Thirty Six

705 15 0
                                    




"Tumayo ka na diyan! Mag lunch daw tayo together," sabi ni Bea at pinalo ako.

Kanina pa ako gising pero hindi muna ako tumatayo. Mas gusto ko munang sulitin ang oras sa pag-higa ko. Yung mga kasama ko ay naka ayos na at handa ng bumaba samantalang ako ay nakahiga parin.

"Pag hindi ka pa tumayo riyan, ihahampas ko sayo 'tong unan!"

"Saglit lang!" sabi ko.

Padabog akong umupo at sinimangutan sila. Pinagmasdan ko ang mga suot nila na hindi na pinalitan. Ang akala ko ay nagpalit pa sila e.

Tinanggal ko ang pagka-bun ng buhok ko at piniling ilugay nalang ito. Lumapit ako sa salamin para maiayos ito ng mabuti para hindi naman maging magulo.

Pinaheram naman nila ako ng liptint nila. Nilagay ko iyon at pinagdikit ang labi ko para mag pantay iyon. Sinulay ko ang buhok ko gamit ng kamay ko at ngumiti ng ma satisfy sa hitsura ko.

Kinuha ko ang phone ko sa kama at tinignan ang oras roon. Mag-aalas dose y media na pala ng tanghali. Pinatay ko na iyon at nilagay sa bulsa ng shorts ko.

Lumabas na ako sa kwarto pagkatapos kong makapag-ayos. Iniwan na kasi ako nila Bea rito at nauna ng bumaba. Bakit pa nila ako ginising kung hindi naman nila ako isasabay sakanila?

Nakita ko sa bungad ng hagdanan si Ricci na nakatayo roon habang nakatingin sa phone niya. Sumulyap ako sa likod ko dahil baka may inaantay siyang kaibigan niya. Binalik ko na ang tingin ko sakaniya ng mapagtantong walang tao sa likod ko.

Papalapit na ako sakaniya at mas lalo akong kinakabahan. Nakita ko na binaba na niya ang phone niya at nilagay sa bulsa niya. Tumingin siya sa akin na parang inaantay akong makapunta sa harap niya.

"Are you still sleepy?" tanong niya.

Nararamdaman ko na naman ang mahihinang pag-tibok ng puso ko.

"H-Hindi na.."

Tumango siya at tumingin sa labi ko. Umiwas naman siya ng tingin pagkatapos. Nagkaroon ako ng tyansang dilaan ang labi ko para mawala ang pagka pula noon. Masyado atang makapal ang nalagay kong tint!

"Hindi ka daw.. nakatulog ng maayos."

Sumulyap pa siya sa labi ko pero katulad kanina ay umiwas siya ng tingin.

"Hindi nga. Pero sa byahe kanina at sa kwarto ay nabawi ko naman."

Tumango uli siya. Ngayon naman ay sinulyapan niya ang damit ko. Tinignan niya ang ang shorts ko pagkatapos ay ngumuso.

Kanina lang ay maayos naman siya noong hinatid niya ako sa kwarto. Pero ngayon.. parang kinakabahan siya na kausapin ako. Palagi pa niya akong tinitignan na parang wala ng bukas. Kinakabahan tuloy ako.

"Tara na," sabi niya sa akin.

Tumango ako sakaniya at nauna ng naglakad. Tahimik kaming bumaba sa hagdanan at halos ang mga tunog lang ng sapatos namin ang naririnig sa buong pasilyo. Sa tingin ko ay nasa labas sila.

Narinig ko na maingay sa bandang swimming pool area. Doon ata kami kakain ng tanghalian. Pumasok na ako roon at sumunod naman si Ricci na nasa likod ko lang. Natahimik naman ang mga tao roon sabay tingin sa amin.

I heard the slight teasing of my friends. Umiling nalang ako at hinanap ang mga kaibigan ko na nakangiti na sa akin. Nakasimangot ako at umupo sa tabi ni Maddie.

"What's funny?" tanong ko sakanila.

"Cute nyong dalawa," si Maddie.

Sumimangot ako. "Pinlano niyo 'yon no?"

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon