Ten

1K 23 0
                                    


"Sorry. Naka silent kasi yung Phone ko kanina. Hindi ko namalayan na tumatawag ka pala at nag tetext." sabi ko.

Hindi sya sumagot.

Nakatingin lang sya sa kalsada habang seryosong nagmamaneho. Ni hindi nya man nya ako tinignan o sinulyapan man lang.

"Nagulat ako ng makita si Dave kanina. Napasarap yung kwentuhan tapos hindi ko namalayan na oras na pala." ulit ko.

Hindi parin nya ako tinitignan. Pero sigurado akong naririnig nya ako. Walang nakabukas na audio ngayon at sobrang tahimik.

"Sorry. Hindi ko naman alam e." sabi ko.

Tumingin sya sakin.

Kumalabog ang puso ko sa paraan ng pag titig nya sa akin. Malamig ang mga mata nya ng nakita ko ang titig nya. Umiwas ako ng tingin sakanya dahil hindi ko nakayanan.

Nagmaneho na sya uli.

Niliko nya yung sasakyan ng makita na nasa Mcdo na kami. Humanap sya ng parking at pinark na doon ang sasakyan. Mabilis naman syang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse.

Kinuha nya yung jacket nya sa kotse at binigay sa akin. Ni hindi man lang sya nagsalita nung inabot nya sa akin yon. Hindi nalang ako umimik at kinuha iyon.

Nauna akong naglakad sakanya at nasa likod ko naman sya. Pumasok na kami sa loob ng Mcdo. Maraming tao ngayon pero wala masyadong nakapila.

"Anong gusto mo?" tanong nya.

"Hmm. Ikaw bahala." natatarantang sabi ko. Inabot ko ang pera pero tinignan nya lang yon.

"Ininsulto mo ba ako?" tanong nya.

"Ha?" gulat na tanong ko.

"Humanap ka nalang ng pwesto." sabi nya.

Hindi nya kinuha ang pera. Tumango nalang ako at nagsimula ng maglakad para makahanap ng pwesto. May nakita akong bakante sa gilid. Pumunta ako doon at umupo nalang.

Wala pang ilang minuto ng bigla itong dumating. Marami yung binili nya kaya pakiramdam ko hindi ko mauubos yon.

Hinalo nya na yung spaghetti ko at inayos yung order ko. Seryoso sya habang ginagawa yon kaya napangiti ako.

"Kumain kana." sabi nito.

Tumango ako at ngumiti.

Nagsimula na akong kumain. Habang sya ay kumakain na rin. Seryoso pa rin sya at mukhang malalim pa rin ang iniisip. Nakatingin lang ako sakanya habang kumakain kami. Kapag tinitignan nya ako ay umiiwas ako ng tingin.

Umayos nalang ako at kumain nalang din ng seryoso.

Tapos na kaming kumain dalawa at nakaupo nalang kami ngayon. Nagse cellphone sya ngayon habang nakangiti pa ng todo. Tumatawa pa ito at namumula.

Sinubukan kong tignan kong sino ang kausap nya pero nahihirapan ako. Kinalabog ko yung ilalim ng table para mawala yung pansin nya sa Phone nya. Napatingin naman sya sa bigla sa baba kaya medyo na ibaba nya yung phone nya.

Nakita ko yung pangalan ng kausap nya 'Baboy' yung nakalagay. Nakakunot ang noo ko ng makita ko iyon at nakataas din ang kilay ko. Tumingin sya bigla sakin kaya umiwas ako ng tingin at kunwaring tumitingin sa iba.

Tumawa ito tsaka dinikit uli yung phone nya sa tenga nya. Kumunot uli yung noo ko sa inis. Baboy? Sinong baboy yon? Yun ba yung tawagan nila ng girlfriend nya?

"Hmm. Ricci.. gusto mo fries?" tanong ko. Inabot ko sakanya yung Fries pero hindi nya yon pinansin.

"Ricci. Sayo nalang 'tong burger oh." sabi ko uli.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon