Fifteen

890 16 0
                                    


"Papunta na kami." sabi ni Deanna.

Binaba ko na agad ang tawag. Nandito ako ngayon sa bahay namin naghihintay sa labas. Dito kasi ako susunduin nila Deanna and Ate Jema.

Napag desisyonan namin na mag isang sasakyan nalang kami para mas maka bawas kami sa Gas. At syempre para naman mas magkaroon kami ng bonding.

Hindi pa nag rereply si Ricci sa mga texts ko. Kanina pa ako nagbigay ng mensahe sakanya pero ni isa walang dumadating sa akin. Hindi ko tuloy alam kung sasama ba sya o hindi. Lalo na at paparating na sila Deanna para sunduin ako.

Kinuha ko ang Phone ko. Nakita ko ang reply nya at dali dali ko iyong binuksan.

Rivero:

Sorry. I can't come. May inaasikaso kasi ngayon. Pwedeng ikaw nalang sumama?

Kumunot ang noo ko.

Hindi ko mapigilang manlumo sa nabasa ko mula sakanya. Sana sinabi nya sa una palang na hindi sya makakasama. Hindi ko alam pero parang nasaktan ako sa nangyari.

Ako:

Akala ko ba free ka this week? Tapos sasabihin mo hindi ka makakasama dahil may inaasikaso ka?

Sa paraan palang ng pag text ko halata na naiinis na ako. Sino ba kasing hindi? Pinangakuan kang sasama sya pero hindi naman tinupad.

Rivero:

Sorry na nga. Please huwag ka na magalit.

Ako:

Hindi ako galit. Sabi mo kasi wala ka gagawin ngayong linggo kaya akala ko okay na. Sana kasi mas chineck mo sched mo.

Ayaw kong mag text ng ganito sakanya. Lalo na ngayon dahil feel ko aabot kami sa away. Alam ko ang patutunguhan nitong usapan nato pero wala na.. ang hirap kasi mag timpi.

Rivero:

Sorry na nga eh. Just enjoy.

I hate this!

Ganon?

Ganon na lang yon? Ni hindi man lang sya tatawag at manunuyo? Siguro naman meron syang time para roon diba? Kasi ilang minuto lang naman ang hinihingi ko.

Hindi na ako nag reply pa sakanya. Pakiramdam ko kasi wala na rin namang silbi kung ginawa ko yon. Para saan pa? Hindi na rin naman sya pupunta.

Nakakainis lang lalo dahil alam kong wala naman akong karapatan para magalit sakanya. Wala akong karapatan na tawagan sya at tanungin kung ano gagawin nya. Kasi sino ba naman ako? Nililigawan nya lang naman ako.. hindi kami.

Kahit gaano ko sya gustong puntahan at tanungin kung bakit hindi ko naman nagawa. Kasi wala naman talaga akong karapatan. Wala akong karapatan na kwestyunin siya kasi walang namamagitan sa amin.

Nakita ko ang pagdating ng sasakyan nila Deanna. Pinilit kong ngumiti para hindi naman sila ma apektuhan sa akin. Kumaway ako sakanila para makita nila ako na nasa labas na ako.

"Oh? Asan si Ricci?" tanong ni Ate Jema.

"Ah— hindi kasi sya makakasama. May importante kasi siyang inaasikaso." ngumiti ako ng pilit.

Nakita ko naman ang pag kunot ng noo ni Deanna sa sinabi ko. Tila hindi sya naniniwala sa dinahilan ko sakanila. Paniguradong alam nya na ang nangyari,

"Ganon ba? Sayang naman.." tumango tango si Ate Jema.

Bumaba sila para tulungan akong buhatin ang mga gamit ko. Pagkatapos nila itong mailagay iyon sa likod ay sumakay na ako.

Tahimik lang ako buong byahe at hindi man lang umiimik. Hindi ko kasi mapigilang isipin kung bakit at anong dahilan ni Ricci kung bakit hindi sya sumama?

Alam kong mali ako kanina dahil mas inuna ko ang emosyon ko. Imbis na suportahan ko 'sya ni hindi ko man lang yon ginawa. Dapat tinanong ko sya at cinomfort pero nagpadala ako sa inis.

Alam kong maraming gustong itanong sakin si Deanna pero hindi ko nalang muna sya pinansin. Baka kasi pag inentertain ko mga tanong nya.. baka maiyak nalang ako dito.

"Andito na tayo." rinig kung sabi ni Deanna.

Nakatulog ako sa tagal ng byahe namin. Hindi din pala biro ang bumyahe ng ganito ka layo. Narinig ko sa dalawa na nag salitan sila sa pag da drive.

Alam ko namang mag drive kaya nga sinasabi ko sakanila na kung pwede ako nalang ang mag maneho pa uwi. Para hindi naman sila ma pagod kung nagkataon.

"Hindi pwede." sagot ni Ate Deanna.

"Bakit hindi pwede? Kaya ko naman ah."

"Makinig ka nalang kay Deanna. Okay? Kaya rin naman namin e." mahinahong sabi ni Ate Jema.

Sumimangot naman ako sakanilanh dalawa. Binababa namin ang gamit ngayon sa sasakyan para maayos na namin.

Nakakunot na naman ang noo ni Deanna habang nag bubuhat. Paniguradong na stress na naman sakin 'to ngayon. Gusto ko lang naman na maging magaan ang byahe pa uwi. Tsaka alam kong pagod din kasi sila.

"Sige na naman.." sabi ko.

"Kulit mo talaga. Basta hinde." sabi ni Deanna.

Hindi na ako nakasagot.

Talo na naman ako.

Naghanap kami ng room na may tatlong beds. Buti nalang may nahanap pa kami lalo na at maraming tao ngayon. Lalo na at hindi pala nagpa reserve ang mga love birds.

Lumabas si Ate Jema para kausapin muna yung Manager nila sa Creamline. Kaya kaming dalawa nalang ni Deanna ang nandito sa loob.

Alam ko na ang mangyayari. Siguradong magtatanong na naman sya tungkol sa nangyari kanina. Akma na akong aalis palabas ng kwarto pero bigla syang nagsalita.

"Anong nangyare?" tanong nito.

Bumuntong hininga ako.

"Ha? Anong anong nangyare?" inosenteng tanong ko.

"Bakit hindi sya nakasama?"

Pumikit ako.

"Hindi ko din alam."

Naramdaman ko nalang ang mga luhang tumutulo.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon