Fourteen

962 12 0
                                    


"What's going on between you and Ricci?" tanong ni Mommy sa akin.

Nandito kami ngayon sa Dining Area at naghahapunan nang magkakasama. Hindi gaano nangyayari ang ganitong bagay dahil sa busy kaming lahat sa mga ginagawa namin. Kaya nga masaya ako ngayon na kasama ko sila maghapunan.

Alam nila Mommy at Daddy ang namamagitan sa amin ni Ricci pero mas pinili nya pa ring magtanong ngayon. Hindi ko alam kung kanino nya nalaman. Wala namang kaso sa akin iyon kasi magulang ko naman sila. Dapat din sila ang unang nakakalaam. Pero dahil nga laging hindi kami nagkakasalubong sa bahay ay hindi ko man nasabi sakanila.

"We're friends. We're getting to know each other po." sagot ko sakanila.

Narinig ko ang mahinang pag ubo ni Kuya Anton sa tabi ko. Binalingan ko sya ng tingin at sinimangutan.

"Friends? I heard that he's courting you.." sabi ni Dad.

Umawang ang labi ko.

Pinasadahan ko ng tingin si Kuya Anton ngayon. Nakangiti ito ng todo todo habang nakatingin sa akin. Alam kong sya ang nagsabi kila Mommy at Daddy tungkol sa aming dalawa ni Ricci.

"Why?" inosenteng tanong nya.

Inirapan ko sya sa inis. Ang galing nya talagang magkunwari sa lahat ng bagay. Akala mo napakainosente kung titignan pero demonyo naman talaga.

Bumaling ako kila Mommy. "He's courting me, Dad, but we're taking it slow." sagot ko sakanila.

"Good. Bata ka pa naman para dyan. Just enjoy that moment carefully.." sabi ni Daddy habang tumatango sa akin.

"Anyway, Dave text me last week. He was asking if we are free next month?" sabi ni Mom.

Napansin ko naman ang pag galaw ni Kuya sa tabi ko. Binalingan ko sya ng tingin at tinaasan ng kilay. Mukha kasi syang interesado sa sinabi ni Mom.

Hindi naman sa ayaw ko sumama. Pero hanggang ngayon kasi hindi pa kami nakakapag usap ni Dave. Nac text sya sa akin pero hindi ko naman alam kung ano irereply ko. Alam ko kasi na kapag inentertain ko ang mensahe nya ay baka magtanong sya ng magtanong.

Baka anong masabi ko kaya mas mabuting wag nalang muna replayan iyon. Mag iisip nalang ako ng mabuti kung ano ang sasabihin ko. Pero bakit ba kasi ako natataranta? Kapag sinabi ko naman alam ko namang maiintindihan nya ako. Natatakot lang siguro ako sa magiging reaksyon nya kung nagkataon.

"Okay ako next month since vacation na rin naman namin yon." sabi ni Kuya Anton.

Tumango si Mom kay Kuya pagkatapos ay tumingin sila sakin. Pwede naman ako next month pero.. hindi ko talaga alam.

"Hindi pa ako sigurado," mahinang sabi ko.

"Why not? You are free right? Vacation nyo na yon diba?" tanong ni Dad.

"Uhmm, sige po." tipid na sabi ko.

Nakakagulat talaga ang mga nagiging reaksyon ko. Dati kasi pag may ganitong bakasyon kasama ang mga Ildefonso ay excited pa ako. Pero ngayon hindi ko alam kung makakasama ba ako.

Sigurado naman akong bakasyon na namin yon. Free na sa training and school din yon. Pero pakiramdam ko may kailangan muna akong sabihan bago ako pumayag. Kailangan ko ata munang magpaalam sakanya.

Sa pag uusap namin about sa mga bakasyon ay may naalala ako. Niyaya pala ako ni Ate Deanna na mag beach sa isang araw. Nakalimutan ko na iyon at hindi pa ako nakakapag paalam kay Ricci.

Natapos na ang hapunan namin kaya bumalik na kami sa mga kwarto namin. Nakaupo ako ngayon sa harap ng bintana namin at iniisip kung anong gagawin. Kinuha ko ang Phone ko at nagsimula ng mag scroll doon.

Rivero:

What are you doing?

Mabilis naman akong nag reply.

Ako:

Nakaupo lang. You?

Rivero:

Nagpapahinga. Kamusta ka?

Ako:

I'm okay. Uhh.. may sasabihin sana ako.

Pumikit ako ng mariin.

Napadilat ako ng makita ko ang bilis ng reply nya.

Rivero:

What is it?

Ako:

Uhmm.. niyaya kasi ako ni Deanna na mag beach next week. Gusto ko lang sabihin sayo para alam mo.

Rivero:

Ikaw lang? Bawal ba raw magsama?

Napaawang ang labi ko.

Ako:

Pwede naman daw.

Rivero:

Then, sasama ako.

Ako:

Hindi ka ba busy non? Okay lang naman kung hindi ka makakasama.

Rivero:

No. I'll come.

Hindi na ako nag reply pagkatapos.

Really?

Binuksan ko ang twitter ko. May mga nakikita akong shippers naming dalawa. Sa hindi sinasadyang pangyayare ay nakita ko ang account ni Eunice. Binuksan ko iyon at tinignan dahil sa pagka curious ko.

May mga tweets sya roon na kinagulat ko. Para kasi syang nagpaparinig about something na sya pa rin naman daw ang gusto. Tinignan ko ang mga nag comment sakanya at puro mga fans nya iyon, kasama si Ricci.

"Naging sila ba?" tanong ko sa sarili ko.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon