Sixteen

896 10 1
                                    


"Stop crying.." sabi ni Deanna.

Umiling ako ng ilang beses.

Sinusubukan ko namang hindi nalang isipin lahat para naman maging maayos. Sinusubukan ko namang huwag umiyak dahil panigurado mahihirapan kaming maging masaya ngayon.

"I'm sorry.." mahinang sabi ko.

Pakiramdam ko kasi naabala ko sila dahil sa pagda drama ko ngayon. Imbis na maging masaya kami ngayon dahil nga bakasyon to.. pero sinisira ko naman.

Nasa likod ko silang dalawa ngayon. Naramdaman ko na hinahagod nila ang likod ko para maging ayos lang ang pakiramdam ko. I feel their love and care at the same time.

Nakaupo ako ngayon sa kama habang hindi parin tumitigil sa pag iyak. Dahan dahang tumutulo ang luha ko ngayon.. at hindi ko rin alam kung paano iyon patigilin.

"Bakit ka ba umiiyak?" tanong ni Ate Jema.

Umiling nalang ako sakanila.

Ayoko ng pag usapan ang about dun. Alam ko naman kasing makakasira lang ng araw ko ulit yun. Kahit nasasaktan ako ngayon sa pangyayari pinipilit ko paring maging maayos.

Alam ko sa sarili ko na wala naman akong dapat iyakan. Wala akong karapatan humagulgol ngayon dito na parang sinaktan ng todo. Sino ba naman kasi ako? Ilang beses kong tinatanong sa sarili ko 'to kasi tama naman ang way ng pagtanong ko.

Sino ba kasi ako para ma dissapoint ng ganito kay Ricci? Sino ba naman ako para magalit ng ganito dahil lang sa hindi nakapunta si Ricci ngayong araw? Sino ba naman kasi ako para maramdaman ang lahat ng 'to...

"Tumatawag sakin si Ricci ngayon." sabi ni Deanna.

Hawak nya ngayon ang Phone nya habang nakatingin sa akin. Naririnig ko ang pag ring ng Phone nya ngayon dahil nga tumatawag si Ricci.

"Sagutin mo." utos ni Ate Jema kay Deanna.

Pumikit nalang ako sa paghihinayang.

Sasabihin ko sana kay Deanna na huwag nalang sagutin muna. Baka kasi marinig nya ang iyak ko mula sa telepono.. masyado pa naman akong maingay kapag umiiyak. Pinigilan ko naman ang mga kumakawalang mahihinang hagulgol na lumalabas sa bibig ko.

"Napatawag ka?" tanong ni Ate Deanna.

Tumango naman si Deanna habang nakikinig siguro sa sinasabi ni Ricci. Habang tumatango sya ay tumitingin sya sa akin na nakakunot ang noo.

"Ayos naman sya dito. Oo."

"Okay sige. Sabihin ko sakanya." dugtong pa nya.

Binaba nya na Phone nya.

"Tumatawag daw sya sayo. Hindi mo daw sinasagot.." anya.

Nilinga ko ang Phone ko ngayon. Marami ngang tawag ang nanggaling sakanya.

"Ano ba daw sasabihin nya?" tanong ko.

"Basta daw sagutin mo. Sige.. hanap muna kami ng mapagkakainan natin mamaya."

Umalis na silang dalawa. Binigyan talaga nila akong time para makapag usap kami ni Ricci.

Kinuha ko ang Phone ko.

"Hello?" sabi ko.

"Ysobelle.." ramdam ko ang lamig ng boses nya.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon