapahinga pa lang kami bago umuwi dahil sa napagod kami sa practice. Pero ngayon ay nagmamadali pa talaga syang umuwi.

"Ha? Aga pa ah!" sabi ko nalang.

Kinagat nya ang labi nya at parang hindi mapakali.

"Basta! Wag ka na makulit.." tumingin agad sya bagong dating.

Napatingin din ako doon.

And I saw him.

It was Rivero.

Kaya ba sya nagmamadali ay dahil alam nyang nandito si Rivero?

Nandon si Rivero sa gilid ng pinto ng gym namin. Nakatingin sya sa akin ng seryoso at parang dinidetalye ang buong mukha ko.

Bakit sya nandito?

Nakita ko ang pag lapit nya.

Hinihila na ako ni Bea para umalis doon pero nantili pa rin ako sa pwesto ko. Nakita ko ang pagtingin ng ibang teammates ko sa aming dalawa. May sinesenyas sila sa iba na tawagin sila Thirdy.

Natawa nalang ako.

"Can I talk to you?" tanong ni Rivero.

Sasagot na sana ako ng biglang dumating sila Kuya Anton. Lumapit sila sa akin at hinila ako kay Rivero. Nag titigan sila ni Rivero na parang makikipag away na.

"Back off." sabi ni Tyler.

Napatingin naman si Rivero sa katabi ko na si Tyler. Kung titigan nya ito ay parang lalapain nya ito agad. Kalaunan ay ngumisi ng nakakaloko si Rivero kay Tyler.

"Back off? No.." sabi ni Rivero. "You back off."

"She's not your girl." ani Tyler.

Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Rivero.

"Hmm. Not your girl either." tumawa si Rivero.

Pumikit ako sa inis.

"Ano bang gusto mo sabihin?" tanong ko kay Rivero.

Hinawakan naman ni Tyler ang kamay ko. Na tila binabalaan ako kay Rivero. Ngumiti ako sakanya para sabihing kaya ko 'to.

Nakita ko naman ang inis sa mukha ni Rivero ng tumingin sya sa amin ni Tyler. What now?

"I miss you.." anya

Continue Reading

You'll Also Like

6K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
22.7K 1.5K 32
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...