Fourty

1.3K 33 2
                                    



"Sorry. I already have a boyfriend."

That's what I always tell to the guys who wants to dance with me. Ito ang naging excuse ko para hindi nila ako mai sayaw. Sa tagal ko na kasing nasa bar.. lagi nalang akong nababastos kapag hinahayaan ko silang isayaw ako. Kaya gumawa ako ng dahilan para mapigilan ko iyon.

Mabuti nalang ay kapag sinasabi ko ang katagang iyon ay tumitigil rin sila. Minsan mangungulit pa ng konti pero mamaya ay titigil din dahil nagsawa na. Pero meron din talagang mga lalakeng sobrang kulit kaya mas pinipili ko nalang umalis para wala ng maging problema.

Simula nung umuwi uli ako ng US ay puro bahay, volleyball at party nalang ang nagiging routine ko. Minsan napapagod na ako dahil paulit ulit nalang pero kailangan kong masanay dahil ito nalang ang maari kong gawin para hindi ako mabagot sa buhay ko.

"Hindi ka na talaga babalik ng pinas?" tanong ni Tyler.

Napatingin naman ako sakaniya. Nagkibit balikat nalang ako at ininom ang shot ng cocktail na nasa harapan ko.

Siguro babalik ako.. pero hindi pa ngayon. Babalik nalang ako kapag alam kong wala na akong babalikan. Babalik ako kapag masaya na ang lahat sa buhay nila. Para kapag nandoon na ako, hindi na uli magiging magulo ang buhay nila dahil sa pagdating ko.

"Ysobelle.." tawag sa akin ni Tyler. "You've been here for like 2 years and I think you should go back to your home."

"This is my home now, Tyler."

Bumuntong hininga siya. "Is it?"

Tipid akong ngumiti sakaniya. Pagod na akong iexplain lahat ng mga bagay sa mga taong hindi ako naiintindihan.

Bumalik na ako sa upuan ko at minabuting doon nalang magpahinga. Kapag kasama ko si Tyler ay puro pilipinas nalang ang binabanggit niya sa akin.

Simula nung umalis ako ng Pilipinas, two years ago ay hindi pa ako nakakabalik. Umalis ako na saktong birthday ni Thirdy. Nagdadalawang isip pa ako nung una dahil talagang mahirap iwanan ang mga taong mahal ko pero kailangan ko itong gawin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ito ang tama at pwede kong gawin para hindi na ako makasakit ng damdamin ng ibang tao.

Hindi ako nahirapang pilitin si Ricci na pakawalan ako. Nung una hindi ko makapaniwala dahil ang buong akala ko ay pipigilan niya ako.. pero hinayaan niya lang ako umalis. Naalala ko na niyakap niya lang ako at hindi na nagsalita nung iniwan ko siya.

Nasaktan ako noong gabing iyon. Pero dapat masaya ako kasi pinakawalan niya na ako ng hindi ako nahihirapan. Dapat masaya ako kasi hinayaan niya lang ako na iwanan ko siya. Pero pakiramdam ko sa ginawa niyang iyon, hinayaan niya na rin ako. Hinayaan niya na akong iwanan siya dahil napagod na rin siya tulad ko. Pakiramdam ko pagod na siya at ayaw na ring lumaban kaya mas lalo akong nasaktan.

"Ihahatid na kita sainyo.." si Tyler.

Dahan dahan akong tumango sakaniya. Tumayo na ako at sinundan siya sa labas ng bar. Tahimik lang ako na sumakay sa sasakyan at hindi na nagsalita pa.

It's like a routine for me. Pupunta ako ng training pagkatapos ay diretso na sa bar.. at kapag napagod na ako ay uuwi na ako sa bahay. Minsan ay naiiba lang ng set-up kapag nagiging import ako sa ibang teams.

Bumaba na ako ng sasakyan at nagpasalamat na sakaniya. Pumasok na ako ng bahay at dumiretso na sa kwarto ko. Inayos ko ang sarili ko para makapag pahinga na ako ng maayos.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon