Thirty Five

720 14 1
                                    



Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa nabasa kong mensahe galing kay Thirdy. Mayroon daw bus na magsusundo sa amin papuntang resort. Sinabi niyang susunduin kami nito ng alas kwatro ng madaling araw sa harap ng Ateneo. Doon kasi namin napag-usapang magkita para hindi na mahirapan ang driver na sunduin kami.

Naghahanda na akong mga isusuot ko para sa party mamaya. Nilabas ko ang maliit na maleta ko mula sa kabinet namin. Thirdy said that we were staying there for 3 days and 2 nights. Hindi lang daw para sa birthday niya ang magaganap na party, para na rin daw magkaroon ng bonding ulit. He's been very busy lately.

Tapos na akong maligo at mag ayos kaya tinignan ko nalang ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a white polo with my high waist short. Nakalugay ang kulay brown kong buhok na may kulot sa dulo. Naglagay ako ng liptint para naman malagyan ng kulay ang lips ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ng kamay ko at dinilaan ang labi ko.

Kinuha ko iyong sunglasses at nilagay iyon sa taas ng buhok ko. Umupo muna ako saglit at tinignan ang orasan sa side table ko.

Oh, shit! 4:00 am na at nandito parin kami sa bahay..

Deannasaur:

Asan kana? Kayo nalang ang inaantay ni Anton!

Maddie:

Iwan nalang kaya namin kayo? Dalian nyo naman!

Ako:

Sorry. Malapit na kami.

Kinuha ko na ang maleta ko at lumabas na ng kwarto ko. Pumunta ako sa kwarto ni Kuya at kinatok siya roon.

"Kuya Anton, tara na! Inaantay na nila tayo roon." sabi ko at winawasak ang pintuan niya.

"Saglit lang naman! Teka, huwag mo nga yang sirain! Wala na akong pangpa gawa niyan ah!"

Umirap ako.

"Ano ba! Huwag mo nga sabing sirain.."

Ilang minuto pa ay lumabas ito na naka porma at sobrang bango. May hawak siyang malaking bag na nakalagay sa balikat niya. Kinuha niya ang gamit ko at binuhat na.

Nagpahatid kami kay Manong Ronel na kanina pa ata kami inaantay. Binaba na niya ang kapeng hawak niya at inayos na ang kotse namin. Pumasok na kami roon at nagsimula na siyang paandarin ang sasakyan.

Tinignan ko ang oras at nanlumo dahil ilang minuto na pala kaming late sa call time! Dapat talaga hindi na kami nagsabay dalawa eh. Para kung malilate man siya, atleast hindi ako kasama sa mapapagalitan.

Dahan dahan kaming lumabas ng sasakyan. Kahit siya din ay kinakabahan sa sasabihin ng mga kasama namin. Nang nakita na namin ang bus na sasakyan namin ay nagpa-salamat na kami kay Manong Ronnel.

"Bakit ngayon lang kayo?" sabi ni Bea.

Pinagmasdan ako ng mga tao sa loob ng bus. Hindi ko aakalain na marami pala kaming narito ngayon. Mayroon ding isang bus sa tabi namin na sa tingin ko ay kasama rin namin.

I pouted. "Sorry na.."

Umiling lang sila sa akin. Si Kuya Anton naman ay naka-upo na sa likod. Sinimangutan ko naman siya.

Naghanap ako ng ma uupuan sa harap pero wala na akong makita pa. Naglakad naman ako sa loob ng bus para maghanap ng pwesto at halos umatras ako dahil sa nakita kong bakanteng upuan!

Tumingin ako kay Ricci na parang kinakabahan rin na ang katabi niyang upuan ay bakante. Tinitignan niya si Kuya Anton na naka upo sa pinaka likuran kasama sila Bea. Umiling naman ako. Dapat ay si Kuya Anton ang nasa tabi niya at ako naman ang nasa tabi nila Bea eh!

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon