Eighteen

935 14 4
                                    



"Gusto mo na bang kumain?" tanong ni Ate Bea.

Umiling ako.

Nandito sila ngayon sa hotel na kinuha namin nila Deanna. Nagulat nalang ako ng makita sila na dumating rito. Panigurado ay tinawagan sila ni Ate Jema para sumunod dito.

Umaga na pero hanggang ngayon hindi parin mawala yung sakiit na nararamdaman ko. Kahit ilang beses akong pakiusapan na kumain ay hindi ko man lang magawa.

Nanghihina ako.

Pakiramdam ko ay unti unti akong nalulusaw sa mga nangyayari. Ni hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa akin. Lalo na't pag iniisip ko ay hindi ako makapaniwala.

Niloko nya ako.

Kahit paulit ulit kung sabihin sa sarili ko na wala naman akong karapatan na masaktan.. hindi ko magawang hindi umiyak ngayon. Ang sakit sakit kasi.

Niyakap ako nila Ate Bea.

Napahagulgol na lang ako ulit. I can feel their comfort at me. Kaya mas lalo lang ako naiyak ngayon. Nandito sila sa tabi ko ngayon para pasayahin ako. Para damayan ako pero ang ginagawa ko ay.. umiiyak nalang rito.

"Tahan na.." sabi ni Kuya Thirdy.

Umiling nalang ako.

Hindi ko kayang pigilan yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko.

Yung feeling na binigay ko naman lahat. Kahit alam kong walang ka siguraduhan na makakabalik lahat yung pagmamahal ko.

Nag kulang ba ako?

Oo. Aaminin ko, hindi ko sya sinagot agad. Kasi natatakot ako na baka masaktan ako noon. Pero dapat kasi ngayon ko sya sasagutin sa panliligaw nya. Pero hindi na tuloy kasi hindi sya naka sipot. Kaya sabi ko sa sarili ko, pag nagkita kami ay ibibigay ko na ang Oo ko. Sa kasamaang palad eh nakita ko naman sya.. pero may kasamang iba.

Nag bukas agad ang pinto ng kwarto. Nakita ko roon ang pag pasok ni Kuya Anton. Yumuko nalang ako dahil hindi ko rin naman kayang pigilan ang luha ko.

"Ysobelle.." anya.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa mata nya habang nakatingin sa akin. Kinagat ko ang labi ko dahil naiiyak na naman ako.

Niyakap ko agad sya.

Kung sanang nakinig nalang ako sakanya. Kung sanang hindi ako nagpa dalos dalos ay sana okay pa ako ngayon. Sana wala akong iniisip at iniiyakan ngayon.

Ngumiti nalang ako sakanilang lahat.

"Uwi na tayo.." sabi ko.

Nakasakay na kami lahat sa inarkila nilang Bus para sa amin. Nasa pinakadulo ako ng Bus habang nakatingin lang sa bintana.

Tahimik sila habang pauwi na kami.

"Kapag nakita ko ang Rivero na yon makakatikim ng sapak sa akin yon." sabi ni Thirdy.

Umiling nalang ako.

"He lost the chance." rinig kung sabi ni Tyler.

He lost me.

Pakiramdam ko ay unti unti na akong nawawalan ng pag asa sa lahat. Sa isang pagkakamali pwedeng masira ang lahat ng meron kami.

Kung sinabi nya sa umpisa pa lang na meron na syang iba kahit umamin sya sa akin na gusto nya ako ay tatanggapin ko naman. Kasi alam ko kung sa umpisa palang ay sinabi nya 'yon ay hindi gaano ka sakit hndi tulad ng nararamdaman ko ngayon. Yung sakit na hindi ko din alam kung saan nanggagaling. Yung sakit na kahit anong gawin ko, sobrang sakit pa din.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon