Three

1.6K 32 13
                                    


"Guys! Andyan na si Ysobelle!" rinig kong sigaw ni Deanna.

Papasok palang ako ng BEG ng marinig ko ang sigaw nila. Bigla naman akong napa ngiti dahil sa narinig ko.

Nakasuot ako ng ALE na shirt. Naka short shorts ako para hindi ako mahirapan mamaya. Nakalugay parin ang brown na buhok ko. May naka sabit na bag sa balikat ko.

"Shit! Bakit lalong gumanda ka ha? Tapos ang sexy parin!" kantyaw sakin ni Ate Bea.

Nahihiya akong ngumiti.

"Hindi naman." sabi ko.

"Sus! Pa humble pa sya!" sabi ni Ate Maddie.

"We're humble right?" Ponggay said.

"We are. But that's too humble." sabi ni ate Bea.

Umirap na lang ako.

May narinig naman akong tawanan mula sa labas ng BEG. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Nandyan na ang mga Blue Eagles and for sure another kantyaw na naman 'to.

"Are we missing something here?" tanong ni Thirdy.

"Hi Eagles!" sabi ni Raffy.

"Oh. Nandito na pala ang little sister ko.." Anton said.

Umirap nalang ako.

"Hindi ka na naman ba hinantay paps? Akala ko bantay sarado?" sabi ni kuya Isaac.

"Ano? Sinabi mo yun kuya Anton?" sabi ko.

"Chill. I didn't say it." inis na sabi ni Anton.

"Nako! Patay tayo dyan." kantyaw nila.

Umalis na yung iba para mag training na. Buti wala si Coach Tab dahil sa may inasikaso sya. Si Thirdy ang nag lead ng drills. Habang kami ni kuya ay nandito lang sa tabi.

"Are you sure you want to play to Ateneo?" tanong ni kuya.

"Yes kuya. I decided to play with the blue and white."

"But make sure to be ready. Not just for your training but for the people around you."

"Thanks kuya! Iloveyou!" sabi ko.

Yinakap nya naman ako.

"Iloveyou too. Always." sabi nya.

"Iloveyou din Anton! Hihi!" sigaw ni kuya Mark Nieto.

"Hoy papi Anton! Baka gusto mong mag umpisa na dito? May tune up pa tayo sa UP mamaya diba?" sigaw ni Tyler.

"Aba, pasikat ka pa ah? Porke andito si Ysobelle ha." sabi ni Mamuyac.

Hindi ko nalang yun pinansin.

Dahil nakuha ng atensyon ko ang sinabi ni Tyler. Pupunta raw ang UP para makipag tune up dito? So ibig sabihin nandito mamaya si Ricci?

Eh ano naman?

Ano naman kung pupunta dito si Ricci? Kailangan ba akong kabahan? Pero bakit iniisip ko pa yun? Naman oh!

Nag umpisa na kaming mag training. Seryoso ako habang nagdi drills kami. Dahil gusto kong mag focus sa laro ko. Binigyan ako ng bola ni Deanna. Tumalon ako ng mataas at pinalo nv malakas ang bola.

Narinig ko ang malakas na kalabog sa buong Gym. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama ko. Nakatingin sila sakin at nagulat.

"Mukhang nagtambay ka sa Gym ha? Ang lakas nun!" sabi ni ate Dani.

"Kahit akong libero mahihirapang i dig yun." sabi ni ate Kim.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon