Twenty Seven

663 10 0
                                    


"Congrats on your win! You really did well, Miss Ysobelle." sabi nung nadaanan kung reporter.

"Thankyou po!" tipid na sabi ko.

Natapos na ang first game namin. Masaya kasi unang game pa lang ay nanalo na kami. Hindi din naging madali na ipanalo ang game na ito dahil magaling ang mga naging kalaban namin lalo na ang import nila.

Nag ring naman ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bag at natawa ng makitang si Kuya Anton iyon.

"Hello?" aniya.

"Kuya Anton? Hello!"

He chuckled. "Miss mo na agad ako?"

"Asa! Na excite lang ako dahil hindi ka man lang nagparamdam simula nang umalis ako riyan,"

"Sorry na. Sobrang busy ko kasi nung nakaraang araw. Alam mo na, para payagan ako nila Mommy na umuwi rin."

Natuwa naman agad ako. "Uuwi ka? Bakit?"

"Ayaw mo naman eh! Bahala ka nga diyan." kunwaring nagtatampong sabi niya.

"Yung nguso mo humahaba na naman! Kaya itigil mo na yang pagpapa cute.."

Hindi na siya nagsalita. Mukhang nagtatampo talaga ang isang 'to. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kakabahan dahil sakaniya.

"Eto naman, joke lang!" bawi ko. "Kailan ka uuwi?"

Narinig ko naman ang mahinang pag hinga niya. Hindi agad ito nakasagot kaya kinuha ko ang chance na iyon para maupo sa gilid. Wala namang masyadong dumadaan rito dahil pang players lang talaga ang lugar na ito.

"Ngayon." aniya.

"Seryoso?!" tanong ko.

"Wow! Isang linggo mo palang riyan, pero gumaling na agad ang tagalog skills mo." tumawa siya.

Umirap ako.

"Pero oo, pa alis na ako ngayon. Baka bukas na ang dating ko riyan." sabi niya. "Wala kayong game bukas?"

"Wala eh." sabi ko. "Sana pala sumabay ka nalang sakin papunta rito."

He chuckled. "Wala namang pinagkaiba! Ang arte mo talagang bata ka!"

Humalakhak ako.

How I miss him.

Ilang araw pa lang ngunit pakiramdam ko isang buwan na ang nakalipas. Hindi rin kasi ako sanay na hindi ko siya nakakasama. Hindi kasi kami mapaghiwalay lalo na nung nasa US palang kami. Although lagi ko rin namang kasama si Tyler noon, mas maraming beses lang kami nagsama ni Kuya Anton.

I remember the time he hugged me when everyone left me. I suddenly felt my hearts stop a little bit. Pakiramdam ko, yung yakap na yun ang pinakamahalaga sa lahat.

Hindi niya ako iniwan.

Hindi niya ako pinabayaan.

"I miss you Kuya Anton. Please be safe.."

Natahimik sa kabilang linya. Mukhang hindi rin niya alam ang sasabihin niya. Madalang lang kasi kung banggitin ko ang mga katagang iyon. Kaya siguro nagulat ito ng nadinig iyon.

"I miss you too, Ysobelle. Take care always, okay?"

Ngumiti ako. "Size 7 ah!"

Narinig ko naman ang mahihina nyang pagmumura. Hindi ko tuloy mapigilang mapahalakhak sa naging reaksyon niya.

"Alright, Ysobelle." aniya. "Aalis na ako. I'll just text you when I arrive."

Pinatay ko na ang tawag.

Luminga ako sa paligid. Napansin ko na lumabas na pala ang players ng second game. They're wearing red and they really look good.

Ngumiti ako sakanila nang madaanan ko sila. Nagulat sila at tumingin sa mga kasama nila. Hindi ko nalang pinansin at nagsimula nang maglakad.

Kailangan ko ng mag shower. Pumasok na ako sa Comfort Room at nagsimula nang ayusin ang sarili ko. Nakita ko pa ang mga teammates ko na tapos na at manonood daw ng second game.

"Puntahan mo nalang daw si Deanna sa VIP area. Nanonood siya kasama si Jema." sabi niya.

Tumango ako at nagpasalamat sakaniya. Umalis na sila at mukhang pagod na pagod pa. Gusto ko na rin sana magpahinga pagka uwi ko pero mukhang manonood muna kami.

Nakakamangha ang mga magkarelasyon na nagtatagal ng ilang taon. I always wonder how can they make it? Paano nila pinapatagal ang relasyon? How can they love and trust each other stronger?

Paano nila nagagawang maging tapat?

Walang ibang pumapasok na dahilan sa isipan ko kundi.. pagmamahal. They love each other that's why they trust each other. Wala namang ibang dahilan diba? Kasi kung mas may mabigat ka pang dahilan sa sagot na pagmamahal.. baka sa huli, ito'y maging walang silbi at mabali?

Lumabas na ako ng cubicle ng makuntento na ako sa pagaayos sa sarili. Wala na akong nadatnan na tao ngayon. May mga naririnig akong hiyawan sa court kaya siguro nga ay nag umpisa na.

Nang makita ko si Deanna ay kumaway ako. Napatingin naman agad siya sa akin at sumimangot. Mukhang kanina pa siya rito? At bakit wala siyang kasama? Asan si Jema?

Kunot noo akong lumapit sakaniya. Iniisip ko parin kung bakit wala si Jema rito? Tila naintindihan din agad ni Deanna iyon kaya nagsalita na ito.

"May emergency daw sakanila kaya nauna na siya. Dapat sasama na ako sakniya pero naisip ko na baka maiwan ka rito." aniya.

"Pwede mo naman akong iwanan na rito." sabi ko.

Kumunot naman ang noo niya. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko.

"Wow! Ganyan ba dulot sayo ng America? Naging i dependent ka ata! Dati naman ay ayaw mong iniiwan.."

Tumawa ako. "Nasanay lang.."

Nagbago na naman ang mukha niya. Kung kanina ay gulat, ngayon naman ay nalungkot. Kagaya niya, may pumasok rin na mga alaala sa utak ko. Napakaraming alaala.

"Ayaw rin kitang iwan rito. Baka makita mo sya.." aniya.

Nagulat naman ako.

Nandito siya?

Biglang nagbago ang mood ko. Kinakabahan na ako ngayon. Bakit ang liit ng mundo pagdating sa aming dalawa?

Hindi na ako nakasagot kay Deanna. I don't know what to say! Hindi din nya pwede malaman na meron pa. Kilalang kilala ako ni Deanna at alam kong maling salita lang, malalaman niya na lahat. Mas gugustuhin ko nalang na manahimik kaysa magsalita!

Pero bakit hanggang ngayon meron pa? Sa ilang taon na hindi ko siya nakita at nakasama, bakit sya pa rin? Akala ko ba wala na?

Bakit siya pa rin?

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon