Thirty Nine

738 11 2
                                    



Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse ni Thirdy. Tumutulo pa rin ang mga luha ko at kanina ko pa ito pinupunasan ngunit ayaw nito magpa-awat.

Sa huling pagkakataon, pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko. Nilingon ko si Thirdy na lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. Lumabas na ako roon at sinundan na siya patungo sa resort.

"Huwag ka ng umiyak," aniya at inakbayan ako.

Ngumiti ako sakaniya at tumango. Pumasok na kami sa loob at nadatnan ko ang mga kaibigan ko na mukhang aligaga habang nakahawak sa kanilang phone.

Bigla naman silang tumingin sa pwesto ko. Mabilis silang lumapit sa akin para mayakap ako kaya napangiti nalang ako.

"Saan ka ba nagpunta?" tanong ni Kuya Anton.

"Jogging," tipid na sabi ko.

Tumango siya sa akin. Pinagmasdan niya naman si Thirdy na nakaakbay parin sa akin.

"Ba't kasama mo 'to?"

Tumawa ako. "Nilibre niya ako ng breakfast,"

Tinapik ko ang balikat ni Thirdy at nilagpasan na silang lahat. Nagtama naman ang tingin namin ni Ricci. Ngumiti ako at lumapit papunta sakaniya.

"Hindi ka nagpaalam.." aniya.

Humalakhak ako. "Sorry. Nakalimutan ko. 'Tsaka saglit lang naman akong nawala."

"Pero dapat nagpaalam ka parin sa akin. Halos mabaliw na ako kakaisip kung saan ka nagpunta!"

Ngumuso ako. "Galit ka? Sorry na.."

Mas lalo akong lumapit sakaniya at niyakap siya ng mahigpit. Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga niya sa tainga ko.

"Totoo bang nag breakfast na kayo ni Thirdy? Baka naman sinabi mo lang iyon para mas lalong hindi kita mapagalitan ah.."

Kumalas ako sa yakap.

"Nag breakfast na talaga ako. Masarap pala yung champorado nila sa kabilang kanto,"

Ngumiti naman siya sa akin. Nilapit niya ako sakaniya at niyakap uli ako. Pinagmasdan ko naman ang suot niya ngayon.

"Bakit bumaba ka ng ganyan lang ang suot, Rivero?" tanong ko sakaniya.

Humalakhak siya. "Nagmamadali po kasi ako na bumaba kanina."

Tinulak ko siya ng mahina. Kumunot naman ang noo niya sa ginawa ko at pilit lumalapit sa akin.

Pinagmasdan ko uli ang suot niya. Naningkit ang mata ko habang nakatingin sa sandong suot niya na hapit na hapit sa katawan niya. Masyado siyang hot sa damit na 'to.

Umiling ako at nanlaki ang mata. Ano ba 'tong iniisip ko?

"Hindi naman ako nakahubad na bumaba rito.." he chuckled.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Uh, so gusto mo wala kang damit?"

Umiling siya.

"Tss! Okay lang naman na ganyan ang suot mo kung tayong dalawa lang eh. Mas nakakahiya na suotin mo yan pag maraming tao.." sabi ko.

Mula sa inosenteng hitsura niya ay bigla naman itong ngumisi sa akin. Hinawakan ko naman ang bibig ko. Shit! Mali ang nasabi ko!

"Ibig kung sabihin.. ano.. ayusin mo yang mga sinusuot mo."

Dahan dahan siyang tumango sa akin. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para kumawala sakaniya. Agad akong tumakbo papunta sa hagdanan ng hindi niya namamalayan.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon