Thirty One

709 14 0
                                    


"Sumakay kana." sabi ni Rivero.

Tumango nalang ako.

Sumakay na ako sa kotse at umupo sa tabi niya. Habang nagmamaneho siya ay hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyare noon.

I used to seat here before. Mas lalo pang bumabalik ang mga alala dati dahil sa amoy ng kotse ngayon. Pakiramdam ko walang nag-iba. Pakiramdam ko walang taon ang lumipas.

Nakakabinging katahimikan ang namamalagi sa kotse ngayon. Ni walang nagsasalita sa aming dalawa. Tunog lang ng aircon ang naririnig kaya mas lalong nakakalito ang katahimikan.

Mas gugustuhin ko nalang ang ganitong eksena. Ni ayaw kong marinig siyang mag salita at kausapin ako. I admit that I'm scared now.

I remember before the first time I sat here. The first time I met him. The first time I smile at him.

Bumabalik lahat ng alala naming dalawa noon. Nung mga panahong hinihiling ko na sana kami pa rin hanggang sa huli. Yung mga panahong wala akong inaalala na masasakit na pangyayare.

I noticed that it's not the way in our home. Hindi ko alam kung naliligaw lang kami pero hindi ito ang daan papunta sa subdivision namin.

Sinubukan kung mag antay saglit kung liliko ba kami o ano pero diretso pa rin ang takbo ng sasakyan. Tinignan ko si Ricci na tahimik lang habang nag mamaneho.

"Hindi ito yung daan papunta sa amin. Naliligaw ba tayo, Rivero?" tanong ko.

Ngunit tumawa lang ito.

Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"May pupuntahan lang tayo saglit." sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko. May pupuntahan pala siya, bakit kailangan kasama pa ako? 'Tsaka sabi niya.. kami ang may pupuntahan pero wala naman akong alam na lakad namin.

"Saglit lang tayo roon. Kailangan ko lang na makapag isip ng maayos."

Nakita niya siguro ang pag alinlangan sa mata ko kaya sinagot niya na iyon. Pero bakit kailangan nya pa akong isama sa pag unwind nya? Hindi ba dapat ay siya lang ang nandoon?

Paano siya makakapag isip ng maayos kung nandito ako? Ngumisi ako. Well, iba iba pala tayo ng pag iisip. Pwedeng siya kaya niya. Pwedeng ako hindi ko kaya.

Iba iba talaga tayo.

"Pupunta ka sa havens?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin pagkatapos ay binalik uli ang tingin sa daan. Pinagmasdan ko naman siya ng mabuti habang seryoso ang mga mata na nakatingin sa unahan.

Havens..

Iyon yung lugar na pinuntahan namin nung mga panahong nag uumpisa palang kami. Yung lugar kung saan naging parte ng buhay ko. Yung lugar na pinupuntahan niya kapag nalilito siya at gustong mag isip. Yung pinaka importanteng lugar bukod sa bahay nila.

"Wala ng mas mahalaga pa kaysa sayo."

Ngumiti ako ng mapait nang maalala ang katagang sinabi niya sa akin. Ilang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon, naalala ko pa rin ang sinabi niya sa akin.

Napansin ko ang maraming pagbabago sa lugar na ito. Mas luminis ang lugar at mas naging maganda ang pwesto niya. Mula rito ay matatanaw mo pa rin ang napakagandang view ng mga buildings sa Manila.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon