Twenty Six

727 12 0
                                    


Pababa na ako sa eroplano ngayon na sinakyan ko. Inayos ko muna ang mga dapat ayusin. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko.

Nakatingin ako sa mga tao na nag aantay ata ng mga tao din na galing sa ibang lugar. Kinuha ko ang shades ko sa bag dahil baka masikatan ako ng araw nyan. Bagong gising din naman kasi ako kaya baka masaktan ng sinag ng araw ang mga mata ko.

I smile.

I really really miss Philippines. It's been three years simula nung umalis ako rito. Tandang tanda ko pa noon, umiiyak ako habang papuntang airport. Hindi kasi sigurado na baka makakabalik pa kami dito. Lalo na dahil sila Dad at Mom ay gusto ng manirahan sa America for good. Meron din silang business rito kaya mas gusto talaga nilang tumira sa US.

May mga nakita akong media na makakasalubong ko. Nagulat ako ng bigla silang lumapit sa akin. Akala ko may artista ding darating kaya sila nandito.

"Miss, Ysobelle Asistio, can we have an interview?" sabi nung isa.

Tinignan ko ang wrist watch ko. Meron kasi akong hinahabol na time dahil may pupuntahan pa ako nyan. Pero ng makita kong may 2 hours pa ako ay tumigil muna ako.

"Sure.." tipid na sabi ko.

Bigla nilang inilapit sa akin yung microphone nila. PNakangiti sila sa akin at tinitignan ang buong mukha ko.

"It's been three years simula nang umalis ka ng Pilipinas, biglaan ang naging desisyon mo. Nagulat ang lahat ng UAAP community lalo na ang Ateneo Fans ng nalaman iyon," aniya.

Tumango ako.

"Ano ang dahilan ng pag alis mo sa ating bansa?" dagdag nya.

"Desisyon po 'yon ng family ko. Marami po kasi silang dapat asikasuhin sa US, at baka matagalan raw sila doon. Kaya pinili narin nilang isama kami." sagot ko.

Yung ibang media ay may sinulat sa papel. Tumatango ang ibang media habang nagsalita ako kanina.

"Lahat ng Volleyball fans sa Pilipinas ay nanghinayang sa pag alis mo. Syempre nga naman, isa ka sa pinakamagaling na volleyball player. Nung rookie mo noon maraming nagsabi na kaya mo ng tapatan ang ibang stars ngayon." sabi nung isa.

"Nanghinayang rin po ako ng umalis ako. Pakiramdam ko andami kung naiwan sa Pilipinas kaya nahirapan ako."

Napa isip tuloy ako.. kung hindi kaya ako umalis, makakapag laro pa rin ba ako sa ibat ibang bansa katulad ng ginagawa ko ngayon?

I doubt.

Hindi ko mararating lahat ng 'to kung hindi ko pinagdaanan lahat ng sakit. Siguro nga naka tadhana talaga mangyare lahat ng 'to. Lahat ng pagod at sakit na naramdaman ko ay kailangan ko talagang maramdaman para dumating ako sa puntong ito.

Hindi ko naman pinagsisihan. I will never regret everything. Kahit gaano ka sakit lahat, hinding hindi ko pagsisihan na nagmahal ako.

"Maraming rumors na lumabas noon, na kaya ka raw umalis dahil gusto mo daw makalimutan ang isang player from the UP Basketball Team?" Bulgar na tanong ng isang reporter.

Napa awang ang bibig ko.

Hindi ko aakalain na may pakpak pala talaga ang balita. Umabot pa talaga hanggang sa kanila ang mga nangyari noon. Well, hindi na ako magtataka.

Tumawa ako, "No comment." sabi ko.

Nag simula na akong maglakad paalis sa kanila. Mukhang inaantay na ako nila Deanna sa Ateneo. Doon kasi namin naisipang magkita kita dahil na rin sa magkakaroon ng tune up against sa new team ng Ateneo Womens Volleyball.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon