Twenty

874 14 0
                                    


Kumunot naman ang noo ko ng nabasa ko ang mensahe ni Ricci sa akin. Pero hindi ko nalang pinansin iyon dahil alam ko namang baka na wrong send lang ito sa akin.

Ayoko ng umasa pa na talagang tumawag sya sa akin. Mahirap kasi na masaktan at hindi ko na naman maabot ang expectation ko pag dating sa kanya.

Siguro kailangan ko nalang na tumigil muna sa lahat ng kahibangan ko ngayon nang hindi naman ako masaktan sa huli. Ang hirap kasi nong lagi akong umaasa sa tao na gawin nya parin yung dating ginagawa nya noon, tapos kapag hindi nya nagawa ay masasaktan ako.

"Ysobelle! Aalis daw kayo mamaya sabi ni Tyler?" tanong nila Ate Bea sa akin.

Tumango nalang ako sakanila.

"Nagyaya syang mag dinner eh." sabi ko.

Ngumisi sila sa sagot ko.

"Libangin mo ang sarili mo. Kalimutan ang dapat kalimutan. Pero huwag mong kalimutang maging masaya." sabi ni Ate Maddie.

Natahimik nalang ako.

Halata pa rin ba hanggang ngayon na nasasaktan pa rin ako? Pinipilit ko namang ipakita sa kanila na okay lang ako, na ayos lang ako. Pero hindi talaga nakikisama ang emosyon ng mga mata ko.

Siguro lagi nalang ganon ang nangyayari sa akin. Lagi nilang nalalaman ang tunay kong nararamdaman kapag tumitingin sila sa mata ko. Na para bang laging kabaligtaran ang mga sinasabi ko, pag tumitingin na sila sa mata ko.

"Tama si Maddie. Just enjoy what you're doing." dugtong ni Ate Bea.

Natigil kami sa pag uusap ng biglang dumating sila Kuya Thirdy. Luminga pa ako sa likod ni Thirdy para hanapin si Kuya Anton pero wala naman ito. Napataas ako ng kilay dahil inaalala ko sa isipan ko kung saan nagpunta si Kuya Anton.

May mga dala itong ilang box ng mga pagkain. Bigla naman nanlaki ang mga mata ko ng makita ito. May mga pizza doon na may apat na box. Tapos meron pang mga donuts na may kasamang ilang bucket na fries.

"Asan si Anton?" tanong ni Ate Maddie. Nakita nya ata na gusto ko ding itanong yon kaya sya nalang ang nagkusa.

"Hindi ko alam," sabi ni Kuya Mark.

"Si Anton, may inaasikaso daw, sabi nya." sabat ni Kuya Thirdy.

"Saan naman daw?" tanong ni Ate Bea.

Bigla namang tumingin si Kuya Thirdy kay Ate Bea. Kununot ang noo ni Kuya Thirds na parang nagseselos, dahil concern ata si Ate Bea kay Kuya Anton.

"Kahit alam ko hindi ko sasabihin sayo. Crush mo ba si Anton, ha? Tanong tanong ka pa.." inis na sabi ni Kuya Third.

Natawa nalang ako sa sinabi ni Kuya Thirdy. Ang arte naman nito mag selos parang babae. Ayaw nya ata talaga na nababaling ang atensyon ni Ate Bea sa iba eh.

Seloso amp.

"Pinagsasabi mo? Masama bang magtanong, ha?"

"Bakit ka ba kasi nagtatanong? Pupuntahan mo siguro no?" tanong din ni Kuya Thirdy.

Bigla namang lumapit si Ate Bea sa aming dalawa. Katabi ko kasi si Kuya Thirdy kaya naririnig ko mga banat nya kanina pa.

Binatukan naman ni Ate Bea ang katabi ko na salita ng salita kanina pa. Napasigaw ang katabi ko na si Thirdy ng maramdaman ang sakit ng palo ni Ate Bea sa kanya. Natawa ako dahil sa kakatapos lang ng weights namin kaya talagang parang pinag practisan sya ni Ate Bea.

Arte ng mga 'to.

"Kumain na lang kayo dito." sabi ni Raffy.

Lumapit nalang ako sa may mga pagkain at kumuha ng marami. Tsaka ako bumalik sa pwesto ko kanina. Nakita ko namang tumingin sakin si Kuya Thirdy na hinahawakan parin ang batok nya dahil sa sakit ng palo ni Ate Bea.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon