Twelve

1.1K 17 0
                                    


Nakaupo ako sa front seat, tahimik at nakayuko. Nakalagay ang mga gamit ko sa likod na upuan. Hindi ko kayang dalhin ngayon sa tabi ko dahil nandito si Ricci sa tabi ko.

Nakatingin ako sa labas habang sya ay nakatingin sa naman sa akin. Ramdam ko ang mga mata nya kahit na nakaside view ako.

"Galit ka pa ba sakin?" sa maliit na boses na tanong ko.

"Hindi ako galit. Kahit kailan hindi ako magagalit sayo."

"Inaway kita kagabi. Tapos sinigawan pa kita dahil sa inis ko."

"Ganun ka pala magalit? Parang hindi naman ah." sabi nito.

Nag angat ako ng tingin sakanya. It took us a while before we talk like this. Tahimik kaming dalawa kanina pa habang magkatabi kaming dalawa.

Parang walang gustong magsalita kanina. Kaya inunahan ko na lang ng tanong para naman hindi kami naka tunganga lang dito.

"Nagbago na ba tingin mo sa akin?" tanong ko.

"Ha? Hindi kita maintindihan.."

"Nung nagalit ako sayo tapos sinigawan kita.. naisip mo ba na sana hindi mo nalang ako niligawan?" mahinang tanong ko.

Gusto kong malaman. Gusto ko sa umpisa lang alam ko na kung saan lang dapat ako. Hindi yung pinipilit ko sarili ko sa iba na alam ko namang hindi dapat.

"Mahal kita. At kahit kailan hindi yon magbabago. Akala ko nga magbabago tong nararamdaman ko pero mas lalo lang tumindi nung nakita kita na nagseselos." anya.

Nagulat ako roon.

"Hindi ako nagseselos!" inis na sigaw ko.

Narinig ko ang mahinang tawa nya dahil sa sinabi ko. Kinagat nya ang labi nya habang humahalakhak sa tabi ko.

"Alright. Eh bakit ka nagalit?" tanong nya.

Natataranta naman ako sa tanong nya sa akin. Umiwas ako ng tingin sakanya at pinilit alalahanin kung bakit nga ba ako nagalit sakanya.

"Hmm.. kasi ano— pagod kasi ako non."

What?

What did I just say?

Walang kwenta ang paliwanang ko. At alam kong hindi nya yon paniniwalaan. Ano ba naman kasi to.

"Bakit? Nakapag pahinga ka naman non ah? Kasama mo pa nga si Ildefonso non.." may halong sarcastic na sabi nya.

"Pero saglit lang naman.." sabi ko.

"So hindi pa sapat yung time na nagsama kayo ni Ildefonso?"

Tinignan ko siya. Nakakunot ang noo nya sa akin at tila naghihintay sa sasabihin ko.

"Ha? Okay na yon.."

"Tss."

Hindi na sya nakatingin sakin ngayon. Sinuklay nya ang buhok nya gamit ang mga daliri nya. Tumagilid sya at tinaas ang kilay.

"Nagseselos ka ba sakanya?" tanong ko.

Tamad na tumingin ito sa akin.

"Wala namang dapat pag selosan don.. mas lamang naman ako don ng sampung pa ligo." anya.

"So nagseselos ka nga?" tanong ko.

Hindi ito sumagot.

Napa isip tuloy ako. Bakit sya magseselos kay Dave? We're just friends and that's it. Walang dapat na pagselosan kasi hindi ko naman sya gusto. Bakit? Totoo bang may gusto sa akin si Dave?

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon