Six

1.4K 28 7
                                    


Ilang araw ang nagdaan ni hindi man lang nagparamdam sakin si Ricci. Wala man lang akong text o tawag na natanggap mula sa kanya.

Doon na ako nagsimulang mag duda sa pagmamahal nya sakin. Nagsimula akong magtanong sa sarili ko kung totoo ba talaga ang mga sinabi nya noon sakin? Totoo ba?

Kung gusto nya ako diba dapat gumagawa na sya ng move para magkaintindihan kami? Bakit parang pinagloloko nya lang ako?

Nakaupo lang ako sa sala namin habang nanonood ng NBA. Nandito si kuya Anton sa tabi ko na nakataas pa ang paa at tuwang tuwa sa pinapanood.

Dapat masaya din ako ngayon. Kasi paborito ko ang Nba. Paborito kong bonding namin namin yun ni Kuya. Pero ngayon daig ko pa ang lantang gulay sa kilos ko at nararamdaman ko.

"Kanina ka pa tahimik. Panalo na yung mga manok natin oh!" tuwang tuwa na sabi ni Kuya.

Pinasadahan ko ng tingin ang tv. Lamang na lamang ang paborito naming koponan. Napangiti naman ako ng bahagya.

"Pati pag ngiti ang tipid pa.." sabi nya pa uli.

"I am happy.." malumanay na sabi ko.

"You are not. What happen?" tanong nito.

Binitawan nito ang remote na hawak nya at nilagay sa lamesang maliit sa harap namin. Dahan dahan itong humarap sakin at nakita ko sa reaksyon nya ang lungkot.

"Wala naman. Okay lang naman ako." sabi ko.

"Hindi ko tinatanong kung okay ka lang. Kasi hindi ka naman talaga okay. Now.. what happen?"

Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin. Kilalang kilala nya talaga ako. Kaonting kibot at kilos kabisado na nya.

"Kasi hindi pa.. hindi pa nagpaparamdam si Ricci. I am worried." sabi ko.

Tinaasan nya ako ng kilay pero ngumiti naman ito sakin.

"Is that it?" he smirked.

"Kuya naman.." bulong ko.

"What? Are you worried because you think that he might change his feelings towards you?" prangkang tanong nito.

"Ha? Noo.."

"Really? You are good at lying but you can't fool me." anya.

Bumuntong hininga ako.

"Fine. I'm scared. Natatakot ako na baka kaya hindi sya nagpaparamdam dahil hindi pala sya sigurado sa nararamdaman nya para sakin."

"Ilang araw pa lang syang hindi nagpaparamdam.. malungkot ka na. Do you love him?" tanong nito na kinagulat ko.

Hindi ko alam pero hindi ako makasagot. Hindi ako sigurado.

Bigla nyang kinuha ang phone nya sa gilid nya. May tinype sya doon at tumitig ng ilang sandali roon. Biglang may tumawag sakanya at sinagot nya naman ito.

"Hello?" sabi ni kuya.

Tumitig si Kuya sakin habang kausap pa rin yung hindi ko alam kung sino. Tumango tango pa ito at ngumiti.

"Okay na. Approve kana sakin." sabi nito sa kausap nya.

Binaba nya ang phone nya. Ilang segundo syang tumitig sa akin ng seryoso kaya kinabahan ako. May nagawa ba akong mali? Shit..

"It's your time. But please, don't hurt yourself. Be careful." anito.

Tumayo na ito at pumasok sa loob ng kwarto nya. Naiwan ako dito na litong lito sa nangyari at sinabi nya. Nakatulala parin ako at pilit nililinaw lahat..

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon